Pagkatapos ng laban ay bumalik ulit sila sa silangang bahagi ng kaharian kung saan dadaan sila sa pamilihan, pero dahil sa nangyari ay dumiretso muna sila sa Adventurer's Guild Hall.
Pinaalam nila kay Laura ang nangyari. Laking gulat naman ng mga kasamang babae nang malaman na pamangkin pala ng headmaster ang kilalang si Miss Ella.
Pero mas lalo pa nilang ikinagulat ang narinig, nang sabihin ng Headmaster ng adventurers guild, na mas safe ang kanyang pamangkin kung kasama si... Yman?!
Naguguluhan sila, dahil papaano magiging ligtas ang pamangkin ng adventurers guild kay Yman? Si Maena at Kesha ay lihim na nagtaka.
Wala naman silang naramdamang malakas na kapangyarihan dito. Higit sa lahat, isa siyang healer. Kahit sabihin na malakas siyang healer na may malakas na attacking spell, pero mahihirapan parin siya lalo na kung ang kalaban ay napakaraming mga assassin type. Gaya ng nakalaban nila.
Sa isip ni Maena at Kesha, ay swerte lang ni Yman at Miss Ella na nandun sila. Kung nagkataon na wala sila ay baka nahuli na ng mga kalaban ang dalawang ito.
Kaya lang hindi parin nila maiwasang magtaka sa sinabi ng headmaster. At pinaubaya pa talaga niya sa lalaking to ang kaligtasan ng kanyang pamangkin.
Gusto sana magtanong ni Kesha kung anong klaseng pandarambong ang ginawa ng lalaking ito sa headmaster ng adventurers guild at kay Miss Ella.
Pero nang masulyapan nila ang mukha ng engkantada na nakahinga ng maluwag mula sa sinabi ng headmaster, ay nagpakawala nalang sila ng mga tamad na ngiti sa mga labi.
Wala talaga silang ideya sa nangyayari. Bakit kaya pinagkatiwalaan nila ng husto ang Yman na ito?!
Binabato ni Kesha ng mga pagdududang tingin ang binatang nagugustuhan ng bestfriend niya. Hindi talaga niya magawang sumahin kung paano naging safety si Miss Ella sa kamay ng binatang ito.
Bago pa sila umalis ng headmaster's office ay may inabot na naka-seal na sobre si Laura kay Yman. Inatasan niya ang dalawa na ihatid ang sulat sa master ng adventurers guild branch, na nasa siyudad na matatagpuan sa kalagitnaan ng desyerto.
Tamang-tama lang dahil papunta rin naman sila sa desyerto.
Pagkatapos maiabot ang sulat ay nagpatuloy ang lima sa kanilang binabalak. Gusto sana ni Yman na ipagpaliban muna ang pag-hunting ng mga mini boss.
Kaso hindi pumayag ang mga babaeng kasama. Kaya wala na siyang nagawa pa at pumayag narin na magpatuloy.
Mukhang hindi pa napagod ang tomboy niyang kaibigan. Masigla parin ito na para bang hindi nanggaling sa labanan.
Pagkatapos nila bumili ng mga potions sa pamilihan ay dumiretso na agad silang sumakay ng kalesa papuntang desyerto.
Maalikabok ang daan na tinatahak ng kalesang kanilang sinasakyan. Makikita ang tila nag uusok na alikabok mula sa mabilis na paggulong ng gulong ng kalesa.
Sa kanyang kanan nakaupo si Rea at sa kalewa naman si Mina. Kaharap naman nila si Maena at Kesha.
Kahit nasa desyerto sila ay parang wala lang sa kanila ang init na dala nito. Siguro kung normal na tao ang kasalukuyang nakasakay sa loob ng kalesa ay siguradong kanina pa basang basa ng pawis ang buo nilang katawan.
Lihim na sinulyapan ni Yman ang mga kasama. Sa totoo lang ay kanina pa niya napapansin, na kanina pa tahimik si Mina. Mula noong matapos ang laban ay hindi na ito gaanong nagsasalita.
Kanina sa laban ay kinilabutan siya sa kakaibang skill na ginamit ni Mina sa laban. Parang gusto niya rin sumigaw ng
Lihim niyang sinulyapan ang mukha ni Mina. Napansin niya ang hindi maipaliwanag na emosyon. Para itong nalulungkot at may saya ring kasama.
