Chereads / The Bad and The Beautiful / Chapter 2 - Chapter 2

Chapter 2 - Chapter 2

Sunod sunod ang paglunok ko nang makarating kami sa harap ng DO, kingina unang pasukan palang ay napatawag ako agad sa Dean's Office. nakuu lagot talaga ako neto kay Daddy. tsk

teka nga bakit ba ako nag-aalala e magkukwento lang naman ako at hindi ako kasali sa gulo.

"Wala sa inyo ang magsasalita?!" sigaw ni Dean.

"Ako ho Dean."

Ang lahat ay napatingin kay Nikko. Maliban kay babaeng tomboy.

"Sige pagbibigyan kitang ipaliwanag ang side mo."

"Kumakain ho kami ng mga kaibigan ko ng bigla tapunan ako ng JUice sa damit ko netong tomboy nato-----"

Hindi naituloy ang sasabihin ni Nikko nang biglang tumikhim si Dean at napatingin kay babaeng tomboy na parang walang pakialam.

"continue.."

"Ayun nga ho, tinapunan niya ako ng juice sa damit ko kaya nag-init ho ang ulo ko, kinausap ko lang naman siya kong bakit niya ginawa yun, bigla nalang ho niya akong dinakot sa kwelyo ko, sabi ko bitawan niya ako ngunit nagulat nalang ho ako ng sinapak niya ako ng malakas maging ang mga kaibigan ko."

Kabaliktaran ang mga sinasabi niya.

Ang tanging naging kasalanan lang dito ni Babaeng tomboy ay natapunan niya ng juice si nikko na tingin ko ay hindi niya naman sinasadya.

"ikaw?! wala kabang balak magsalita?!"

"wala."

Lahat kami ay napatingin sa kanya. Sa inasal niya. Tsk babaeng tomboy wag mo munang pairalin ang kayabangan mo, si dean ang kaharap mo. tskk!

"Wala?!Ha?! Alam mo bang pwede kitang suspendehin sa ginawa mo?!"

Nanginginig sa galit si Dean.

"Hoyyy! ipaliwanag mo ang sarili mo." bulong ko sa kanya.

"wag kang mangialam.." malamig niyang tugon saakin. Bigla akong tinubuan ng inis sa katawan pero hindi ko muna yun iisipin. Kailangan kong sabihin ang totoo!!

"Dean.."

Lahat nabaling sakin ang atensyon pwera lang kay Babaeng tomboy.

"B-Baliktad ho ang sinabi ni Nikko.."

Pansin ko ang panlilisik ng mata ni Nikko saakin. wala akong pakialam hindi ako natatakot!

"Siya ho ang ginulo nila, tahimik ho siyang kumakain ng biglang sinugod siya netong apat na to! siya ho ang hinawakan sa kwelyo------"

"Sinungaling! Nakita mo ba itong mga pasa namin?!" Sigaw ni Nikko.

"Hindi mangyayari yan kong hindi niyo siya ginulo!" Inis na sabi ko sa kanya.

"Manahimik kayo!!"

Napayuko ako sa sigaw ni Dean.

"Ikaw?! wala kang balak ipagtanggol ang sarili mo?!"

"wala! dahil kahit anong tanggol ko sa sarili ko kong hindi niyo papaniwalaan ay parang nagsayang narin ako ng laway." walang galang niyang sabi. Napailing si Dean tila hindi makapaniwala sa mga nangyayari at sa sinasabi netong tomboy na to.

"Rina! Ilista mo ang mga pangalan nila, ito ang kauna unahang offence nila, sa susunod ay may kaukulang parusa na! magsilabas na kayo!"

"Yes Dean."

Nagpatiunang lumabas ang grupo nila Nikko, at sumunod sa kanila ay si babaeng tomboy.

"Hindi pa ako tapos sayo!"

"hihintayin ko."

"at ikaw?! pagsisisihan mong nakisali ka sa gulong to!" Banta niya saakin bago sila tuluyang umalis.

"tss"

Parang siya pa ang galit!

"Teka nga! Hoy Miss, bakit ganun ang inasta mo doon sa loob?! hindi mo ba alam na Dean's Office ang pinasukan natin?!"

