Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

The Bad and The Beautiful

DU_DZ
--
chs / week
--
NOT RATINGS
12.7k
Views
VIEW MORE

Chapter 1 - Chapter 1

Chapter 1

EDWARD POV

"Kyahhhhhhhhhh si EDWARD BARBER dito mag-aaral sa EU"

"O my ghad Bes, ang gwapo niya talaga!"

"Bes, pakisilip nga kong may panty parin ako!"

"Yuck kadiri ka!"

"H-Hi Edward!"

"Edward pansinin mo ako!"

"Kyaaaaahhhh! Ang hot niya talaga!"

Pagpasok ko palang yan na agad ang hiyawan ng karamihan. Napangisi nalang ako sa mga naririnig ko. Pilit ang ngiti akong humarap sa kanila.

"Hi" tipid kong bati ngunit umakto silang hihimatayin na. Napailing ako sa mga nakikita ko.

Tumalikod akong muli at naglakad para hanapin ang room ko.

Unang araw ng pasukan sa kolehiyo. Engineering ang kinuha kong Kurso. Civil Engineering.

-Marco Calling-

"Hello? Nasa school kana?"

"Mmm, nasa hallway na! Nasan ka?"

"Nandito na kami ni Macoy sa room, bilisan mo magstart na ang klase."

"Geh lapit na."

Sabay baba ng cellphone ko.

Nasa loob na ako mismo ng building kaya nagmadali akong umakyat. Saktong nakasabay ko pa ang Prof namin.

"Goodmorning Miss.."

"And you are?"

"Edward John Barber Miss.."

"How are you related to Eng. Kevin Barber?"

"He's my father Miss."

"Mmm, you may sitdown."

Nagvow ako at umalis na sa kanyang harapan. Isang sikat na Engineer si Daddy dito sa lugar namin. At bukod dun ay kilala ang pamilya namin dahil sa halos lahat ng kamag-anak namin ay mga Engineer maging ang lolo at lola ko.

Bukod pa dun ay isang Mayor dito sa San Andres si Daddy kaya naman ay kilala ako ng mga tao dito dahil sa dalas kong pagsama sa mga campaign nila.

"Late kana naman tsk tsk" naiiling si Macoy.

"Ikaw na maaga lagi. Di naman late kasabay ko nga lang si Miss."

"Sus, sabihin mo hinarang kana naman ng mga babae diyan sa hallway."

"Anu pa nga ba" mayabang na sabi ko kaya nagtawanan kami.

Gaya ng nakagawian ay isa isang nagpakilala ang mga nasa klase. Tantya ko ay nasa 30 lang kami at karamihan ay lalaki. Sino ba naman ang mag-iinteres na babae na mag-Engineer?

"Hi im Marc Carlos De Leon 19 from Blk 37 San Andres."

"Hi Im Marco Gallo, 19 from blk37 San Andres"

At ako na ang sumunod. Kapansin pansin ang paghagikgikan ng iilan naming kaklaseng babae nang tumayo ako. Nginisian ko lang sila at nagsimula nang magsalita.

"Hi Im Edward John Barber 19 from 37 San Andres" cool na pakilala ko sa kanila.

Sa totoo lang ay kahit hindi na ako magpakilala ay alam kong kilala na nila ako ^____^

Lumipas ang isang oras ay may biglang pumasok na babae? O lalaki? Ang tangkad niya!

Nakahoodie, maong pedal ripped shorts, sneakers at Bagpack.

Nagtuloy tuloy siya sa pagpasok. Bahagya pa siyang huminto at animoy naghahanap ng mauupuan.

Nang makakita siya ng upuan ay umupo agad siya ng walang pasabi at ang pwestong yun ay sa unahan ko pa.

Tiningnan ko ang mga reaction sa paligid.

Ang lahat ay nasa kanya ang atensyon.

Si Miss ay gulat na gulat na akala mo ay nakakita ng multo nakanganga pa ang bibig.

Bigla siyang tumikhim.

"Ehem. Lets continue.."

Laglag ang panga ko sa narinig ko.

Anong continue?!

Hahayaan niya nalang ba yun na bastosin siya?!

Pumasok itong babaeng to na sobrang late at pagkatapos ay matutulog lang at hahayaan lang niya?!

