Sinalubong agad ng lalaki ang tumatalong binata mula sa kisame ng silid.
Ngunit bago magpang-abot ang dalawa ay biglang iniharang ng lalaki ang kanyang dalawang dagger sa kanyang katawan. Na sinundan ng malutong na salpukan ng sandata.
Isang saglit lang ay walang nagawa ang lalaking may hawak na mga dagger sa kanyang mga kamay. Tumilapon siya na parang bola sa kanyang likuran kung saan nasa salungat na distansya ng kanyang kasama na may kontrol sa mga Wind Blades.
Gulat ang lahat sa biglaang pangyayari.
Pati si Yman na tumatalon palang ay nagulat din. Hindi niya inakala na biglang susugod ang babaeng ito. Gayundin ang iba pa niyang mga kasama ay may gulat na gumuhit sa kanilang mga mukha.
Isang babae na may hawak sa mga kamay na kakaibang sandata ang mabilis na sumugod sa kasamahan ni Tyrant.
Hindi na nagawang pigilan ni Mina ang sarili.
Napalunok nalang ng mga nagbarang laway sa lalamunan ang mga tao sa paligid. Dahil sa sandata niyang hawak na parang hinihila sa ilalim ng lupa ang kanikanilang mga kaluluwa.
Pati si The Guru na kasalukuyang nanood din ay nagbilog ang mga mata. Masyadong kakaiba ang sandatang hawak ng dilag. Sa totoo lang ay may kunti siyang kaalaman ukol sa sandatang ito. Pero hindi siya sure kung nabibilang nga ang sandatang to sa alam niya.
Sinasabi ng lahat na pinakamalakas na uri ng high-grade equipments ay ang mga tinatawag na God rank. Dahil bawat ganitong klase ng sandata ay nagtataglay ng kakaibang abilidad. Kaya lang, hindi ito basta basta makikita. At hindi ka basta basta makakapagmamay-ari nito.
Pero, ang sandatang hawak ng dilag ay sigurado siyang hindi nabibilang sa God rank.
Ngunit kung tama ang hinala niya, ay nabibilang ito sa klase ng mga equipments na kayang pumantay o kung hindi man ay kaya nitong lagpasan ang lakas ng mga God rank equipments.
Gaya ng God rank ay hindi rin madali itong makita at mapagmamay-ari. Pero paano kaya na merong sandatang ganyan ang dilag na ito?
Kahit hindi ginamit ng dilag ang kakayanan ng sandata niya, ramdam na ramdam ni Guru ang kakaiba nitong tinataglay na kapangyarihan.
Naaakit tuloy si Guru na gamitin ang kanyang Eye of Appraisal. Pero pinigilan niya ang sarili. Dahil sa binatang yun. Sayang at hindi manlang niya masigurado ang hinala niya.
Napagtanto ni Guru na kakaiba ang mga kabataang ito.
...
Sinabayan ng malakas na pagsabog nang tumalsik sa dingding ng silid ang lalaking tumanggap ng kanyang pag-atake. Hindi ito nakatayo agad at bumakas sa dingding ang kanyang imahe. Kahit na nagawa nitong sanggain ang atake ay nabawasan parin siya ng mahigit isang libong bilang sa kanyang buhay.
Walang nakapansin kung anong klaseng skill ang ginamit ng dilag.
Nag-dot ang mga mata ng tatlo pang babae na kanilang kasama. Lalo na si Kesha. Hindi niya inakala na bigla nalang susugod ang bestfriend niya.
Kahit alam niyang nagtitimpi ito at kanina pa mangiyak-ngiyak ay hindi pumasok sa isip niya na bigla itong sasawsaw sa laban. Mukhang hindi na kinayang tingnan ni Mina na pinagtutulungan ang lalaking nagugustuhan.
Kumisapkisap nalang ang mata ni Kesha na tila naging dot habang iniisip kung abot saan ba ang pagmamahal ng bestfriend niya sa lalaking to! Hindi lang ba ito basta puppy love na huhupa rin sa pagdaan ng panahon?
