Dorothy's POV
"Ui Dorothy! Gumising ka!" huh?
"Ano ba 'yon?" hindi pa kasi sikat ang araw.
"Nandito si manager Ryan! Kakausapin ka!"
Ano ba 'yo'n? Lumabas ako ng kwarto at nakita ko siyang nakaupo.
"Ano 'yun?" tanong ko.
"Today is first day of class. Napa-enroll na kita. At dahil malayo iyon, meron kang dorm. At ito ang mga gamit mo. Mga bagong bili." Kinuha ko ang card na may nakasulat na room 348. "At isa pa, Dorothy is not your name. Its Mandee ok? Remember, you're a hot model!"
"Oo nga Dorothy! Kaninang 1:30 am na-release ang photos and magazine mo at andami agad na bumili! Nag-trending ka rin sa mga social medias!" sabi ni Karen.
Social medias? Ano 'yon?
"Ok Dorothy, mag-ayos ka na! Eto ang uniform mo. Mahaba-haba ang pupuntahan natin."
---
Nakasakay ako sa tumatakbo nilang transportasyon. At oo nga, ang layo.
"Mandee, we're. the Sky High Academy! And, room 348 ang dorm mo!" sabi nung manager at umalis na ulit.
So ganito pala ang paaralan sa mundo ng mortal.
Nagpunta na ko sa dorm. At hinahanap ko ang room 348. At iyon nga, nasa harap ko na.
Pinihit ko ang doorknob at pumasok.
Teka.. ba't may dalawang babae dito?
"Hello! Ikaw ba ang doormate namin?" tanong nung isa.
"Ako nga pala si Mica." Sabi ng isang babae.
"At ako si Ann." Sabi nung babae na unang kumausap sakin. "At ikaw si?"
Ako si?
"Doro--- Mandee." Sagot ko.
"Mandee?" tanong nung Mica.
"What is your last name?" tanong ni Ann.
"Last name ano 'yon?" tanong ko. Last name?
"Apelyido. Hindi mabubuo ang pangalan mo kung walang apelyido sa huli." Sabi ni Mica.
"Ahhh... *tango-tango*"
So kailangan may apelyido sa huli? Ok.
-CLASSROOM-
Kasabay kong pumasok sina Mica at Ann. Pinihit na nila ang doorknob at nung pagkapasok naming...
O______O - hitsura nilang lahat.
"Diba si Mandee 'yan?"
"Oo yung exprensionless model."
"Ganda niya kahit expressionless siya!"
Tabi-tabi kaming umupo. At pumasok na ang teacher.
"Ok class, since it is the first day of class, introduce yourself in front. One by one."
Isa-isa na silang nagtayuan.
"Hello! I'm Clarisse Kim." Sabi nung babae at nag-bow.
Teka, ba't wala siyang apelyido sa huli? Kalokohan. At ganoon pala sila magpakilala.
"Ms., introduce yourself." Ay! Ako na pala!
Pumunta ako sa harap at...
"My name is Mandee and my last name is apelyido! In short, I'm Mandee Apelyido." Hayyysss... my cold voice! Nag-bow ako kasi yun naman ang ginagawa ng iba diba?
Pero nagulat ako ng...
"HAHAHAHAHAHAHAHA!"
"BWAHAHAHHAHAHHAHA!"
"MANDEE APELYIDO RAW? HAHAHAHAHA!"
Huh? Diba sabi ni Mica kailangan may apelyido sa huli? Anong nakakatawa don?
"Ok, you may now sit, Ms. Apelyido." Kahit teacher nagtatawa!
Hayyysss... sila nga dapat tawanan eh! Walang apelyido sa huli! Tss! Wala siguro silang utak!