Chereads / The Casanova’s Queen / Chapter 2 - Chapter 1

Chapter 2 - Chapter 1

"Luciaaaa! Lumabas ka diyan sa kwarto mo!"

Sino nanaman ba 'tong nambu bulabog? Ang aga aga! Natutulog pa iyong tao e.

"Luciaaaa! Ano ba?! Buksan mo 'to!"

Punyeta ka talaga Kennedy! Kahit kailan ka talaga. Alam niya ang passcode ko kaya malaya siyang nakakapasok dito sa unit ko.

Kennedy Sarmiento. Siya ang bestfriend ko. At oo. Lalaki ang bestfriend ko dahil ayaw ko makipag bestfriend sa babae. Ayaw ko ng drama and all. Pagod na pagod na ako sa drama sa bahay at ayaw ko ng dagdagan pa ito.

Tumayo ako sa kama ko at binuksan ang kwarto. Sumalubong agad ang pagmumukha ng bestfriend ko at pulang pula ito. Ang laki na din ng butas ng ilong niya. Infairness, but he's still handsome tho.

"O napano ka? Ang aga aga nang iistorbo ka. Puyat ako!" Sigaw ko sakaniya. Hindi naman pwedeng ako lang ang sigawan niya no.

"Nagpunta ako dito dahil tumawag ang tatay mong babae ka. Patawarin ka sana ng Diyos pero ano nanaman bang ginawa mo? May nagrereklamo nanaman sayo! Pang 347 na reklamo na ito simula noong maging mag bestfriend tayo! Tumataas talaga ang bp ko sa'yo bru. Buti nalang nagmemaintenance ako."

Natural na sa akin ang ganitong eksena. Yung susugurin ako ni Kennedy dito sa unit ko dahil tinawagan siya ni Papa. It's either may nagre reklamo nanaman sa akin dahil sa ginawa ko sakanila o may gustong ipasabi si Papa sa akin na hindi niya masabi sabi. Hindi ko kasi siya masyadong kinakausap. Tapos isusumbat sa akin ni Kennedy ang mga bilang ng mga nagreklamo sa akin dahil sa ugali na meron ako. Well, IDGAF. /I don't give a fuck/

Bumaba ako at nag punta sa kusina. Bigla akong ginutom. Wala pa pala akong lutong pagkain. Wala akong makain. Mygosh!

"Huwag mo akong talikuran Lucia! Kinakausap pa kita. Wala ka talaga manners! Sagad hanggang buto iyang kasamaan mo ha. Hindi naman ako nag kulang sa mga itinuturo ko sa'yo."

"Bru, tama na. Magluto ka nalang ng almusal. Kain tayo. Nagugutom na ako." Utos ko sakaniya at umupo ako dito sa stool nang makapasok na kami ng kitchen.

"Ano ba 'yan bru? Nakakahalata na talaga ako. Kada punta ko nalang ba dito lagi mo akong pag lulutuin? Hindi ako nagrereklamo ha. Shineshare ko lang ang opinyon ko. Chef ba ako bru? Hindi ko pangarap 'yun, kaya huwag mong tuparin. Iba ang may pangarap don. At kilala mo kung sino."

Kahit naman ganiyan 'yang bestfriend ko, masunurin iyan. Siya na yata ang pinakamabait na nilalang na nakilala ko at gusto niya laging gumagawa ng mabubuting bagay. Kabaligtaran ko ang ugali na meron siya. But even though, nagkakaka sundo pa rin kami sa mga bagay bagay.

"What ever. Magluto ka nalang. 'Diba masunurin ka? Yung masarap ha. Pero ano na nga ba 'yung sinasabi mo?"

Tinalikuran naman niya ako at kumuha siya ng mga pagkain sa fridge at nagumpisang magluto. Napangiti ako. Napakabait talaga!

"Sabi ko huwag mo akong talikuran kapag kinakausap kita. Dahil talaga namang ang aking altapresyon ay pinapataas mo."

"Bru nakaharap na ako sa'yo. Ikaw 'tong nakatalikod ngayon sa'kin. Kaya sabihin mo na kung ano ba 'yan. Sino ba yang nagrereklamo nanaman. TMRN."

"TMRN? Wait hulaan ko muna 'yan. TMRN? Hmmm? Ah! Tell Me Right Now? Tama ba'ko bru?"

Pumalapak naman ako sakaniya. Para na siguro kaming baliw na dalawa dito.

"Napakatalino mo talaga. So ano na nga kasi 'yun?"