Yun talaga ang nasa isip ni Kesha at pinagdarasal niya na sana ganun nga. Para na rin sa kinabukasan ng bestfriend niya. Dahil mukha namang wala itong mapapala sa lalaking nagugustuhan niya ngayon.
Napaka imposible para sa kanya na ang katulad ni Mina, na tinuturing na prinsesa o dyosa sa kanilang akademya ay magkakagusto sa binatang ito. Kahit na sabihing my hitsura ito at tamang tangkad ay hindi parin pasok sa kanilang grupo ang mga katulad niyang isang normal na binata at walang maipagmamalaki. Kaya hindi niya ma-gets kung paanong attracted sina Mina at Miss Ella sa lalaki.
Oo nga at mukhang mabilis ito. Pero base sa kanyang pakikipaglaban ay, hindi parin ito uubra sa lakas ng mga taga special students.
Lalo na't may mababa siyang enerhiya at nasa level 4 pa lamang ito.
Dagdag pa nito.
Habang pataas ng pataas ang level ay lumalaki ang dagdag sa stats kapag naglevel up. Lalo na kapag naging level 7 na ang isang magician. Halos doble o triple ang dagdag sa stats bawat kasunod nitong level.
Lahat ng mga special students ay nasa level 6 na at kaunting experience nalang para umabante sa level 7 ang bawat isa sa kanila. Kapag nangyari yun ay lalo lang tataas ang gap ng kanilang lakas na tinataglay. Isa pa, hindi naman isang fighter type na magician ang lalaking ito! Isa siyang healer.
At napapansin niya na panay palo lang ang kaya nitong gawin at walang malakas na pang-ataking magic skill o spell. At tanging ang nag-iisa lang nitong buff ang kanyang inaasahan.
Kaya imposible talaga na malalampasan nito ang mga taga special students na kagaya nila.
Oo nga't nakakabilib na tinalo niya ang lalaking level 6 kanina, pero hindi naman yun ang punto. Para kay Kesha ay sadyang mahina lang talaga ang mga tao rito dahil panay inom lang at walang ginagawa para palakasin pa lalo ang taglay nilang mahika o abilidad sa pakikipaglaban.
Sa isip niya ay siguradong yun ang dahilan kaya nagmukhang mabilis ang lalaki kasama nila.
Kaya lang, kahit na ganun paman ay mukhang gusto parin ito ng bestfriend niya.
Nakasimangot nalang si Kesha habang tinitingnan ang lalaking tumalon mula sa itaas at diretso itong lumanding sa tabi ni Mina.
Agad nitong tinapik ang bestfriend niya sa balikat na siyang dahilan kaya awkward nitong ibinalik ang kakaiba niyang sandata sa storage. Mapapansin rin ang pamumula nito na parang nahihiya sa kanyang ginawa.
Napansin niyang ngumiti ang lalaki sa bestfriend niya habang sinasabing 'okay lang.'
Ito namang bestfriend niya ay parang temang na naghihintay ng kung ano.
'Hump! Siya na nga ang tinutulungan ng bestfriend ko, wala manlang kahit kunting salamat,' sa isip ni Kesha.
Tinanaw ni Yman ang lalaking tumilapon. Napansin niya na hindi parin ito nakabangon. Habang natigilan naman ang isa pa sa gulat dahil sa ginawa ni Mina.
Hindi akalain ni Yman na tutulungan siya ni Mina. Wala siyang ideya kung bakit. Siguro para sa kanila ay mahina parin siya? Siguro akala ni Mina na matatalo siya? Sabagay, lugi naman talaga siya sa skill.
Dahil wala naman siyang attack skill. Halimbawa nalang ay kung matiyambahan siyang tamaan ng kalaban. Siguradong makati-kati damage nun sa kanya.
Habang, ang pwede lang niya maasahan ay ang kanyang normal na pag-atake. Kung ilan ang attack na nakalagay sa kanyang Stats Section, ay ganun lang din ang damage na pwede niyang ibawas sa kalaban sakaling tamaan niya ito.
