"And I'll tell you if who the real Killer is."
Nagpapaulit-ulit ang mga huling katagang iyon sa aking isipan. Kilala niya ito? Kailan pa? Paano? May kutob akong may tinatago iyong lalaking 'yon. Paano niya malalaman kung sino ang pumatay kung ako nga hindi ko kilala. Wala namang kaaway, o maski kagalit si Lola sa lugar namin. Paano? Should I trust him? Arggghh! Ang gulo. Pero, I think, I must trust him. It is my only chance, para malaman kung sino nga ba ang demonyong gumawa nang gano'n kay Lola. May iba pa siyang sinabi tungkol sa maraming bagay, and wala naman sigurong mawawala kapag magtiwala ako sa kaniya, hindi ba.
"Magkape ka muna," rinig kong sambit ng kaibigan ko. Agad na inilagay ni Sioney--best Friend ko, ang tasa ng kape sa mesa na nasa harapan ko. Narito kami ngayon sa iisang bahay ko. Pansamantala lamang ito dahil ang bahay na kinasanayan ko ay patuloy pa ring ini-imbestigahan ng mga awtoridad.
"S-salamat," tugon ko. Hinawakan ko ang holder ng cup, at uminom. Fuck.
"Ouch, ang init." Walang paatubiling binitawan ko ang tasa. Ouch. Dinamdam ko naman ang init sa dila at labi ko, ang init talaga. Parang sinusunog ang parteng nabasa nito.
"Okay ka lang bhess? Mainit ba?" tanong nito sa akin. Hinahaplos-haplos ko pa rin ang labi ko gamit ang mga kamay ko, nasunog talaga siya. Mabilis 'kong pumunta sa harapan ng salamin, kitang-kita rin ang pamumula nito.
"Hindi naman iyan ganiyan kainit kanina, ah! Bakit kaya nagkaganoon? Gamutin natin?" aniya.
"It's okay, hayaan mo na mawawala rin to. S-sorry, ang tanga ko kasi," sambit ko, pagpapanatag ko sa kaniya.
"Wait lang, kunin ko lang ang mga panglinis sa kusina." Napatango na lamang ako bilang tugon.
Haplos-haplos kong hinahawakan ang kaparte ng kamay kung napaso rin, bakit parang naluluto ang balat ko sa sakit nito. Tiningnan ko naman ang tasa sa may sahig, hindi ito nabasag.
Pero, ang nakakapagtataka lang ay kung bakit kumukulo, at pumuti ang nabasang parte ng sahig? What the hell? Ano iyon? Akala ko ba brewed coffee ito, bakit naging kulay bear brand na gatas ang kulay nito. Yumuko ako't maiging tiningnan ang parte ng sahig, ang puti talaga. Inamoy ko ito, fuck. Bakit amoy asido ang kapeng ito? Hindi kaya . . . huwag naman siguro.
Napaisip ako bigla, totoo ba ang sinabi niya?
[ F L A S H B A C K ]
Masikip, maamoy, at madilim ang lugar na tinungo namin. Sobrang tago, mainit, at ang mas nakakagimbal pa roon ay isa pala itong lumang opisina dati ng mga sinaunang detective. Surprising, right? Sinong mag-aakala na ang isang madilim at tambakan na basura ay isa palang sekretong lugar.
"Huwag na huwag kang magtitiwala kahit na kanino. Sarili at sarili mo lang ang magiging kakampi mo sa laban na ito." Pagsisimula nito ng diskusyon, habang nakapatong ang kaniyang baba sa kaniyang palad na nasa ibabaw naman ng mesa ang siko, at nakatingin sa akin nang diretso.
"Pinapahiwatig mo ba na hindi dapat ako magtiwala sa 'yo, Tine?" Ngumisi siya. Ang creepy niya talaga. Tine short for--Clandestine. He told his name kanina lang.
