Chapter 6 - Chapter 5:

Shidevil's Pov:

"Shidevil" Hm jane said kaya tumingin ako sa kanya.

"I know" I said at naglakad na pabalik.

Ginamit ko na ang vampire ability ko para makarating Agad ako. Tutal may parusa na Naman ako, kaya pwede kong gamitin ang aking kakayahan ngayon.

Pagkalabas ko sa forbidden forest ay madami akong Nakita na estudyante ang naghihintay sa may tapat nitong forest. Ng mapansin nila ako ay Agad silang yumuko lahat. Pagkatapos ay tumayo ng tuwid. May iba pa ngang nagtatanong kung ano nangyari kasi may kunting bahid ng dugo ang kamay ko.

"Hala! Baka maparusahan Si President niyan"

"Oo nga eh. Bakit kasi siya pumunta don sa forbidden forest na yun ng mag isa"

"Alam mo Naman Si president basta alam Niya na may nasa kapahamakan tutulungan Niya Agad ng walang pag aalinlangan basta't kaya Niya kahit mag isa lang siya"

"Kaya nga eh. Kaya nga crush ko siya kahit tomboy siya"

"Oo kahit ako eh crush ko, siya since nung unang pasok ko dito at siya ang sumalubong sakin"

"Siguro kapag naging babae siya at naglugay ng buhok maganda siya"

"Sigurado yan. Tignan mo ngayon kahit nakatali ang buhok Niya lagi, maganda pa din siya at malakas ang appeal"

At madami pang iba, habang naglalakad ako papuntang clinic. Balak ko kasing tignan muna yung lalaki na tinulungan ko bago pumunta sa punishment room.

Pagdating ko sa loob ng clinic ay Agad Kong Nakita yung lalaki. Maayos na yung itsura niya. Yung mga sugat Niya ay nalapatan na ng lunas at ginamitan na din ng healing magic para mabilis gumaling Agad lalo na yung mga sugat Niya sa likod.

"Shidevil ano ginagawa mo dito?" Tanong ni nurse Kristine sakin.

"Tinignan ko lang kung okay na ba siya"

"Okay na Naman siya dahil ginamitan ko siya ng healing magic ko. Kailangan na lang Niya magpahinga para bumalik Agad ang lakas Niya"

"Pero nagtataka lang ako kasi pano siya nakapasok dito sa universus kung normal na tao lamang siya"

"Kahit ako din, nurse kristine"

"Sige na maiwan na muna kita diyan, kasi may kailangan pa akong gawin" tumango lang ako. Habang nakatingin pa din sa lalaki.

At Agad na akong umalis don sa clinic para dumiretso na sa punishment room. Habang naglalakad ako ay unti unti ko ng tinatanggal ang batones ng blouse ko. May Sando Naman akong suot ngayon at may extra shirt Naman don sa punishment room. Kaya magpapalit na lang ako ng bagong sando.

Saktong natanggal ko na ang lahat ng batones ko ng makarating na ko sa harap ng punishment room. Agad akong pumasok at nilapag sa sahig ang blouse ko. Nakita ko Si baldo. Si baldo ang nagpapataw ng parusa minsan kapag busy kami or tinatamad. Malaki ang katawan ni baldo dahil dati siyang bouncer ng bar nung Hindi pa siya dito nagtratrabaho sa universus.

Ng makalapit na ko sa kanya ay nagtanguan lang kaming dalawa. Pagkatapos ay humawak ako ng mahigpit sa bakal.

Ang latigo kasi na ipanghahampas sayo ay Hindi pangkaraniwang. Dahil may mga patusok tusok ang buong bahagi ng latigo at matutulis. Mainit pa ang bawat patusok nito. Kaya kahit di mo idiin sa balat ay masasaktan kana Agad lalo't na ibinabad ito sa kumukulong apoy.

Sinimulan na Niya akong latiguhin sa likod ko. Kaya mas lalong humigpit ang hawak ko sa bakal. Ang tanging maririnig mo lang sa buong kuwarto ay ang tunog ng paghampas ng latigo sa likod ko.

Ang itsura ng buong punishment room ay medyo malawak. Lahat ng dingding ay gawa sa salamin tapos may bakal na nakadikit para doon ka hahawak. Walang bintana dito at pag once na pumasok ka ay kusang magse-seal ang kapangyarihan mo. Malinis din ang buong kuwarto. May nag iisang kabinet ang nakatayo sa may bandang gilid ng pinto. At doon may nakalagay na mga extra shirt na malinis.

Ang bilang ng paghampas sayo ay hanggang sampo lamang. Ramdam ko na tumutulo na ang dugo ko sa likod. Pagtingin ko sa sahig ay may mga patak na ng dugo ang sahig. Malilinis din Naman ang lahat ng dugo ko pagkatapos Kong maparusahan dahil Si baldo na din ang naglilinis niyan.

Hanggang sa namalayan ko na lang na tapos na pala ang paghampas sakin dahil siguro nakasampo na. Kaya tumingin ako Kay baldo.

"Okay na shidevil. Ano ba kasi ang nangyari at naparusahan ka? Lalo na ito ang una mong naparusahan"

"Pumunta ako sa forbidden forest"

"Ano Naman ginawa mo doon?"

"May niligtas akong lalaki"

"Kahit kailan talaga matulungin kang bata" sabay ginulo Niya ang buhok ko kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Kahit na mas matanda siya samin ng sampong taon ay papatulan ko siya. Pero tumawa lang siya at umalis na.