"alam ko.." walang gana niyang sabi habang naglalakad.

"anu?! alam mo pala o e bakit ganun ang inasta mo?!"

"anu bang pakialam mo?"

Anu nga bang pakialam ko?! hindi naman ako ang masususpende kundi siya.

"dahil hindi mo na iginalang si Dean!"

"wala kang pakialam..'

"ha! ang yabang mo rin anu?! ikaw na nga tong tinulungan tapos ikaw pa tong mukhang galit?! hoy miss baka kong diko ginawa yun ay baka nasuspende kana!"

"anong gusto mong gawin ko? magpasalamat sayo? sige salamat.." sarkastik niyang sabi.

Talagang hindi ako makapaniwala sa inasta niya.

"at pwede ba sa susunod wag kang mangingialam, dahil kapag may nangyaring masama sayo konsensya ko pa! tss"

Hanggang sa makarating kami sa parking lot at huminto sa harap ng isang DUCATI MONSTER?! Siya ang may-ari neto?!

Mabilis niyang pinaharurot ang Motor niya.

Hambog!

"woahh astig! sa kanya pala yun? kanina ko pa pinagpapantasyahan yun, alam mo ba kong magkano yun?! mas mahal pa yun sa kotse natin bro." sambit ni marco.

"alam ko. tsk mayabang!"

"oh anong sabi?!"

"ayun nagalit saakin! siya na nga itong pinagtanggol. at alam niyo bang kahit kay Dean ay wala siyang respeto?! naku kong nakita niyo lang si Dean kanina, halos atakihin na sa puso sa galit sa kanya."

"Grabe, paano kong maexpel siya?"

"pabayaan niyo! maganda nga yun at bawas ang mayabang dito! psh nababawasan kgwapohan ko sa kanya hahahaha"

"ulol dre.. hahaha tara na nga tambay na muna tayo!"

Kanya Kanya kaming pumasok sa mga sasakyan at umalis sa skwelahan. Tatlo lang ang klase namin ngayon kaya mahaba na ang free time namin. hahahah

Dumerecho kami sa Underground kong saan tambay karamihan ng studyante o kahit mga mayayamang anak ng politika o business tycon.

Dumerecho kami sa Under ground Game zone, kong saan nandon ang bilyaran at kong anu ano pang laro. Mistula itong malaking arcade sa lawak neto, marami na ngang tao! tingin ko ay yong iba ay nagcut nang klase.

HIndi kasi ito masita sita nila Daddy dahil pag-aari ito ng gobernador dito sa lugar namin. hindi rin alam ni daddy na nagpupunta ako dito. dahil tiyak na magagalit yun. at isa pa ay malaki ang galit nun sa gobernor, wala naman siyang magagawa dahil ang buong lugar namin ay pag-aari ng gobernor ultimo ang kinatitirikan ng bahay namin.

"Tingnan mo nga naman ang pagkakataon! talagang sinusundan mo ba ako dito Barber?! Naghahanap kaba talaga ng sakit ng katawan?!"

Napaatras ako nang makita ko si Nikko at ang mga kasapi niya. nasa lagpas sampu na sila.

"ayoko ng gulo dito nikko.."

"sana naisip mo yan bago kampihan ang tomboy na yun!" sigaw niya kaya kinabahan ako bakas sa kanya ang galit sa mata niya.

"alam mo bang kapag nakarating sa tatay ko ang nangyari kanina ay pupwede kitang patayin?! mmm, balita ko ay anak ka ni Mayor.." nakangisi niyang sambit saakin.

"Wag kang mag-alala Barber, bibigyan lang kita ng leksyon para alam mo kong saan ka lulugar." ngising sambit niya.

Unti unti siyang lumapit saakin.

"Bro, kinakabahan ako." bulong ni Maccoy.

"umatras na kayo, hindi kayo kasali dito.."

"pero paano ka?"

"sige na marco, Maccoy ako nang bahala dito.."

Pero nanatili silang nasa likod ko.

"hmmmp!" ungol ko ng hawakan niya ang mukha ko. fuck ang sakit.

