Edward POV
Iiling iling akong pumasok sa room namin.
Sa isip ko lang naman yong tomboy siya, hindi ako makapaniwala na totoo pala. At ang ganda kamo ng girlfriend niya.
"Gosh! Kapag nakita ko talaga yong babaeng yun, kakalbohin ko talaga siya!" Naggagaliiting sabi nong labanos.
Yong boyfriend na girlfriend niya ay parang bored na bored siyang pinapakinggan, kong babasehan ko sa hitsura niya ay para sinasabing wala siyang pakialam.
"Sino ba siya sa akala niya ha?! E siya etong haharang harang tapos siya ang magagalit?! Pakyu siya kamo!" Sigaw ni labanos.
Kami at ang mga kaklase namin ay nakikinig lang sa kanya.
"At ikaw naman bakit hindi mo ako tinulungan?! Ha?!"
"Hindi ako pumapatol sa babae."
Sus! Ang sabihin mo type mo yong babae kanina, hmm may hitsura din pero mas maganda yang jowa mo. Hahaha
"Talaga ba?! E halos patayin mo na yong babae dun sa bar ahh!" Inis na sabi niya.
"Iba naman yun Kisses, Pwede ba manahimik kana ang sakit sakit na sa tenga!" Singhal niya.
Bigla namang nanahimik si labanos.
Ayy under de saya pala. Hahaha
Bigla akong tinapik netong dalawa.
"Oh?"
"Ang ganda niya no?" Marco.
"Tama ka! Maganda nga siya at napunta rin siya sa maganda hahaha"
"Anu?!"
"Magjowa ang dalawang yan."
"Wee?! Paano mo nalaman?"
"Nakasalubong ko ang dalawang yan kanina, at babe ang tawag sa kanya ni babaeng tomboy."
"Ayy bro, broken hearted kana agad. Hahaha yaaayyyy! Minsan lang magkagusto hindi pa lalaki ang tipo. Hahahaha"
Loko talaga to si Maccoy Hahahaha
Dumating narin ang lecturer namin kaya naman nagdiscuss agad.
Gaya kahapon ay puro si Babaeng tomboy lang ang nakakasagot sa mga tanong ni Miss.
Ngayon kahit ang girlfriend niya ay nakakasagot din. Matalino silang dalawa yun ang pinagkasunduan siguro nila.
Tulad din nong kahapon ay bakas parin ang pagkasarkastik at walang galang ang boses niya. Hindi ko alam kong bakit hinahayaan lang ni Miss ang ganun. Tsk!
Discuss
Discuss
Discuss
LUNCHBREAK
Nauna na naman silang lumabas. Tsk!
"Ang talino nila anu?"
"Super.."
"Sabi ng kaibigan ko magjowa daw ang dalawang yun."
"Talaga?"
"Tomboy yong isa. Pansin mo nga lalaking lalaki ang kilos."
"Sayang maganda pa naman siya."
"Totoo kahit na panglalaki ang suot niya."
Hanggang sa makalabas kami ay puro sila ang naririnig namin.
"Mem, may eksena na naman sa canteen oh!"
Si Babaeng tomboy at labanos na naman -__-
"OMG!!!!" Tili ni labanos nang buhusan siya ng juice nong babaeng nakaaway niya kanina.
"Ha! Dapat lang sayo dahil nuknukan ka nang arte!" Singhal sa kanya nong babae.
Napadako ang paningin ko kay babaeng tomboy. Prenteng nakaupo at nakasuksok ang dalawang kamay sa bulsa nang hoddie.
Gaya ng nakagawian niyang reaction ay bored look na naman ang ipinakita niyang reaction.
"Hoyyy babaeng makapal ang mukha dahil sa make-up na mukha ng naagnas! Ikaw itong tatanga tangang humaharang sa dinadaanan ko!!! At sino saatin ang maarte?! Hah! Manang dapat lang na mag enarte ako dahil maganda ako, e ikaw?! Ang PANGET MO!"
HALOS LUMABAS ANG UGAT NIYA SA LEEG KAKASIGAW!!!
NANLAKI ANG MATA NONG BABAE DAHIL SA NARINIG NIYA!!! NAGTAWANAN DIN ANG NAKAPALIBOT SA KANYA!!!
AKMANG SASAMPALIN NIYA NANG AGAD ITONG NAPIGILAN NI BABAENG TOMBOY!!!
"Teka Miss... Wala sa usapan to!"
"Anu bang pakialam mo?!"
"Sayo wala. Sa kanya meron! Sige subukan mo lang idampi yang magaspang mong palad sa mukha ng babaeng ito, hindi ako magkakamaling saktan ka!" Mariin niyang sabi.