Pumunta na ako sa kabinet para kumuha ng isang extra shirt. At sinuot ito kahit na dumudugo pa ang likod ko dahil sa paghampas. Tsaka kahit na may dugo akong bampira ay hindi Agad ito maghihilom dahil malalim ang bawat paghampas sakin ng latigo.

Pagkatapos ko kunin ang blouse ko ay Agad na Kong lumabas at dumiretso sa clinic. Pagdating ko don ay Nakita ko Si nurse Kristine na kinakausap ang lalaki dahil gising na ito. Pero nakatulala lang siya sa kisame.

"What happen to him?" I asked, kaya napatingin sakin Si nurse kristine ng may pag aalala sa kanyang mga Mata.

"Kanina pa siya gising at kanina ko pa din siya kinakausap, Pero laging nakatulala lang siya sa kisame" kaya tumingin ako don sa lalaki at nakatulala pa din ito.

"I think natrauma siya dahil sa sinapit Niya." At naglakad na ko sa kanila palapit.

"Siguro. Pero shidevil di ba masakit itong likod mo? Kasi tignan mo nagdudugo pa" sabi niya habang nakatingin sa likod ko.

"No, remember I'm half vampire kaya its alright. Atsaka Hindi ko Naman na ramdam ang sakit" sabi ko at tinignan ko ng mabuti ang lalaki.

"Okay sabi mo eh. Pero kapag masakit punta ka Agad dito sa clinic para magamitan kita ng healing magic ko" tumango lang ako sa kanya habang nakatingin pa din sa lalaki. Kasi sinusuri ko siya ng mabuti dahil parang may Mali.

"Baka matunaw yan" natatawang sabi ni nurse Kristine sakin kaya natawa na din ako. But still nakatingin pa din ako don sa lalaki.

"Parang may Mali kasi eh. Dapat ngayon magaling na siya dahil sabi mo ginamitan Naman siya ng healing magic. So dapat ngayon Hindi na siya masyadong traumatized" nagtatakang sabi ko hanggang sa may napansin ako sa mga Mata Niya.

Kulay itim ito! Nasa ilalim siya ng isang dark magic o di kaya ay may binigay na sumpa sa kanya.

"Nurse Kristine may garapon kaba diyan kahit maliit lang?"

"Meron. Sandali kukunin ko lang" at umalis na ito.

Mga ilang sandali lang ay bumalik na ito na may dalang maliit na garapon kaya kinuha ko ito at nagpasalamat. Tinanggal ko ang takip nito pagkatapos ay nilapag ko muna sa maliit na lamesa ang garapon pati ang takip nito.

Binuka ko ang bibig ng lalaki pagkatapos ay tumunghay ako sa kanya. At may hinigop na kulay itim na usok. Pagkakuha ko ng itim na usok ay Agad Kong kinuha ang garapon at doon ko binuga then tinakpan ko kaagad.

Someone's Pov:

"Nurse Kristine may garapon kaba diyan kahit maliit lang?" Tanong ng isang babae.

"Meron. Sandali kukunin ko lang" at may narinig din akong isa pang tinig ng babae.

Maya Maya ay naramdaman ko na lang na may humawak sa bibig ko at binuka ito. At unti unti Kong nararamdaman na medyo lumilinaw ang paningin ko. At gumagaan ang aking pakiramdam. Hanggang sa Nakita ko ang puting kisame.

Shidevil's Pov:

Pagkatapos ko takpan ang garapon. Ay Agad akong pumunta sa may basurahan na may plastic at nagsuka ng asul na dugo. Naramdaman ko na hinimas himas ni nurse Kristine ang likod ko.

Maya Maya lang ay okay na ang pakiramdam ko kaya tumayo na ko ng maayos.

"Where am I?" Tinig ng isang lalaki. At alam Kong nakatingin siya samin or should I say sakin. Humarap ako sa kanya.

Someone's Pov:

"Where I am?" Tanong ko sa dalawang babae. Pero nakatingin ako doon sa babaeng nagsusuka at madaming tuyo ng dugo ang likod ng damit Niya.

Biglang humarap sakin yung babaeng nagsusuka kanina at talagang nagulat ako sa aking Nakita!

Dahil mukhang siyang walking doll na may buhay. Kahit nakatali ang buhok niya Pero maganda pa din siya at halatang may pagkaboyish siya base sa kanyang tindig.

"Clinic" maikling sabi Niya na may halong pagkamaangas.

"Okay na ba ang pakiramdam mo hijo?" Tanong nung mukhang nurse ata dito dahil nakanurse attire siya. Tumango lang ako sa kanya.

"Sige aalis muna ako para masabihan Si Hm Jane na gising na siya" sabi nung nurse kaya tumango lang yung mukhang barbie sa kanya kaya umalis na ito.

"Since you're awake already. I have to go now" sabi ni barbie.

"Pero wala akong kasama dito tapos aalis ka pa?" Pagpigil ko dito dahil naalala ko yung pagto- torture sakin. Kaya nanginig ako dahil sa takot. Lumapit sakin Si barbie at niyakap ako kaya medyo kumalma Naman ako.

"I'm here. You don't need to be scared because you're safe here in universus" sabi Niya habang nakayakap pa din sakin.

Ng biglang bumukas ang pinto.