Chereads / Self Healing Magic / Chapter 86 - Bagong misyon

Chapter 86 - Bagong misyon

Walang ideya si Yman at Rea kung ano nasa loob ng sulat. Kaya hindi nila alam kung bakit biglang pinagpawisan si GM Blak Ber.

"P-Pasinsya na, sa inyong dalawa, mukhang mali ata ang naging pakikitungo namin sa inyo," biglang sabi ni GM Blak Ber.

Kumunot ang noo ni Yman dahil hindi niya makuha kung ano ang nais ipahiwatig ng GM. Dahil para sa kanya ay natural lang naman yun. Lalo na't para naman pala sa kaligtasan ng mga kabataan ang inaalala ni Blak Ber kaya wala siyang nakitang kakaiba ukol dito. Samakatuwid, Iba't ibang leader ay may iba't ibang uri ng pamamalakad.

Kaya ayaw niya kwestiyunin ito.

Kanina lang ay diri-diretso itong nagpapaliwanag sa kanila tungkol sa kanilang klase ng pamamalakad dito sa guild branch na ito.

Pero ngayon ay tila nababahala ito. Naisip niya na may kakaiba sa sulat na iyon. Galing pa naman kay Headmaster Laura yun. Kaya nagdududa si Yman na may nakalagay sa sulat tungkol sa kanila ni Rea.

"Huwag mo nang alalahanin yun Guildmaster Blak Ber. Naiintindihan namin na nagmamalasakit lang kayo sa mga kabataang katulad namin," sagot ni Yman.

Sa totoo lang ay gusto na niya umalis para tapusin agad ang kanilang pakay sa lugar na ito.

"K-kung ganun, Black- este...kid ay kuwan..." nalilito si Blak Ber kung anong itawag sa binatilyong ito na base sa sulat ay ang miateryosong si Black Magician!

Hindi niya alam kung totoo ba ang nakalagay sa sulat. Pero kung totoo man, ay hindi basta basta ang taong nasa harapan niya. Kaya niyang talunin mag-isa ang isang rank A na halimaw. Na malimit ay natatali lamang kung ito ay pagtutulungan ng mga lima o mahigit na magician na may parehong rank.

Pero ang binatang ito sa kanyang harapan ay ang misteryosong black magician. At ang dilag naman na kanyang katabi ay ang pamangkin ng Headmaster sa main branch.

Gustong maiyak ni Blak Ber sa nalaman. Kahit halos hindi kapani-paniwala ang nakasulat ay sinong maglalakas loob na sabihing sinungaling ang Headmaster na si Laura Agila?!

Siguradong isang utos lang niya ay kayang ipatalsik sa pwesto ang kahit sinumang GM sa iba't ibang branch ng adventurers guild.

Kahit sila Maena ay nagulat din sa kakaibang kinikilos ng GM na ito.

Kanina lang ay kaswal lang itong kausap nila Yman. Pero ngayon ay parang may kinatatakutan pagkatapos basahin ang nasa sulat.

Kapansin pansin din ang parang takot at paggalang nito kay Yman at Rea.

Naguguluhan si Maena. Pati narin si Kesha. Hindi nila alam kung bakit biglang nag-iba bigla ang pakikitungo ng GM kay Miss Ella at sa lalaking ito.

Si Mina naman ay tahimik lang na nakaupo sa kabilang gilid ni Yman.

Iba ang laman ng kanyang isip sa mga oras na ito. Na para bang may kinababahala siyang ibang bagay.

"Yman Talisman po Guildmaster Blak Ber," sabi ni Yman nang mapansin ang awkward na pagtawag nito sa kanya. Napansin din niya na parang balak atang tawagin siyang Black Magician kanina. Mukhang tama ang hinala niya na may nakalagay na ganun sa sulat.

Hindi niya alam kung ano ang nais ni Headmaster Laura. Pero dahil mula naman ito sa Headmaster ay wala na siyang magagawa. Sa totoo lang, wala naman siyang balak na isikreto ang tungkol sa kanyang pagiging Black Magician.

Pero nais ni Headmaster na itago ito sa iba, lalo na sa hindi parte ng guild.

At mga mapagkakatiwalaang tao lang dapat ang nakakaalam ukol dito. Naisip ni Yman na sabagay mukhang mabait naman talaga itong si GM Blak Ber. Ayaw nga niyang mapahamak ang mga kabataan ng maaga.

Kaya hindi na niya inaalala pa kung malaman nito ang tungkol sa kanya. Ang problema lang ay kung malaman ng mga kalaban niya ang tungkol sa kahinaan ng kanyang skill na Black Energy.

