"Ymaaaaannnn! Bakit ka tumakbo? Sino ba ang mga weird na nilalang na iyun?!" Pasigaw na tanong ni Maena habang sinusundan ang likod ni Yman.
"Hindi ko rin alaaaaamm!!! Siguro miyembro ng masamang organisasyon. Tumakbo nalang kayo dahil hindi maganda ang kutob ko sa mga taong yan!!!" Pasigaw rin na sagot ni Yman dahil kasalukuyan silang tumatakbo ng mabilis. Papunta dapat sila sa pamilihan, na matatagpuan sa silangang bahagi ng Engkantasya, ngunit dahil sa pang-aambang ng mga nilalang na nakabalot ng tela ang buong katawan ay walang choice si Yman kundi bumalik sa dinaanan.
Si Kesha ang nasa pinakahuli nilang lahat. Dahil hindi naman malaki ang kanyang AGI. At halos nasa INT at VIT lahat ang points niya. Kaya medyo mabagal siya tumakbo kumpara sa lahat maliban kay Rea na karga ni Yman.
"Hi-Hintayin niyo akoooohhh! Minaaaaaa!" Sigaw ni Kesha sa kaibigan habang pilit na sinusundan ang kanilang mga likod. "Fuuhhh! Buti nalang Agility Boots at accessory ang naka-equip sa aking inventory. Sinong mag-aakala na ganito ang mangyayari. Ano kayang atraso ng lalaking ito sa mga nilalang na yun? Teka, bakit ba pati kami tumatakbo rin? Waaah! Bahala na ngaaaa! Minaaaa bestfrieeeend waiiiit!" Sigaw ni Kesha habang pilit inaabutan ang mga kasamahan. Pero sa isip niya ay, "sana hindi nalang ako sumama kung alam ko lang na ganito pala ang mangyayariiiiiii!!!"
Si Mina naman ay tahimik lang na sinusundan ang pagtakbo ni Yman. Pero napuno ang isip niya ng, "bakit kaya hind ako ang binuhat niya? Hmmm... bakit kaya? Bakit kaya? Bakiiit?" Kahit sa sitwasyon na kinalalagyan ngayon ay ganito parin ang laman ng kanyang isip.
Kasalukuyan silang tumatakbo patungo sa kanlurang bahagi ng Engkantasya. At dito rin sana ang kanilang destinansyon pagkatapos mamili sa pamilihan na nasa silangang bahagi naman ng kaharian. Pero dahil sa pang-aambang ay bumalik sila sa direksyon ng kanluran.
At dahil mga magician sila, mas mabilis ang kanilang pagtakbo na kahit mga motorsiklo kayang abutan.
Nagpatalon talon naman sa mga gusali na nasa kanilang paligid, ang mga nilalang na humahabol sa kanila. Para itong mga phantom kung tingnan dahil sa kanilang mga telang suot na sumasayaw sa hangin dala ng mabilis na pagtakbo.
"Kekeke, Leader, mukhang hindi basta basta ang bilis ng mga kabataang ito!" Sabi ng isa sa mga nilalang na humahabol sa grupo ni Yman.
"Tsk, ginagalit talaga ako ng binatang yun ah! Signalan mo ang grupo ni Scarce! Sabihin mo papunta na diyan ang target! At bilisan niyo pa ang paghabol, kunti nalang maaabutan na natin ang mga yan!" Sigaw ng kanilang leader.
"Keke, Okay, Leader!" Malakas na sagot nito sabay dukot ng bagay na nasa ilalim ng telang nakabalot sa kanyang buong katawan. Pagkatapos, ay itinutok niya ang kanyang kamay sa kalangitan habang tumatakbo parin at nagpatalon-talon sa mga gusali na nasa paligid. Ilang saglit ay, isang tunog na parang fireworks na sinundan ng usok na parang ahas na mabilis pumaitaas sa kalangitan. Ang kulay ng usok ay dark blue.
Napasulyap si Yman dito dahil sa parang mahinang pagsabog ng fireworks, na umabot sa kanyang tenga.