"Tingin mo natatakot ako?! Baka hindi mo ako kilala!'
Nginisian siya ni babaeng tomboy.
"Kailangan mo pa bang magpakilala? I think not, anu bang pinagmamalaki mo?! Yong flower shop niyo? E abuloy lang sa inyo yun ahh."
Bakas ang gulat sa mukha nong babae.
"Anu? Papakainin mo na ba kami? O magkukwentuhan nalang tayo dito?" Walang ganang sambit niya.
"Halika na nga!"
"Wait--------- ha! Yan ang bagay sayo." Binuhusan niya rin ng juice yong babae na hindi na nagawang magreact dahil hanggang ngayon ay tameme parin siya.
"Bilis.."
"Kasi bat dimo pa sinapak yun?" Maktol ni labanos.
"Sabi ko na sayo diba? Hindi ako pumapatol sa babae. May dala kabang pamalit?"
"Wala may isang klase pa tayo.." Sabay nguso ni labanos.
"Sa susunod magdala kana ng pamalit, maraming bully dito sinabi ko na sayo diba?" Hinubad niya ang hoddie niya dahilan para malantad ang hugis ng katawan niya. Hindi gaanong fit yong polo niya ngunit humugis ang katawan niya.
Lahat ng mata ay nasa kanila. Maging ako ay hindi ko maiwasang mapatitig sa kanila.
"Bro tara na, maupo nalang kayo dun ni Marco baka maunahan pa tayo ako nalang bibili."
"Sige Mem."
Naupo nga kami ni Marco ngunit ang mga mata ko ay hindi maalis sa kanya.
Bakit ba punong puno ako ng panghihinayang tuwing nakikita ko siya?!
Dahil ba sa maganda siya at hindi pwedeng mapunta siya sa maganda din?!
Tsk! Baliw kana Edward !
Katulad ko ay nakatitig din si Marco
dun sa kasama ni babaeng tomboy.
Natawa ako sa kanya dahil tulad ko punong puno din ng panghihinayang ang mga mata niya.
"Kawawang Marco, minsan nalang magkagusto, babae pa ang tipo." Sabay tawa ko sa kanya.
"Ulol bro, crush lang naman. Maganda siya anu?"
"Mmm, ngunit maganda din ang gusto hahaha"
"Siraulo marinig ka niyan."
"Ayan na Mem o, naghahanap ng uupuan tanga ayain mo na."
Sinamaan niya ako ng tingin.
"Baka mabugbog ako nong jowa wag na hahahaha"
Nagpalinga linga si labanos maya maya pa ay ngumuso siya.
"Babe wala ng upuan."
"Sinabi ko na sayo sa labas na tayo kumain."
"Eeehh! Gusto kong maexperience ang canteen dito.'
Ilang saglit pa ay nakita namin sila sa harapan namin.
" heyy! Kayo yong classmate namin diba? Pwede makiupo?" Nakangiting sabi ni labanos. Tinadyakan ko sa paa si Marco na mukhang tangang nakanganga.
"Y-Yeah sure.."
"Yey! Thankyyy so much! Babe dito ka!"
Psh! Babe! Bakit ba nasusuka ako?!
"Hi im Kisses, and this sungit beside me is Marydale, hahaha pangbabae no? Pero kilos lalaki."
Pati kami natawa sa sinabi niya.
"Im Edward."
"Im Marco.."
"Mmm i see, bat dipa kayo kumakain?"
Sakto naman ang dating Maccoy.
"Hi classmate,im kisses nakiupo na kami wala kasing bakante."
"Okey lang, maccoy nga pala."
Kaharap ko ngayon si babaeng maraming pangalan. Hahahahaha
Kahapon lang Dale ang pangalan niya ngayon Marydale naman, nakakalito. Baka naman magkadutong ang pangalan niya.
Si Kisses panay ang kwento saamin ng kong anu ano lang, masasabi kong friendly siya samantalang yong isa ay mukhang walang pakialam basta makakain lang.
"Stop talking."
"KJ neto. Nakikipagfriend lang. Paano kong may groupings tayo tapos wala tayong friends lugi tayo." Parang batang sabi niya.
"Kaya kong gawin yun mag-isa."
"Psh! Ayan kana naman sa kayabang mo!".
Nakatitig lang ako sa kanya buong oras ata na kumakain siya.
Mayabang ka nga! Ngunit may ibubuga!
Maya maya pa ay dinampot niya ang botled water at parang slow mo ang nangyari. Dahan dahan siyang sumadal sa upuan ngunit ang paningin niya ay nasa akin.
Naaakit ako sa mga titig niya.
Hindi ko magawang putulin ang titig niya. Hanggang sa uminom siya ay titig na titig parin siya saakin sabay ngisi.