Nagpakawala siya ng buntong hininga. Hindi niya akalain na makakasama sa paglalakbay ang babaeng ito. Dati parang napakahirap lapitan ni Mina. Dahil tinuturing siyang prinsesa sa paaralan mula pa noong elementarya sila.
Ngunit ngayon ay katabi pa niya. Pero bakit kaya parang lutang ata ang isip nito ngayon? Hindi mapigilan na mapatanong si Yman sa sarili.
"Mina, Okay ka lang?" Mahina niyang tanong. Hindi na niya napigilan na tanungin si Mina, kahit medyo naiilang siyang makipag-usap, pero medyo nag-alala na siya sa katahimikan nito.
Agad namang napalingon si Mina nang marinig ang boses ni Yman. Halatang nagulat ito sa kanyang tanong.
Ngumiti ng bahagya si Mina at tumango din ng bahagya.
"Kung nakaramdam ka ng pagod, magpahinga ka muna. Medyo malayo pa ang ating distinasyon," mahinahong sabi ni Yman kay Mina.
Tumango si Mina at isinandal ang ulo sa balikat ni Yman. Medyo nagulat si Yman sa ginawa ni Mina pero hinayaan niya lang. Dahil mukhang napagod nga ito. Napansin din niya ang isa pang ulo na unti-unting sumandal sa kanyang kabilang balikat.
Nagpakawala nalang siya ng tamad na ngiti. Dahil mukhang ginawa na siyang unan ng dalawang ito.
Kapansin-pansin din sa kanyang harap ang malisyosong ngiti ni Maena na binabato sa kanya. Habang nag-dot naman ang mga mata ni Kesha nang makita ang pagsandal ng ulo ni Mina at Miss Ella sa lalaking nasa harap.
Mahigit kalahating oras ay narating narin nila ang oasis ng desyerto. Ginawan ito ng siyudad na tinatawag na Prosperity Town.
Katulad ng ibang siyudad ay napalibutan din ito ng pader. Natural lang yun, dahil ito lang ang pangunahing depensa para maiwasan ang biglaang pag-atake ng mga halimaw.
Pagkatapos makapasok sa loob ng siyudad ang kalesang sinasakyan ay bumaba ang lima.
Napalingon-lingon sila sa paligid. Makikita sa unahan ang isang tulay. At sa ilalim nito makikita ang parang ilog. Kumikislap habang tinatamaan ng sikat ng araw ang ibabaw na bahagi ng ilog. Sa totoo lang, ang ilog na ito ay parte ng malawak na lawa na makikita sa timog na bahagi ng siyudad.
Marami ring iba ibang klaseng puno ang makikita sa paligid. Mga maliliit na ibon na mabilis ikinakampay ang mga munting pakpak at lumilipad sa kung saang direksyon.
Lihim na napangiti si Yman habang pinagmasdan ito. Sa too lang ay namimiss narin niyang lumipad. Kung hindi lang sana nakakasira ng EB at RB ang kanyang talent ay siguradong nagpapakasawa na sana siya sa paglipad.
Sinasabing mahigit isang libo at walo na raan ang mga taong naninirahan sa siyudad na ito. Sari-sari naman ang mga taong naninirahan sa lugar. May mga normal na tao at may mga kalahating tao rin.
Kahit isa itong desyerto ay makikitang ang mga daan na gawa sa kongkreto. Pati mga gusali sa unahan ay gawa rin sa kongkreto.
Pagkababa nila sa kalesa ay agad nakaagaw ng pansin ang mga kasama niyang naggagandahang mga dilag. Kahit kailan talaga ay naiilang siya sa ganitong sitwasyon.
Kamot sa pisngi nalang si Yman habang palihim na sinusulyapan si Mina. Kapansin-pansin parin ang pagiging tahimik nito.
Dumiretso sila sa pinakasintro ng siyudad kung saan makikita ang hili-hilirang nagbibinta ng mga samot saring gamit. Pero hindi ang pamilihan ang kanilang pakay sa lugar na ito.
Kailangan nila magtungo sa adventurers guild branch.
