Chereads / Self Healing Magic / Chapter 84 - Parang paniki

Chapter 84 - Parang paniki

Kinuha agad ng unang sumigaw na kasamahan ni Tyrant ang kanyang dalawang dagger sa inventory.

Sumugod ito agad ng walang pag-alinlangan kay Yman. Mapapansin din ang paggamit nito ng buff na sinundan ng paggamit ng kanyang skill.

Biglang naging triple ang bilang ng isang tao dulot sa kanyang skill.

Ang isa ay sumugod ng diretso kay Yman. At ang isa pa ay tumalon sa kanyang kaliwang bahagi. Ang huli ay tumalon sa kanan.

Tanging sa likod lang niya ang walang kalaban.

Ngunit napapansin ni Yman na parang may namumuong enerhiya sa kanyang likuran.

Sinulyapan niya ang isa pang kalaban sa unahan. At napansin niya na parang gumamit ito ng kakaibang spell.

Tatlong patalim na hinulma sa pamamagitan ng hangin ang humulma sa kanyang likuran.

"Wind Blades?!" Napabulong si Yman nang masulyapan ang nasa likuran.

Napakabilis ng kanilang ginawang pag-ikot sa kanya. Mukhang hindi nga basta basta ang mga gold rank adventurers.

Sabagay, paano naman sila magiging gold rank kung pipityuging kakayanan lang ang meron sila.

Kaya lang, 'balak ba nilang wasakin ang guild na ito?!' Hindi mapigilang mapatanong siya sa isip.

Nanlaki naman ang mga mata ng mga babae niyang kasama. Lalo na si Maen at Mina.

Si Rea ay nagtaka kung bakit hindi ginagamit ni Yman ang kanyang tunay lakas. Naisip din niya na baka nireserba para sa mga Mini Boss.

Dahil hindi madaling pumaslang ng mga Mini Boss. Pero kung hindi niya gagamitin ang lakas niyang yun ay baka ano pang mangyari sa kanya. Mga gold rank pa naman ang kanyang kalaban.

Dahil miyembro rin sila ng guild, ay alam ni Rea kung gaano kalakas ang mga gold rank na adventurers. Gaya nalang ni Ron.

Pati si Rea ay gold rank din, pero yun ay dahil kabilang siya sa grupo ni Ron. Pero ang individual niyang rank ay silver palang. Mataas kunti kay Yman.

Ngunit ang mga totoong gold rank adventurers ay hindi basta basta ang mga tinataglay na lakas. Bawat isa sa kanila ay may tinatagong lakas at maaasahang skill.

At mabilis nilang naiintindihan ang mga nais gawin ng kanilang maaasahang kasamahan.

Gaya nalang ngayon, ilang sigundo lang ang lumipas ay nagawa nila agad na palibutan si Yman.

Bigla ulit naging excited ang mga tao sa paligid nang makita ang pag-atake ng dalawang kasamahan ni Tyrant.

Nabuhayan sila ng loob. Sino bang may gusto na ang kanilang pinagmamalaking mga gold rank adventurers dito sa branch na ito ng guild ay matatalo lang ng mahinang binata na nasa bronze rank lamang?

Siguradong pagtatawanan sila ng mga taga ibang branch kapag nagkataon.

Ngunit, ang inakala nilang mahina ay hindi ordinaryong mahina.

Mabilis na sinipa ni Yman ang sandata na nabitawan ng naunang kalaban at ngayo'y nasa kanyang paanan. Pero sabagay, para kay Yman kahit wala ito ay walang problema sakanya.

Lumipad ng bahagya sa ere ang espada dulot ng kanyang pagsipa. Bago paman tumama ang atake ng kalaban na sumugod sa harap ay mabilis niyang hinablot ang espadang Falchion Sword at sinangga ang atake gamit ito.

Isang matulis na tunog dulot ng banggaan ng dalawang matalim na bagay ang narinig ng lahat ng mga nakapalibot.

Sinundan agad ng kalaban ang kanyang atake sa pamamagitan ng pagsipa sa tagiliran ni Yman. Pero bago pa ito tumama ay nawala sa harapan niya ang binata. Dahil dito ay hangin lang tinamaan.

