Chapter 7 - Chapter 6:

Shidevil's Pov:

Nakayakap pa din ako sa kanya ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito sina Hm Jane, sila lesstreah, sila Axum at kasama Si nurse Kristine.

Hihiwalay na Sana ako sa kanya dahil nandito na sila Hm Jane. Pero bigla na lang niyang hinawakan ng mahigpit ang braso ko na nakayakap sa kanya. Napatingin ako kay Hm jane at nurse Kristine. Pero tumango lang silang dalawa na parang sinasabi na 'pabayaan ko na lang muna' kaya pinabayaan ko na lang.

"What you're name hijo?" Hm Jane asked him, Pero nakatingin lang ito sa kanila. At naramdaman ko na nanginginig na Naman siya.

"Hey, don't be scared they don't hurt you. And I'm here okay?" Bulong ko sa kanya kaya napatingin siya sakin habang may bahid ng takot ang mga Mata Niya pero nawala din ito Agad. Pagkatapos ay tumango siya sakin.

"Now, answer Hm Jane" tumango uli siya at tumingin na uli sa kanila Hm jane bago sumagot.

"Sanji Aizawa" sabi Niya at tumango tango lang Si hm Jane.

"What happened to you? Bakit ka madaming sugat sa likod mo at halatang tinurture ka gamit ang latigo" biglang sabi ni Sarcy kaya nanginig na Naman sa uli sa takot Si sanji. Pinagalitan Naman siya ni merlicess dahil sa naging tanong niya.

At dahil medyo nangangalay na din ako kakatayo umupo ako sa likod ni sanji at isinandal ko siya sakin. Di Naman siya mabigat. At medyo kumalma na din siya.

"Don't mind her question, sanji." Sabi ni lesstreah at binatukan Si Sarcy kaya napa'aray' ang huli.

"A-ahm....A-ano ka-kasi" di matuloy tuloy na sabi ni sanji.

"Hey, don't answer her question if you're not yet ready" sabi ko sa kanya kaya napatingin siya sakin.

"Yeah shidevil is right don't mind her" pag sang ayon ni merlicess sakin kaya tumango na lang Si sanji habang nakatingin pa din sakin.

"Where you're parents Sanji?" Hm Jane asked him. Kaya nawala sakin ang atensyon Niya at tumingin na uli sa kanila.

"In France because of business meeting" tumango Naman Si hm Jane.

"Are you an ordinary human or not?" Hm Jane.

"Sorry but i don't understand you're question" hinging paumanhin Niya at may bahid ng pagkalito ang mukha Niya.

"What I mean is ordinaryong tao ka ba lamang o kabilang ka sa isa sa mga pack?" Pagpapaliwanag ng maayos ni hm Jane.

"Ahm.....i-im..." Di matuloy tuloy na sabi ni sanji at may pag aalinlangan sa mukha. Tumingin siya sakin kaya tumango ako sa kanya.

"I'm a Mongrel" at sa wakas na sabi na din Niya.

"Ilang dugo ang nadaloy sa mga vein mo?" Tanong ni hm Jane.

"3 i think?" Hindi sigurado na sagot Niya.

"You're not sure?" Tanong ni hm Jane.

"Kasi sabi ni mama dati sakin nung bata pa ko. Si Lola at lolo daw ay kabilang sa witch pack. Si mama Naman ay kabilang sa vampire pack dahil ampon lang siya nila Lola dahil Hindi sila biniyayaan na magkaanak. Si papa Naman ay kabilang sa wolf pack" sabi ni sanji habang umayos ng upo at mas hinigpitan ang pagyakap niya sakin Pero di Naman ako nahihirapan huminga kasi magaan lang siya.

Kaya ang kinalabasan ay parang nagyayakapan kaming dalawa. Tumingin ako Kay Hm Jane para humingi ng tulong Pero ngumisi lang Siya sakin. Tumingin din ako sa kanila Axum Pero nagsiiwas sila ng mga tingin! Mga peste! Hindi man lang ako tinulungan.

Binalingan ko Si Sanji na nakayakap sakin. Nakasubsub sa may bandang gilid ng leeg ko ang mukha Niya. Magsasalita na Sana ako ng mapansin ko ang paglalim ng paghinga nito tanda na nakatulog na siya. Pero grabe! Ginawa pa Kong unan at sa akin pa talaga natulog! Batukan ko to eh pag ako nainis!

"I think his already asleep" pagpuna ni merlicess kaya tumango ako sa kanya.

"Hm Jane ano na ang gagawin natin sa kanya ngayon?" Tanong ko at inayos ang pagkakayakap sakin ni Sanji para di siya masyadong mahirapan.

