Chereads / Monster Invasion (Tagalog) / Chapter 66 - Matapang na puso!

Chapter 66 - Matapang na puso!

[Matapang na puso!]

Patayin si ape god Son Goku sa loob ng sampung segundo!

Can you do it?

Reward:[150,000 Exp], [5,000 Heaven Coins], [Title: Real Steel], [Bonus Skill]

Failure: [-3 Levels], [-5000 Heaven Coins]

Nang makita ni Ye Song na may isang bagong quest ang na-trigger, nakaramdam siya ng pagkabigla sa kanyang puso.

Hindi niya akalain na ilalagay siya sa peligro ng system.

Level 15 lamang siya ngunit binigyan siya nito ng isang napakahirap na quest. hindi niya alam kung papaano niya makukumpleto ang quest na ito.

Nais ng system na patayin niya si Son Goku, isang high level god na halimaw!

"Sinusubukan mo ba akong patayin ha?" sinabi ni Ye Song sa system.

Napakamot siya ng ulo dahil hindi niya maisip kung paano niya ito gagawin. mukang gusto talaga siyang i-fail ng system sa quest na ito at ang pinakamasaklap sa lahat ay kapag hindi niya nakumpleto ang quest na ito ay mababawasan ang kanyang level!

Ngunit habang nagkakamot siya ng ulo ay may sinabi sa kanya ang system.

*DING*

*Hindi. ang host ay may mataas na chance para makumpleto ang quest na ito kaya ito na trigger*

"Huh? paano ko magagawa iyon, eh mas malakas ang kalaban ko kaysa sa akin?"

*Simple lang ito dahil ang host ay may isa pang promo item sa item shop*

Nang marinig ni Ye Song ang sinabi ng system ay may bigla siyang naalala.

Matapos mag-isip sandali ay kinagat ni Ye Song ang kanyang labi at sa isang iglap, isang screen ang lumitaw sa kanyang harapan.

Agad siyang nagtungo sa item shop at pinindot ang [BUY] nang walang pag-aalangan.

*DING*

[Nakuha mo ang Twin Edge of Baphomet!]

Binili ni Ye Song ang isa pang pares ng twin edge of baphomet na may asul na kulay!

Sa isang pitik ng kanyang daliri, biglang lumitaw sa kanyang kanang kamay ang isang kumikinang na asul na espada.

[You equip Twin Edge of Baphomet]

(00:10)

Sa sandaling nahawakan ni Ye Song ang asul na espada, hindi na siya nag-atubili at biglang naglaho sa kanyang kinatatayuan!

Sa isang kisap mata lamang ay biglang siyang lumitaw sa tabi ni Son Goku!

Ang malamig na reflection ng talim ng espada ay kuminang habang ang kanyang kanang kamay ay diretso na tumama papunta sa ulo ni Son Goku!

(00:08)

Nang makita ito ni Son Goku ay nagdilim ang kanyang ekspresyon. ang tunog ng "Whoosh" ay umalingawngaw sa hangin at sa harap ng kamatayan, ang kanyang katawan ay napalibutan ng isang gintong baluti.

"Whoosh"

Ang gintong baluti na nakasuot kay Son Goku ay may malalim na origin ngunit laban sa [Twin Edge ng Baphomet] ay tumagos pa rin ito at nakaramdam siya ng lamig sa kanyang leeg.

Strand by strand, tumulo pababa ang kanyang dugo!

Kung napalalim pa ang tama ay mahihiwalay na ang kanyang ulo mula sa kanyang leeg!

Nag-miss si Ye Song ng ilang inches dahil sinubukan niyang tapusin ang laban nang mabilis.

Nasayang niya ang pagkakataon dahil sa pagmamadali!

Saka ang special effect ng espada ay hindi rin na-trigger.

Kung si Son Goku ay hindi suot ang gintong baluti na ito, sa talim pa lang ng espada ni Ye Song ay tiyak na makakamit niya ang kanyang wakas.