"Exactly, pero heto ka ngayon sa harapan ko, ibinibigay ang tiwala sa akin kahit na hindi mo ako gaanong kilala--" Napakunot naman ang dalawa kong kilay sa sinabi niya, pinagloloko niya ba ako? Sabi niya mag-tiwala ako, tapos ngayon sasabihin niyang huwag akong magtiwala maski na kanino? Nababaliw ba siya?
"--ganiyan kasi dapat ang tiwala, hindi kinukuha o ibinibigay, kusang ibinibigay. Kaya hayaan mo na, safe ka, at mapagkakatiwalaan mo naman ako. You can always count on me, Ghoul." Ngayon ko lang narinig mula sa kaniya na binigkas ang pangalan ko. Ang lalim ng boses niya, and it really creep me out.
"Ganoon naman pala, eh. So, bakit mo sinasabing huwag akong magtiwala kaagad?" Napakamot naman ito ng ulo, at nagpakawala nang malalim na hininga. Seryosong-seryoso ang mukha nito.
"Dahil hindi naman kasi lahat mapagkakatiwalaan mo, hindi lahat aayon sa 'yong gusto, hindi lahat totoo at magiging totoo sa 'yo, dahil . . . lahat tayo ay maaaring suspek sa pagkamatay ng Lola mo."
Pansamantala akong natigilan. He has a very big point. Lahat kami ay posibleng suspek sa pagkamatay ni Lola. Gano'n na ba ako ka-occupied these past few days, maski ang pag-iisip ng mga ganito ay hindi ko manlang nabigyang tuon.
"Don't worry, I'll be your second eyes and ears sa lahat ng oras. Ako ang magiging mata, at tenga mo kung alam mong naguguluhan ka." Napangiti naman ako. How did I trust him that easily, hindi ko manlang siya nakilala ng mabuti. Isang oras pa lamang mula nang nagkakilala kami. But now, I feel safe, and secured.
"I have trust on you," aniko ko, ngiti ang bumungad sa akin pagkatapos kong sabihin 'yon. How could he smile more often despite the situation we have dealing with? Napanganga ako sa iniisip ko ngayon, bakit ba naka-focus sa kaniya ang topic? Hindi ba point of view ko ito? I erase those thoughts. Masyado ng nagiging awkward ang sitwasiyon namin.
"Shall we start the plan?" Pang-iiba ko, to remove that clumsy ambiance.
"It's not a plan." Nabaling ang mga tingin ko sa kaniya.
"Then, ano itong ginagawa natin?" Pagbabalik na tanong ko.
"A discussion, I think. So . . ." Tsk. Pareho lang 'yon.
"So?" Gulat kaming dalawa nang tumunog ang cellphone niya.
"May I?" I nod. Tumayo ito, at naglakad palayo. As if naman makikichismis ako sa usapan nila. At kinuha ko naman ang plastic na laruan sa harapan ko, ang cute. Pinagsingkitan ko ang pagtitig dito. Paano kaya nagagawa ng mga tao ang ganitong kaliit na laruan? Pinaikot-ikot ko ito sa 'king kanang kamay nang mapansin ko sa ilalim nito ang parang barcode. Ano 'yon?
332348 3597486
Okay, parang normal lang na numero. Nothing big deal with it.
"About sa mga friends mo," saad niya, kaya't napaangat ang aking mga tingin. Tapos na pala siyang makipag-usap sa phone niya. Palapit siya nang palapit sa akin when I feel something is different.
Bakit parang umiba ang ihip ng hangin. Bakit bigla bumigat ang pakiramdam ko rito?
"What about them? Bakit naman sila napasali sa usapan?" Nakatagpo na naman ulit ang mga kilay ko.
"Detective ka ba talaga?" Hinarap ko siya nang nakakunot ang aking noo. "Ini-insulto mo ba ako?" Taas kilay ko siyang tinitigan. How dare him. Nobody treat me like that way, except him. Paano niya nasasabi ang isang bagay kahit hindi naman niya alam?
