Chereads / Self Healing Magic / Chapter 83 - Eye of Appraisal

Chapter 83 - Eye of Appraisal

Hindi makapaniwala ang lahat at tila nabuhusan ng yelo ang paligid dahil sa walang halos na kaunting ingay ang maririnig.

Sinong mag-aakala na ang level 6 na adventurers pa ang tumilapon. Ang nakakapagtataka pa nito ay kung paano siya tumilapon sa direksyon kung saan dapat ang binata tatalsik kung sakali man na siya ang tumilapon.

Pero taliwas sa inakala ng lahat ang nangyari. Dahil si Tyrant pa talaga ang tumilapon sa bandang mesa sa likod ng binata.

Walang halos makakapaniwala sa nangyari. Level 6 tumilapon kalaban ay level 4 lamang?!!!!!

Pero iba ang pinagtatakahan ni The Guru. Dahil kilalang-kilala niya si Tyrant. Alam niya ang skill nito na Shadowless Sword. Kaya nakakapagtaka na iba ang nangyari sa kanyang inaasahan.

'Sa makatuwid hindi naman talaga nawala ang espada ni Tyrant, naging imbisibol lang ito sa paningin ng ibang tao. At hindi lang yun, dinagdagan pa ang kanyang atake at bilis dahil sa buff na dulot ng skill na Shadowless Sword.

Kung nagkakataon na tinamaan man ang binatilyo ay siguradong diretso itong masawi dahil may 2x atak damage pa ito,' laman ng isip ni Guru.

'...Pero paanong nangyari at baliktad ang nangyari? Bakit si Tyrant ang tumilapon sa sira sirang mesa na nasa likod ng binata?' Naguguluhang pagtatanong sa isip ni Guru habang sinulyapan ang binatang nakatayo lang habang nakatingin sa kanyang kalaban.

Makikita rin ang pangmamaliit nito sa kanyang kalaban base sa mapagmataas niyang tingin, na para bang dumudungaw paibaba kay Tyrant.

Napakunot ng noo si Guru nang mapagmasdan ang binatilyo.

Hindi niya maisip kung bakit parang umaastang mas mataas ang binatilyo sa kanyang kalaban na halatang may mas mataas na level sa kanya. Kahit nga sa enerhiyang taglay ay mas mataas si Tyrant kompara sa binata.

Ilang sandali ay nag-iilaw ng kulay dilaw ang mga mata ni Guru. Isa ito sa kanyang special na skill. Kung saan ina-appraise ang target nito. Para malaman kung tinatago ba ng binata ang kanyang tunay na level at lakas.

Eye of Appraisal!

Nang makita ang imposmasyon ng binata ay lalo lang hindi makapaniwala si Guru. Nanlaki ang kanyang mga mata at habang nakabuka ng malaki ang bibig.

'H-Healer?!' Napasigaw nalang siya sa isip. Hindi lang yun, totoo pang level 4 ito at may mahinang enerhiya.

Ilang sandali ay naging mas maliwanag pa ang kanyang mga mata na nagkukulay gold na. Kailangan niyang tingnan ang iba pang impormasyon ng binata, gaya ng mga skill nito at kung ano paman.

Pero bago niya maituloy ang binabalak ay naramdaman niya ang titig na ibinato sa kanyang direksyon.

Agad na napalingon si Guru sa pinagmulan. Bigla siyang pinagpawisan ng malamig nang makita ang binata na nakatitig sa kanya.

'Ehhhhh,' napatili nalang siya sabay cancel sa skill. Hindi niya lubos maisip kung bakit napatitig sakanya ang binatilyo.

'Napansin kata niya na ginamitan ko siya ng Appraisal?' Tanong niya sa sarili.

Napalunok nalang ng laway sa lalamunan si Guru dahil sa pagkabigla. Pero syempre hindi naman sa natatakot siya sa binatilyong ito. Nagulat lang siya dahil hindi ito pangkaraniwan.

Sila Maena naman ay nagulat din sa nangyari. Hindi rin sila makapaniwala na ganun ang kinahinatnan. Pero syempre natuwa sila na hindi si Yman ang tumilapon.

Kaya lang, paano ba nangyari yun? Level 4 lang si Yman at isa pa siyang Healer.

Kanina nung nawala ang espada ng kalaban niya ay hindi mapakali si Maena at gumamit siya ng Eye of Perception. Kaya lalo siyang nagulat at kinabahan sa maaring pwede mangyari kay Yman dahil sa kanyang natuklasan na nakaimbisibol ang espada ng kalaban at hindi talaga nito ibinalik sa inventory ang kanyang sandata.

Kaya titig na titig si Maena sa pagsugod ng kalaban ni Yman sa kanya. Dahil kung nagkataon na matatalo na si Yman ay agad niya itong sasaklolohan para hindi mapahamak.

