Chereads / Self Healing Magic / Chapter 82 - Shadowless Sword

Chapter 82 - Shadowless Sword

"Hah, hindi kona kailangan nito,"

Muling ibinalik ni Yman sa inventory ang dalawang dagger.

"""""Eh?"""""

Nagulat ang mga tao sa paligid. Sari-sari naman ang laman ng kanilang isipan. Pero karamihan sa kanila ay iniisip na susuko na ang binata.

"Fuhahaha, buti naman natauhan kana rin bata!" Sabi ni Tyrant sabay tawa ng malakas. Hindi talaga niya inakala na mas maliit ang damage niya keysa sa binatang ito. Dahil level 4 lang naman siya.

At hindi lang yun, mabilis pa nawala ang mga galus niya?

Siguro uminom siya ng potion! Tanging ito lang ang posibleng dahilan na naisip ni Tyrant.

"Bwahaha, sino bang hindi susuko kapag nakatikim ng malakas na sipa ni Tyrant," dagdag ng kasama ni Tyrant.

"Hah, buti nalang natauhan din ang binatang ito, ano ba naman ang laban niya sa beteranong si Tyrant. Naghahanap lang siya ng pasa sa katawan. Sabagay, mas okay narin na bata palang ay makita niya mismo sa sarili niyang mga mata kung anong mangyayari sa mga mahihinang tulad niya," bulong naman ng dilag na nagbabantay sa counter.

"Hay, buti naman sumuko narin siya," sabi naman ni Kesha.

"""Pano ba yan bata, uwi kana!""" Sigaw ng mga tao sa paligid na may kasamang pangmamaliit kay Yman.

""""Uwi!""""

""""Uwi!""""

"Puffft," ngumisi lang si Yman sa pinagsasabi nila.

Hindi niya alam kung bakit siya pinapauwi. Binalik lang naman niya ang mga dagger dahil hindi siya sanay gumamit nito. Nasanay siya sa espada, kaso pinaayos pa niya.

Nagpatuloy lang siya sa paglalakad at huminto sa harap ng lalaking may malaking katawan na tinatawag nilang Tyrant. Medyo magkasingtangkad lang naman sila ng lalaki. Pero mas malaki ang katawan ng mamang ito.

Kumunot ang noo ng lahat at natigilan sa pagsasalita.

Hindi nila alam kung anong binabalak ng binata. Kala nila ay susuko na ito dahil itinago na ulit ang kanyang sandata. Ngunit bakit kaya nasa harapan parin ito ni Tyrant? Gusto naba niyang masawi?!

Kahit si Maen at Mina ay walang ideya sa binabalak ni Yman.

Nagpakawala ng ngiti si Yman habang pinanliit ang mga mata, dahil dito ay kumunot at pumaitaas ang isang kilay ni Tyrant. At hinigpitan niya lalo ang paghawak sa kanyang Falchion sword.

Halos magkadikit na ang kanilang katawan sa sobrang lapit ni Yman sa kalaban.

Ilang sandali ay *Bang!*. Isang kakaibang tunog ng pagtama. Unti-unting napabaluktot si Tyrant sa hindi niya alam kung papaano. Hindi niya nasundan ang ginawang suntok sa kanya ng batang kalaban.

Ohou! Ohou! Ohou! Sunod sunod na pag-ubo ni Tyrant habang unti-unting napabaluktot ang katawan.

Sinuntok siya sa sikmura ng walang paalam. Ni hindi manlang niya napansin na gumalaw ang mga kamay nito.

Nagulat din ang mga nanonood.

"Umaarte nanaman ba si Tyrant?!" Tanong ng isang adventurer sa paligid.

"Hahaha, parang hindi naman kayo nasanay kay Tyrant!" Sagot naman ng kasamahan ni Tyrant.

"Syempre pinaglalaruan lang niya ang bata!" Dagdag ng ibang tao sa paligid.

Sa totoo lang ay hindi niya inasahan masuntok siya sa sikmura. Feeling ni Tyrant ay masusuka siya. Hindi niya akalain na napakalakas ng suntok ng batang kalaban. Hindi lang yun, hindi pa niya nasundan ang galaw kahit na niready na niya ang sarili.

Biglang nabawasan ng 250 ang bilang ng kanyang buhay.

Dahil sa buff ay nadagdagan ng 1000 ang kanyang buhay at naging 7,600. Ngayon dahil nabawasan pa ito ay naging 7,350 nalang.

Mataas parin kumbaga, pero dahil nahihirapan siya makabangon ay hindi niya agad napansin ang sipang paparating sa kanyang mukha. Tinamaan ang kaliwang bahagi ng kanyang pisngi. Na dahilan kaya tumilapon si Tyrant at bumangga sa ibang mesa na nasa paligid.

Halos napudpod ang kanyang mga ngipin sa lakas ng sipa. 'Ito ba ang sipa ng level 4?' Napatanong nalang siya sa isip.

Nabawasan ulit siya ng 250 at may additional damage pa na 150.

Natahimik ang mga nanonood. Dahil hindi nila akalain na kinarer na ni Tyrant ang pag-acting.