At nakarinig nalang siya ng dalawang tunog ng mga paghampas mula sa kanyang likuran. Na sinundan ng mahapding pakiramdam. Napansin din niya ang pagbawas sa bilang ng kanyang buhay.

Nanlaki ang kanyang mga mata. Hindi lang sa kanya, pati ang mga mata ng mga nanonood. Alam nila na hindi ganun kadaling atakihin sa likuran ang mga katulad niya.

Dahil isa siyang scout o assassin, at meron siyang bilis na hindi basta basta naba-backstab. Dahil ang mga assassin o scout ang gumagawa ng backstab sa mga kalaban nila. Pwera nalang kung mas malakas na scout o assassin din ang kalaban. Pero kapansin-pansin na hindi ito ganun. At may mababa pa itong level.

Napaikot bigla ang katawan ng kalaban dahil sa kanyang reflexes nang tamaan sa likuran. Pero pag talikod niya ay nawala nanaman ito.

Napansin nalang niyang palapit na ang binata sa kanyang kasamahan na nasa unahan. Mukhang tumakbo agad ito patungo sa kanyang kasamahan na isang mage type magician.

Para bang nakatanggap ng anumang utos ang dalawang clone nang sabay itong sumugod at hinabol ang binata. Gayundin ang mga Wind Blades mula sa kanyang kakampi.

Ang mga mata ni Yman ay napakabilis na nagpalipat-lipat ng tingin sa iba ibang direksyon. Na para bang may hinahanap na kung anuman.

Ang kanyang hawak na espada ay walang dagdag na lakas sa kanya dahil hindi naman ito naka-equip sa kanyang inventory. Pero okay narin pang-sangga sa atake ng kalaban.

Nakatutok ang mga talim ng patalim na hawak ng mga clone sa direksyon ni Yman. Isang sigundo lang ay naabot agad nila ang binatang kalaban.

Ngunit bago pa nila ito tamaan ay nawala na naman ito sa kaniyang kinatatayuan.

Sa totoo lang ay sadyang binagalan ni Yman ang kanyang pagtakbo.

Napakabilis ng binatang kanilang nakalaban. Na kahit sino sa mga nanonood ay hindi makapaniwala. Kahit ang mga kasama niyang mga babae ay napanganga nalang.

Tanging si Rea lang ang hindi nasurprisa sa galaw ni Yman. Dahil mas higit pa nga rito ang kanyang mga nasaksihan.

Pano pa kaya kung makita nila ang totoong lakas na taglay nito. Sa isip ni Rea ay malas ng mga tao rito at maling tao ang kanilang ginalit kahit mga gold rank pa ang mga ito ay balewala ito sa lalaking kasa kasama niya. Lalo na kung gagamitin nito ang tunay niyang lakas. Feeling proud tuloy si Rea na para bang pagmamay-ari niya ang taong lumalaban. Hindi manlang niya napansin ang bahagyang pamumula ng kanyang pisngi.

Kahit si Kesha na kanina pa nayayamot sa binata ay napanganga sa bilis nito. Hindi rin niya maintindihan kung bakit bigla nalang itong naging napakaliksi. Higit sa lahat, tinalo pa niya yung mama kanina na may mataas na level kesa sa kanya. Naisip din niya kung tinatago nito ang kanyang tunay na lakas.

Dahil sa totoo lang ay may mga item na kayang peke-in ang iyong stats at iba pang impormasyon ukol sa iyong pagkatao.

Pero hindi basta basta ang presyo ng item na ito dahil milyon milyon ang kailangan para makabili nito.

Kaya iwinaglit nalang ni Kesha ang pag-iisip na ito. Dahil base sa anyo ng binata, ay mukha naman itong hindi mayaman. Nag-iipon pa nga ito ng basura at pinagagawa pa sa blacksmith kanina.

Pwera nalang siguro kung ginastusan siya ng guild. Pero imposible yun dahil bronze rank lamang ito. Sino ba namang taong may tamang pag-iisip ang pag-aaksayahan ng pera ang tulad niyang bronze rank na adventurers.

At isa pa, may flaws din naman ang item na iyon.

Gaya nalang ng mga magician na may mataas na perception ability. Hindi nito magawang peke-in ang ganoong klaseng mga magician.

