Chapter 8 - Chapter 7:

Shidevil's Pov:

Nandito na kami sa office ni Hm Jane dahil dito ko muna ibibilin Si Sanji dahil wala Naman siyang ibang kilala dito maliban samin at Kay Hm jane. Eh kapag Kay nurse Kristine naman may ginagawa siyang importante. Dahil nagawa siya ng mga gamot sa ibat ibang lason.

"Sige na Hm Jane aalis na kami" pagpapaalam ni merlicess. Tumango lang Si Hm jane.

Tumingin ako Kay Sanji na nakaupo sa isang sulok habang nakatingin sakin na may bahid ng lungkot ang kanyang mga Mata.

Lumapit ako sa kanya at nagsquat para magkapantay kaming dalawa.

"Hindi ka kasi pwede sumama dahil baka matrauma ka uli" mahinahong sabi ko sa kanya.

"Pero gusto kita kasama" malungkot na sabi Niya.

Bumaling ako sa kanila Hm jane. Na nakatingin na pala samin. Sumenyas Si lesstreah na aalis na kami Pero nag sign ako ng wait lang. Atsaka bumaling Kay Hm Jane.

"Hm Jane pwede po ba siyang sumama na lang samin? Ako na ang bahala kapag may nangyaring masama sa kanya" sabi ko.

"Pwede Naman kaso baka lumala ang pagkatrauma niyan. Lalo na Hindi pa siya fully recovered sa pagkakatrauma Niya."

"Pero Hm Jane gusto ko po kasama Si barbie" napatingin kami Kay Sanji dahil sa sinabi Niya. Tsaka sinong barbie?

"Who's barbie?" Curious na tanong ni Sarcy.

Tinuro Naman ako ni Sanji na parang bata. Kaya natawa sila Sarcy dahil sobrang layo ng pangalan ko sa barbie! Atsaka bakit barbie eh di Naman ako manika ah!

"Bakit barbie ang tawag mo sa kanya?" Tanong ni Merlicess na medyo natatawa pa.

"Kasi mukha siyang walking doll na buhay, kaya barbie ang tawag ko sa kanya"

"Pero Hindi barbie ang pangalan Niya"

"Eh di ko Naman kasi alam ang tunay na name Niya eh" parang bata na sabi ni Sanji habang nakapout pa at nakatingin sakin.

"Shidevil is my true name not barbie"

"Shidevil? Parang tunog devil naman yan" reklamo pa Niya!

"Tumpak ka diyan! Sanji dahil isa siyang--Sabi ko eh shut up na lang ako hehehe" awkward na sabi ni lesstreah. Siniko kasi siya ni Sarcy kaya tumigil siya sa dapat na sasabihin Niya.

"Anyway, are you sure that you're coming with us?" Pag iiba ko ng topic. Tumango lang siya ng may ngiti sa kanyang mga labi.

"Then let's go" atsaka na kami lumabas sa office ni Hm Jane.

Madilim pa dahil 3:00 pa lang ng madaling araw. Dumiretso kami sa likod ng universus kasi doon kami dumadaan tuwing may mission kami.

Nakarating Naman kami Agad sa likod ng universus. Unang tumalon yung tatlo tapos sunod kami ni Sanji. Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay Niya bago tumalon ng mataas. Ng nasa tuktok na kami ng bakod ay napatingin ako sa buwan. Dahil ang kulay ng buwan ay pula Pero nawala Agad at bumalik sa normal na kulay nito.

Napatingin ako sa tatlo at nakatingin din sila sakin. Tumango lang ako sa kanila at nauna na kaming tumalon ni Sanji.

Ng lahat na kami ay nakababa ay Agad kaming pumasok sa gubat. Itong gubat ay may halong illusion. Kaya ang mga nakikita mo dito ay lahat ay mga illusion lamang.