"Yung ka schoolmate mo raw. Bakit mo raw sinapak? Nako naman talaga oo. Ako pa tatanungin ni Tito e hindi ko naman din alam. Kaya ang sabi ko, try to find out. Hay nako. Minsan iniisip ko bru kung paano tayo naging mag kaibigan? Sa bait kong 'to at pinagpala sa lahat e may bestfriend akong napakasama ng ugali! Dapat si Alex bestfriend mo hindi ako e. Pero baka pinagtagpo talaga tayo ng tadhana  at ginawang mag bestfriend dahil ako ang mag liligtas sa iyo. Tama. 'Yun ang misyon ng Diyos sa akin."

Napakahaba naman ng sinabi niya.

"Sinong schoolmate ko bru? Hindi ko matandaan. EM." Sino ba ' yun? Wala akong ma alala.

"Anong EM bru?"

"Enlighten me."

"Ahh 'yun pala 'yon? Aba ewan ko bru. Hindi ko din kilala, basta sinapak mo raw. Wala naman ako don nung nangyari 'yon e. Kaya hindi ko natanong ang pangalan. Nag punta ang nanay niyang mapang aruga at nirereklamo ka. Ang sweet ng nanay niya ha. Tumawag daw kay Tito ang school mo e."

Mag kaiba kami ng school ni Kennedy. Nag aaral siya sa SWU at sa ibang University naman ako. Sa Stonewood University. Kung tatanungin niyo kung bakit hindi ako nag aaral dun, pwes nag aral na ako ron. Na expelled lang ako. Ipinahiya ako ng isang Professor namin doon kaya inabangan ko siya at ginantihan.

Btw, ako nga pala si Lucia. Lucia Dela Rosa. Graduating na ako this year kaya sa maabot ng makakaya ko ay nagpa pakabait ako para hindi ako ma delayed sa pag graduate. Pag subok ko ito sa buhay! IKICDI! /I know I can do it/

Oo mayaman kami. Pero hindi ko masasabing masaya ang pamilya namin. Ilag ako kay Papa dahil sa nagawa niya kay Mama. Kaya nawalan na ako ng gana sakaniya. Siguro pati na rin respeto. Dahil sa nangyaring 'yon narealize ko na kahit pala magulang mo kaya mong bastusin once na dumating ka sa point na nawalan ka na ng gana sakanila. Alam kong mali. Pero hindi niyo ako masisisi. I have my reasons. Anyway, LNTAI. /Let's not talk about it/

"Ano sabi ni Papa?"

"Malamang galit na galit. Alanganaman matuwa 'yun sa ginawa mo bru?"

Natuwa naman ako sa narinig ko. Gusto ko siyang magalit. Gusto ko siyang galitin. Gusto ko siyang mainis sa akin.

"Bru concern lang ako sa'yo. Bakit ka ba natutuwa kapag nagagalit sa'yo ang papa mo? Hindi ba dapat gumagawa ka ng bagay na ikakatuwa niya? Hindi 'yung ikakagalit niya? Kasi masama 'yang ginagawa mo e."

Natigilan ako sa sinabi ni Kennedy.

"Kennnedy, alam nating dalawa kung bakit ko ginagawa 'to. Magluto ka na nga! SMH!

/Sarapan mo ha/ Hilamos lang ako."

"Sige bru. Masusunod po."

Umalis din naman si Kennedy pagka tapos  naming kumain ng breakfast. Papunta ako ngayon sa secret hideout ng mga ka gang ko.

Yes. I'm a gangster. Actually may group ako at ako ang leader nila. Sumasali kami sa mga iba't ibang gang fights. Pentagon ang pangalan ng group namin. We are five in our group. 4 boys and yes I'm the only girl in the group. We are doing illegal activities. Like gang fights, drag racing. But we are not into selling drugs at kung ano pang ipinag bibili na bawal. Kung may offer naman ang ibang group like hacking, yes, ina accept namin 'yun. Whether Mafia, Gang or Syndicate pa 'yan. Magagaling ang mga kagrupo ko when it comes to technology.

Ipinark ko ang kotse ko at bumaba ako. Pumasok ako sa secret hideout namin at sinalubong ako ng isa sa mga ka grupo ko.

"Yow Queen! Kamusta?" Bati sa akin ni A.

"Ayos lang. Nasaan ang iba?"

"Umalis. Pinuntahan nila yung Mafia group na gusto magpa hack ng isang system."

"Talaga? Akala ko ba hindi nila papatusin 'yon?"

"Nag bago isip nila. Sayang daw."

"Mag iingat lang sila. Dahil kapag nalaman na sila ang nang hack ng system na pinapahack nila, tayo ang babalikan at malilintikan." Tiwala ako sa mga ka miyembro ko pero iba na ang ma ingat.

Napamahal na sila sa akin kaya ayaw kong mapahamak o malagay sila sa panganib though I already know what we are doing is actually dangerous. Gulo ko rin e.

"Queen, sila pa ba? Magagaling mga 'yun kaya chill ka lang."

