Chereads / Endless Love and Pain / Chapter 3 - Old Days

Chapter 3 - Old Days

Chapter 2

Shanaia's

*flashback sa nangyari sa MOA*

"Finally. I missed you so much Shan!" mariin ang pagkakayakap niya sa akin na para bang walang nangyari noon.

Pigil ang mga luhang nagbabadyang tumulo. No! He doesn't deserve this tears of mine. He doesn't deserve to know that I am still hurt.

Naramdaman ko ang pagluwag ng yakap niya at tumingin sa akin. Iniwas ko ang mga mata ko at tumingin sa malawak na kadiliman.

"Shan, look at me please. Baby please? I'm so sorry." tila ba may kuryenteng dulot ang bawat sinasabi niya. Really? He still have that nerve to call me Baby!?

Hinawakan niya ang mga kamay ko na mabilis kong naiwas.

"Shanaia?" mahinang bulong niya.

Ang sarap pakinggan ng pangalan ko pagdating sakanya. Aminado naman ako, hindi ako magkakaganito kung wala na akong nararamdaman sakanya. Pero wala na siyang karapatan pa para malaman kung anong nararamdaman ko. Wala na.

"Shanaia, talk to me please." this time tinignan ko na siya. Blanko ang mga mata kong tumitig sakanya. Kinilabutan ako ng makita ang mga mata niya. Apektado pa din ang sistema ko sa twing tinititigan ko siya.

"Shanaia, kausapin mo naman ako, please!

I want to know what you feel. Kung anong iniisip mo. God! Ang tagal kitang hinintay. I thought you'll leave me forever. Pero look, you're here now." napatanga ako sa sinabi niya. The heck?! Iniisip ba niyang andito ako dahil sakanya?

Napatawa ako sa sinabi niya.

"May nakakatawa ba sa sinabi ko?" seryoso niyang tugon. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Are you crazy?! After you left me with no fvking reason you still have guts to talk to me like that? And what did you just say? You think I'm here, because of you? Sino ka ba? Importanteng tao ka ba para maging rason ng paguwi ko? No. And stop acting like you are so happy that I am here. At dapat wala ka dito dahil kahit sino, pagkatapos ng ginawa mo... hindi na gugustuhing makita ka." mariin kong sabat sakanya. Nakita ko ang pagtiim ng kanyang mga panga at pagbago ng kanyang awra.

Hindi ko hahayaang makapasok siya muli sa buhay ko o sa kahit na saang parte ng pananatili ko dito.

"I-im sorry. Masyado akong nagpadalos dalos that time. H-hindi ko inisip na magbabago ang lahat dahil sa ginawa ko. That's why I am always here. In this place. Crying every night. Pinagsisisihan ko lahat lahat ng nagawa ko. All those pain that i have given to you. You don't deserved it. You don't deserve to cry, to feel like you're worthless and everything. I promised that i will give you the world but i didn't. Sinira ko ang meron tayo. Ang lahat lahat that's why I'm so sorry. I'm sorry Shanaia." umiiyak niyang saad.

Tumigil ang mundo ko dahil sakanya. Hindi na ako naging normal tulad ng mga taong masaya kahit sa maliliit na bagay. Tama si Cary. I'm not like this before. I am the happy go lucky Shanaia. Friendly. Laging nakangiti. But then again, dati. Hindi na ngayon. Pinipilit ko namang bumalik sa dating ako. Pero siguro nga, malaking piraso ng puso ko ang nasaktan.

*End of Flashback*

"Huy!! Shan!!!!!!!! Day dreaming again?!" Napatingin ako sa nag hhysterical na si Cary.

"What do you expect Cars? Wala ng bago." dugtong ni Camille.

"Huy. Wag naman kayong ganyan kay Shanaia Shei alam niyo namang ganyan na talaga yan nagugulat pa kayo." pang aasar din ni Lucy. Umirap na lang ako at uminom sa kape ko.

"Shut up bitches." seryoso kong saad.

"Wow grabe ah! Ganyan na ba pag galing New Zealand? Maldita na lalo? ahahhahaha." nag apir pa ang tatlong impakta.