"Dito na siya mag aaral Simula ngayon"

"How about his parents?"

"I will use my connections to contact them" tumango Naman kami dahil sa sinabi Niya.

"Pano to Hm Jane habang buhay na lang ba kami ganto hanggang sa magising siya ha?" May pagkasarcastic na sabi ko. Kaya natawa ang iba.

"Pwede hahahaha" sinamaan ko siya ng tingin kaya napaseryoso siya at kunwari pang umubo bago magsalita " Sa ngayon sa may kuwarto mo muna siya matutulog, dahil wala pang confirmation sa magulang Niya" kaya tumango na lang ako.

"Pano ko siya mabubuhat? Kung tulog siya?"

"Use you're teleportation" sabi ni Hm Jane kaya napatingin ako sa kanya- ay Mali kaming walo pala.

"Its okay dahil may pahintulot ko Naman at ako mismo ang nagsabi" kaya tumango na ako at nagteleport na sa kuwarto ko.

Pagkateleport ko sa kuwarto ko dahan dahan kong tinanggal ang pagkakayakap Niya sakin at inayos ko ang pagkakahiga Niya sa kama ko. Buti na lang malaki itong Kama ko kaya kasya kami.

Pinayakap ko sa kanya ang isang unan ko dahil mukhang magigising pa ata to. Buti na lang at di siya nagising. Kinumutan ko siya at pumasok na sa cr para malinis ko na ang natuyo Kong dugo.

Sanji's Pov:

Naalimpungatan ako ng maramdaman Kong wala na akong kayakap. Kaya dinilat ko ang mga Mata ko at Agad na nilibot ang paningin dahil napansin Kong di sakin ang kuwarto. Ang theme ng Kuwarto ay black and white at maaliwalas.

Bumangon ako at sumandal sa headboard ng kama. Ng biglang bumukas ang pinto at pumasok Si barbie. Barbie muna tawag ko sa kanya dahil di ko alam pangalan Niya eh. Tsaka bagay naman sa kanya dahil mukha talaga siyang manika na may buhay.

"Are you hungry?" She asked habang papunta sa kabinet at may kinuha.

"Oo" nahihiyang sabi ko.

"Go, downstairs. May pagkain na don"

"Ikaw?" Tanong ko at tumayo na sa Kama. Tsaka lumapit sa puwesto Niya.

"Susunod ako may gagawin lang saglit" busy pa din siya sa pagkuha ng gamit.

"Para saan?" Tanong ko ng makalapit na ko sa puwesto Niya. Ang kinukuha pala Niya ay mga dagger.

"To kill you" she said na nakapagpabigla sakin. Kaya napalayo ako sa kanya ng wala sa oras, dahil naalala ko na Naman ang ginawang pagtotorture sakin.

Lumapit siya sakin at yinakap ako ng mahigpit at dahil don nawala na ang panginginig ko.

"Hey, I'm just joking okey? I will not kill you" nakatingin na sabi Niya sakin kaya tumango ako at yumakap sa kanya pabalik.

"You said you're hungry already right?" Tumango Naman ako "then let's go" at kumalas na siya sa pagyayakapan at inalalayan akong tumayo.

Napapansin ko lang parang Si barbie ang lalaki samin at ako ang babae. Naku! Baka isipin ni barbie na bakla ako! Wag naman Sana!

Lumabas na kami sa kuwarto at dumiretso sa kusina. Naabutan naming yung tatlo na kumakain. Pero bakit nakapang ninja suit sila? Tinignan ko ang suot ni barbie at ganun din. At lahat sila naka itim na ninja suit. Kanina kasi di ko napansin yung suot niya, ngayon lang.

"Bakit nakaninja suit kayong lahat?" Takang tanong ko. Kaya napatingin samin yung tatlo. Iniipo na ko ni barbie sa upuan at sa tabi ko Naman siya umupo.

"Were going in a mission" sabi ni barbie at nilagyan ako ng pagkain sa Plato ko. Tsaka yung sa kanya din.

"Iiwan mo ko mag isa?" Malungkot na sabi ko kay barbie.

"Ganun na nga, dahil di ka Naman pwede sumama dahil baka matrauma ka uli"

"Pero ayaw ko mag isa. Natatakot ako"

"Don't be scared you're safe here kahit na wala ako."

"Ehhh ayaw ko. Gusto ko ikaw ang kasama"

"Sanji ang tigas ng ulo mo para kang bata. Kumain ka na nga lang diyan" nag pout na lang ako at matamlay na kumain.