"Just make sure. Una na'ko. Napadaan lang talaga ako."

"Sige Queen. Ingat. Daanan mo lang ako"

Umalis na'ko sa hide out namin at may pasok pa ako. Ayaw ko mang mag aral pero dapat. 'Yun ang gusto ni Mama. Napakabait ko talagang anak kay Mama. Kay Mama lang. HTBM? /How to be me/

Binilisan ko ang pag drive ng kotse ko. Malaya ako ngayon mag drive ng mabilis dahil wala namang nang huhuli ngayon na mga Pulis. At kung mahuli man ako, I have my own ways para malusutan sila.

Ipinark ko ang sasakyan ko sa may parking lot at dumiretso na sa classroom. Habang nag lalakad ako ay ramdam ko ang mga titig sa akin ng ibang mga studyante rito. Sige. Titigan niyo lang ang dyosa na si ako.

Nang maka rating ako sa may room namin ay dire diretso akong pumasok. Pag mumukha ng galit kong prof ang sumalubong sa akin. AMNS! /Akala mo naman scary/

"Miss Dela Rosa! You're late again!"

"Buti nga pumasok ako, Prof Tinikling."

"It's Trinidad! Bakit ba lagi mo pinapalitan ang pangalan ko?!"

Hindi ko na lang pinansin ang prof ko dahil sasayangin ko lang ang oras ko kapag pinatulan ko pa siya. Umupo ako sa may bandang likuran which is my favorite place.

Sinuksok ko ang headset sa mag kabilang tenga ko para makinig ng music. Ganito ginagawa ko araw araw at hinahayaan lang naman ako ng mga prof ko. Sanay na sila sa attitude na meron ako.

Hinahayaan nalang nila ako kaysa naman ma stress sila sa akin.

Pero ano ba 'yan? Napaka boring naman! Hindi pa man ako tumatagal ng limang minuto sa room pero inip na inip na ako. Walang magawa! Wait, e kung lumabas nalang kaya ako? Oo! Mas mabuti pa 'yon. INTGS. /I need to go somewhere/

Tumayo ako sa upuan ko at dire diretsong lumabas sa room ko. Rinig ko pa ang pag tawag sa akin ni Prof Tsinelas pero nag bingi bingihan na lamang ako. BSD. /Bahala siya diyan/ Wala rin naman siyang magagawa e.

Dumiretso ako papunta sa may rooftop ng school namin. Dito ako madalas tumambay kapag nabobored ako at kapag may problema. Isa ito sa mga naging comfort place ko rito.

Umupo ako sa may side at nakinig nalang ulit ng music. Naka tulala lamang ako rito habang nag iisip ng mga bagay bagay.

I heaved a sigh. Nakakamiss din pala ang masaya kong buhay noon. Yung walang problema. Yung walang kinikimkim na galit. Kung pwede lang sana bumalik sa panahon na 'yon, babalik at babalik talaga ako.

"Ahhh."

Ano 'yun?

Pinatay ko ang music na pinapakinggan ko dahil parang may iba akong naririnig. Wala naman sigurong multo rito ano?

Inalis ko ang earphones ko sa tenga ko at pinakinggan ang boses na naririnig ko.

"Babe... ohhh! That's good. Suck my boobs more."

"You like it huh? How about this?"

"Yes. Ohhh! Evan. You're making me crazy."

PI! Ano 'yun?! May nag lalandian na rito?! Hindi ako tanga at alam kong may gumagawa ng milagro ngayon. Kailan pa naging motel 'to? Kadiri naman. Napaka cheap. Talagang sa rooftop pa. Tumayo ako at hinanap ang dalawang nag lalampungan.

Nakita ko naman agad sila sa isang sulok. Dalawang studyante. Naka kandong 'yung babae doon sa lalaki. Like OMGLG! /Oh my god Lord God/ Ang lalaswa!

Nilapitan ko silang dalawa at nakita kong napako ang tingin sa akin nung lalaki habang hinahalikan siya sa leeg nung babae. Live Porn!

"Why are you here?" Tanong sa akin ng lalaki.

Siya ba may ari ng rooftop?

Tinulak naman niya ang babae at OMGA /Oh my god again/ nakita ko pa ang boobs niya na nakalabas sa uniform! Infairness kulay pink.

Tumayo ang lalaki na Eveready raw ang pangalan base sa narinig ko kanina at napansin kong hindi siya nag aaral dito sa University namin. Parehas sila ng uniform ni Kennedy. Taga SWU siya. Paano siya nakapasok dito?

"Nothing. I just want to help." Sagot ko sakaniya at tinitigan ko siya.

"You want to join us? Well, if you want tayo nalang dalawa. Let's sex. Come on."