Sa isip nila ay 'bakit ayaw pa tapusin ni Tyrant ang binatang ito? Sobra ba talaga siyang nag-e-enjoy sa laban kaya hinahayaan lang niya ang sarili na tamaan?'.

Mayroon pang 6,950 natirang buhay ni Tyrant.

Ilang sandali ay na-feel niya na nawala na ang sakit sa sikmura. Dahan dahan siyang bumangon. Habang binabato ng matalim na tingin ang batang kalaban na nakatingin sa kanya habang nakangiti.

Minamaliit ba siya ng batang ito?! Habang iniisip at pinagmamasdan ang ngiti ng batang kalaban ay unti unting umiinit ang kanyang ulo.

'Pesting bata!' Sigaw niya sa isip. 'Akala ba talaga ng bubwit nato na matatalo ako ng ganun lang? Dudurugin kita hayop ka, pati mga malambot mong laman at boto sa katawan ay dudurugin kooo,! Kung ano ano na ang pinag-iisip ni Tyrant.

Pagkabangon ni Tyrant ay diretso siya nagpasabog ng asul na enerhiya sa katawan.

Wala na siyang paki kung masisira ang buong guild. Masigurado lang niya na matatalo ang batang kalaban.

Pagkatapos magpakawala ng enerhiya sa katawan ay sumigaw siya ng *Shadowless Sword!*. Unti-unting nababalutan ng puting-puti na enerhiya ang kanyang Falchion sword.

Ilang sandali ay dahan dahan na naglaho sa kanyang kamay ang espadang hawak. Nagulat ang mga lahat. Napaisip sila kung nasaan na yung espada. Siguro ibinalik ni Tyrant sa inventory niya?

"Puwahahaha," Biglang napatawa ng malakas ang kasama ni Tyrant. "Ngayon, ay masasaksihan niyo ang isa sa mga tinatagong alas ni Tyrant! Tingnan ninyong mabuti kung anong mangyayari sa kawawang kalaban," pagpapatuloy ng kasama ni Tyrant.

"Ano raw?" Tanong ng isang adventurers sa paligid.

"Tinatagong alas?" Dugtong ng isa pa.

"Hindi kaya—?!" Gulat naman ng isang adventurers na nakakakilala kay Tyrant.

"Baka ito na yung skill na sinasabi nilang tumalo sa Sampung Gigant Spider ng mag-isa," napabulong ang isa pa.

Biglang na-e-excite ang lahat sa sunod na hakbang ni Tyrant. Hindi nila lubos akalain na makikita ang isa sa mga tinatagong lihim na technique nito.

Kung titingnan nila si Tyrant ay parang naging kagaya ng binatilyo. Pareho na silang walang bitbit na sandata.

Naghintay ang mga nanonood kung ano susunod na mangyayari. Pero maliban sa paglaho ng espada ni Tyrant, ay wala namang ibang kapansin-pansing pagbabago sa kanyang katawan.

"Wala na, hindi na magtatagal ang laban. Mukhang masasawi nga ang binatilyo rito," biglang sambit ng kaninang may edad na adventurers.

Nagulat ang iba sa binanggit ng matanda. Kilala nila ang matandang ito. Dahil ang matandang ito ay tinatawag na 'The Guru', dahil marami itong alam na hindi alam ng karamihan. Halimbawa nalang dito ay ang mga technique at skill ng ibang adventurers. Alam na alam ng matanda ang tinatago nilang kapangyarihan na kahit ang close nilang kaibigan o kapamilya ay hindi alam.

Kaya siya binansagang The Guru, o maraming alam.

Dahil sa sinabi ng Guru, ay lalo pang naging excited ang lahat sa susunod na mangyayari. Ini-expect na ng bawat isa ang napaka-astig na atake ni Tyrant. Focus na focus ang kanilang mata kay Tyrant na ngayon ay wala na'ng bitbit na espada. Pero kung umasta nito ay para bang hawak hawak parin nito ang espada.

"Yman! T-Tulungan na kita!" Sigaw ni Maena.

Kahit sila Maena ay kinakabahan sa kung anong hindi magandang mangyari kay Yman.

Si Mina naman maluwa-luwa na ang mga mata. Sa isip niya kung may mangyaring masama kay Yman ay tatapusin niya lahat ng tao rito kahit buhay pa niya ang kapalit.

Si Kesha ay napailing-iling lang habang nanonood sa laban. Kala niya kanina ay susuko na ang lalaking kasama. Pero mukhang mataas ang pride ng isang ito at ayaw tumanggap ng pagkatalo. Kahit kitang-kita naman na malayo ang agwat ng kanilang enerhiya.

Tanging si Rea lang ang kalmado sa kanilang grupo.

Hindi na pinansin ni Yman ang sinabi ni Maena. At napatitig lang sa kalaban. Pansin niya ang hindi magandang pakiramdam sa paligid. Kakaiba ang ginamit na skill ng kanyang kaharap.

Mukhang hindi basta basta ang mamang ito. Napansin din niya ang insignia na nakakabit sa kaliwang bahagi ng dibdib nito.