"Mmmm, sayang naman itong mukha mo Barber, makinis, gwapo ka nga, at balita ko tinitilian ka ng mga lababaihan, ngayon ikaw naman ang patitiliin ko!" sinampal sampal niya pa ang pisnge ko ngunit mahina lang. kinakabahan ako putek! sa dami nila kahit tulungan ako nila marco ay hindi parin namin kakayanin.

Nailibot ko ang paningin ko sa paligid, ito lang ang pinagkaiba ng UG sa iba. Ang mga tao dito ay bawal makialam. Parang kami kami lang ang nag-uusap!

Nanlaki ang mga mata ko ng biglang umangat sa ire ang kamay niya na tingin ko ay isusuntok niya sa mukha ko kaya napapikit ako!

1

2

3

4

5

hmm?!

wala?!

NAkita kong naka-steady sa ire ang kamay ni nikko ngunit may nakahawak na dito!

si babaeng tomboy!!

Iniuntog ni babaeng tomboy ang kamao ni nikko sa mukha mismo ni nikko, at bigla ang ako dinakot ni babaeng tomboy at itinulak ng malakas dahilan para mapunta ako kina marco!

"atras!" sigaw ni babaeng tomboy.

"Mga gagu!! anu pang hinihintay niyo?! sugod!!!!!" sigaw ni Nikko habang yong isang kamay ay nakahawak sa mata niya at namimilipit sa sakit.

*PAAAAKKKKKK*

*BOOOOOGGGGSHHHHH*

*BOOOOOGGGSHHH*

"WAASSSHHHAAKKKKK*

*BOOOOOOGGGGGSSSSHHHH*

SUNOD SUNOD ANG ATAKE NG MGA KASAPI NI NIKKO NGUNIT LAHAT SILA TUMBA!!!

NAPATINGIN AKO KAY BABAENG TOMBOY!! HINDI MANLANG PINAGPAWISAN, AT PRENTENG NAKSANDAL SA MESA NG BILYARAN AT PINAGKRUS PA ANG MGA BRASO!!!

"tss." singhal niya habang umiiling iling.

Biglang may tinawagan si Nikko sa cellphone niya.

"Boss, underground boss." sabay baba ng cellphone niya.

Pinatunog ni babaeng tomboy ang kamo niya at dahan-dahang lumapit kay nikko!

"alam mo ba sa lahat ng ayoko?! yong maingay?! kong may balak kang patayin yan----" sabay turo sa akin. "wag puro kuda." nakangising sambit ni babaeng tomboy at punong puno ng kayabangan.

"sino kaba sa inaakala mo para mangialam dito?!" sigaw ni Nikko ngunit alam kong natatakot siya.

"hindi mo na kailangan malaman! Nikko Natividad!" punong puno ng angas ang pagkakasambit niya.

"Anong kaguluhan to?!" sigaw nong malaking katawan na lalaki dahilan para mapangisi si nikko.

"Boss, tamang tama ang dating mo." nakangising sambit ni nikko.

"Anong nangyari sa Hashtgang?"

"binugbog lang naman netong tomboy na to!" sabay duro kay Babaeng tomboy.

Dahan-dahang lumingon si Babaeng tomboy.

Halos lumabas ang eyeball nong tinatawag ni nikko na boss.

"Long time no see, ZEUS" nakangising sambit ni babaeng tomboy.

"D-Dale, K-Kelan kapa nakabalik?" kinakabahan at nauutal na sabi nong zeus.

Dale? Pangalan nang panglalaki?

"kahapon lang! pasensya na, pinagpraktisan ko itong mga bata mo! namiss ko e." ngiaing tugon niya.

"Boss anong nangyayari?! bakit hindi mo pa bugbugin yang hambog na yan?!" sigaw ni nikko.

"Manahimik ka!!" sigaw ni zeus dahilan upang matigilan si nikko.

Naguguluhan ako sa nangyayari. Bakit ganun nalang ang takot ni zeus kay Dale?! pangbabae ang pangalan ngunit panglalaki ang kilos at pananamit.