Ngunit, mababawasan pa ito mula sa depensa ng kalaban. Kaya kunti lang talaga ang damage na natira para ibawas sa kalaban.
Naisip ni Yman na tapusin na ang laban. Lalapitan na sana niya ang mga ito nang...
"Itigil niyo na yan!" Isang malaking boses ang narinig ng lahat.
Agad na napalingon ang lahat sa pinagmulan. Isang lalaking nasa 40+ taong gulang ang pababa sa hagdan na nagkokonekta sa second floor ng building.
May malaki itong katawan na may kaitiman.
Nakasuot siya ng kulay asul na vest habang kapansin-pansin ang malaking piklat na pahalang sa kanyang dibdib. Pinarisan nito ng kulay itim na pantalon ang vest na suot.
Kung titingnang maayos ay para itong leader ng gang. Pero naramdaman ni Yman na ang mamang ito ang pakay nila rito.
Kinalaunan, nalaman ni Yman na tama nga ang hinala niya. Ang mamang yun ang guildmaster sa branch na ito ng adventurers guild. Pinasunod sila sa taas at pumasok sa office ng guildmaster.
Nakatunganga lang ang mga naiwan sa baba. Na gulat parin sa mga nagyaring laban. Hindi nila akalain na ganito ang kinahinatnan ng sikat na grupo ni Tyrant sa guild branch na ito.
Ang totoong pangalan ng guildmaster ay Blak Ber.
Hindi alam ni Yman kung bakit ganito ang pangalan ng guildmaster. Pero tingin niya may kulang na mga letra. Hindi kaya 'Black Bear' ang ibig sabihin nito? Laman ng kanyang isip habang pinakinggan ang sinasabi ni Guildmaster Blak Ber.
Nalaman din nila na pakana pala ng guild master kung bakit ganun ang trato sa kanila ng dilag na nagbabantay sa counter. Utos pala yun ni GM Blak Ber. Ito raw ay para takutin ang mga batang adventurers para mag-quit sa propisyong ito.
Dahil mataas pala ang death rate ng mga kabataan sa guild branch na ito dati. Pero dahil sa ganitong paraan ay nabawasan na ngayon ang mga batang matigas ang ulo na nais magpapakahero. Kung saan maaari nilang ikasawi ng maaga.
At dahil walang rule kung saan pinagbabawal ang pagsali ng mga kabataan sa lahat ng adventurers guild ay hindi rin pwede silang tumanggi kung sakali man na may gustong sumali. Pero sa paraan nilang ito, siguro magdadalawang isip ang sinumang kabataan na magpatuloy sa propisyon.
Sabagay, kaakit-akit nga naman para sa mga kabataang may mataas na pangarap ang pagsali sa adventurers guild. Dahil pwede kang kumita ng pera para sa sarili mo. At hindi lang yun, masaya rin na tumanggap ng mga misyon kasama ang iyong maaasahang grupo. Pero yun ay hanggang isip lang. Dahil ang totoo ay hindi madali ang pagiging adventurers.
Alam na alam ni Rea ito. Dahil minsan narin niyang naranasan na malagay sa alanganin ang kanyang buhay. Hindi lang sa kanya, kundi ng buong grupo. Sa huli ay nalagasan sila ng isang miyembro.
Masakit sa kanilang lahat ang nangyaring yun. Lalo na't naging ka'close na nila ang bawat isa.
...
Pagkatapos pakinggan ang sinabi ng GM ay kinuha ni Yman ang sulat sa kanyang Storage Section at inabot kay GM Blak Ber.
Kunot noong tiningnan ni GM Blak Ber ang sulat na iniabot sa kanya. Nakita niya ang kulay pulang palatandaan bago ito buksan.
Nang basahin ito ng GM ay biglang pinagpawisan ito ng malamig. Habang nagpalipat-lipat ang tingin kay Yman at Rea. Kitang-kita rin na parang nababahala ito.
Lumitaw naman ang mga question mark sa ibabaw ng ulo ni Yman at Rhea pati narin ang iba pa. Dahil sa kakaibang kinikilos ng GM.