Chereads / Self Healing Magic / Chapter 87 - Dahil kay Yman?!

Chapter 87 - Dahil kay Yman?!

Sa halos isang oras na paglalakbay ay narating narin nila Yman sa wakas ang sinasabing lugar kung saan makikita ang tinatawag na Desert King, isang malahiganteng alakdan o scorpion.

Gaya ng inaasahan ng lahat, mabuhangin at mainit ang paligid. Lalo na't ang kasalukuyang oras ay nasa kalagitnaan ng 2 at 3 pm.

Limang kabataan ang naglalakad sa gitna ng desyerto habang nakaalerto ang bawat isa.

Ito ay ang grupo nila Yman. Ilang sandali ay...

Biglang natigilan sa paglalakad si Yman nang may maramdaman sa unahan.

"Sandali, may—mga halimaw pasugod satin!" Saglit niyang paalala sa mga kasama. Pagkatapos sabihin ito ay kinabig niya si Rea na nasa kanyang kanan papuntang likuran.

Sa isip niya, kahit anong mangyari ay kailangan protektahan ang nag-iisang healer. Well, healer din siya, kaya lang, self healing.

Kahit medyo nagulat ay dumungaw si Rea mula sa likod ni Yman at sumilip sa unahan. Ngunit wala namang makikitang kakaiba o kalaban. Pero kahit ganun paman ay hindi niya pinagduduhan ang sinabi ng binata.

Kumulubot ang kilay ng ibang kasama habang ini-reready ang kanilang sarili. At itinuon sa unahan ang kanilang mga tingin, ngunit, wala silang nakikita o napapansin na kalaban sa unahan. Isang patag na mabuhanging lugar lamang ang kanilang natatanaw.

Tumingin-tingin sila sa paligid, ngunit gayundin, kahit isa ay wala silang nakikitang halimaw o ano paman.

Ngumiti si Maena. Bukod kay Yman, tanging si Maena lang ang may kakayanan din na makaramdam ng mga nagtatagong kalaban sa kanilang grupo. Dahil sa kanyang passive skill na Eye of Perception.

"Hey, nagsisinungaling kaba?" Biglang tanong na mula sa likuran, ito ay mula kay Kesha. In the first place, wala talaga siyang tiwala sa lalaking ito. Na parang kung sinumang harem protagonist kung maka-asta.

'Ang kapal! Ang kapal talaga! Pero sa totoo lang, ay napaka-weak nito at gusto pa siguro mag-leech sa aming mga babae.' Sa isip ni Kesha ay napaka-kapal talaga ng mukha ng lalaking ito! Jusko!

Kung hindi lang sana dahil sa bestfriend niya ay pipiliin niyang dumistansya rito.

Lalo na't napakasinungaling at magnanakaw pa ang lalaking to. Sigurado siya na kinuha nito yung mga sandata ng dalawang nakalaban sa guild. At kitang-kita mismo ng dalawa niyang mga mata.

'Pero ang lalaking ito ay itinanggi pa talaga na siya ang kumuha! Grrr...ang kapal ng mukha!' Naghihimutok sa galit si Kesha habang binabato ng matutulis na tingin ang likuran ng lalaking kasama nila.

Hindi sumagot si Yman sa tanong ng mareklamong babae. Hindi niya alam kung bakit, pero nafefeel niya na parang kontrang kontra sa kanya ang isang ito. Wala naman siyang maisip na dahilan para ikagalit nito sa kanya. Sa tingin niya ay maayos din naman ang kanyang pakikitungo rito.

Hmm.....sabagay, ganito naman malimit ang mga mayayaman, dinadown nila ang mga katulad niyang mahirap lamang, at marami pang utang, milyones pa. Gusto tuloy maiyak ni Yman dahil hanggang ngayon wala parin siyang naiipon.

May maaasahan sana siyang skill ngunit kumakain naman ng pera bago ma-activate. Hindi niya alam kung sadyang malas ba siyang tao o sadyang itinadhana lang talaga siyang paglaruan ng tadhana.