Ngunit kitang kita ng mga mata ni Maena nang saluhin ni Yman ang kanang braso na may hawak na imbisibol na espada sa pamamagitan ng kanyang kalewang kamay.

Pagkatapos ay sinuntok niya sa sikmura at saka binalibag sa likuran.

Dahil sa bilis ng pangyayari ay halos walang nagawa ang kalaban.

Napaisip tuloy si Maena habang kumulubot ng bahagya mga kilay kung healer ba talaga ang kaibigan.

Si Mina naman ay walang paki kung anong nangyari ang mahalaga ay hindi si Yman ang tumalsik. Dahil kung nagkakataon ay hindi niya alam kung anong iisipin. Sa totoo lang ay gusto na niya ipatigil ang laban. Ayaw niyang nakikitang nasasaktan si Yman. At gusto na niya sana palitan ito.

Si Rea ay kalmado lang dahil alam niya ang tunay na lakas ni Yman. Alam niya na hindi ito seryoso sa laban at nag-eenjoy lamang. Siguro nagalit din siya sa sinabi ng mga tao rito kaya hindi niya napigilan ang sarili na kalabanin ito.

"...Y-Yman", mahinang sambit ni Rea habang nakatitig sa binata.

Si Kesha ay hindi makapaniwala. Para sa kanya ay siguro nakatiyamba lang ang binatang kasama nila.

Wala naman kasing ibang pwede maging rason kaya natalo ang kalaban kundi tiyamba. Or kung hindi man, ay siguro mahina lang talaga ang mamang kalaban niya. At nagmukha lang itong malakas dahil sa mga sabi-sabi sa paligid nila.

Sa isip niya na siguro kung si Leon at Undying, o kahit sino man sa mga kasama niya sa special students ang nandito ay kanina pa natapos ang laban.

Siguradong mas mabilis pa nila matalo ang mga asventurers dito. Hindi katulad ng binatang nagustuhan ng bestfriend niya. Puro tiyamba lang ang kaya.

Pero lingid sa kaalaman ni Kesha ay sikat sa guild na ito si Tyrant. Dahil isa siyang gold rank adventurers.

Ngunit ngayon ay ibinalibag ng bronze rank na adventurer. At hindi lang yun, mas mababa pa ang enerhiya nito at level. At sa isa pa talagang Healer.

Natahimik din ang mga manonood sa paligid. Pati ang maingay na kasamahan ni Tyrant.

"T-Tyrant b-bro, masyado mo naman atang kinarer ang pag-akting mo, ahaha," hilaw na tawa ng kasamahan ni Tyrant.

"Oo nga, mukhang nag-eenjoy ka nga diyan bro. Pero kailangan mo nang tapusin agad ang bata," dagdag naman ng isa pa niyang kasama.

"Eh? Hindi ba gumamit si Tyrant ng kanyang tinatagong alas? Bakit siya parin ang tumilapon?" Napatanong naman ang isa sa mga nanonood sa paligid.

Napalunok ng laway ang mga nagbabantay sa dalawang counter. Pati narin yung dilag na siyang dahilan kung bakit nangyari ang gulo rito.

"...ah, akala ko lang gumamit siya ng tinatago niyang skill. Siguro nagkamali ako at isang normal na atake lang pala ginamit ni Tyrant. Syempre bata lang naman amg kanyang kalaban. Siguro naawa si Tyrant na paslangin ito..." pagrarason ng kasama ni Tyrant.

"Oo tama yun, tignan niyo tumayo na si Tyrant at mukhang walang nangyari. Hahaha!" Tawa ng isa pang kasamahan ni Tyrant.

Pilit na itinayo ni Tyrant ang sarili. Sa kanyang kanan ay hawak na ulit ang espada ngunit nawala na ang bisa sa kanyang Shadowless Sword, dahil hindi ito nagtagumapay sa atake.

"Tingnan niyo! Gagamit na ulit si Tyrant ng espada. Mukhang tatapusin na niya ang kalaban," sigaw ng isang adventurer na babae sa paligid.

Kumunot ang mga noo ng mga taong kabisado si Tyrant. Lalo na si The Guru. Alam niya na nawala na ang epekto ng Shadowless Sword kaya bumalik na ulit ito at lumitaw.

Medyo hilo pa ang paningin ni Tyrant. Hindi niya inakala na mabalibag siya. Hindi niya alam kung nakatiyamba lang ba ang batang kaharap. Ngayon pa lang hindi gumana ang kanyang Shadowless Sword.

Ngayon nasa cooldown state na ito. Pati mga buff niya ay nawala narin at nasa cooldown. Napansin din niya na nawala narin ang buff ng binatilyo na Enforce II. Mukhang nasa cooldown narin ito.

