Chereads / Self Healing Magic / Chapter 76 - Takboooo!!!

Chapter 76 - Takboooo!!!

Nitong umaga, sa loob ng madilim na silid kung saan isang lampara lang ang nagbibigay ng munting liwanag, ay may isang bilog na mesa ang makikita sa pinakagitna habang napapalibutan ng sampung upuan na may labing isang nakaupo.

Hindi makilanlan ang katauhan ng mga nakaupo dahil sa mga telang nakabalot sa buo nilang katawan. Ngunit, kapansin-pansin ang markang bungo sa kanilang likuran. Ang mga taong ito ay walang iba kundi ang mga Elder ng Death and Chaos organization. O mas kilala sa tawag na D'Chaos.

Isang pagpupulong ang kasalakuyang nagaganap sa kanilang organisasyon. Kahit hindi makita ang kanilang mga mukha at katauhan ay halata sa aura'ng bumabalot sa paligid, na ang bawat isa sa kanila ay matamlay.

*Pang!* Isang lagitik ang nagpabago sa tahimik na atmospera nang itinapik ng malakas lakas ang palad sa bilog na mesa. *Haaaah!* Sunod ay isang mahaba-habang buntong hininga ang kanyang pinakawalan. Dahil sa mask na suot nito ay hindi makita kung anong klaseng emosyon ang rumehistro sa mukha ng nilalang na ito na may pangalang Dragon sa kaliwang bahagi ng kanyang dibdib sa suot na balabal.

Dahil sa lagitik ay biglang napalingon ang lahat sa kanyang direksyon. Dahan-dahan niyang ibinuka ang bibig nang mapagtanto na lahat ng mga mata ng kanyang kasama sa silid ay nakapukos sa kanya.

"Sa lahat ng mahahalagang misyon... ay palpak lagi ang ating mga tauhan. Kala ko ba maaasahan ang inyong mga alaga... pero simpleng misyon ay hindi magawa ng tama," misteryoso ang bosses nito habang nagsasalita dahil sa mga mask na nakatakip sa buong mukha ay medyo kakaiba ang bosses nito.

Napansin niya na hindi umimik ang mga kasama kaya nagpatuloy siya, "kung laging ganito, ay wala tayong mararating, at hindi natin makakamit ang ating mga layunin." Tumingin-tingin siya sa mga kasama at napansin na wala paring reaksyon ang mga ito. Nakita niya si Phoenix na inilagay sa nguso ang daliri na parang may iniisip.

Ngunit, nagpatuloy parin siya sa sasabihin.

"Chimera, anong dahilan at hindi nagtagumpay ang grupo ni Fayatzu na nakawin ang cryst mula sa mga pipityuging bata? Sigurado ka bang kaya kontrolin ni Snowbber ang kanyang Beast-Form na Talent? Tanong ni Dragon sa katabi.

Ehem! Umubo muna ng mahina si Chimera para tanggalin ang mga nagbara sa lalamunan, bago unti-unting ibinuka ang bibig. Sa likod ng maskara ay kumunot ng bahagya ang kanyang noo. Dahil kahit siya man ay hindi inakalang mabigo ang kanyang mga tauhan sa misyong inatas sa kanila. Unang beses palang itong nangyari na mabigo ang grupo ni Fayatzu sa misyon. At hindi lang yun, sa isa pang simpleng misyon sila nabigo. Kaya kahit si Chimera ay naguguluhan kung bakit ganito ang kinahinatnan. Hindi lang sila nabigo, at nahuli pa ng mga kawal.

Kung iisiping mabuti, ay napakaimposible ng nangyari. Alam na alam ni Chimera ang lakas ng mga tauhan niya. At kahit nasa level 5 lang sila, ay hindi sukatan ang level para kay Snowbber na may malakas na Talent. Kahit pa level 8 na magician ay mahihirapan na talunin siya ng mag-isa. At dahil naputol ang kumonikasyon sa kalagitnaan ng laban ay hindi nila nakita kung paano nagtapos ang laban.

Ang alam lang nila ay nung ini-activate na ni Snowbber ang kanyang Beast-Form na Talent, inakala nila na magtatagumpay na ito dahil walang makakapigil kay Snowbber sa ganoong anyo.

Pero taliwas sa kanilang inakala ang umabot na balita. Ang grupo ni Fayatzu ay nahuli daw ng mga kawal?! Lakinh gulat ni Chimera nang malaman ito at napasuntok siya sa pader. Tapos, medyo malabo pa ang naging dahilan ng kanilang pagkahuli.

Hindi makapaniwala si Chimera na basta basta lang sila mahuhuli ng mga kawal. Lalo na't kasama din nila si Shrewter na may AOE na invisible skill. Pero kahit gaanong magmukmok si Chimera dahil sa kahihiyang dinanat ng kanyang mga tauhan ay hindi na mababago pa ang resulta ng laban na matagal ng tapos.