" kabisado mo na?" Casual na tanong niya titig na titig parin siya saakin.
Napatingin din sina Kisses at yong dalawa kong kaibigan.
"Ha?"
Tangina! Yun lang ang tangi kong naisagot.
"Kabisado mo na ba kako?"
"A-Anong ibig mong sabihin?" Kabado kong sabi sa kanya.
"Kanina mo pa ako tinititigan, saulo mo na ba ang mukha ko? Tss wag mong gawing hobby yan baka pati sa pagtulog mo ako parin ang laman ng isip mo, or worst pati sa puso mo." Sabay ngisi saakin.
"Ang k-kapal ng mukha mo." Napapahiyang sambit.
"Woaaahhhhh brooo. Hahahaha"
"Ayiiiiii! Hahaha naku Edward maraming nahuhulog sa mukhang yan." Kisses.
Bigla akong nakaramdam ng init sa mukha.
Damn! Damn! Damn!
Wag kang papayag na ganyanin ka niya.
"Mmm, ngayon alam mo na?" Tanong uli niya.
"Alam na?"
"Mas gwapo ako sayo." Ngisi uli niya. Yong ngisi na nang-aasar.
Tumikhim ako.
"Hindi rin. Oo gwapo ako, pero maganda ka." Ngisi ko din sa kanya.
Diba ganun yun?! Kapag sinabihan mo nang maganda yong tibo ay maiinis sila?
Pero bat ganun?! Mas lalo lang siya ngumisi saakin.
"Nakuuu! Edward, baka ikaw na ang maging dahilan para maging babae ang girlfriend ko. Hahaha"
Psh alam ko lang nagseselos ka!
"Pero hindi ikaw yong tipo ko, ugali mo palang masyado ng delikado." Napangisi ako sa kanya ngunit mas nakakainis ang ngisi niya saakin.
"Wag kang mag-alala, hindi tayo talo."
Fuck! Bakit ba nakalimutan kong tomboy siya?!
Natahimik ako.
"Basag ka brooo. Hahaha" bulong saakin ni Marco. Sinamaan ko siya ng tingin.
Hanggang sa matapos sila kumain at nauna ng umalis dahil magpapalit pa ng damit si kisses.
Dale POV
"Ikaw ang sama sama mo sa mga new friends natin." Nakanguso niyang sabi saakin.
"Friends? Tss."
"Oo nga pala, ang isang hambog na gaya mo ay hindi nakikipagkaibigan sa iba. Masyadong mahal ang talent fee mo no?"
"Bilisan mo na diyan.."
"Oo na po."
Finally nakalabas nadin, antagal magbihis. Huhubarin lang ang damit dami pang arte. Ako nakapunta na sa locker lahat lahat ay hindi pa siya tapos.
"O san ka niyan?" Turo niya sa leather jacket ko.
Dagdag angas saakin to. Para madaming humabol na chicks. Hahaha
"Sa locker. Dala ko to kahapon. Tara na."
Psh! Bagal.
"Ang laki laki netong hoddie mo, e magkasing hugis lang naman tayo."
"Anu gusto mong isuot ko? Fit?"
"Bakit? Nagsusuot ka naman nun ah."
Nanahimik na ako dahil kapag sinagot ko siya ng sinagot dadaldal lang siya ng dadaldal. Ayokong mapagod -___-
"OMG! Look Dale, si Edward sinapak nong lalaki." Tili ni kisses. Tiningnan ko ang tinitingnan niya.
Pumutok yong labi ni edward sa suntok nong lalaki.
"Hoy!" Sigaw ko kaya napatigil yong lalaki. Pareho silang napatingin sa gawi ko.
"Anong ginagawa mo?" Kalmado kong saad habang palapit sa kinaroroonan nila.
"Anu sa tingin mo ang ginagawa ko?! Jack n poy gusto mong sumali?!" Sarkastik niyang sagot saakin.
Abay siraulo nga.
Tinulungan ni kisses si edward na makatayo. Nasaan na ba ang mga kaibigan neto?!
"Pwede ba?"
"Anu?!"
"Pwede bang sumali sa laro niyo?"
"Hoooyyy! Kahit kilos lalaki ka babae ka parin. At hindi ako pumapatol sa babae!"
"Saan lang?! Sa payatot lang?" Ngisi ko sa kanya. Kitang kita ko ang reaction ni edward sa sinabi ko.
"Ang laki ng katawan mo, pero pumapatol ka sa bata."
"H-Hoy! Anu bang sinasabi mo diyan?!"
Sigaw ni edward.
"Alam mo ba atraso niyang lalaking yan saakin?! Hiniwalayan ako ng girlfriend ko dahil nalaman niyang dito nag-aaral yan!"