Tuloy tuloy lang kami sa paglalakad at di pinapansin ang mga sumusugod samin dahil mga illusion lang Naman sila. Nasa harapan ko Si Sanji at tinakpan ko ang mga Mata Niya. Dahil once na pinansin mo ang mga nasa paligid ay pwede kang makulong na dito sa pakikipaglaban, dahil kapag may namamatay sa kalaban mo ay babalik uli ito pagkatapos ng ilang Segundo lamang.

"Barbie bakit mo tinatakpan ang mga Mata ko?" Tanong ni Sanji habang patuloy lang kami sa paglalakad.

"Basta maglakad ka lang" sabi ko na lang.

Mga ilang oras pa ay nakalabas na din kami sa wakas sa gubat na yon. Pagkalabas namin ay Agad kaming sinalubong ng mga tao, at malalaking truck.

Agad kaming tumungtong sa bubong ng isa sa mga lumang bahay dito. Ito yung gagawin namin. Guguluhin namin ang transaction nila. Mga sandata na may kakaibang lason na Hindi pa namin alam. Kaya kapag may oras ay kukuha kami ng isang sandata diyan para mapag aralan. At matuklasan ang gamot. Gagamitin kasi nila ang mga sandata na yan samin. Lalo na sa mga mongrel na katulad namin ni Sanji. Dahil sa lahat ng pack kaming mga mongrel ang pinakamalakas na angkan.

Ng nakitang Kong nagkamayan na sila ay tinanguan ko na sila lesstreah. Kaya bumaba na sila at nanggulo na sa transaction nila. Tanging ang maririnig mo lamang sa buong lugar ay tunog ng mga baril, mga boses na nagmamakaawa, sumisigaw ng dahil sa sakit.

Napatingin ako Kay Sanji ng napansin ko na parang tumahimik siya bigla at nanginginig. Nakakapit kasi siya sa braso ko.

"Hey Sanji" sabi ko at bahagyang niyugyog siya. Pero wala pa ding epekto.

"SANJI!" At sinampal ko na siya ng malakas na nakapagtabingi sa ulo Niya pero wala pa din.

Tinignan ko ang mga Mata Niya. May kulay puti at unting unti nitong sinasakop ang buong Mata Niya!

Shit! Kinokontrol siya!

Linibot ko ang paningin ko sa buong paligid at pinakiramdamang mabuti. Napatingin ako sa puwesto ng isa sa mga truck dito. May nakikita akong kulay violet na aura. Napatingin uli ako Kay Sanji na puti na ang buong Mata Niya. Ibig sabihin kontrolado na siya! tinanggal ko ang pagkakakapit Niya sa braso ko at pumunta doon sa puwesto ng may violet aura.

Binuksan ko ang pinto ng truck at Nakita ko ang isang lalaki na nakaitim at pati ang mukha Niya may takip din maliban sa kanyang mga Mata. Tumingin siya sakin ng mapansing nandito ako. Susugudin ko na sana siya sa loob. Pero napaatras Agad ako dahil inunahan Niya ko sa pagsugod.

Sisipain dapat Niya ako Pero nakaiwas Agad ako. Ganun lang ang naging routine namin. Sisipa siya Pero iiwas ako. Papagudin ko Muna siya at maghahanap ng tyempo para sumugod. Maya Maya pa ay napansin Kong napapagod na siya at yun na ang tamang time para sumugod.

Sinipa ko ng malakas ang kamay Niya na dapat susuntok uli kaya medyo napaatras siya Pero bago pa siya makabawi ay sinuntok ko na siya sa mukha ng sobrang lakas para sa kanya Pero kapag sakin mga 1% lang yun. Pagkasuntok ko sa mukha Niya. Ayun! Napunta na siya sa dreamland.

"Ah shit!" Napasigaw ako Hindi dahil sa sakit kung di dahil sa gulat.