"Ganyang ganyan din si Frances nung umuwi galing Japan e. Sobrang maldita. Bukadkad naman na ang anez. haahahahahahaha" napalaki ang mga mata ko sa sinabi ni Lucy. Oh my gosh!!!

"Really? Hahahaha nakauwi na pala yung vavaeng marumi na yon?!" natatawang sabat din ni Cary! Oh no!!! Bakit naging kaibigan ko sila!!!!

"Pwede ba? Tigilan niyo na yan. Stop chitchatting about someone's life. Hindi niyo kakaunlad yan!" saad ko. Nagtinginan naman silang tatlo at pigil pa din ang mga ngiti.

"Ehem! Anyway highway. Hanggang kailan kayo dito?" ani Lucy.

"Siguro a month or two. Depende kung matatapos agad yung project namin dito." mabilis lang namang matatapos iyon. May draft naman na ako nung bahay na gusto nung client namin. Si Cary naman bahala sa pagbuo nun.

"Ang bilis lang pala. Akala ko magtatagal kayo" malungkot na saad ni Camille.

Lucy, Camille, Cary and I are close friends since highschool days. Hanggang sa mag college kami, same university and dorm ang tinutuluyan namin. Ako, tinuloy ko ang course kong Architect, si Cary ay Engineer, si Camille ay Fashion Designer at si Lucy na Culinary Arts naman ang kinuha. Ngayon, masasabi kong mga successful naman ang mga career namin.

"Nope! Mag stay kami dito before the year ends. Sooooooooooo andito kami sa paskoooooooooo!!!!!" napabuga naman ako sa iniinom ko ng sabihin iyon ni Cary. NO WAY?!!!!!!

"Really?!!!!! OMG!!!!!" excited na tugon nung dalawa.

"What?! Are you freakin' serious Carina Sebastian?!!" no way!! August palang and I don't have any plans para mag stay ng matagal dito.

"Nagkausap kami ni Ivan, and Yes my dear. Pumayag siya na mag stay tayo dito hanggang december." nag apir naman silang tatlo at ako? Wala.

"Okay, you stay here and ako babalik akong NZ after ng project. And it's final." saad ko at uminom muli ng kape.

"KJ mo!" saad nilang tatlo.

Ngumiti lang ako sa reaction nilang tatlo.

---

"Ms. Shei, na finalize ko na po yung mga kailangan niyong files para sa client natin nasa table niyo na po." salubong ni Joy.

"Thanks." agad naman akong dumeretso sa table ko at binasa ang files.

So, nasa isa sa mga sikat na village sa laguna lang pala ang project point namin. So there will be no hassle sa pabalik balik na byahe. Na divert ang atensyon ko sa cellphone kong tumutunog.

Calling.... Kuya Z.

Kumunot naman ang noo ko ng mapagtanto ko kung sino. Agad ko namang sinagot ito.

"Zup." sagot ko

"Hey there lil sis. How are you doing?"

"Fine. Why?"

"I just got a message na nandito ka daw sa Manila. Bakit di mo sinabi? And where the hell are you?" bakas ang pagka asar sa tono ng boses ni Kuya. Hays, i knew it. Sila Cary lang naman ang pwedeng magbalita sakanya.

"Saglit lang naman ako dito. And I know busy ka din sa life. Kaya bakit kita iistorbohin. Right?" inayos ko naman ang mga papel sa lamesa ko at umayos ng upo.

"Who taught you to think like that? Kailan ka pa naging istorbo aber Shanaia Shei?!" nakikita ko ang pagirap niya sa utak ko. Well, that's Ezekiel Lei.

"You're too serious kuya." narinig ko naman ang pag buntong hininga niya. Sorry Kuya, this is me now.

"Kailan ka magpapakita? Ayaw mo bang makita ang gwapo mong kapatid?" and this time ako na yung umirap.

"Dahil sa sinabi mo, lalong ayaw ko ng magpakita." saglit akong tumawa. At siya namang pag buntong hininga niya ulit.

"Fine. 7pm. Hades Restaurant." i said at agad na binaba ang tawag. Tumingin ako sa aking relo. I still have 2hrs para mag ayos.