"Ah kaya.." Bored kong sabi.
"Anong kaya?!" Sigaw niya.
"Malaki nga ang yong katawan pangit ka naman, kaya ka hiniwalayan."
Bakas ko ang galit niya sa mukha at mata niya.
Inambahan niya ako ng suntok dahil mabilis akong kumilos naunahan ko siyang suntukin.
-PAAAAAKKKKKKK-
-BOOOOOSSSSHHHHH-
-WAAAASSSSSSHHHHAAAAKKK-
PINAGPAGAN KO ANG KAMAO KO!
"Yun na yun?" Tanong ko sa kanya.
Hindi siya nakasagot dahil namimilipit siya sa sakit.
Edward POV
Gusto kong magpasalamat sa kanya hindi ko magawa.
Sira ulo siya?! Matapos niya akong laitin?! Ha! Sinong payat?! Ako?! Hindi niya ba nakita ang mga muscles ko?!-____-
Bwissisiiiiiiit siya! Napakayabang niya talaga!!!
"Anong kaguluhan na naman ito?!"
0____0
Si Dean na naman! Nakuuu! Pangalawang araw palang ho, mukhang makakapunta na naman ako sa dean's office.
Tangina naman kasi, anu bang kasalanan ko?!
Kasalanan na bang maging gwapo^_____^
"Sumunod kayo saakin!" Sigaw ni Dean.
Tinulungan ako ni kisses makapaglakad ng maayos dahil sa sakit ng tiyan ko ay diko magawang iayos ang katawan ko.
"Ang bigat mo pala, babe help me."
"Tss sa payat niyang yan? Dimo kaya?"
-_______-
Ang yabanggggg! Talaga!
Hanggang sa makarating kami sa office ay hindi niya talaga tinulungan ang girlfriend niya.
Gentleman talaga!
Yong lalaki ay dinala muna sa clinic dahil sa dami ng sugat sa mukha niya.
"Anu na naman tong gulong pinasok mo Miss Wendell?!"
Derecho kay Dale ang paningin ni Dean.
"Woaaahh wait wait! So, ako ang sisisihin mo?! O Cmon, hindi lang ako ang tao doon at ngayon itatanong mo saakin na anu na namang gulo ang pinasok ko?! Sure kaba na ako ang nagsimula?!" Sigaw ni Dale.
Nanlalaki ang mata ko sa inasal ni Dale, sinigaw sigawan niya si Dean at bakas neto ang hindi paggalang.
Nanginginig sa galit si Dean!
"D-Dean, its not her fault. Naglalakad ho ako sa hallway papunta sa room namin ng biglang may humablot saakin at sinutok ako sa tiyan, tinanong ko siya kong bakit niya ginawa yun ang sabi niya saakin ay nakipaghiwalay sa kanya ang girlfriend niya dahil saakin, e hindi ko naman ho kakilala yong sinasabi niya. Sinapak niya rin ho ako ulit at nakita ako ni Dale kaya tinulungan nila ako." Nanginginig ang bibig ko sa pagpapaliwanag. Medyo kumalma ang hitsura ni Dean ngunit bakas parin sa kanya ang galit.
"Tinulungan mo siya? Imbes na awatin mo ay nakipag basag ulo kapa! Ibang klase kang babae! Halos mapatay mo na yong studyante!" Hindi makapaniwalang sambit ni Dean.
"No puedo creer!" Sigaw ni Dean habang umiiling iling.
"No he dicho créame!" Sigaw pabalik ni Dale.
Mga elien na ata sila. Hindi ko maintindihan ang sinasabi nila.
"Embarazosa usted!" Sigaw ni Dean.
"Más embarazoso usted!" Sigaw ni babaeng tomboy.
"Salir!" Turo ni Dean palabas..
"Bien!"
At lumabas nga si Dale. Anu ba ang pinag-uusapan nila?! Hindi ako makarelate.
"Bastos na bata! Tsk tsk tsk." Naiiling na sabi ni Dean.
"No cambió de forma, desde entonces hasta ahora, pero todavia calle!"
"Sige na, ipapatawag ko nalang ulit kayo kapag okey na yong isa. What's your name again?"
"Edward Barber ho Dean.."
"Barber?"
"Yes Dean."
"Mmm, Kevin Barber's son?"
"Yes Dean."
"I see, you seem so nice. Hindi ka nababagay magkaroon ng kaibigan gaya ni Miss Wendell, Layuan mo siya hangga't maaari."
Natigilan ako sa sinabi ni Dean.
Hindi naman mahirap gawin ang sinasabi niya ngunit bakit ngayon palang nahihirapan na ako?!
Bakit parang hindi ako sang-ayon?!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~