Unbelievable alelujahhhh!!!

"Nakita niyo yun Dre? Hinayaan lang siya ni Miss at bakas pa sa kanya ang gulat?" Bulong ni Marco.

"Hindi kaya kilala niya ito?" Sabay turo dito sa babaeng nasa unahan ko na diko malaman kong tomboy ba o lalaki.

Hindi ko nakita ang hitsura niya dahil sa hoddie niya.

Matangkad, patay, at maangas ang lakad niya.

Kong titingnan mo ay maganda ang kutis niya, lalo na ang mga binte niya na wala manlang kapeklat peklat ni isa.

Napatikhim ako. Masyado na ata akong naging intersado sa babaeng tomboy na to.

"What is the use of calculus?" Miss Bermejo.

Nanahimik kami lahat. Putek! Kaka-umpisa palang ng klase, lesson agad? Tsk -__-

Napaurong ako ng biglang gumalaw yong babaeng tomboy at umayos ng upo. Sa pagkakataong ito ay tinanggal niya ang hoddie niya, side view palang kitang kita na ganda ng kutis ng mukha niya. Maliit ngunit matangos ang ilong. Mahaba ang pilikmata.

"Done checking me out?" Tanong niya ngunit hindi nakatingin saakin.

"Eh?"

"Tss"

Napalunok ako.

Yong boses niya malaanghel ang tono.

"Again, what is the use of calculus?"

"Among the disciplines that utilize calculus include physics, engineering, economics, statistics, and medicine. It is used to create mathematical models in order to arrive into an optimal solution. For example, in physics, calculus is used in a lot of its concepts."

Biglang salita ni babaeng tomboy.

"Very good.."

Napanganga ako. Ang galing niya.

"What does it mean to differentiate a function in calculus?"

"Differentiation is the algebraic method of finding the derivative for a function at any point. The derivative is a concept that is at the root of calculus. There are two ways of introducing this concept, the geometrical way (as the slope of a curve), and the physical way (as a rate of change)"

Sunod sunod akong nalunok.

Matalino siya pero bakas sa boses niya ang pagkasarkastik at walang galang sa sagot niya.

Maging si Miss Bermejo ay napapalunok tuwing titingin sa kanya.

Prente siyang nakaupo sa upuan at parang walang ganang sumagot sa mga tanong ni Miss na parang siya lang ang nakakaalam.

"What is a derivative in calculus?"

"The derivative measures the instantaneous rate of change of the function, as distinct from its average rate of change, and is defined as the limit of the average rate of change in the function as the length of the interval on which the average is computed tends to zero."

Nagtuloy tuloy ang disccussion at tanging siya lang ang nakakasagot sa katanungan.

Lahat kami ay nakanganga lang sa kanya at di makapaniwala.

Nauna siyang lumabas saamin kaya naman bigla siyang pinag-usapan nang mga kaklase namin.

"She's so weired."

"Ang angas niyang sumagot kay Miss. Nakita niyo yun? Parang wala siyang galang."

"Pagpasok niya palang ay di manlang niya binati si Miss kahit na halos isang oras siyang late."

"Pero dimo maitatanggi, matalino siya. Diba?"

Napatingin naman ako sa dalawa kong kaibigan na lutang parin.

"Grabe bro para siyan walking encyclopedia. Ang galing niya."

Manghang manghang sabi ni Marco.

"Sus, nakapag-aral lang yun. Mayabang siya sa pandinig ko. Hindi manlang niya iginalang si Miss." Naiiling na sabi ko.

Lumabas na kami sa room namin at nagpunta sa susunod na klase.

"Kaklase kaya natin siya ngayon?"

"Ewan! Nauna siyang lumabas pero wala pa siya dito."

"Hmmm, ayan na si Sir." Isang baklang kagalang galang ang pumasok sa room namin.

"Introduce yourself now!" Sigaw niya. Mukhang strikto ang isang to.

Nagmadali namang nagpakilala ang mga kablock namin. At kami din ang sumunod!

Nang matapos ay tumalikod siya para magsulat ngunit biglang pumasok si babaeng tomboy na gaya kanina ay pinagmasdan lang ang paligid na para bang wala siyang pakialam. Maging si Sir ay hindi niya pinansin.