Kaya itinikom nalang niya ang bibig habang itinuon ang pakiramdam sa paligid. Nang dahil dito, ay kumunot ang noo ni Kesha at lalong nabadtrip sa kanya.

Ngunit walang alam ang ibang kasama kung anong nararamdaman niya. Kahit ang best friend niyang si Mina ay wala ring ideya sa kanyang dinaramdam sa mga oras na ito.

Nasa tabi ni Yman sa kanyang kanan si Mina at tahimik lang. Gaya ng iba, ay nakaalerto rin siya at nakikiramdam sa paligid. Ngunit wala naman siyang nakikitang kakaiba sa unahan. Kaya nagtaka rin siya kung anong ibig sabihin ni Yman.

Ngunit, makalipas ang ilang sigundo...

""Sa unahan, andito(andiyan) na sila!"" Sabay na paalala ni Yman at Maena.

Biglang napatingin ang mga kasama sa unahan. Samot saring expresyon ang rumehistro sa kanilang mga mukha nang nakita nila ang mga halimaw na isa-isang nagsilabasan mula sa ilalim ng buhangin. Direkta itong nagsigapang pasugod sa kanila.

Ang mga halimaw ay parang Stone Crab ang hitsura. Pero alam nilang lahat na naiiba ang mga ito. Gaya ng Stone Crab ay may mala-vicegrip din itong mga kamay, at munting mga paa na parang sa alimango rin.

Ang malaking kaibahan lang nito sa Stone Crab ay ang kanilang matutulis na buntot. At nasa kalahati lang ang laki ng mga na ito kumpara sa Stone Crab.

Halata rin ang kakaibang likido na mapapansin sa dulo ng kanilang buntot na nagsitalsikan habang silay nagpapaunahan.

Kahindik-hindik itong tingnan dahil sa dami nila. Lalo na ang ingay na dulot ng tagisan ng kanilang nagkiskisang mga matigas na balat. Para ring lumindol ang paligid dahil sa sabaysabay na sumugod. Nasa halos mahigit isang daan ang bilang ng mga halimaw.

Kahit na nasa mahigit 50 meters pa ang layo ng mga ito ay kitang kita na nila ang mga red bars at ang pangalan na nakasulat sa ibabaw dahil sa pagiging hostile ng mga ito. Ang pangalan naman ng mga halimaw ay Sand Scorpion.

"Let me, ako na ang bahala!" Sigaw ni Maena habang humakbang sa unahan.

Kinuha nito sa Inventory ang paboritong sandata na panang nababalutan ng lamig. Nang dumampi ito sa mga kamay ni Maena ay ramdam na ramdam niya sa sarili ang lamig nito. Pero balewala na ito kay Maena. Para sa kanya, ang lamig na inilabas nito ay napaka-komportable sa kanyang mga kamay.

Kumuha rin siya ng palaso at inilagay sa pana.

Unti-Unting hinihila ang string na gawa sa purong enerhiya kung saan nakakabit ang palaso sa pana at inasinta sa unahan kung saan naroroon ang mga pasugod na halimaw.

Pagbitaw ni Maena sa hawak nitong palaso ay... Parang tunog ng paputok na pumapaitaas sa kalangitan, ang palasong pinakawalan ay naglakbay sa ere diretso sa kaniyang itinakdang target.

Eeeeeeeeekkk!! Iyak ng naunang Sand Scorpion nang tamaan ito sa gilid ng bibig.

Ngunit, dahil hindi gumamit ng skill si Maena sa kanyang atake ay hindi nito nagawang patayin agad ang Sand Scorpion. Kailangan pa niyang sundan ulit ng pangalawang tira para siguraduhing mag-zero na nga ang health points na makikita sa ibabaw ng halimaw na nasa loob ng kani-kanilang mga red bars.