Napaisip din si Kesha kung ito ba ang dahilan kung bakit sobrang tiwala ng guild master na ipaubaya sa lalaking ito ang kaligtasan ng kanyang pamangkin. Kahit na alam nito na may mga nagtatangkang hindi maganda rito.

Nagulat si Maena sa laban na pinakita ng kanyang kaibigan. Sa kanyang isip lumitaw yung dating iyakin na version ni Yman. Pero ngayon, parang ibang tao na ito. Kung dati ay napakalampa nito, ngayon, ay parang ibang tao na...ang nasa katauhan ni Yman.

Si Mina naman ay walang paki sa mga nangyayari. Gusto lang niyang maging ligtas ang lalaking matagal na niyang pinagmamasdan.

Dahil nawala ang binata sa dating kinatatayuan ay hangin lang ang tinamaan ng dalawang clone. Habang tumigil naman sa ere ang mga Wind Blades.

Nagpalinga-linga ang lahat at hinahanap kung saan na napunta yung binata. Bigla ulit itong nawala.

Naalarma agad ang dalawang kasamahan ni Tyrant. Baka maulit sa kanila ang sinapit nito sa kamay ng binatilyo.

Kahit na may mga kapaki-pakinabang silang mga skill ay nagdadalawang isip naman silang gamitin ito. Dahil siguradong magmumukha silang mahina sa harap ng mga tao sa paligid.

Hindi ito kayang tanggapin ng kani-kanilang pride.

Pero napilitan parin ang isa na may hawak na dagger na gamitin ang kanyang mga buff. Naisip niya na hindi magandang maliitin ang binatang kalaban.

Isa siyang beteranong adventurers, kaya alam na alam niya kung kelan kakainin ang sariling pride. Kaysa naman na matalo pa sila gaya ng sinapit ni Tyrant. Natalo ito ng hindi nagamit ang buong lakas.

Nagliliwanag ang kanyang mga kamay at paa ng kulay asul. Dinagdagan nito ang lakas ng kanyang atake at bilis.

Sunod sunod na pagsabog ng kulay asul na enerhiya sa katawan ang kanyang pinakawalan.

May dulot din na pagtaas ng bahagya sa kanyang pandama ang buff na ginamit ng lalaking may hawak na mga dagger.

Dahil tumaas ang kanyang pandama ay bigla siyang napalingon sa itaas.

Nakita niya ang binata sa kisame ng silid. Nakalambitin habang ibinaon ang dulo ng espadang pagmamay-ari ni Tyrant. Nakalambitin ito na parang paniki. Nakabaliktad ang katawan.

Nakadungaw ito sa kanila na parang nag-aantay na sila ay bibiktimahin. Napalunok nalang ng mga nagbara sa lalamunan ang lalaking may hawak na dagger, gayundin ang kanyang kasama na nasa bandang likuran at kinokontrol ang mga Wind Blades.

Hindi niya alam kung bakit napakabilis ng binatang ito. Kahit level 4 lang siya.

Kahit gaanong isipin nila, ay hindi talaga nila magawang sumahin kung bakit may ganitong lakas at bilis ang binatilyo. Ang tanging konklusyon lang nila ay penike nito ang kanyang level. Baka ang binatilyong ito ay nasa level 6 din o di kaya ay mas higit pa dun.

Kahit lowlevel lang si Yman ay may bilis siya na katumbas o kayang lumagpas sa ordinaryong level 6 na assassin.

Sino ba namang tao sa mundo ang gustong magfukos sa iisang stats lang. Syempre buhay nila ang nakataya, kaya importante na pataasin ang kanilang vitality kapares ng kung ano mang class o job meron ang bawat isa sa kanila.

Pero si Yman ay nagfocus pa talaga sa iisang stats. Yun ay, Agility!

Dahil sa kanyang kakaibang mga skill, ay napilitan siya na gawin ito. Kung hp lang din ang pag-uusapan ay nagsawa na siya sa kanyang mga healing spell.

Lalo na't may mga resistance pa siya sa physical at magical attack. At mabilis pa bumalik ang kanyang buhay.

Higit sa lahat, dahil sa kanyang nakuhang bagong title kung saan pinapataas nito ang kanyang agility ay lalo lang siyang naging mas mabilis.

Bago pa sumugod ulit ang mga kalaban ay pasimpleng tumalon si Yman sa harap ng lalaking may hawak na mga dagger.