Chereads / Self Healing Magic / Chapter 79 - Lust

Chapter 79 - Lust

Ngumiti si Slimsword nang makita ang dalawang magagandang dilag na nakaharap sa kanilang direksyon.

Ang isa ay may hawak na dalawang metrong staff na sandata, habang ang isa naman ay may hawak na kakaibang sandata. Base sa mga sandatang hawak nila na naglalabas ng liwanag, ay siguradong mga high-grade equipments ang mga ito. Yung staff ng isang dilag ay naglalabas ng matingkad na nakakasilaw na kulay habang yung kakaibang sandata naman ng kanyang katabi ay naglalabas ng kadiliman.

"Hm... mag-ingat kayo, isang high-grade elemental ang sandata nila!" Paalala ni Slimword sa mga kasama.

"""Yes, leader, keekekekeke!""" Sabay-sabay na sagot ng kanyang mga kasama.

"Akin yung magandang may mahabang itim na buhok," sabi ng isa sa kanyang tauhan na may hawak na makurbang espada.

"""Sama mo narin ako diyan!""" Sigaw naman ng iba at mabilis na sinundan ang nauna nilang kasama.

Bawat isa sa kanila ay may hawak na iba't ibang klase ng sandata.

"""Kung ganun sa amin na yung magandang may lavender na buhok. Hehehehe!""" Sabi naman ng iba pa.

Mula sa kani-kanilang Interface ay nagsilabasan ang samo't saring mga sandata. Nakakasilaw ang mga kinang nito nang tamaan ng liwanag na nagmula sa araw.

Bawat isa sa kanila ay diretsong tumalon papunta sa dalawang babae. Na parang mga lasinggong masayang nag-iinuman batay sa kanilang tawanan at hagikhik. Dahil kung sino man ang unang makakatalo sa naggagandahang mga dilag na ito ay makakatikim ng sariwang laman.

Nagsitalsikan ang malalapot nilang laway sa paligid na humalo sa alikabok na dala ng mabilis nilang mga galaw.

Para silang mga multong nawawala at sumusulpot kung saan saan. Pero ang kanilang pagsulpot ay papalapit sa dalawang dilag.

"Kekeke, Eneng maglaro tayooo!" Sabi ng naunang nakalapit sa magandang dilag na may mahabang itim na buhok. "Kekeke, napakaganda naman ng dilag na ito! Keke. Swerty!" Namangha at napasigaw siya sa isip ng masilayan sa malapitan ang mukha ni Mina. At lalo pa itong ginaganahan habang iniimagin na mapasakama niya ang dilag at paulit-ulit na gagamitin hanggang sarapan ito at kusang magmaneho ng kanyang alaga. Hindi tuloy maiwasan niyang dilaan ang mga labi.

Napansin niya na hindi gumagalaw ang dalaga at nanatili lang sa kanyang pwesto habang nakahawak sa hawakan ng kakaibang sandata ang kanyang mga kamay.

Tumalon agad papalapit ang lalaki para makauna sa mga kasama, ngunit,

Shing!

Kasunod ng sigaw ay kakaibang tunog na parang hinihiwa ang ere. Walang nakakaalam kung anong nangyari ng mga sigundong yun. Pero bigla nalang na *Blag!* nahulog sa lupa ang unang tumalon na nakalapit kay Mina.

Hindi nila napansin na gumalaw ang dilag. At hindi rin nila nakita na ginamit nito ang kanyang hawak na sandata. Pero napansin nila nang biglang parang may lumabas na itim na bagay mula sa kakaibang sandata. Pagkatapos nun ay bumagsak nalang ang kanilang kasama. Narinig din nila ang pagbanggit ng kasama nila sa salitang *Lust!* bago nawalan ng malay.

Naguguluhan sila kung bakit sinabi ng kasama nila yun bago siya nawalan ng malay.

Dahil sa nangyaring ito ay naalarma at natigilan sa pagsugod ang mga kasama ni Slimsword.

Kasalukuyang nakapatong sa mababang bubungan ng gusali si Slimsword at nakatayo sa kanyang tabi ang kanang kamay na si Thinblade. Hindi rin sila sigurado kung ano ang dahilan ng pagbagsak ng kanilang tauhan.

Kaya napakunot nalang sila ng noo habang nagmamasid sa laban at naghihintay ng pagkakataon na dukutin ang kanilang target na prinsesa.

Sa tabi naman ni Mina ay nanginginig sa hindi malamang dahilan si Kesha. Hindi niya alam kung bakit parang nakakaamoy at nakakaramdam nanaman siya ulit ng kamatayan sa paligid.