Lalo lang nagalit si Tyrant. Hindi niya akalain na maibalibag siya ng ganun-ganun lang. Mukhang hindi basta basta ang batang kalaban. Sa tingin niya ay may kunting husay ito sa pakikipaglaban. Pero kay Tyrant ay kulang parin ang husay nito kung seseryosohin na niya ang laban.

Lalo na't nawala na ang inaasahang buff ng kalaban.

Ngayon ay tatapusin na talaga niya ito. Di bale na kung mapaslang niya. Noong una, balak lang niya talaga na bugbugin ng kunti ang bata. Pero ngayon ay masyado nang nagyayabang ito. Kitang kita sa mga titig nito sa kanya. Na para bang minamaliit siya.

"Letseng bata..." mahinang bulong ni Tyrant habang pinagsalubong ng malakas ang mga ngipin.

Ngunit bago pa makahanda si Tyrant ay biglang nawala sa kinatatayuan ang kalaban.

Napalingon siya sa paligid. Ngunit bago pa siya makasulyap sa likod ay isang malakas na sipa sa likuran ang kanyang naramdaman. Tumilapon ulit ang katawan ni Tyrant.

Gusto sana niyang sabihin na sandali lang dahil hindi pa siya nakapagready. Kailangan niya muna e-activate ang pinakamalakas niyang skill, ang kanyang talent. Ngunit para maactivate ito ay kailangan niya ng sampung sigundong paghahanda.

Kaya lang, pagkatapos tumilapon ni Tyrant, hindi pa nga siya nakabangon nang naramdaman niya ulit ang malakas na sipa sa kanyang mukha.

Dahil dito ay nagpagulong-gulong ang kanyang katawan.

Napudpod rin ang kanyang mga ngipin. Sabagay pwede pa naman itong maibalik kung may sapat na pera lang.

Nakadama ng pagkahilo si Tyrant. At napansin din niya ang sunod-sunod na pagkabawas sa bilang ng kanyang buhay.

Ngunit isang malakas na brasong hindi kalakihan ang humila sa damit ni Tyrant para itayo siya. Pagkatapos ay isang malutong na suntok sa mukha ang pinakawalan nito diretso sa kanyang mata.

Tumilapon na parang bola habang napa 180 degree na ikot ang kanyang katawan. Bumangga siya sa pader ng guild hall. Dahil dito ay tila lumindol ang buong looban ng guild.

Walang emosyon na makikita sa mukha ng binatilyo ayun sa mga nakasaksi ng pangyayari. Lahat sila ay napanganga lang habang pinagmamasdan na paulit-ulit na inaatake si Tyrant. Ngayon ay sira sira na ang mukha nito at namamaga.

Makikita rin na nanghihina na ito. Dahil sa mga natamo mula sa batang kalaban.

Ilang minuto ang lumipas ay nakatihaya nalang si Tyrant habang nakapormang krus ang buong katawan, na nakahiga sa maalikabok na sahig ng guild hall na ito.

Tanging mga paglunok lang ang maririnig sa paligid. Hindi nila akalain na ang bilis kumilos ng binatilyo. Sa isang iglap lang ay nasa tabi agad ito ni Tyrant. At hindi manlang binibigyan ng tiyansang mahimasmasan ito.

Napakabrutal!!! Ito lang ang tangi nilang masabi ukol sa kanilang nasaksihan.

Napansin ni Yman na nasa 500 mahigit nalang ang health points ng kalaban. At dahil sa mga natamo nito ay naubusan narin ito ng stamina. Nakatihaya nalang at mahahalata ang malalim nitong paghinga base sa kanyang tiyan na pumapaitaas at bumababa.

Naisip niyang tapusin agad dahil wala nang kwenta kung patatagalin pa. Masyadong mabagal para sa kanya ang kalaban. Pati sa laki ng atake ay lugi sa kanya ito. Lalo na't may mga resistance pa siya. Kaya kahit tamaan siya ng atake ng kalaban ay hindi gaanong malaki ang bawas nito sa kanya. Kaya naisip ni Yman na wala nang saysay pa na patagalin pa ang laban. Nag-aaksaya lang sila ng oras.

Sinulyapan niya ang paligid. Napansin niya na sobrang tahimik at nakanganga lang ang mga taong saksi sa laban, habang may sari-saring emosyon na rumihestro sa kanilang mga mukha.

"Hayop!" Maya ay sigaw ng isang lalaki.

Kilala niya ang isang to. Kasamahan ng lalaking nakalaban niya.

Agad na nagpasabog ng kulay asul na enerhiya ang lalaki at hindi lang yun, sumunod pa ang isa pang lalaking katabi nito. Nagpakawala rin ito ng asul na enerhiya. Ang dalawang to ay ang kainuman ng mamang nakatihaya sa sahig at walang malay.

Hah~

Bumuntong hininga lang si Yman habang pinagmamasdan ang dalawa.