Chereads / Monster Invasion (Tagalog) / Chapter 67 - Baon sa utang!

Chapter 67 - Baon sa utang!

*DING*

[Matapang na Puso completed!]

[Nakakuha ka ng 150,000 Exp]

[Nakakuha ka ng 5,000 Heaven Coins]

[Nakakuha ka ng isang Title: Real Steel]

(STR + 20 , AGI + 20 , DEX + 20 , VIT +20)

[Nakakuha ka ng isang skill: Soul Storm Slash!]

[Soul Storm Slash LV.1]

Type: Offensive

Attack Type: Weapon

Target: Enemy

Range: 10 meters

Max LV. 10

LV 1-5 20MP, LV 6-10 30MP

Cast a ray of sword light when you swing your weapon.

This skill ignores target's defense

This skill ignores target's flee

Cast Time: Min LV. 0.25 sec / Max LV. 0.7 sec

Cast Delay: Min- Max LV.

2.8 / 2.6 / 2.4 / 2.2 / 2 / 1.8 / 1.6 / 1.4 / 1.2 / 1 sec

[Congratulations sa pag level-up!]

[Congratulations sa pagpatay kay Ape God Son Goku!]

[Nakakuha ka ng 500,000 Exp!]

[Gorilla Mane 1 obtained]

[24 Karat Gold 1 obtained]

[Sturdy Bone 1 obtained]

[Nakuha mo ang Golden Chain Mail Shirt!]

[Eidolon Key 1 obtained]

[Nakakuha ka ng isang Title: God Slayer]

(All Stats + 50)

[Nakuha mo ang isang bonus item!]

[Heaven Gift Box 1 obtained]

[Congratulations sa pag level-up!]

Malawak ang ngiti ni Ye Song nang makita niya ang mga bagong mensahe sa kanyang screen.

Nakaramdam siya ng kasiyahan sa laban na ito dahil nakakuha siya ng mga bagong karanasan sa pakikipaglaban.

Lumapag si Ye Song sa lupa nang may relax na ekspresyon sa kanyang mukha. ngunit sa sandaling tumapak ang kanyang mga paa sa lupa, bigla niyang narinig ang isang notification na tumunog sa kanyang ulo at labis ang kanyang pagkagulat nang marinig niya ang sinabi ng system.

*DING*

[Ang iyong utang sa item shop ay nagkakahalaga ng 1,000,998 Heaven Coins, mangyaring magbayad kaagad!]

"Eh?"

Nagulat si Ye Song nang makita niya kung magkano ang kanyang utang sa system. bago pa siya makarecover mula sa kanyang pagkabigla, nakarinig siya muli ng isa pang mensahe mula sa system.

[Lumampas ka na sa halagang maaari mong hiramin kaya't hindi ka muna makakabili ng anuman sa [Item Shop] hangga't hindi mo nababayaran ang lahat ng iyong utang!]

"A-Ano itong kalokohan na ito? 1,000,998 Heaven Coins?!" nagugulat na sinabi ni Ye Song.

*DING*

*Ito ay ang loan na hiniram mo noong pinagawa mo ang bayan, nagtayo ka ng dojo, dormitoryo at gumawa ng mga customization sa mga ito*

"Pero dapat ay wala na ito simula nang mag-reboot ang system"

*Ang utang mo dati ay nawala nang mag-reboot ang system. ito ang iyong bago utang*

"P-Pero binabayaran ko naman ito ng paunti-unti sa pamamagitan ng pagkumpleto ng mga quests. binawas mo ba iyon?"

*Sa tuwing makukumpleto mo ang isang quest, kukunin ng system ang heaven coins na iyong natanggap upang ibawas ito sa iyong utang. gayunpaman, ang iyong utang ay nagkakahalaga pa rin ng 986,000 Heaven Coins*

"Oops teka. ang sabi mo ay 986,000 heaven coins di ba? bakit biglang naging 1,000,998 ito?"

*Nang binili mo ang [Twin Edge of Baphomet] na nagkakahalaga ng 9,999 heaven coins, ang iyong utang ay umabot sa 995,999. pagkatapos ay binili mo pa ang isa pang pares ng espada nito at umabot na sa 1,005,998 heaven coins ang iyong utang. ngunit nakumpleto mo ang [Matapang na Puso!] na quest at binigyan ka nito ng 5,000 Heaven Coins. dahil dito ay ibinawas ito ng system sa iyong utang kaya't naging 1,000,998 na lamang ito*

"Bakit hindi ako nakakuha ng notification noon?"

*Dahil ang halagang hiniram mo ay hindi pa lumalampas ng 1,000,000 heaven coins. pero ngayon na lumagpas ka na sa limitasyon, wala nang pagpipilian ang system kundi pilitin kang bayaran ang iyong utang bago mo magamit ulit ang [Item Shop]*

Napabuntong hininga na lamang si Ye Song nang marinig ang sagot ng system. hindi niya inaasahan na mangyayari ito.

"Mukhang kailangan kong magsumikap pa" sinabi niya sa kanyang sarili.

Habang siya ay nasa malalim na pag-iisip, isang malakas na tunog ang kumalat sa kagubatan. nagsimulang manginig ang lupa at isang malakas na dagundong ng mga halimaw ang umalingawngaw.

Lumingon si Ye Song upang tingnan kung ano ito at nakita niya ang isang grupo ng mga halimaw na tumatakbo papalapit sa kanya.

"Master!"

"Nasaan na ang mga kalaban?"

"Kami ay dumating upang iligtas ka!"

"Boss! andito na ang mga Kung Fu turtles!"

"Me boom boom enemy!"

"Master, dinala ko sila dito!"

Nakita ni Ye Song si Ahoka, ang Penguin Commandos at ang mga Kung Fu Turtle na papalapit sa kanya.

Nang makita niya na nais magpasikat ng mga ito sa kanyang harapan ay iniling niya ang kanyang ulo at ngumiti.

Nang dumating ang LEMONS sa harap ni Ye Song, si Ahoka na pinuno ng samahang ito ang unang nagsalita at sinabi.

"Master, okay ka lang ba? narinig namin kay Kuchi kung anong nangyari"

"Ayos lang ako, salamat sa pagpunta niyo dito"

"Hindi master, tungkulin naming protektahan ka.."

Matapos maipakita ang kanilang good side kay Ye Song, sinimulang suriin ng LEMONS ang paligid at nakita ang natitirang mga armored gorilya na nakakalat habang nakatulalang nakatingin sa kanila.

Naging malamig ang kanilang ekspresyon ng mga LEMONS ng makita ang mga gorilyang ito.

Samantala, naramdaman ng mga armored gorilya ang hangarin sa pagpatay ng mga LEMONS at bumalik sila sa kanilang diwa at nanginig sa takot.

Ngunit nang aatakihin na ng LEMONS ang mga gorilya ay pinigilan sila ni Ye Song.

"Stop! mayroon akong mas magandang ideya kaysa patayin sila"

Naguluhan ang mga LEMONS sa desisyon na ginawa ni Ye Song ngunit hindi nila ito sinuway. gusto nilang makakuha ng isang mataas na posisyon sa bayan kaya't kailangan nilang ipakita ang kanilang good side sa kanilang master hangga't maaari.

Isang screen ang lumitaw sa kanyang harapan at pinindot ni Ye Song ang [Storage]. pagkatapos ay hinanap niya ang [Eidolon Key] dito at inilabas.

Pagkaraan lamang ng ilang sandali ay isang susi ang lumitaw sa kanyang kamay.

Itinaas ni Ye Song ang kanyang kamay at ang susi ay nagsimulang maglabas ng mga maliliwanag na ilaw!