(00:06)

Nang mapagtanto ni Son Goku kung ano ang nangyari, takot na takot habang tinitingnan si Ye Song.

Hindi niya alam kung paano biglang lumakas ito, pero sa sandaling iyon ay nakakaramdam siya ng takot mula sa espada na kanyang hawak.

Dahil dito ay hindi siya nagdalawang isip na tumalikod at tumakas!

Nang makita ito ni Ye Song ay bigla siyang nabalisa.

Kaagad niyang ginamit ang cloaking para sa karagdagang movement speed at sumugod patungo kay Son Goku!

(00:04)

Nang makarinig si Son Goku ng ingay sa kanyang likuran ay binaling niya ang kanyang ulo at nakita si Ye Song na papalapit sa kanya.

Nang makita ito ay tumakbo ng mabilis at sumigaw ng malakas dahil sa takot!

Ang ilan sa mga armored gorilya ay sumugod patungo sa kanila upang subukang protektahan si Son Goku mula sa kay Ye Song.

Nang makita ito ni Ye Song ay mahigpit niyang hinawakan ang kanyang espada at tumalon ng mataas. habang nasa kalagitnaan ng ere, ang kanyang talim ay nag-slash pababa!

Dose-dosenang sinag ng espada ang naging mga talim na bumagsak pababa na parang ulan na sinasakop ang lugar na sampung metro ang lapad.

Ang lahat ng bagay sa loob ng sampung metro na iyon ay naging alikabok!

Isang mahinang sigaw ang umalingawngaw mula sa talim na bumagsak na parang nagmula sa impiyerno at pumapasok sa isipan ng mga tao.

(00:02)

Winagayway ni Ye Song ang kanyang espada hangga't makakaya niya.

Ang sharp winds ng mahigit sa tatlumpung ray of sword light mula sa espada sa kanyang kamay ay lumilipad palabas at lumilikha ng "Whoosh, Whoosh" na tunog, na bumabagsak sa mga armored gorilya sa ibaba.

Hindi makapaniwala sina Son Goku at ang mga armored gorilya sa nakikita ng kanilang mga mata!

Ang ray of sword light ng espada ay nag i-slash pababa at ang mga armored gorilya ay umangal sa matinding paghihirap.

[Nakakuha ka ng 20,000 Exp]

[Nakakuha ka ng 20,000 Exp]

[Nakakuha ka ng 20,000 Exp]

[Nakakuha ka ng 20,000 Exp]

[Nakakuha ka ng 20,000 Exp]

...

...

[Congratulations sa pag level-up!]

[Congratulations sa pag level-up!]

(00:01)

Nang makita niya ang mga armored gorilya na sunod-sunod na namatay, si Son Goku ay nagpakawala ng isang nakakabinging dagundong at gumawa ng huling pagtatangka upang labanan si Ye Song.

Tumalon siya patungo kay Ye Song na nasa ere upang patayin ito bago siya mamatay!

Nang makita ito, ginamit ni Ye Song ang cloaking upang maprotektahan ang kanyang sarili habang nasa ere at ginawa ang huling swing ng talim patungo kay Son Goku.

(00:00)

[The Twin Edge of Baphomet (Rental Item) has disappeared]

Pagkatapos niyang mag swing ay biglang nawala ang kumikinang na asul na espada sa kanyang kamay ngunit Isang maliwanag na ray of light ang nag-flashed sa hangin na papunta kay Son Goku.

Inactivate ni Son Goku ang kanyang gintong baluti upang protektahan ang kanyang sarili mula sa slash!

"Whoosh!"

-99999

Sinubukan niyang harangan ang ray of sword light ngunit wala itong silbi dahil ang epekto ng twin edge of baphomet ay na-activate kasabay ng [God's Blessing].

Umungol si Son Goku habang siya ay nahuhulog at pagbagsak niya sa lupa ay wala na siyang anumang palatandaan ng buhay!

Pagkatapos ng ilang saglit, ang silweta ni Ye Song ay lumitaw sa kalagitnaan ng hangin.