"hindi ko alam na ganito pala kahina ang mga bata mo zeus! hindi manlang ako pinagpawisan. maiwan ko na kayo, inaantok ako dahil sa ingay nila nagising ako. tsk tsk tsk" naiiling na sambit ni babaeng tomboy. mula kanina hanggang ngayon walang ibang reaction ang mukha niya. yong reaction na walang pakialam.

Sinundan lang namin nang tingin si Dale na umalis at pumasok sa UGBar, acoustic bar dito sa UG.

"arayyyyyyy boss."

"aaahhhhhhh"

"boss tama na"

"ang tatanga niyo! bakit hindi niyo muna kilalanin ang kinakanti niyo?! tangina niyo, kapag isa sa inyo namatay ay hindi ko na sagutin yun!!! kilala niyo ba si Dale ha?!!! pwede niya kayong patayin ng hindi makakaramdam ng sakit!!!"

"kilala niyo ba si Dale ha?!!! pwede niya kayong patyin ng hindi makakaramdam ng sakit!!! "

"kilala niyo ba si Dale ha?!!! pwede niya kayong patyin ng hindi makakaramdam ng sakit!!!''

"kilala niyo ba si Dale ha?!!! pwede niya kayong patyin ng hindi makakaramdam ng sakit!!!'

Kinilabutan ako sa narinig ko.

Anu ang ibig niyang sabihin?!

****

Dale POV

"ang agang salubong sayo ha!!" sambit ni Kristine.

"mmm, atleast alam kong welcome parin ako dito sa San Andres. kamusta UG?"

"ayun tahimik nong nawala kayo, hahaha naging maingay ulit nong dumating ka! sino ba yun?!"

"sila zeuz?"

"gaga hindi! yong lalaking pinagmasdan mo muna bago tulungan, taray ha ang gwapo niya."

"mmm, nagbayad lang ako ng utang, pinagtanggol niya ako kay tanda kanina.:"

Humagalpak siya sa tawa sinamaan ko siya ng tingin.

"Grabe ka Mayang hahaha, tanda talaga! hmm, kakapasok mo lang nahatulan kana agad?! tsk tsk tsk"

"sabi ko nga sayo, maganda yun atleast welcome parin ako sa EU." walang emosyon kong saad.

"oh bakit dimo kasama ang bruhang Kisses?"

"tulog pa nang umalis ako sa bahay, hang over! tangina andami mong pinainom dun alam mo namang pasukan namin ngayon!" singhal ko sa kanya.

Si Kristine ang may-ari netong Bar nato, pero ako ang tumulong para makakuha siya ng pwesto dito sa UG.

Nakailang shot lang ako ay umalis din ako agad sa UG, napagod ako sa kakailag. --___--

Pagdating ko sa bahay ay pagmumukha agad ni kisses ang sumalubong saakin.

"Bakit ngayon kalang?!"

Hindi ko siya pinansin.

Akala mo Nanay na nakapamewang pa.

"HOyyy!! kinakausap kita!!"

"tss!"

"aba gumaganyan kana ha!! hindi mo manlang ako ginising!" sigaw niya. nakakarindi boses netong babaeng to. bakit ko ba to pinayagan makasama dito sa bahay.

Sinundan niya ako hanggang sa makarating ako sa kitchen.

"kumain kana nagluto ako ng sinigang."

"good."

Ngiti ko sa kanya.

"galing akong UG."

"bat dimo ako tinawagan?!" sigaw na naman niya.

"pwede ba?! wag ka ngang sumigaw?! wala pang isang dipa ang layo natin!" sigaw ko pabalik sa kanya.

siraulo tinawana lang ako.

"kong sinama kita hindi kana naman makakapasok, at mag-iisa na naman akong matalino doon, kailangan ko rin ipahinga ang utak ko!" ngisi ko sa kanya.

"hanep!! ikaw na talaga Marydale ang pinakamayabang na nakilala ko!"

"mayabang naba ngayon ang pagsasabi ng totoo?!"

"ewan ko sayo! panigurado marami kana agad nakaaway no?!"

--___--

Ang ingay talaga. nagmadali akong matapos ang kinakain ko at nagpunta sa sala at nagsindi ng sigarilyo.

Nanunuod ako habang naninigarilyo ng mapansin kong nananahimik si kisses at nakatitig saakin.