Ilang minutong paglalakad ay narating narin nila ang guild hall ng adventurers guild ng siyudad.
Mayroon itong dalawang palapag at kasing laki lamang ng guild hall na makikita sa Human City.
Pagpasok nilang lima ay binati sila ng matapang na amoy ng alak sa paligid. Makikita rin ang mga iba ibang klaseng tao sa paligid na may hawak ng samot saring sandata.
Sa unahan makikita ang dalawang counter na magkatabi. Ang nasa kanan ay para sa adventurers guild counter at sa kalewa naman ay bar counter.
Pagpasok pa lamang nila ay agad na pinagtitinginan ang kanilang grupo. Lalo na sa mga kasama niyang naggagandahang mga babae.
Dumiretso agad si Yman sa counter na nasa kanan na bahagi para magtanong kung nandito ba ang headmaster ng guild branch na ito.
"Maaari bang malaman ang pangalan?" Tanong ng babaeng dilag na nagbabantay sa counter.
"Yman, meyimbro ako ng adventurers guild," sagot niya.
Lihim lang nakikinig ang mga taong nag-iinuman sa paligid. Pero ang mga malisyosong titig nilang lahat ay ramdam na ramdam ni Yman. Naramdaman rin niya ang pagkapit ng kamay ni Rea sa kanyang braso. Siguro naiilang ito sa atmospera ng paligid.
"Tignan niyo may mga sariwang dilag!" Sadyang nilakasan ng isang lalaki ang kanyang tinig habang sinasambit ito sa dalawang kasama na kainuman.
"Wetweeeew!" Napasipol naman ang iba habang binabato ng mga hindi maganda at malaswang mga tingin ang mga babaeng kasama niya.
Pero dahil isa rin siyang adventurer ay walang naglalakas loob na lumapit sa kanila. Lalo na't maraming talentadong batang adventurers na sa murang edad palang ay kapansin-pansin na ang mga lakas na taglay. Ang mga halimabawa rito ay si Ember at Silver Gale. Pero hindi lang silang dalawa ang nagpamalas ng husay sa murang edad pa lamang. Marami pang iba.
Sinulyapan ng dilag na nagbabantay sa counter ang binatang kaharap. Napansin niya na parang hindi naman ito malakas. Napagtanto niya na siguro ay isa lang ito sa maraming kabataan na nangarap maging malakas na miyembro ng adventurers guild.
Inakala na ganun kadali ang propisyong pinasukan. Pero habang patagal ng patagal sa serbisyo ay napagtanto nila ang masaklap na katotohanan, na hindi basta basta ang propisyon ng isang adventurers.
Yung iba ngang kabataan ay maagang nasawi, mga ilang araw palang ng kanilang pagkasali.
Naisip ng dalagang nagbabantay na baka isa rin ang lalaking ito sa mga kabataang iyon. Sayang ang mga kasama nitong naggagandahang mga dilag kung masangkot sa hindi magandang kahinatnan. Kung siya sa kanila ay iiwanan na niya ang binatang ito at maghanap ng malalakas na adventurer na may sapat na kasanayan sa pakikipaglaban.
Ahem! Nilinis muna niya ang lalamunan bago ibinuka ulit ang bibig.
"Maari bang makita ang iyong insignia?" Kahit nakakasiguro siya na baguhan palang ang binata ay kailangan parin niyang itanong. Hindi lang yun sinadya pa niyang lakasan ang bosses para marinig ng mga ibang adventurers sa paligid.
Hindi sumagot si Yman at dumukot ng bagay sa bulsa. Pagkatapos ay dahan-dahan niya itong nilapag sa mesa ng counter.
Nang makita ng dalagang kaharap ang kulay ng insignia nito ay nagpakawala nalang siya ng buntong hininga. Dahil tama ang hinala niya. Isang Bronze rank adventurers lamang ang binatang kanyang kaharap.
"Bronze rank?!" Sinadya niyang lakasan ang pagkatanong.
Agad na naramdaman ni Yman ang pagbigat ng pressure sa paligid. Naglabasan naman ang mga ngipin ng mga taong nag-iinom sa tabi.
Nagpakawala nalang siya ng buntong hininga. Mukha hindi na niya mapipigilan ang sarili sa pagkakataong ito.