"No," he said ironically. Seryosong-seryoso ang mukha niya ngayon. I think, nakatatakot talaga kung sasabat pa ako. I zipped my mouth, and gulp for a few seconds, hindi na lang talaga ako magsasalita. Ang daldal ko kasi. Baka ma-murder ako nito nang maaga. Nakatatakot ang itsura niya ngayon. I take a deep breath.
"O-okay? S-so, a-ano pala ang t-tungkol sa mga k-kaibigan ko?"
"They're one of the suspects--" napalunok ako ng laway. Seryoso ba siya? I think, yes. Pero, paano nasali ang mga kaibigan ko rito? Namatay na si Lola bago pa sila dumating, ah.
"Isipin mo ang una kong sinabi sa 'yo kanina."
'Huwag na huwag kang magtitiwala kahit na kanino. Sarili at sarili mo lang ang kakampi mo sa laban na ito'
Napadako ang tingin ko sa kaniya. Tumikhim siya.
"I will tell you this once again, lahat tayo ay maaaring suspek sa pagkamatay ng Lola mo, at isa na roon ang mga kaibigan mo." Naisip ko na rin iyon. Pero paano kung madamay sila, mapahamak ng dahil sa kapabayaan ko. I can't bare losing any one of them.
"Pero paano kung hindi sila kasali? Masasali na naman ba sila sa gulong ito, inosente sila," sagot ko. It can't be. Hindi dapat sila madamay sa isyung ito.
"Nakakalimutan mo na ba . . ." Bipolar talaga ang isang. Pero seryoso, madadamay talaga sila?
"N-na a-ano?"
"Kilala ko kung sino ang pumatay sa Lola mo."
[ F L A S H B A C K S E N D S ]
Tama nga ang sinabi ni Tine. Kailangan kong mag-ingat nang maigi, kung alam ko na isa sa mga kaibigan ko ang pumatay kay Lola, at maaari ring ito siya rin ang papatay sa akin. Kailangan kong maging handa, kailangan kong maging attentibo. Now or never. Isa na si Sioney sa mga suspect, at verified na isa siya talaga.
"Oy, Ghoul. Ano'ng ginagawa mo riyan?" Gulat akong nanigas sa kinatatayuan ko. Rinig kong sabi ni Chim. Mabilis akong tumayo, at nahagip ko si Chim at Lena na magkasama, magka-holding hands pa. May hindi ba ako alam sa dalawa?
"Ah, eh. Wala naman, pupulutin ko lang sana ang tasa, nahulog kasi." Napakamot na lang ako, hindi talaga ako sanay na magsinungaling. Pero kailangan, dahil isa sa kanila ang kaaway ko, o mas higit pa.
"Oy, Chim, Lena. Nariyan na pala kayo. Naghanda ako ng champorado sa kusina, tara kain tayo." Nanigas ang buo kong katawan. Naiisip ko na naman ang nangyari kanina. May asido ang kape ko. Baka? Mayroon rin siguro 'yong champorado. Waaaah!
"Naku bhess, sorry. Nakalimutan ko ang pamunas sa kusina, wait lang. Kunin ko lang ulit."
"Ah, sige. Okay lang, take your time," tugon ko. At agad na rin itong nawala sa mga paningin ko.
"Hmmmm, mukhang masarap iyon, ah. Tara Chim, kain tayo. Nakakagutom rin kasi ang ginawa natin." Napalunok naman ako. Jusko, ano'ng gagawin ko? Mabilis na nakabalik si Sioney, at dala-dala nito ang pamunas. Nakailang lunok na rin ako ng laway, kayanin mo self. Inhale, exhale. Walang alinlangan na pinunasan ni Sioney ang sahig. Nawala kaagad ang pamumuti nito.
"Tara na Chim, nagugutom na ako. Halika ka na Chim, bilis. Ghoul dali, ikaw din. Kain tayo roon," wika niya. Napatitig lamang ako sa kanila dalawa, anong isasagot ko? Tatango pa lamang ako nang. . .