"Huwag kayong matakot! Sugurin niyo!" Sigaw ni Thinblade sa mga tauhan.

""""Y-yes!!!"""" Sabay-sabay nilang pagsagot.

Ngunit pagkaapak ng kanilang mga paa sa sampung metrong distansya mula kay Mina, ay bumagsak pa ang dalawa sa kanila. At sumigaw din ang mga ito ng salitang bago bumagsak.

Hindi nila mabatid ang kakaibang pangyayaring ito. Kung paano, bakit bigla nalang nagsitumba ang kanilang mga kasama? Ngayon ay apat nalang ang natira sa mga tauhan ni Slimsword at Thinblade.

"Leader, sa tingin mo ano kayang posibleng dahilan ng kanilang pagbagsak?" Hindi napigilan na mapatanong si Thinblade kay Slimsword.

"Hindi rin ako sigurado, pero baka isa itong illusion magic ng dilag." Dahil nakamaskara ay hindi mapapansin kung anong klaseng ekspresyon ang gumuhit sa kanilang mga mukha sa mga oras na ito. Pero bawat isa sa kanila ay hindi maipaliwanag ang dahilan.

Palingon-lingon sa kinaroroonan nila Slimsword ang kanilang mga tauhan. Siguro nagdadalawang isip ang mga itong sumugod ulit. Dahil sa hindi maipaliwanag na nangyayari.

Naramdaman naman agad ni Slimsword ang pagdadalawang isip ng mga ito. "Dumistansya kayo at gumamit ng long-range na atake!" Sigaw ni Slimsword sa mga tauhan.

Agad din na sinunod ng mga tauhan niya ang kanyang sinabi at dumistansya nga ang mga ito. Buti nalang sinanay sila sa malapitan at distansyang labanan. Kaya bawat isa sa kanila ay pawang matataas ang agility at dexterity.

Mabilis silang tumalon paatras ng walang pagdadalawang isip at dumukot mula sa kanilang Interface ng mga panghagis na sandata. Yung iba ay gumamit ng pana.

Ngunit sa kanilang pag-atras ay may mga ibong papalapit ng hindi mabilis at hindi rin mabagal na paglipad. Ang kakaiba lang ay napakaliwanag ng mga ito. Kaya naagaw ang kanilang atensyon at hindi agad nakapag-isip ng tama. Patuloy lang sa paglapit ang mga ibon at sinubukan namang umilag ng mga kasama ni Slimsword.

Kaya lang, parang may kakaiba sa mga ibong ito at gustong bumangga sa kanila?!

Naglalabas pa ang mga ito ng matamis sa tengang mga huni, *Tweet-Tweet!* habang papalapit.

"Tanga, Umilag kayoo!!!" Sigaw ni Slimsword.

Ngunit, *kreeeeeekkkkk!* *Bang!* isang kakaibang tunog na parang nakukuryente. Na sinundan ng mahinang pagsabog.

Isa itong type na magic skill ni Kesha. Sumusunod ito sa target sa hindi mabilis at hindi mahinang paglipad. Ngunit kapag tinamaan ka ay may dulot itong paralyse effect. Hindi lang yun may kunting bawas pa ng HP sa kalaban.

-4,500hp

-4,500hp

-4,500hp

.....

Halos sabay-sabay lumabas ang mga notification pop-up ng pagbawas sa mga HP ng kasamahan ni Slimsword. Sa totoo lang ay nasa 3,000 lang dapat ang total na damage nito. Pero dahil sa buff ni Rea na may dagdag ng 50% sa mga magic attack ay tumaas ang damage at umabot ng 4,500.

Nasa tatlong minuto rin ang epekto ng paralisa kaya ngayon tanging si Slimsword at Thinblade nalang ang natira, sa grupo naman ni Scarce ay tanging siya at si Lil nalang ang natira. Dahil sa pagtaas ng 50% sa mga skill ni Maena ay lalong napadali ang pagtalo sa mga kalaban.

Ni hindi nga nagawang lumaban ni Yman, tanging ang mga babae lang ang tumapos sa mga kasama nila.

"Leader anong gagawin natin, mukhang hindi basta basta ang mga kabataang yan?" Tanong ni Thinblade.

"Tsk, kung pwede lang sana nating gamitin ang ating mga talent sa lugar na ito. Pero mahirap na, baka may mga makakita, hindi nila pwede malaman ang tungkol sa tunay na lakas ng organisasyon." Sabi ni Slimsword.

"Pero paano ang misyon natin?" Tanong ni Thinblade na may halong pag-alala.

"Fufufu, marami pang pagkakataon. Hahanap nalang tayo ng tyempo. Sa ngayon magtawag pa tayo ng maraming tauhan. At ipaalam mo narin sa kanila ang mga kakayanan ng mga dilag na yan. Para hindi na magkamali pa sa susunod."