Marami pa naman paraan para kontrahin ito. Lalo na't napakahirap niyang tao.

Ngunit, kailangan na nilang lumakad ng mas maaga. Kaya dapat magpaalam na sila kay GM Blak Ber. Natapos narin niya ang pinagawa sa kanya kaya okay na siguro na umalis sila.

Pero bago pa makapagpaalam si Yman ay bigla naman siya nitong pinakiusapan.

Napa-tamad na ngiti nalang si Yman habang kinalmot ang pisngi.

Wala na rin siyang magawa at pumayag narin. Yun ay dahil medyo malaki ang pabuya sa misyon. Ang misyon na nais ipagawa ni GM Blak Ber ay ang paghanap sa grupo ng adventurers na tatlong linggo na na hindi nakabalik mula noong kunin nila ang isang misyon na kailangan kumolekta ng isang bagay na tinatawag na Millennium Coal.

Nagulat ang mga babaeng kasama niya, pati si Yman ay nagulat din. Dahil pamilyar sa kanila ang salitang ito. Bigla naman napabulong si Rea sa tenga ni Yman.

Tumango si Yman.

Nang marinig nila ang salitang Millennium Coal ay biglang lumitaw sa kanilang isipan kung sinuman ang salarin na nagpost ng misyon na ito sa mga misyon board ng adventurers guild. Mukhang umabot dito ang papa ni Ras para magpost ng misyon. O kung hindi man, siguradong may inutusan si Sar para magpost ng misyon sa lugar na ito.

Biglang napa-isip si Yman na dodoble ang utang na loob ni Sar sa kanya kung sakali man na magtagumpay siya sa misyon.

'Hehe,' napangiti nalang siya.

Sabay napabuntong hininga si Maena at Rea nang mapansin kung ano ang iniisip ng binatang kasama nila.

Kinalaunan, ay napagdesisyunan ni Yman na tanggapin ang misyon. Napabuntong hininga si GM Blak Ber sa pagtanggap niya sa misyon.

Sa totoo lang, hindi niya alam kung magtagumpay ang binata. Lalo na't hindi niya alam kung gaano kalakas ang binatang ito. Pero kung totoong siya si Black Magician na kayang pumatay ng rank A na halimaw ng mag-isa, siguradong may tiyansang magtagumpay ito sa pag-rescue sa mga na trap na adventurers sa loob ng kuwebang yun.

Pero hindi niya nilahad ang tungkol sa pagka-trap ng mga adventurers sa kuweba. Sinabi lang niya na nawawala ang mga ito.

Sa totoo lang ay walang may kayang labanan ang halimaw na nagbabantay sa lugar na iyun. Lalo na sa guild na ito. Dahil tanging ang grupo lang ni Tyrant ang may mataas na rank dito. Except sa mga adventurers na natrap sa lugar na iyon.

Bago makalabas ng pinto ng guild ay napansin ni Yman ang tatlong nakalaban kanina na naghihintay sa may pinto.

Ang dalawa sa kanila ay may pasa sa mukha. Mukhang nagising narin ang lalaking nawalan ng malay.

Kumunot ang noo ni Yman at tinanong ang tatlo kung may problema ba. Or kung gusto paba nila ng laban.

Pero umiling ang tatlo at nagtanong tungkol sa kanilang sandata. Nawala ang Falchion Sword at dalawang Dagger. Parehong high grade equipments ang mga ito kaya medyo mahal ang mga presyo.

Sinabi ni Yman na wala siyang alam.

Ngunit sabi ni Tyrant na nakita daw ng kasama niya at ng mga tao sa paligid ng damputin niya ang mga ito.

Lumingon si Yman sa kasama ni Tyrant na tanging nakaligtas at hindi nagkapasa at tinanong kung nakita ba nito na damputin niya ang mga sandata. Pero bigla nitong ibinaling sa ibang direksyon ang kanyang tingin. Dahil sa nakakatakot na tingin ng binata.

Pati ang mga tao sa paligid ay ibinaling sa ibang direksyon ang mga tingin.

Si The Guru naman ay napakamot nalang ng ulo. At napangisi habang ipinailing ang ulo.

Sa isip niya ay, mukhang kakaiba nga talaga ang binatang ito. Bigla tuloy nakadama siya ng pagka excited sa binata. At napabilib narin ng kunti.

Dahil bihira lang na makakita siya ng ganitong klaseng binata. Hindi lang malakas, makapal pa ang mukha at walang pakundangan kung manganakaw ng gamit!