Dinilaan ni Maena ang mapupulang mga labi at muling nagpakawala pa ng mga palaso. Sunod sunod na itong nagpakawala. Mabilis ang kanyang mga kilos na halatang praktisado. Na para bang sa bawat paggalaw ng kanyang mga kamay ay sinundan ng paglipad ng mga palaso.

Triple Shots!

Matapos itong isigaw, tatlong palaso ang sabay na nagliparan at sabay din lumanding sa kanilang target. Tatlong magkasabay na iyak ang sumunod nang bumaon ang bawat isa sa katawan ng mga halimaw. Dahil sa laki ng damage ng skill na ito ay direktang naging itim na usok ang mga halimaw.

Pagkatapos gamitin ang Triple Shots ay bigla itong nag-cooling down state. Ngunit, nasa sampung sigundo lang ang cooldown nito. At pwede narin niyang magamit ulit makalipas ang cooldown time.

Nagpatuloy si Maena sa pagpana ng mabilisan.

Kung titingnan ay para lang siyang tumitira ng basta-basta. Pero sa totoo lang ay walang kahit isang palaso ang sumablay sa kaniyang mga itinira.

—-3...2...1...0!

Ilang sigundo ang lumipas, ay nag-cooldown na ulit ang kanyang skill. Muling nagpakawala si Maena ng mga palaso...

Triple Shot!

Sigaw niya. Sinundan ito ng kakaibang mga tunog.

Fwoosh! Fwoosh! Fwoosh!

Binaybay ang ere at diretsong lumanding sa bandang may mata ng isang Sand Scorpion na gustong unahan ang kanyang katabi, agad na bumaon ang matulis na dulo ng palaso at...

Eeeeeeekkkkk!!!

Laking iyak nito habang unti-unting nagiging itim na usok ang kanyang katawan.

Sunod-sunod na nagliliparan at bumaon sa mga target ang mga palasong binitawan ni Maena.

Naagiging itim na usok ang mga ito nang tamaan sa pangalawang pagkakataon at nag laglag ng mga drop items.

Dahil kaparty nila ang bawat isa, kaya lahat ang nakatanggap ng +100 Experience Points at mga materyalis na parang mga parte ng katawan ng napatay na halimaw. Ang materyalis na ito ay may ibat-ibang pwede paggagamitan.

Yung iba ay pwede lutuin. O di kaya gawing mga kagamitan, gaya ng mga sandata o baluti. At pwede ring mga kasangkapan. Pero para sa mga magician na pumapatay sa mga halimaw ay madalas na binibinta nila ang mga materyalis na ito.

Bawat materyalis naman ay may kanya-kanyang halaga o presyo; depende nalang kung gaano kahalaga ang gamit kapag na-i-prodyus na ang mga finish product nito.

Lihim na napahanga ang kanyang mga kasamahan dahil sa husay nitong gumamit ng pana.

Napatunganga nalang sila habang pinagmamasdan ang mabilis nitong kilos. At ang tira niya na walang mintis.

Nagtaka si Mina sa lakas ni Maen. Napapansin niya na parang hindi pa nito ginagamit ang totoong lakas. Ang Triple Shots na skill ay nasa Rank C+ lamang ang lakas. Ngunit feeling ni Mina na nasa rank B ang tunay na lakas nito dahil hindi naman sinagad ni Maen ang lakas at direkta niya itong itinira. Ang mga level 5 magician at pataas ay may makikitang power gauge sa kanilang paningin kapag umaatake, Normal attack man o Magic Skill.

Kapag hindi nito sinasagad ang power gauge ay bumababa rin ang lakas ng atake at rank nito. Ngunit kapag nasagad ito, ay tsaka palang makikita ang tunay na lakas ng atake. Kaya nagtaka si Mina dahil feeling niya sinadyang pahinaan lang ni Maen ang kanyang atake. Siguro nagtitipid siya ng mana?

