Chereads / Self Healing Magic / Chapter 78 - Eye of Perception

Chapter 78 - Eye of Perception

Hindi alam ng mga kasama ni Scarce kung paano nabigo sila sa nakaraang misyon. Dahil malaki ang tiwala nila sa kakayanan ng kanilang leader na si Scarce. Kaya nakapagtataka na nabigo ito sa nakaraang misyon. Nahuli pa ng mga kawal ng palasyo yung mga kasama nila at tanging si Scarce lang ang nakabalik.

"Sugod!" Sininyasan ni Scarce ang mga kasama gamit ang kanyang natutunang silent language nang makita ang mga kabataan sa unahan.

Dahil ka-party niya ang mga kasama ay kitang-kita nila ang bawat isa. Ngunit kabaliktaran naman sa kanilang kalaban na walang kamuwang-muwang na may mga nakaambang din sa dulo ng eskinitang ito at kasalukuyang naka-stealth.

Nang makita ng mga kasama ang pagsinyas ni Scarce ay mabilis silang nagsitalunan para sugurin ang mga kabataang papalapit sa kanilang direksyon.

Ang plano nila ay papalibutan ng mga kasama ang mga target tapos lilitaw sa may labasan ng eskinita si Scarce para harangan ang kanilang daanan at para narin sa magandang entrada ng kanilang leader.

Siguradong napaka cool nito tingnan, bagay na bagay para sa kanilang leader. At kung magbabalak na lumaban ang mga kalaban ay isa-isang lilitaw ang kaniyang mga kasama na nakapalibot para lalong ipakita na wala na silang magagawa pa kundi ang sumuko. Kung mapapansin ng mga kalaban na napapalibutan na pala sila ay siguradong mawawalan na sila ng ganang lumaban pa. Isa ito sa mga high level nilang plano at hindi pa pumalpak.

Kaya, gaya nga ng kanilang napagplanuhan ay nagpaiwan sa may labasan ng eskinita si Scarse habang sumugod naman ang mga kasama para palibutan ang mga kabataan ng hindi nila alam.

"Hehehe, napakadali naman ng misyong ito para sa malaking gantimpala na naghihintay sa amin," sa isip ng isa sa mga kasamahan ni Scarce na pasugod sa grupo ni Yman.

"Kekeke, siguradong mapapasaamin ang dobleng gantimpala na naghihintay sa aming pagbabalik! Mapapadalas nanaman ako nito sa casino. Kekeke," sa isip naman ng isa pa at lalong binilisan ang pagsugod.

Ngayon nasa labing limang metro nalang ang distansya nila sa mga target.

"Heeh-hehe-he, tingnan mo nga naman napakaganda ng mga kabataang ito. At mukhang mga birhin pa. Heeh-he-he, kapag siniswerte ka nga naman, oh." Sabi ng isa pa habang umaagos ang laway sa kanyang nakalabas na dila.

Siyam na naka-stealth na mga tao ang pasugod kina Yman.

"Heh, sinong mag-aakala na wala na pala tayong matatakbuhan," wika ni Yman.

"Eh? B-bakit Yman?" Napatanong si Rea habang sumilip sa unahan. Ngunit wala naman siyang nakikitang kakaiba. Malapad ang daan at walang nakaharang.

"Fufufu, mukhang wala kanang choice Yman. Huwag kang mag-alala hindi ko hahayaang mapatay ka nila." Biglang sabi rin ni Maena. Pero nagulat siya sa sinabi ni Yman. Napatanong nalang siya sa sarili kung may skill din ito kagaya sa kanya.

Pero imposible yun, dahil isa siyang healer. At bukod pa rito, ang skill na tinutukoy ni Maena ay hindi basta basta lumalabas sa kung sinong magician lamang. Pasalamat lang si Maena at nagmana siya sa kanyang Grandpa na si Silver Hawk.

Ang magic skill na tinutukoy ni Maena ay ang passive niyang skill na tinatawag na Eye of Perception. Kung pagbabasihan ang pangalan ng magic skill, ay pinapataas nga nito ang kanyang perception ability. Kung saan kaya niyang makaramdam ng mga hindi nakikita ng mga normal na mga mata.

Kaya kitang kita ni Maena ang mga kalaban na pasugod sa kanila. Pero nagulat talaga siya sa sinabi ni Yman. Dahil mukhang may alam din ito na may mga kalabang naka-stealth sa unahan.

"Kuku. Yman akong bahala sa likod." Sabi naman ni Mina sabay kuha ng kakaibang sandata na nasa kanyang inventory.

"Mhm!"

"Minaaaa!!! Tuloooong!!!" Sigaw ni Kesha.

Pasimple lang na lumapit ang mga naka-stealth sa grupo nila Yman. Pero nagulat sila ng biglang huminto sa pagtakbo ang mga ito. Naisip nila na baka tinanggal na ni Scarce ang epekto ng kanyang *Stealth* kaya napahinto ang mga kabataan. Lalo lang tuloy silang napangisi at lalo pang binilisan ang pagsugod. Yung iba naman sa kanila ay napalingon sa likod para tingnan ang direksyon ni Scarce.

"""Ano?!!!""" Nagulat nalang sila dahil naka-stealth mode parin ang kanilang leader.

'Kung ganun anong dahilan at napahinto ang mga kabataan?' Tanong nila sa sarili.

Agad nilang ibinalik sa unahan ang kanilang paningin.

"I-Ilaaaagggg!!!" Biglang sigaw ng kanilang kasama na nasa unahan.

Paglingun ulit ng iba sa kanila sa harap ay binati na sila ng malamig na palaso. Mga palasong nababalutan ng Ice Element.