Kinuha ko ang nakatarak na dagger sa likod ko. At inamoy ko ito. Amoy siya na may kakaibang lason. Naramdaman ko namang unti unti ng sumasara ang sugat ko Pero may nararamdaman akong kirot sa may bandang tinusukan ng dagger hanggang sa maramdaman ko ang pagkirot nito sa mga kalamnam ko papunta sa puso ko.

Di ko na lang muna pinansin ang kirot na yun at Humarap ako sa taong sumaksak sakin nun at nakitang may bahid ng pagkagulat at takot sa kanyang nga mata dahil sa kanyang nasaksihan.

Agad ko siyang sinakal sa leeg ng mahigpit dahilan para magpumiglas siya Pero dahil mas malakas ako sa kanya at idagdag mo pa na isa akong bampira at tao lamang siya ay di niya ako kaya at Maya Maya lang ay nalagutan na siya ng hininga.

Napatingin ako sa paligid ko at napansing tapos na pala sila lesstreah na makipaglaban. Nandoon na sila sa kaninang puwesto namin kaya pumunta na din ako don.

"Nakakuha kayo ng sandatang may lason?" Tanong ko sa kanila.

Tumango Naman sila at may ibinigay Si merlicess sakin ng isang bala ng baril na may kakaibang Amoy, na ngayon ko lang naamoy. I think ito ang bago nilang gawa na lason. Binalik ko na iyon Kay merlicess. Linagay na muna Niya iyon sa isang plastic bag bago itago.

Tumingin ako Kay Sanji na nakatingin sakin Pero di na puti ang mga Mata Niya.

"Are you alright?" Tanong ko sa kanya Pero nakatingin lang siya sakin.

"Hey Sanji answer me, I said are you alright?" Pag uulit ko sa sinabi ko kanina. Pero ganun pa din siya.

Tumingin ako kanila Sarcy Pero nakatingin din sila Kay Sanji. Kaya binalik ko na uli ang paningin ko Kay Sanji at napansin Kong nagtutubig na ang mga Mata Niya! Habang nakatingin sakin.

Hala! Iiyak ba siya? Wala Naman akong ginawa sa kanya ah! Katunayan nga eh niligtas ko pa siya!

"Hoy Sanji bakit ka naiyak?" Pati Si lesstreah nagtanong na din sa kanya.

Napansin Kong tumulo na ang luha Niya kaya lumapit na ko sa kanya at yinakap siya ng mahigpit. Yinakap din Naman niya ako pabalik. Sinubsub Niya yung mukha Niya sa may bandang gilid ng leeg ko. At doon siya umiyak.

Tumingin ako sa kanila merlicess Pero nagkibit balikat na lang sila at nagkanya kanya na ng puwesto. Binalingan ko Naman Si Sanji na naiyak pa din sa leeg ko.

"Hey, why are crying?" I asked him Pero mas lalo lang lumakas ang pag iyak Niya.

Sanji's Pov:

"Hey, why are crying?" She asked me Pero mas lalo lang ako naiyak.

Kaya ako naiyak kasi napapansin ko na lagi na lang Niya ako nililigtas tapos para akong babae kung umarte. Katulad ngayon pangalawang beses na Niya ako niligtas. Anong silbi ng pagiging mongrel ko kung mahina din Naman ako sa physical at emotional.

"Ka-kasi la-lagi mo 'sobs' n-na lang 'sobs' a-ako nililigtas wahhhhhh!!!"

"Hey wag ka ng umiyak, okay lang Naman yun eh. Kasi alam Kong hindi ka pa marunong gumamit ng pagiging mongrel mo"

"Ka-kahit na 'sobs' ka-kasi la-lalaki a-ako 'sobs' eh. Da-dapat a-ako ang nagliligtas sa-sayo 'sobs'"

"Hays, sabing okay lang yun eh" Pero mas lalo lang ako umiyak dahilan para mapabuntong hininga siya.

"Tama na Sanji, okay nga lang yon eh" pagpapagaan Niya pa ng loob ko.