Tsk! Pinitik niya ang kanyang dila sa pagitan ng mga ngipin dahil hindi maganda ang kanyang kutob dito. Mukhang may pinaplanong hindi maganda ang mga humabol sa kanila.
Lalo na't pakurba pakanan ang eskinita na kanilang dinaanan kaya hindi makita kung ano ang nasa unahan.
Nanliit ng bahagya ang mga mata ni Yman nang mapansin na unti-unting nakakahabol ang iilan sa mga nilalang na nakabalot ng tela.
"Y-Yman, sa—sa tingin mo dahil kaya sa cryst?" Pag-alalang bulong ni Rea.
Kasalukuyan niyang karga sa dalawang kamay si Rea. At mahigpit namang nakapulupot ang mga bisig ni Rea sa kanyang katawan.
Sinulyapan ni Yman si Rea at sinabing, "hindi ko alam pero..."
"Pero?"
"Pero maliban sa cryst wala na akong ibang alam pa na pweding maging dahilan kaya tinat-target nila tayo!"
Biglang napaisip si Rea dahil napagtanto niya na tama yung sinabi ni Yman. Maliban sa cryst ay ano pa ngaba ang maaaring dahilan kaya sila inaambangan.
Pero sa totoo lang ay nagtataka si Yman kung bakit kay Rea naka-fucos ang mga hindi magandang enerhiya kanina.
'Alam na kaya nila na nasa kay Rea ang cryst? Kung ganon paano nila nalaman? Nakapagtataka naman yata. Dahil yung unang nang-ambang sa amin sa ilalim ng tunnel ay walang alam kung nasa kanino sa aming dalawa ang cryst pero bakit si Rea ang pinunterya nila ngayon?' Pagtataka sa isip ni Yman habang malakas na isinipa ang mga paa para tumalon ng sampung metro sa unahan.
Lingid sa kaalaman ni Yman, sa kanilang unahan ay may mga nakaambang din at naghihintay sa kanila.
Nang mapansin ng ibang grupo ang usok na pumaitaas sa kalangitan ay biglang nagsilabasan ang mga liwanag sa kanilang mga mata. "Leader Scarce, palapit na sila dito," excited na sabi ng isang boses lalaki sa lalaking tinatawag na Scarce.
Kanina lang ay halos wala silang kagana-gana dahil ang grupo nila pang backup lamang. Ibig sabihin nito ay hindi sila ang may tiyansang makahuli sa target. At hindi rin sila ang mabibigyan ng gantimpala kung nagkataon. Pero swerte parin sila dahil mukhang nakawala sa kamay ng pangunahing grupo ng misyon ang target nila ngayon.
"Okay, maghanda na kayo," tugon naman ni Scarce sa mga kasama sabay bigay ng utos. Pagkatapos sabihin na maghanda ay isa-isang naglaho ang kanilang silhouette. Hanggang nawala ang lahat na parang bola.
"Gyahaha, kung magtatagumpay tayo sa misyong ito bibigyan tayo ng malaking gantimpala ni Elder Hyppo. Kaya ayusin niyo ang trabaho nang hindi na maulit ang pagkabigo dati!" Sabi ni Scarce sa mga kasama.
""""Yes leader!"""" Sabay-sabay sumagot ang kanyang mga kasama. Dahil sa nangyaring pagkabigo noong nakaraang misyon ay muntik na sila itakwil sa organisasyon. Buti nalang at mabait si Elder Hyppo sa kanila. Pero ngayon ay sisiguraduhin nilang mapagtagumpayan ito. Malas lang nila noong nakaraang misyon dahil may misteryosong binatilyo ang tumulong sa kanilang target. Pero ngayon ay iba na ang sitwasyon.
Ayon sa kanilang impormante, ang ikalawang prinsesa ay walang nagbabantay dahil nililihim nito ang kanyang pagkatao sa karamihan. Kaya walang malalakas na magician din itong kasa-kasama. Bukod pa rito ay madalas itong makikitang nag-iisa at kung minsan naman ay makikita siyang kasa-kasama ang isang mahinang binata na baguhan sa adventurers guild. Hindi lang yun, mababa raw ang level ng binatang ito na nasa level 4 lamang.