Maswerte na nakailag ang iba, ngunit hindi lahat ay nakailag. Dahil tatlo sa kanila ang nanigas, mula sa epektong dala ng palasong itinira ng magandang dilag na may blonde na buhok. Ang tatlong natamaan ay yung tatlong nag-iisip ng hindi maganda kanina.

Pumipikit-pikit pa ang kanilang mga mata habang nasa loob ng blocke. Hindi makagalaw at hindi makasigaw, ang masaklap pa ay napakalamig! Nasa tatlong minuto pa naman ang epekto ng freeze nito.

'Sana nangupit muna ako ng Ailment Resistance na potion kay aling bungangerang tindera kung alam ko lang na magkakaganito,' sa isip ng lalaking nag-isip kanina na mapapasakanila na ang gantimpala.

'Sana nagsuot ako ng makapal na jackeeeet!!!' sa isip naman ng kaninang nag-iisip na mapapadalas ang pagtambay sa casino.

Pero mas mapait ang sinapit ng kaninang nag-iisip ng kamanyakan. Dahil nakalabas parin ang kanyang dila kahit nasa loob ng blocke. Ngayon ay namuti ang mga mata. Makikita ring nanginginig ang kanyang dila. 'Sana itinikom ko muna ang aking bibig!!!'

Ang tatlong ito ay kasalukuyang nanigas at tanging mga mata lang nila ang gumagalaw. Ang masaklap pa ay nabawasan ng tig-3,250 sa kanilang hp, 3,500 dapat ang total na damage ng skill na ito ni Maena. Pero dahil may 250 defense ang mga natamaan ay naging 3,250 nalang.

Pero dahil sa nasa level 7 na ang tatlong ito. At dinagdagan pa ng kanilang item na naka-equip, nasa mahigit 10k ang total nilang mga buhay. Kaya malayo parin sa panganib ang kanilang sarili. Pero hindi magandang manigas sa loob ng blockeeeee!!!

"Tsk!" Pinitik ng kanilang kasama na kanang kamay ni Scarce ang kanyang dila nang mapansing tatlo sa kanyang kasamahan ang natamaan.

Bigla silang napahinto sa pagsugod at kasalukuyang nasa walong metro ang distansya mula sa mga kabataan.

Nagmarka ang mga gulat sa kanilang pagmumukha. Hindi nila inaasahan ang pangyayaring ito.

Mukhang may kakaibang kakayahan ang babaeng may blonde na buhok.

Wala pa naman silang dalang mga pankontra sa Ailment na dala ng mga high-grade weapon.

'Sinong mag-aakala na hindi pala basta basta ang mga kabataang ito.' Sa isip ni Lil ang kanang kamay ni Scarce.

'Boss Lil, anong gagawin natin?' Sinyas na tanong ng kanyang katabing kasama.

Hindi nakasagot agad si Lil. Ngunit nang makita niya na papalapit na ang grupo ni Slimsword ay wala na siyang nagawa pa kundi ang sumugod.

'Gamitin niyo ang mga buff niyo at pilitin ninyong makuha ang target natin. Kahit anong mangyari!' Sinyas ni Lil sa mga kasama.

'Ok, Boss!'

Nagsisugod agad ang mga ito. Ngunit nagpapaulan naman ng mga palaso si Maena. Ang hindi maswerteng tamaan ay makabilang sa tatlong nanigas.

"Fufufu." Ngumisi si Maena habang may namuong malaking palaso sa kanyang pana.

"Hoy tomboy! Huwag mong sirain ang mga gusali sa paligid!" Biglang paalala ni Yman. Dahil hindi maganda ang kutob niya sa pinaplano nito.

"Eh?" Biglang natigil sa binabalak si Maena at nagpaulan nalang triple shot. Isang normal na atake na walang halong freezing effect. Pero bawat tira niya ay tatlong palaso ang nagsiliparan sa iba't ibang direksyon.

'Hah, kaya ayaw kung makipaglaban sa lugar na ito.' Sa isip ni Yman.

Ngayon ay nasa lima nalang ang natirang kalaban at tatlo ang nanigas habang isa naman ang nawalan ng malay.

Nagpailag-ilag ang mga naka-stealth na kalaban habang sumusugod sa direksyon ni Yman. Kung makakalapit sila sa binata ay siguradong mabilis nilang makuha ang prinsesa at aatras agad pagkatapos.

Napansin ni Yman na papalapit na sa kanya ang dalawa habang busy naman ang tatlo sa pag-ilag ng palaso ni Maena.

Agad niyang ibinaba si Rea at pinapunta sa kanyang likuran. Kinuha rin ni Rea ang kanyang wand mula sa kanyang inventory at gumamit ng buff para sa lahat.

"Leader Slimsword! Mukhang nag-uumpisa na labanan nila."

Kunot noo at nagtaka si Slimsword kung paanong nakikipaglaban pa ang grupo ni Scarce sa mga kabataan at hindi pinalibutan agad. Kilala panaman ang grupo ni Scarce. Dahil mabilis nito natatapos ang mga misyon ng walang kahiraphirap.

'Nagkamali kaya sila sa kanilang strategy? Hehe, chance narin namin ito para maunahan silang dukutin ang target!'

"Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanila pero chance narin natin to para unahan silang dukutin ang pangalawang prinsesa!" Sigaw ni Slimsword sa mga kasama.

Lalo pa nilang binilasan ang pagtatalon habang humagayway ang mga telang nakabalot sa kanilang katawan.

Ngayon ay nasa dalawampung metro nalang ang distansya nila sa naglalaban.

"Minaaaaa!!!" Sigaw ni Kesha nang makalapit sa kaibigan.

Agad na kinuha ni Kesha ang kanyang dalawang metrong staff na sandata mula sa inventory. At hinarap katabi ni Mina ang mga paparating na kalabang humahabol sa kanila.