"Ikaw rin Ghoul. Punta ka na lang sa kusina, tawagin ko lang sina Lux, at Eunice," saad ni Sioney, mabilis naman niyang pinuntahan ang dalawa, sina Chim at Lena ay nauna na. Anong gagawin ko? Baka ma-food poison silang dalawa, kami. Isip brain, isip please. Waaaaah, alam ko na. Wait? I have a plan. Pero, paano ko 'to gagawin? Baka magalit sila? Hays, I have to do this. Bahala na. For the sake of our safety.
Mabilis ko na tinungo ang dalawa sa kusina. Hay, thank God hindi pa pala sila kumakain. I run as fast as I could, I should stop them. And I know it is the only way.
"Hep, hep, hep. Ako na. Maghugas na muna kayo ng kamay bago kumain." Saway ko sa kanila at agad na tiningnan ang champorado sa casserole. "At para mas feel natin ang magandang ambiance today, sa terrace tayo. Papuntahin mo na lang din sina Lux, Eunice at Sioney, ako na magdadala ng mga pagkain." Nakita ko pa silang sabay na nagpakita nang malawak na ngiti.
"Good idea, tara Chim bilisan natin, magkaka-bonding na naman ulit ang Squad A." I smile. Jusko, sana alam niyo ang mga nangyayari. Napadako ang tingin ko kay Chim, what's with that look? Ang talim nang nga titig niya. Napalunok naman ako ng laway.
"Go, alis. Mag-p-prepare na ako, shoo." Pagtataboy ko sa kanilang dalawa. Umalis silang dalawa, pero kinabahan talaga ako sa titig niya. Senyales na ba iyon? I took a deep sigh. Saka ko na lang iisipin 'yon. Dinako ko muli ang paningin ko sa champorado.
What's the plan Ghoul? Ngayon pa talaga nawala ang plano ko kanina. Shocks, anong plano. Napa-face palm naman ako. Ayaw gumana ng utak ko. Nalingon ako sa paligid ko hanggang makita ko ang . . . napangiti na lang ako.
Mabilis ko itong kinuha, at agad na inihalo sa champorado. Ano kayang lasa nito. Dinamihan ko pa ang paglalagay ng suka at toyo sa champorado, kadiri. Kumuha ako ng sandok at mabilis na inihalo sa champorado, o kung champorado pa ba talaga ito. Magsasalita na sana ako nang biglang . . .
"Ghoul? Ano'ng ginagawa mo?" Bumungad kaagad sa akin ang nagtatanong na mukha ni Lux. Mabuti na lang, at naitago ko na ang toyo sa suka sa likod ko.
"Ah, eh, mag-p-prepare kasi ako ng champorado para sa ating lahat. Mauna kana sa itaas, ako na magdadala nito."
"Huh? Hindi ba hindi ka marunong magluto?" Pati ba naman 'yon i-uungkat niya? Why so unfair. I frowned.
"Si Sioney kasi ang nagluto nito, ako na maghahanda." Napatango naman siya.
"May kasama ka ba rito kanina, bago ako dumating?" Huh? Kasama?
"Wala naman, ako lang. Kanina pa kasi ako iniwan nina Chim at Lena, bakit mo naman naitanong?" Pabalik na interogar' ko.
"No, I mean . . . Nothing. Wala naman," utal na sagot nito. Napatango na lang ako.
"Ahhh, sige una ka na. Ihahanda ko lang ito," at muling itinuon ang atens'yon ko sa casserole. Sana hindi ako pumalpak.
"Let me help you." Hindi ko na lang siya pinigilan.
* * *
"Pray muna tayo bago tayo kumain, ha." Sumang-ayon naman silang lahat sa itinuran ni Eunice--kapatid ni Chim. Kinakabahan na ako sa maaaring mangyari. Kaya nilagyan ko ng suka at toyo para umiba ang lasa nito, para itapon na rin kung pangit ang lasa, at hindi ko lang alam kung gagana ang plano ko. Acidic kasi ang toyo at suka, sana ma-neutralize ang lason/asido na inilagay kung mayroon man.