Sabay sabay siguro kaming napalunok ng makita namin ang naniningkit na mata ni Sir.

"You!!" Sigaw ni Sir sabay turo kay babaeng tomboy.

Patay ka ngayon!

"Who are you?!" Gigil na sigaw ni Sir.

"Tss"

0__0

Sininghalan lang niya si Sir.

"Stand up!!" Sigaw na naman ni Sir

Wala itong kagana ganang tumayo.

At tinignan pa si Sir na animoy tinatamad look.

"Sino ka sa akala mo para bastosin ako ha?!"

"Ang bastos nakahubad" sarkastik niyang sabi. Di namin maiwasang matawa sa isinagot niya ngunit nong makita namin ang naggaalaiti sa galit na si Sir ay nanahimik kami.

Pucha! Ang bastos nakahubad?! Hahahahahaha

"Mayabang karin e no! Anu bang pinagyayabang mo?!"

"Marami! Kahit yang kinatatayuan mo ay pag-aari ko!" Nakangisi niyang sagot.

"Hambog!"

"Nagsasabi lang ng totoo Sir.."

"Tignan lang natin kong may ibubuga ka sa klase ko!"

Parang nanhahamon ang tingin ni Sir.

Anu bang pinagsasabi nitong babaeng tomboy na to?!

"What chemistry is all about?"

"Chemistry is the study of matter, its properties, how and why substances combine or separate to form other substances, and how substances interact with energy. Many people think of chemists as being white-coated scientists mixing strange liquids in a laboratory, but the truth is we are all chemists."

Walang kagana gana niyang sagot.

Natigilan si Sir sa kanya.

"What kind of science is chemistry?"

"Chemistry is sometimes called the central science because it bridges other natural sciences, including physics, geology and biology."

"What is a chemical combination?"

"A combination reaction, , also known as a synthesis reaction in chemistry is when two or more substances, or reactants, combine with each other to form a new product. The product will always be a compound. There are three types of combination reactions: Combination of two elements."

"What is the point of chemistry?"

"Yuval Jacoby, Learned Chemistry, Physics, Biology, Evolution and Biochemistry. The purpose of Chemistry, like every science, is to understand the universe and create logically constant laws. In the case of Chemistry- understanding of matter."

"Tss. Pagod na ako! Kong ako lang pala ang tatanungin mo ng tatanungin edi sana naghomeschooled nalang ako at kinuha kitang professor." Ngisi ngunit malamig na pahayag niya.

Napapahiyang tumingin saamin si Sir at nagtuloy tuloy sa klase,

Madami parin aiyang katanungan ngunit tanging si Babaeng tomboy lang ang nakakasagot.

Dumating ang lunch break namin kaya dumerecho kami sa canteen.

"Bro si babaeng weirdo tignan mo" turo ni pat.

"Bulag kaba?! Ha?! Hindi mo makita ang dinadaan mo dahil diyan sa suot mong hoddie! Tignan mo ang ginawa mo saakin?!" Sigaw nong lalaki na natapunan ng juice.

"Tss" singhal lang ang isinagot niya.

"Alam mo ba kong magkano itong damit na tinapunan mo ng juice?! Limang libo to, tapos tatapunan mo lang ng juice?!"

Limang libo?! Para sa isang tshirt?!

Ang dami ng taong nanunuod sa kanila. Napahinto sa kanilang ginagawa at nag-aabang sa susunod na mangyayari.

Biglang gumalaw si babaeng tomboy at hinugot ang wallet na panlalaki at naglabas ng pera.

"Sampung libo yan, siguro naman bayad na ako?! Sobra sobra pa!" Nakangising sagot niya upang matigilan yong lalaki.

Nagsimula ng maglakad si babaeng tomboy ngunit hinawakan siya sa balikat nong lalaki at umaaksyon na susuntukin si babaeng tomboy ngunit naging alerto ang kilos niya ay nahawakan ang kamay niya. Inikot niya ito dahilan upang mapangiwi si yabang.

"Wag mo akong hahawakan! Alam mo ba kong magkano ang hoddie na to?! Bente mil ang halaga neto! Huwag mo akong paandaran sa kayabangan mo dahil walang limang libong halaga na tshirt sa bench na pinagbilhan mo niyang suot mo!!" Madiin niyang sabi. Sabay tulak kay boy yabang na dahilan para matumba.