"alam kong naiinlove ka lalo saakin, wag mo kong titigan ng ganyan babe." ngising sambit ko sa kanya.

Ngumuso siya kaya natawa ako at ginulo ko ang buhok niya.

"halika nga dito." hinatak ko siya at inakbayan.

"anu na naman ang problema ng magandang babae?"

"tse! ini-snob mo ako." para siyang batang nagmamaktol.

"hindi naman ah" pinaglalaruan ko alang buhok niya.

"hindi, nagtatanong ako e!"

"hindi naman importante." pinatay ko na ang baga ng yosi ko.

"ang sabihin mo, tinatamad kana naman magsalita."

"mismo"

"umakyat kana ako na magla-lock ng pinto, maaga pa pasok bukas."

Nagpapadyak siyang tumayo. tsk parang bata talaga.

****

Edward POV

Kinabukasan maaga akong nagising dahil hindi naman talaga ako nakatulog sa kakaisip dun sa babaeng tomboy. Hindi siya mabura sa isip ko at yong mga nakita ko!

para siyang action star sa kilos niya. hindi ko akalain sa payat niyang yun ay kayang niyang magpatumba ng sampung tao. tsk

"goodmorning mom, dad, ate."

"goodmorning son, upo kana."

"kamusta naman ang firstday mo sa school?"

"okey naman po dad, medyo nanibago lang dahil kakaumpisa lang ng klase ay puro lecture agad."

"mmm, mag-advance reading ka dahil hindi na to tulad ng highschool na petiks lang. ikaw Laura? kamusta ang skwela mo? isang taon nalang ga-graduate kana, darating ang lola Eva mo sa susunod na buwan at gustong tignan ang mga class cards niyo."

bigla akong nasamid sa narinig ko mula kay Dad mo. Si Lola Eva?!

"okey naman dad, maayos po ang mga grades ko. sa ngayon ho ay nakuha na akong sa EGOC. bilang intern nila."

Biglang naningkit ang mata ni Dad.

"Bakit sa E-GOC.?"

"Dad walang ibang magandang kompanya dito sa San Andres maliban sa E-Goc, isa pa ang Kompanya lang nila ang may pinakamalaking kompanya dito sa buong lugar natin."

Tumango tango nalang si Dad.

Ang E-Goc at SAU ay iisa lang ang may-ari. at yong dean namin isa siya sa nag-mamay ari ng E-Goc. in short sila ang pinakamayaman dito sa buong lugar ng San Andres.

Matapos ang agahan ay umalis din ako agad. Pagkarating ko palang sa skwelahan ay nakarinig na naman ako ng tilian.

"kyaaaahhhh ayan na siya."

"gosh ang gwapo niya talaga"

"Hi Edward"

"ang gwapo mo po."

"pansinin mo ko edward"

Isang tipid lang na ngiti ang isinagot ko sa kanila t nagpatuloy na naman ako sa paglalakad.

"Excuse me? ikaw itong paharang harang tapos kapag nabangga ka ikaw ang magagalit! aba magaling!" sigaw nong babaeng ubod ng puti na akala mo ay pinalihi sa labanos ngunit maganda siya.

Nahagip naman ng paningin ko si Babaeng tomboy na prensteng naksandal sa railing na bakal.

"ang kapal ng mukha mo para sigawan ako! kilala mo ba ako?!"

"hindi at hindi ako interesado!"

"ha!" singhal nong isang babae.

Bigla hinawakan ni Babaeng tomboy si Babaeng labanos sa kamay.

"Babe enough! don't waste your time.. lets go!"

Sabay hatak kay Babaeng labanos.

"hindi pa ako tapos sayo hoy!"

"magkita tayong muli mamaya leche!"

babe?!

SO?! tama nga ako!!! ha! tomboy nga talaga siya.

****

NATUTUWA AKO SA KWENTONG TO HAHAHAHA

SANA MAGUSTUHAN NIYO!!! SINUSUBUKAN KO LANG ANG KWENTONG TO, KAPAG WALANG NAGBASA BUBURAHIN KO DIN AGAD SA WORKS KO HAHAHA