"Joy, mauna na ako. Paki ayos na lang din yung schedule ko starting tomorrow. I don't want any nonsense meeting or appointments okay? Kung tungkol sa trabaho mark it. Kung hindi, wag mong isali. Is that clear?" tumango naman siya at may tinignan sa maliit niyang notebook.

"Ahm, Ms. Shei. May tumawag po pala dito kanina." nag aalangan na saad niya.

"Who is it?"

"Paul daw po. Paul Natividad. Gusto daw po niyang mag pa appointment sainyo, regarding sa project." napatingin naman ako sakanya. Nakita ko siyang hindi mapakali. I don't know kung anong meron sa awra ko at natataranta siya.

"If ever na tumawag muli. Sabihin mo puno ang schedule ko and I don't have any plans na makita siya." ani ko at lumabas na ng opisina.

Ano pa bang gusto niya? Hindi pa ba sapat yung nangyari nung nakaraan para tumigil siya? Oh gosh! Kailangan ko ng mapabilis ang project para makaalis na ako.

7pm, Hades Restaurant

Pumasok ako sa restaurant at agad na hinanap sa waiter ang reservation ni Kuya Zeke. I don't know pero kinakabahan ako. Hindi naman sa ayaw ko siyang makita. Pero its been 5 years nung huli naming kita sa personal. Although nag sskype kami. Iba pa rin pag sa personal.

I saw Kuya Zeke, sitting comfortably in the couch. He is still wearing his working suit. At ako? Isang simpleng navy blue fitted dress and a pair of doll shoes. Inayos ko ang buhok at damit ko bago pumunta sa gawi niya.

"Finally!!! My long lost sister!" tumayo siya at niyakap ako. Feeling ko napaka liit ko sa height kong 5'4 at siya na 6'11

Ngumiti ako bahagya at umupo.

"So what do you want to eat? Carbonara? Lasagna? Steak?" he asked. Umiling ako.

"A mandarin salad will do kuya." nanlaki ang kanyang mga mata sa sinabi ko.

"What?! Vegetarian? Kailan pa? Kaya pala sobrang payat mo na." umiling ako. Hindi ako vegetarian. Nasanay na lang ako sa mga light meals.

Nakuha na ng waiter ang order namin and we need to wait atleast 15-20 minutes.

Tahimik lang kami, walang umiimik. Siguro hinihimay pa ni Kuya Zeke ang bawat salitang sasabihin niya sakin. Yeah, i am a cry baby. Sensitive, dati. As a time goes by narealize ko na ang childish ko dati konting kibot nagttampo na ako.

Nabaling ang atensyon ko nung tumikhim si Kuya Zeke.

"So, how are you?" he asked.

"Okay lang. Nakakapagod pero nakakasurvive. Ikaw, how are you?" I asked formally. Tinitigan niya ako na para bang sinusuri niya kung okay ba talaga ako.

"As usual, you're always saying okay, when in fact you're not. Anyway, I am planning to add some spice sa business. Since, may partnership na ang Salvador-Chua gusto kong magkaroon ng isang cooking show." napataas naman ang kilay ko. At kailan pa naging mag partner ang pamilya ni Lucy sa business namin? Kibit balikat ko na lang na sinawalang bahala yung ttanong sa utak ko.

" Wow really? And kailan mo naman gustong ipatupad yan? May naisip ka na bang mga pakulo?" ani ko.

"Ang dami mong tanong, alam mo ba yon?" may bakas ng iritasyon niyang sabat sakin. Inirapan ko naman siya.

"So bakit tayo nagkita kung ayaw mong tanungin kita? Sige nga?" paghahamon ko sakanya, ang kaninang naiirita ay napalitan ng malungkot na ekspresyon.

"Kailan ka magpapakita kina Mom and Dad? 5 years na ang nakalipas Shan. Hindi pa ba sapat iyon para mapatawad mo sila?" may awa sa tono ng boses niyang saad. Napatawad? Matagal na. Bago pa ako umalis napatawad ko na sila. Kailangan pa bang makita ko sila ulit? Ang samang anak ko ba? Hindi naman siguro.