Isang gold na insignia. Mukhang isang gold rank adventurer ang kanyang kalaban. Kaya pala marami ang nakakakilala rito dito sa adventurers guild.

Kahit nawala ang espadang hawak ng kalaban ay napansin niyang ang mga kamay nito na parang nakakuyom at parang hindi rin.

Kapansin-pansin din ang dagdag na lakas. Parang hindi basta bastang skill ang kanyang ginamit. Mukhang may dagdag sa atake ang skill na iyon.

Kahit na pumunta lang sila rito para i-deliver ang sulat ay hindi niya naiwasang masangkot sa gulo.

Hindi niya alam kung anong rason at tila sinasadya ng babaeng nagbabantay sa counter na isangkot siya sa gulo.

Pero bakit kaya hindi niya ito pinigilan kahit alam niya kung anong binabalak ng babae. Sa totoo lang ay nagpapasalamat pa nga siya sa ginawa nito.

Feeling ni Yman ay umiinit ang kanyang dugo na para bang may nag-uudyok sa kanyang lumaban. Pero sa totoo lang ay ayaw talaga niya ng gulo. Kaya napaka-weird ng nararamdaman niya.

Sa likod ni Yman ay makikita yung sirang mesa kung saan siya tumilapon. At sa likod naman ng kanyang kalaban ay makikita ang bar counter na may makikita ring sira-sirang mesa at upuan kung saan tumilapon kanina si Tyrant.

Ilang sandali ay napansin niya ang pag-abante ng mga paa ng mamang kalaban.

Mabilis ang galaw nito hindi katulad kanina. Mukhang may dagdag sa bilis din ang ginamit nitong technique na 'Shadowless Sword'.

Isang saglit lang ay naabot agad nito si Yman na nasa walong metrong distansya.

Halos hindi masabayan ng lahat ang kilos ni Tyrant. Napakabilis nito na para bang latigong inihampas ang kanyang mga kamay patungo sa batang kalaban.

Ang lahat ng nanonood ay nakanganga habang naghuhugis bilog ang mga mata.

"Wala na, tapus na," mahinang banggit ng matandang may titulo na The Guru habang nakaupo sa mesa na nasa likod ng mga taong nanonood sa paligod. Itinaas niya ang basong may laman ng dilaw na likido patungo sa kanyang bibig.

Napapikit naman ang ibang mga babaeng nasa loob ng guild. Ayaw nila makakita ng pagkagutay ng laman ng tao. Lalo na ang pag-agos ng dugo sa paligid.

Tinakpan din ng mga daliri niya ang mukha ng babaeng nagbabantay sa counter. Gusto lang naman niya na takutin ang binatilyo pero mukhang lumala ang sitwasyon. At mukhang hindi na ito maawat pa.

Hindi na niya tuloy alam kung anong gagawin. Aakyat ba siya sa taas para isumbong sa master ng guild ang nangyari dito? O hindi?

Pati si Maena at Mina ay kinabahan. Kahit si Rea ay hindi napigilan ang sarili na magpang-abot ang mga daliri ng kamay katapat ng kanyang dibdib.

Si Kesha naman ay hindi alam kung maawa ba o murahin ang binata sa pagiging ma-pride nito. Andito naman sila para tumulong pero ninais pa talaga niyang magpasikat.

Mga mala-latigong kamay ni Tyrant ay inihampas ng mabilis kay Yman. Pero parang hindi ito ordinaryong hampas.

Dahil sa lakas ng pressure dala ng pagsugod ni Tyrant ay nagliparan ang mga samot saring papel sa paligid.

Tila umuusok din ang palibot ni Tyrant. Na may kasama pang kakaibang tunong na parang langisngis. O parang tunog ng umaagos na tubig. Pero sa totoo lang ay tunong ito ng pagkahiwa ng ere.

*SHSHSHSHiiiing!*

Saktong pagkababa ng basong tinungga ni Guru nang...

*Bang!*

Tumilapon ng mabilis ang isang imahe sa direksyon ng mesa kung saan tumilapon kanina si Yman.

Biglang nagliparan ang mga alikabok ng walang punas na sira-sirang mesa.

"""Yman!""" Napasigaw ang kanyang mga kasamang mga babae. Habang rumihestro ang takot at kaba sa kanilang mga mukha.

Hindi nakapagsalita ang lahat dahil sa bilis ng pangyayari. Halos wala pang kalahating sigundo ang lumipas ng nagpang-abot ang dalawa. Pero isang imahe agad ang mabilis na tumilapon na parang inihagis na bola.

Hah~

Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Guru sabay tulak ng katawan para makatayo.

Expected na niya na ganito ang mangyayari. Sino ba namang makakaligtas sa atakeng iyon ni Tyrant. Lalo na kung ang kalaban ay mas mababa ng dalawang level sa kanya.

Bago humakbang ay sinulyapan niya muna ang kaawa-awang bata na tumilapon. Sabay iling ng ulo.

Pero bigla siyang natigilan dahil hindi ang binata ang nakatihaya sa mesa kung saan tumilapon ang isang imahe.

"Paanong nangyari?!" Napasambit nalang siya na halos malaglag ang mga mata sa sobrang gulat.