Napa smirk naman ako sa narinig ko sakaniya. Malandi nga. Well, HA. /Huwag ako/

Pasimple akong kumuha ng pera sa bulsa ko at nag lakad ako papalapit sakaniya.

"You know what? You're handsome. And I can say that you're really hot." Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa habang naka kagat labi ako. Well, I can say that he's really hot and handsome.

Napangiti naman siya sa narinig niya. 'Yung ngiting nakakapang akit. Pero hindi ako na aakit! FYI. Hindi rin ako mag papaka plastic pero ang hot ng ngiti niya.

"Babe! Evan! Don't tell me iiwan mo ako at ipagpapalit mo ako sakaniya?!" Poor girl. Kapalit palit ka naman talaga lalo na kung ako ang ipapalit sa'yo. Gaga ka!

Napa irap naman ako sa kawalan. Ayoko nang sumali sa ka echosan nila sa buhay. Lumapit pa ako lalo sa Evap guy na 'to. Inilapit ko ang bibig ko sa may tenga niya at sinabunutan ko nang malamya ang buhok niya. Infairness, ang lambot ha.

"Here's the money. Don't let this girl be a cheap whore. Go and get a room." Bulong ko sa tenga niya at hinalikan ko siya sa may pisngi. "And I'm so sorry, dahil hindi ako pumapatol sa kakatapos lang lawayan ng iba." Pahabol ko pa.

And with that, iniwan ko siyang naka tunganga at medyo naka nganga pa nga e. Shookt ba siya?

Narinig ko pa ang mga malalakas na sigaw niya pero hindi ko na siya pinansin pa. Hindi niya ako madadala sa ganiyan ganiyan niya. Gwapo sana kaso gago at manyak naman. Maka uwi nalang nga!

Evan's POV

Who the fuck is that girl? How dare her to insult me! This is the first time na may gumanon sa akin na babae at hindi ako makakapayag dun.

"Babe, just let her. Don't mind her. Let's continue what we are doing."

Hinalikan ako sa labi ng babae na kasama ko ngayon dito pero tinulak ko lamang siya. Bigla akong nawala sa mood dahil sa babaeng bigla nalang sumulpot dito at nang istorbo. Actually, she looks familiar to me. Did we meet before? Hindi ko talaga maisip e. Pero baka isa siya sa mga nagka kandarapang babae na gusto akong matikman pero tinanggihan ko noon. Pero sa itsura at katawan niyang 'yun, hinding hindi ko siya tatanggihan kung aalukin niya man ako.

"I'm not in the mood anymore." Sabi ko sa babae at kinuha ko ang bag ko.

"Okay. Tuloy nalang natin sa ibang araw. Where do you want? Your place or my place?" Hindi ko siya sinagot. I want to know more about that girl.

"Wait, do you know who is she? That woman?"

"Oh. Yes, ofcourse! She's Lucia. The so known badass in town."

"Lucia?" I asked the girl. She's really familiar. Even her name sounds familiar to me.

"Yes babe. Lucia Dela Rosa. Why? You found her hot? Well, madami nagkaka gusto ron. She is known for being a badass and at the same time madami ng lalaking napaiyak 'yon. PHYSICALLY and EMOTIONALLY."

"What do you mean? Physically?" Sounds interesting.

"Yes babe. Physically. Meaning she can easily break your bone. And when I say easily, as in easy na hindi aabutin ng isang minuto."

So this girl is really something. She's catching my attention.

"And as far as I know she studied in your school before. 1 sem lang yata at hindi niya pa natapos 'yung 1 sem dahil nakick out siya."

"Oh right. That's why she looks familiar to me."

Lucia Dela Rosa. Nag aaral sa SWU dati. Na kick out.

Oh wait, I think remember something.

"Kaibigan niya ba si Kennedy Sarmiento?"

"Ah yes! Madalas dito 'yun si Kennedy. Sinusundo niya minsan or dinadalaw niya. And I heard bestfriends sila. I can see na interested ka sakaniya babe. Should I get jealous?"

Napa smirk ako sa isip ko. So siya pala ang bestfriend ni Kennedy na lagi niyang binibida at kinikwento sa amin.

"You shouldn't be jealous babe."

I pulled the girl towards me and kissed her hard. I heard her moan immediately so I stop kissing her.

"You shouldn't be jealous because in the first place wala namang tayo."

And with that, I left her hanging. This is me. I love to play games with girls. I'm a Casanova and girls are my favorite toys. I sex girls and leave them hanging.

Kailangan kong puntahan at makita si Kennedy. Kennedy is my key para makaganti sa babaeng bumastos sa akin.

Lucia Dela Rosa, be ready. You're my next target. And I'll make sure that you'll scream my name in bed. Wala pang humindi sa akin when it comes to sex.