"Kaininan na!" Sobrang bilis nang tibok ng puso ko. Napapikit ako bigla. Please, God. Help me. Sana hindi nila kainin 'yan. Isa isa nilang nilagyan ang mga mangkok ng tag-iisang sandok ng champorado.
"Shit!" Dumako ang tingin ko kay Chim. Napakunot ang noo at kilay nito. "Sorry, I lose my appetite," wika niya.
"Ang pangit ng lasa, buyset. Champorado ba talaga 'to?" bulyaw ni Lena.
"Fuck, ano 'to?" Napabalikwas ang tingin ko kay Eunice. WTF? Ulo ba 'yan ng daga.
"Waaaaaaaaaahhhh!" Sabay-sabay kaming lahat na napasigaw. Shocks, ano 'yon? Napatayo ang ilan sa amin at agad na itinapon ang champorado mula sa terrace.
"Ghoul, what's the meaning of that stupid-damn-thing? Balak mo ba kaming lasunin?" Ramdam ko ang galit ni Chim. Hindi naman ako ang nagluto ah.
"I--" Hindi pa ako natatapos nang . . .
"Kung gusto mong magpakamatay dahil wala na si Lola Aloisa huwag mo naman kaming idadamay. Lalasunin mo pa kami, damn. Nababaliw ka na nga," bulyaw ni Lena. Tuluyan' nang tumulo ang mga luha ko. Hindi ba uso sa kanila ang explanation?
"Hey, stop. Tama na, alam niyo naman ang pinagdadaan ng tao, tama na. Intindihin niyo na lang siya," malumanay na tugon ni Eunice. I gaze over her. 'Thank you' sabi ko sa isipan ko habang patuloy pa ring umiiyak.
"I'm the one who made it, sorry." Napalingon kay Sioney ang iba pa naming kasamahan. Their faces shows confusion.
"Akala ko kasi magugustuhan niyo ang inihanda ko. Inakala ko kasi na kumakain kayo ng exotic foods, kaya I'm sorry talaga. Hindi na mauulit."
"Ghoul?" Umaagos pa rin ang mga luha ko habang lumilingon sa kanila. Nakita ko ang galit na mukha ni Chim at Lena kanina ay napalitan ng awa. Fuck, mukha bang hindi masakit iyong sinabi nila.
"Ghoul, I'm so sorry. Hindi ko sinasadya--" bago pa si Lena matapos na magsalita ay mabilis na akong tumakbo pababa.
"Hayaan mo na, nabigla lang siguro. Give her time," rinig kong sambit ni Lux.
Napansin ko na lang na nasa sala na ako. Ang sakit, sobrang sakit na masabihan nang ganoon ng mga naging kaibigan mo. Sobrang sakit, wala ba silang tiwala sa akin. Ganito na ba ako kaliit para sa kanila. Humihikbi pa ako habang patuloy na umaagos ang mga luha ko. Ako na lang palagi ang umiiyak. Nakakasawa na. Lola, please isama mo na lang ako please. Hindi ko na kaya.
Naglalakad-lakad ako papuntang garden. Sana naman maibsan nito ang sakit at lungkot na nararamdaman ko ngayon. Tanaw mula sa kinatatayuan ko ang casserole na ginamit kanina. Nilapitan ko ito at . . . napatakip na lamang ako ng bibig.
Sobrang daming bubog na nasa casserole, sigurado akong isang lunok lang namin ay patay kami nito. Pinunasan ko ang mga luha ko, at tinignang mabuti ang casserole.
"Balak mo ba talaga kaming patayin ha, Sioney?" bulong ko.
Siya na ba talaga ang taong iyon. Ang walang hiyang pumatay kay Lola? Ramdam ko na naman ang galit sa mga palad ko, papatayin talaga kita 'pag nalaman kong ikaw nga iyon, kahit na best friend pa kita.
---
HeartHarl101