'Gyahaha, kung suswertihin ka nga naman mukhang kami ang makakahuli sa malaking isdang ito. Hindi ko lang alam kung paano pa nakatakbo sa grupo ni Slimsword ang target pero mukhang minamalas ata sila ngayon at sa grupo namin mapunta ang malaking pabuyang ibibigay ni Elder Dragon. Hindi lang yun, may pabuya rin kaming naghihintay mula kay Elder Hyppo. Gyahaha."
Ilang sigundo nalang ay makikita na nila ang tumatakbong target. Pagkatapos nitong makaliko sa kurbadang eskinita. Ang plano ay agad nila itong papalibutan ng walang kaalam-alam. Gamit ang kanilang stealth magic ay hindi manlang malalaman ng target na nahulog na pala sila sa bitag.
Dahil bihasa ang grupo nila sa mga ganitong klaseng misyon. Kinatatakutan at kinamumuhian ang kanilang mahikang taglay. Sino ba naman ang gustong makalaban ang kalabang hindi nakikita ng mga mata. Napakahirap nito kalabanin lalo na kung hindi pa ito nag-iisa at may marami pang kasama.
Mga ilang metro nalang matatapos na ang kurbadang daan ng eskinita at masisilayan na ang lagusan kung saan tatambad sa kanila ang malawak na espasyo. Makikita rin ang mga shop ng samot saring gamit at siguradong maraming tao ang naglalakad sa daan paglagpas sa eskinitang ito. Kaya nagmamadali sila Yman na makalabas sa eskinita. Dahil siguradong magdadalawang isip ang mga kalaban na sila ay sugurin kung maraming tao ang makakakita sa kanila. Lalo na't nasa kalagitnaan sila ng kaharian ng Engkantasya.
Pero sa totoo lang ay nagtataka si Maena kung bakit hindi nalang kakalabanin ang mga humahabol sa kanila. Lalo na't nandiyan naman si Mina na malakas at mukhang maaasahan. Kung magtutulungan silang dalawa ni Mina ay siguradong kaya nilang talunin ang mga kalaban.
Tapos nandito pa si Kesha na hindi niya alam kung gaano kalakas. Pero dahil isa ito sa mga special students ay siguradong hindi rin basta basta ang mahikang taglay nito. At dahil nandiyan naman si Yman na pwede makapagheal sa kanila ay lalong malaki ang tiyansa nilang matalo ang mga kalaban.
"Yman, bakit hindi nalang natin kalaban ang mga nilalang na yun?!" Tanong ni Maena.
"Huwag! Tumakbo ka nalang!" Sigaw na sagot ni Yman.
"Fufufu, huwag mong sabihin natatakot ka!" Tukso ni Maena.
"Yman, akong bahala sayo po-protektahan kita!" Sigaw naman ni Mina. Dahil gusto niya rin turuan ng leksyon ang mga humahabol sa kanila. Dahil sa mga nilalang nato ay binuhat tuloy ni Yman ang magandang engkantada! Okay lang sana kung siya ang binuhat. Pero hindi! Kaya galit si Mina at gustong gusto niya ibaling sa mga nilalang na humahabol sa kanila ang kanyang galit.
"Hah, tumakbo nalang kayoooohhh!!!" Sigaw ni Yman. At lalo pang binilisan ang pagtadyak sa cobblestone na daanan ng eskinita.
Si Rea naman ay lalong napahigpit ang pagkapulupot kay Yman. Dahil mas lalo pa nitong binilisan ang pagtakbo.
Sa likod nila ay malapit na maabutan si Kesha ng mga humahabol sa kanila. At may namumuong luha narin sa gilid ng kanyang mga mata habang nagsisigaw ng, "Mina hintaaayyy!!!" Sa isip naman niya ay, 'hah, napakawalang kwenta naman ng lalaking nagustuhan ng bestfriend ko. Nauna pa itong tumakbo sa aming mga babae.'
"Gyahaha, andito na sila!!!" Sabi ni Scarce nang masilayan ang mga kabataang tumatakbo patungo sa kanilang direksyon.