Naisip din niya na sabagay hindi naman ito talaga maituring na pagnanakaw. Dahil may kasalanan naman nito ay ang guild.

Pumuti naman ang mga mata ni Kesha habang nakabuka ang bibig na parang may mga pangil ang naglabasan. Hindi niya akalain na napaka-sinungaling ng taong ito!

Kitang kita ng dalawang mata niya nang damputin nito ang mga sandata. Napangiti panga ito habang sinasabing drop items! Gusto pa nga sana niya itong sigawan dahil sa pagnanakaw ng gamit. Pero pinigilan niya lang ang sarili dahil sa bestfriend niya.

Biglang siniko ng bahagya ni Kesha ang kaibigan na nasa tabi. Ngunit wala itong imik na tila may sariling mundo.

Hindi alam ni Kesha kung anong nangyari sa bestfriend niya. Pero tiyansa niya ito para matauhan ang kanyang bestfriend.

Ngunit kinamot lang ni Mina ang braso na tila ba tinuturing na lamok ang dumamping siko sa kanyang braso.

Gustong maiyak ni Kesha. Hindi na niya alam kung anong gayuma ang ginamit ng binatang ito sa bestfriend niya.

Biglang narinig niya na tinanong ng mamang nabugbog sila Maena at Rea. Mabilis na nilingon ni Kesha ang dalawang babaeng kasama.

Napangiti nalang si Maena. Hindi niya alam kung magnanakaw ba ang kaibigan niya. Pero kahit anumang mangyari ay kailangan niyang pagtakpan ang kaibigan. Kaysa naman makulong ito.

"Sorry—manong pero wala akong nakitang may dinampot na gamit si Yman..." sabi ni Maena habang kinamot ang pinagpawisang pisngi.

Hindi inaakala ni Kesha ang sagot ni Maen. Dahan dahan niyang nilingon si Miss Ella, at nagbabakasakali sa kabutihan nito.

Pero sinabi lang ni Rea na nakatalikod siya sa mga oras na iyon. Isa siyang prinsesa ng kaharian kaya ayaw niyang masangkot dito. At isa pa, ayaw niyang pag-isipan ng masama si Yman. Tsaka kasalanan din naman ng mga taong ito ang nangyari. Dahil sumubra ang kanilang pinagsasabi. Mas okay nga at hindi niya ipinakulong ang mga ito. Pero ayaw niyang ilantad ang pagiging prinsesa ng kaharian.

Natulala nalang si Kesha. Hindi niya alam kung anong klaseng talent meron ang binatang kasama nila at nagawa nitong gawing sinungaling ang kanyang kind-hearted na iniidolo. Pati si Maen na parang hindi ang tipo na nagsisinungaling ay nagsinungaling. At ang kaibigan niyang maasahan ay wala sa kanyang sarili.

Sumimangot ang mukha ni Kesha. Hindi niya hahayaan ang binatang ito na magkalat ng kasamaan. Sigurado siyang may ginamit itong pangdarambong na kayang utuin pati ang Headmaster ng adventurers guild.

Ibinuka ni Kesha ang bibig para isumbong ang kanyang nakita. Pero bago pa siya makapagsalita ay may mabilis na pumasok sa kanyang bibig. Na muntik na siyang mabilaukan.

Nagulat naman ang mga tao sa paligid. Hindi nila alam kung bakit biglang nauubo ang isa sa mga magagandang dilag.

Dahan dahang iniluha ni Kesha ang bagay na pumasok sa kanyang bibig. Nakita niya ang isang pirasong toasted na tinapay. Ito yung kapares ng kape sa taas na senerba sa kanila ng secretary ng GM kanina.

Binato ng tingin ni Kesha si Yman. Pero wala naman siyang napansin na bumato ito. Nalimutan niya tuloy ang sasabihin.

Napabuntong hininga nalang si Yman.

Gustong matawa ni Maena at Rea sa ginawa niya.

Si Tyrant naman ay mangiyak ngiyak nang umalis na nga sila Yman sa guild at nagpatuloy sa orihinal nilang pakay sa lugar.

"Lagot ako nito sa Mises ko," malungkot na sabi ni Tyrant. Sa totoo lang ay birthday gift mula sa kanyang asawa ang Falchion Sword na iyon.

Ibinalik nalang ni Tyrant ang sarili sa pag-inom kahit maluha luha ang mata. Gayun din ang kasama niyang nawalan ng dagger.

Lihim naman na nagpapasalamat ang isa nilang kasama dahil sa pagdating ni GM Blak. Naligtas ang kanyang magic staff mula sa binatilyong nangnanakaw kahit na sa tanghaling tapat.