Nakakatakot siya! Yong dilim ng mga mata!

Hindi man siya pagsalita kitang kita sa mata niya ang galit niya. Nakakatakot siya!

"Oh my ghad, nakakatakot siya."

"Kababae niyang tao ang angas niya, kilala niya ba kong sino yong binangga niya? Si Nikko yun ang nang Hashtgang. Tsk lagot siya! Si nikko pa naman yong hindi umuurong kapag kinanti!"

"Tatawanan ko pa siya kapag kinati siya, masyado siyang maangas at hambog."

"Pero babae parin siya."

"Hindi siya babae, sa angas niyang yun?! Psh"

Napadako ang tingin ko kay babaeng tomboy na nakaupo na sa mesa at kumakain mag-isa. Kahit na siya yong usap usapan sa buong canteen ay wala siyang pakialam.

"Tara na pila na tayo bro."

Dumerecho na kami sa line at pumila. Hindi maalis ang tingin ko kay babaeng tomboy.

"Bro ikaw na."

"Ahh sige, aahhh ate rice meal nga hmm caldereta nalang yong ulam tapos isang ice tea."

Pagkatapos kong magbayad ay hinanap ng mata ko sila Marco, yong lamesa nila ay kaharap lang ng mesa ni babaeng tomboy.

"Bat dito?"

"Wala nang iba e"

"Mmm."

Kahit anong gawin ko talaga ay laging dumadako ang mata ko kay babaeng tomboy.

Curiousity! Yan ang pumapasok sa isip ko!

May konting inis dahil sa kayabangan niya.

Biglang umangat ang paningin niya at nagtama ang paningin namin.

Yong titig niya nakakahypnotismo.

Malamig at punong puno ng galit ang mga mata niya.

Masama ang titig niya.

Ako na ang unang umiwas.

Pinagpatuloy ko nalang ang pagkain ko.

-BLAGGGG-

Malakas na hampas kaya napatingin kami.

Bumalik yong nikko but this time may kasama nang tatlong lalaki.

Nginisian lang sila ni babaeng tomboy.

"Mayabang ka! Ngayon tingnan natin ang angas mo!"

"Tss"

Tangina babaeng tomboy magyayabang ka parin ba?! Mas lalo mo lang ginagalit sila!

"Tumayo ka diyan!"

"Okey.." Walang kagana gana siyang tumayo.

Bigla siyang hinambot ni Nikko kaya bahagya siyang napaangat.

"Sabi ko sayo wag mo akong hahawakan! May oras kapa para bitawan mo ako!" Mariin niyang sambit.

Ang dami nang nakapalibot sa kanila kaya pati kami ay napatayo na. Bakit ba parang kinakabahan ako.

Apat sila at isa lang siya babae pa.

"Masyado kang maangas Miss! Miss nga ba?!" Ngisi nong nikko.

"Tirahin mo na yan boss."

"Baka sabihin niya hindi tayo patas, sige bibitawan kita at hahayaan kitang sapakin ako kahit isa baka mamaya hindi kana makilala HAHAHAHA!"

"Daming satsat!" Babaeng tomboy.

Malakas niyang hinawakan ang dalawang kamay nong nikko at napangiwi ito kaya naman ay nabitawan siya.

-PAAAKKKKKKKK-

-BOOOGGGGSSSSS-

-PAAAKKKKKKKK-

-BBOOOGGGGGSHHH-

TUMBA YONG APAT !!!

Napalunok ako.

Hindi manlang pinagpawisan o hiningal si babaeng tomboy.

"What's happening here?!"

Isang malaking sigaw.

Patay na. Si Dean ng buong course.

Biglang naningkit ang mga mata niya nang mapadako ang mata niya kay babaeng tomboy.

"Rina! Dalhin mo sila sa office ngayon na!"

Tumalikod ma agad si Dean.

Agad naman sumunod si babaeng tomboy kasunod sila nikko.

"Kailangan ko ng testigo, ikaw! Sumama ka saakin!" Turo niya saakin.

Ako?!

Bakit ako?!

Tsk!!!

****

Experiment lang hahahah

Lahat ng mga sagot at tanong ay sa google ko lang lahat nakuha. Hahahaha