" Let's talk about that some other time Kuya. Marami akong gagawin and in fact hindi bakasyon ang pinunta ko dito. I came here for work. May project kami ni Cary. And after that aalis na ulit ako." saad ko. Sakto namang dumating ang food namin.

"Gusto kong sabihin kay Mom na andito ka na, pero ayokong maloka siya kakahanap sa taong ayaw magpahanap. Look Shan, I'm sorry sa kung anong nangyari dati. If you actually think that our parents are unfair. Then think twice. Hindi sila ang mag bebenefit ng gusto nilang mangyari sayo. Para sayo din iyon." seryoso niyang tugon habang nakatitig sa akin. Binaling ko na lang ang atensyon ko sa salad at mabilis na kumain.

Ayoko nang magstay ng matagal dito. Ayokong pag usapan pa ang nakaraan.

"Nagkita na ba kayo ni Paul?" agad naman akong tumingin kay Kuya Zeke na ngayon ay nakatuon ang atensyon sa pagkain.

Huminga muna ako ng malalim. Bakit ba hindi nawawala sa pandinig ko ang Paul na iyan! Parang nanggagago ang tadhana.

"Nope. At wala akong balak na makita siya." kailangan ko ng bilisan ang pagkain ko dahil ayoko nang mas lalo pang halungkatin ni kuya ang nakaraan.

"He still loves you." maiksing sagot niya. Biniba ko na ang kubyertos. I'm done here.

"As if care, Kuya Zeke. Wala akong pake kung mahal niya ako...never na mababago ang nagawa niya. I'm full." nakatitig kong tugon sakanya. Pati ba naman si Kuya napaikot na nung Paul na yon!?

Nang makita kong nakatitig pa rin siya, tumayo na ako.

"I think we're done. Just call me kung may mas IMPORTANTE kang sasabihin. Bye." in-emphasize ko talaga ang salitang importante para malaman niyang wala na akong pake.

"Wait! Look i am sorry. Hindi kita pinupush kay Paul. Gusto ko lang sabihing he still care for you. Mahal ka pa rin niya. At alam kong hindi nawala iyon. Why don't you give him a second chance? Bata pa kayo noon. Think about it." napatingin ako sa kamay na nakahawak sa braso ko. Really?! Di ako makapaniwala sa sinabi ni Kuya Zeke sa akin.

Is he insane?

Dati, galit na galit siya kay Paul sa ginawa niya sa akin. Tapos ngayon halos purihin na niya buong pagkatao ni Paul kung magsalita!

"Kuya, alam ko namang matalino ka. Pero para yatang nabobo ka na dahil lang sa taong yon? Kakampihan mo pa ang taong kinakamuhian ko noon pa? Kakampihan mo yung taong halos patayin mo sa utak mo? Wow! Di ako na inform bestfriends na pala kayo ulit? I don't care kung sinong putanginang nagmamahal sa akin. Kasi kung siya lang, wag na. Hindi ko na kailangan ng kahit na sino sainyo." matigas kong sabat sakanya. Nakita ko naman ang pag tiim ng kanyang panga. Did I hurt him? Or is he hurt because i hate his bestfriend?

Ano bang pake ko!?

"I thought ikaw pa rin ang Shanaia na kapatid ko. Nagbago ka na pala talaga. Binago ka ng galit mo. You're much better than that Shanaia." lumuwag ang pagkakahawak niya sakin at nilagpasan ako. The heck?!

I don't care at all.

Lumabas na ako at pumara ng taxi.

Siguro nga binago ako ng galit ko sa lahat. Its not my fault. Naging mabait ako sakanila, but look what happened? I'm so fucking broke.

Naramdaman ko ang pagkabasa ng pisnge ko.

"You're much better than that Shanaia."

Damn it! Paulit ulit na bumabalik sa isip ko ang sinabi ni Kuya Zeke. Hindi pwedeng dahil sa mga nangyayari sa akin dito sa Pinas these past few days e hahayaan ko na Lang na maging ganito ang takbo at maapektuhan ang pinunta ko dito.

Mas kailangan ko nang bilisan ang Project dito at makabalik ng mas maaga sa NZ.