"Yes leader," sagot niya at akmang aalis, ngunitโ€”

"Teka lang, magtawag ka ng mga range type na magician. Mas marami mas maganda." Sabi ni Slimsword habang napangiti.

"Okay!" Pagkatapos sumagot ay unti-unting naglaho ang katauhan ni Thinblade.

Kahit hindi sila magtagumpay ngayon ay okay lang, dahil alam niyang hindi rin magtatagumpay ang grupo ni Scarce. At ang utos sa kanila ay dapat dukutin ang pangalawang prinsesa. Walang itinakdang oras at panahon.

Ibig sabihin nito, hanggat hindi binabawi ang utos ay pwede silang sumugod para dukutin ang prinsesa kahit anumang oras. Siguradong makakahanap din sila ng magandang tyempo.

Kaya okay lang na isipin ng mga kabataang ito na mahihina lang sila at kayang talunin ng madali. Para narin ibaba nila ang kanilang depensa sa isiping ito.

At kahit magsumbong sila sa headmaster ng adventurers guild ay balewala parin ito. Siguradong mapapasakamay din nila ang pangalawang prinsesa ng kaharian.

Habang nag-iisip si Slimsword ay napansin niya ang itim na bagay na mabilis patungo sa kanyang direksyon.

*Fwoosh!*

"Kukukukuku!" Bago tumama ang bagay na itinira ni Mina ay nawala si Slimsword na parang bula. At nag-iiwan ng kakaibang tawa.

Tsk! Nakasimangot na sinandal ni Mina sa balikat ang hawakan ng kakaiba niyang sandata.

Sa grupo naman ni Scarce ay tanging silang dalawa lang ni Lil ang natira. Kanina nang mapansin niyang isa-isang bumagsak ang kanyang mga kasama ay agad siyang lumapit. Ngunit sa kanyang paglapit ay may nakita siyang hindi inaasahang binata. Napansin din niyang malakas ng mga kasama nito. Kaya sinabihan niya si Lil na umatras muna.

Kahit naguguluhan si Lil sa utos ng leader ay agad naman itong sumunod.

"Tsk, mukhang minamaliit natin ang misyong ito!" Biglang banggit ni Scarce ng makalayo.

"Bakit, Leader?" Tanong ni Lil.

"Ang binata kanina, siya yung tumulong sa pangatlong prinsesa. At ngayon kasama na naman ang pangalawang prinsesa." Sabi ni Scarce habang nakasimangot.

"Siya yung napabalitang dahilan kaya nabigo ang unang misyon ng grupo?" Nabiglang katanungan ni Lil.

"Mhm!" Tumango lang si Scarce.

"Imposible yun, Leader Scarce!" Napataas ang bosses ni Lil.

"Bakit? Dahil low level siya? Gyahaha!" Tanong ni Scarce sabay tawa.

"Hindi lang basta low level, nasa level 4 lang siya at mababa pa ang mahikang taglay." Sabi ni Lil.

"Gyahaha, kahit kami nung una ay ganyan din ang reaksyon. Pero pag-nag-umpisa nang lumaban ang binatang yun ay magbabago ang iyong isip." sabi ni Scarce. Pero ang mga mata niya ay napupuno ng determinasyon. Gusto talaga niya makalaban ng 1vs1 ulit ang binata.

Pero hindi muna ngayon. Dahil kailangan niyang mag-enjoy sa paparating na magandang palabas.

"Gyahaha, sa ngayon magmasid muna tayo sa susunod na hakbang ng grupo ni Slimsword." Sabi ni Scarce.

"Yes, Leader!" Sagot ni Lil.

"Sa ngayon magtawag kapa ng kunting tauhan." Utos ni Scarce.

"Eh, bakit kunti lang?" Naguguluhang napatanong si Lil.

"Gyahahaha, sundin mo nalang ang utos ko." Sabi ni Scarce.

Hindi nag-react pa si Lil at sinunod nalang ang utos ng kanyang leader. Kahit bigo sila sa ngayon ay okay lang dahil nabigo rin naman ang pangunahing grupo sa misyong ito.

Pag-alis ni Lil ay napangisi si Scarce.

'Gyahahaha, mukhang magiging kaabang-abang ang mga susunod na mangyayari. Sino kaya ang mas malakas sa dalawang yun. Si Slimsword o ang binatilyo? GYAHAHAHAhahahaha!" Pahina ng pahina ang nag-e-echoe niyang tawa sa loob ng mabahong daan na ito na nasa ilalim ng lupa.