Sa kanilang lahat tanging si Yman lang ang walang alam tungkol sa power gauge. Dahil siya lang ang level 4 sa grupo. Habang pinagmamasdan nila si Maena ay napabuntong hininga nalang si Yman. Alam niya kahit noong bata palang sila na magaling itong gumamit ng pana. Pero mas lalo pa itong gumaling ngayon.

Kaya lang, habang pinapatay ni Maena ang mga Sandy Scorpion ay napansin nila na parang mas lalo lang dumarami ang kanilang bilang.

Naiiba ang mga Sand Scorpion sa mga Stone Crab. Kung ang Stone Crab ay hindi sumusugod hanggat hindi mo inuunahan, ang mga Sand Scorpion naman ay agad na umaataki pagkakita palang sa mga tao o kahit mga halimaw na hindi nila kapanalig. Kabilang ang Sandy Scorpion sa uri ng halimaw na tinatawag na 'Hostile Monster'.

Madalas, kung may inaatake ang isa sa kanila ay agad dadagsa ang iba pa na para bang may kung anong link ang nag-uugnay sa kanila.

Mga halos mahigit isang daang Sand Scorpion ang mabilis na gumagapang papunta sa kanilang direksyon.

Si Rea naman ay tila nanginginig. Hindi naman sa takot siya, kaya lang kahindik-hindik tingnan ang mapupulang mga paa at kamay ng mga Sand Scorpion habang mabilis na itinandyak sa buhangin ng desyerto.

"Tulungan kana namin Miss Maen!" Sigaw ni Kesha.

Tumigil muna si Maena at...

"Fufu, hindi na kailangan Kesha," sabi niya habang unti-unting nagliliwanag ang palad nito.

Napansin din nila na hindi na kumukuha ng palaso si Maena sa kanyang storage.

Nagpasabog si Maena ng kulay asul na enerhiya sa katawan.

Ilang sandali ay humakbang pa ito sa unahan ng limang beses. Makikita ang kanyang kanang kamay na nababalutan ng matinding liwanag na may kasamang matinding lamig.

Nagpormang letter 'o' naman ang mga bibig ng mga kasama. Habang nanliit ang mga mata ni Yman at pinagmamasdan ng maigi ang kababata.

Pero feeling niya ay may gagawin itong kakaiba.

Iniluhod kunti ni Maena ang isang paa. At itinutok sa kalangitan ang kanyang pana na mas lalong nagliliwanag ng malamig.

Unti-unting nawala ang liwanag sa kanyang kanang kamay. Ngunit ang pumalit ay ang paghulma ng maliwanag palaso.

Makikita sa paningin ni Maena ang power gauge na pumapaitaas at bumababa. Kailangan din kasi ng timing para makuha ang pinakamalakas nitong porsyento.

Ilang sandali ay sinagad niya ang pag-unat ng string tsaka pinakawalan ang maliwanag na palaso. At sakto namang nasa 80% ang power gauge nito.

Parang kung anong maliwanag na dragon ang lumipad diretso sa kalangitan.

Sa ibaba makikita ang mga halimaw na umabot na sa sampung metrong layo mula kay Maena. Iniready na nila ang kanilang mga sandata sa kamay. Dahil mabilis na nagsigapang ang mga halimaw para sila'y lusubin. At palapit na ng palapit ang mga ito kay Maena.

Ngunit bago pa makalapit ang mga ito...

Ice Drop!

Pagkatapos sabihin ito ay biglang nagliwanag at parang umuulan ng mga palasong gawa sa yelo ang kalangitan diretso ito sa baba.

Napatunganga nalang ang lahat habang pinagmamasdan ang mga kaawa-awang mga Sand Scorpion na isa isang tinamaan. Diretso itong naging itim na mga usok.

[.....got Sand Scorpion leg]...

[.....got Sand Scorpion thick skin]...

[Exp gained +100]...

[.....got Poison Ring]

Halos paulit-ulit ang mga notification na nakikita sa kanilang mga paningin.

Kahit si Yman ay nagulat sa skill na ito ni Maena. Gusto niya sanang tanungin si Maena kung mula ba sa elemental ng kanyang sandata ang skill na ginamit nito. Pero napansin niya na nanghina at namumutla ito. Kaya mabilis niyang nilapitan.

Mukhang malaki ang bawas sa mana ng skill na iyon. Agad na uminom siya ng potion na kulay asul.

Ilang sandali ay bumalik na ulit ang kulay nito.

Sinabi ni Maena na ang skill na kanyang ginamit ay pinagsamang elemental skill ng sandata at personal niyang skill.

"....."

Gusto na talaga sumigaw ni Yman sa sobrang pagka-unfair ng mundo.

'So pwede palang pagsamahin ang ang dalawang skill huh,' sa isip niya.

Si Mina at Kesha ay nanlaki ang mga mata.

"Maen, bakit wala ka sa special students?" Biglang tanong ng kanina pang tahimik na si Mina.

"....."

Pinaliwanag ni Maena ang dahilan...

"Dahil kay Yman?!" Gulat na pasigaw na tanong ni Mina. Pati si Rea ay nagulat. Ngunit ang alam ni Rea ay malapit na magkaibigan ang dalawa kaya natural lang na ganun. Pero iba naman ang naramdaman ni Mina. Dahil minsan na na sinabi ni Maena sa kanila na pumunta siya rito dahil sa lalaking kanyang nagugustuhan.

Kaya, lalo lang siyang nakadama ng pagkabahala.

'Hah, siguradong gusto lang ng tomboy na itong magyabang sa akin at bullyhin ulit ako,' laman ng isip ni Yman nang marinig ang sinabi ni Maena.

"Fufu, oo tsaka, sinong mag-aakala na wala pala dun ang taong ito, at narito sa engkantasya kasa kasama ang magandang engkantada. Fuh!" Sabi ni Maena sabay lingon kay Yman. Habang namula naman ang pisngi ni Rea.

"Eh, hindi ko rin inasahan ang nangyari!" Sagot ni Yman.

Sa pagkakaalam ng lahat ay inatake siya ng malakas na halimaw at iniligtas ng Misteryosong si Black Magician.

Lingid sa kanilang kaalaman ang tunay na nangyari.

"Guys! Tulungan niyo ako dito!" Habang nag-uusap ay pinagpapatay naman ni Kesha ang iilan na natirang Sand Scorpion. Kaya lang, nahihirapan siya dahil pinakaayaw niya sa mga ganitong uri ng halimaw. Tumitindig ang kanyang mga balahibo.

Agad na sinaklolohan ni Yman si Kesha. At mabilis na tumalon sa isang Sand Scorpion. Sa isang iglap lang ay humiwalay ang buntot sa katawan. Sinundan agad ni Yman ang pag-atake. Diretso naging usok ito nang tamaan muli. Sinugod agad niya ang sunod na Sand Scorpion. Ngunit napansin ni Yman na hindi na umatake si Kesha.

Nang lingunin niya ito ay napansin niya ang nanlaking mga mata habang nakatingin sa kanya.

"Bakit?" Tanong dito.

"Sabi ko na ngaba ikaw ang kumuha ng espadang yan!" Sigaw ni Kesha habang nakatingin sa espadang hawak ni Yman.

"Bestfriend, magnanakaw ang lalaking nagustuh—!" Agad na tinakpan ni Kesha ang bibig.

"....."

Natigilan silang lahat.

...

Sa EMRMHS naman, may natanggap na sulat tungkol sa pagkakaroon ng practice match sa dalawang akademya.

Ang kanilang makakalaban ay ang akademya ng WMRMHS.

Makikita ang WMRMHS sa kanlurang bahagi ng EMRMHS. Nasa siyudad ito ng Human City Station 6. Habang nasa Human City Station 7 naman ang EMRMHS.

Ang practice match ay gaganapin sa sunod na linggo. Sakto lang na makauwi na lahat ng mga special students na dumalo sa pagdiriwang.