Dahan-dahan ibinuka ni Chimera ang kanyang bibig para sumagot sa tanong ni Dragon. "Walang duda na kayang kontrolin ni Snowbber ang kanyang Beast-Form." Mahinahon niyang sagot.

"Ufufu," tawa ni Gorgon na may halong pangungutya.

"Kung ganun, papaano sila nabigo sa simpleng misyon? Baka naging pabaya ang mga bata mo, huh, Chimera?" Inis na tanong ni Dragon.

"I-im––" hindi na naituloy ni Chimera ang sasabihin dahil parang sumabit sa kanyang lalamunan ang mga salitang gusto niyang ipahiwatig.

"Kumalma ka Dragon," ngunit isang bosses babae ang biglang sumalo kay Chimera.

"Hah, pero your lady—" hindi rin natapos ni Dragon ang nais sabihin dahil inunahan na siya ni Phoenix.

"Mula sa palasyo, ay napagkaalaman ko na may isang misteryosong magician ang tumulong sa dalawang bata. At ang magician din ito ang tumalo kay Snowbber." Biglang sabi ni Phoenix.

"Mister—yosong magician?" Napatanong si Dragon.

"Fufu-fu, bakit kaya maraming naglalabasan na misteryosong magician ngayon?" Isang bosses babae pa ang sumabat. Base sa bosses nito, ay hindi pa gaanong kaedaran ang may-ari nito. Siguro nasa 17-20 taong gulang lamang.

"Anong ibig mong sabihin Mermaid?" Tanong ni Dragon.

"Fufu—fu, napagkaalaman ko... na, nabigo rin ang tauhan ni Hyppogryph dahil sa Misteryosong binatilyo na tumulong sa grupo ni Princess Khanaria." Sagot ni Mermaid.

"Hmmmn... misiteryosong binatelyo nanaman, huh! Medyo naririndi na ako sa binatelyong ito. Kailangan paimbestigahan na agad ang katauhan ng pa-misteryosong binatelyo at misteryosong magician o kahit sinong misteryoso na yan. Unicorn, ikaw na ang humawak sa misyong ito," sabi ni Dragon sabay lingon sa mga kasama. At nagpatuloy ito, "sang-ayon ba kayo na si Unicorn ang humawak sa misyong ito?" Tanong ni Dragon.

""...sang-ayon ako..."" halos sabay sumagot ang lahat. Kahit gusto ng iba na sa kanila mapunta ang misyon ay kailangan din nila i-respeto ang desisyun ni Dragon.

"Hehe, walang problema. Hintayin niyo lang ang magndang resulta. Hindi kayo mabibigo sa akin." Masayang sabi ni Unicorn. Sa wakas ay masubukan narin ang galing ng kanyang mga tauhan.

Hah! Nagpatakas ulit ng hangin sa bibig si Dragon habang pinagmamasdan ang papel sa kanyang harapan na nakapatong sa mesa.

Ilang sandali ay muli niyang ibinuka ang bibig na nakatago sa likod ng maskara.

"Your lady, may nais kabang sabihin?" Bigla bigla ay nilingon niya si Phoenix at nagtanong. Dahil kanina pa niya ito napapansin na parang may iniisip.

Tumango naman si Phoenix bilang tugon.

"Hmmm... kahit na nabigo sa misyon ang ilan sa atin ay may iba rin namang nagtagumpay sa kanilang misyon. Gaya ng sa itim na butas. Tagumpay na nag-mutate mula rank B hanggang A+ ang mag halimaw. Malay natin baka may rank S din sa loob. Sa ngayon ay patuloy parin ang mga pagnanakaw ng last hit ng iba pa nating mga tauhan. Kaya kahit papaano ay lumalakas ang ating organisasyon. Hindi lang yun, nakakakuha pa ng mga high grade equipments ang marami sa kanila. Kung magpatuloy ito, hindi malayong magiging hawak natin pati ang auction house. Ngayon, dahil sa mga ilang pagkakabigo, hayaan muna natin si Princess Khanaria at magpatuloy sa Plan B. Ang ikalawang Prinsesa ng Engkantasya." Mahaba-habang salaysay ni Phoenix.

Ngunit, hindi pa siya tapos at nagpatuloy pa ito, "At siya nga pala, mula sa palasyo ay napagkaalaman ko na kasalukuyang naninirahan sa adventurers guild ang pangalawang prinsesa. Para mas mataas ang tiyansa na mahuli natin ang prinsesa ay iminungkahi ko na ipasama sa tauhan ni Unicorn ang tauhan ni Hyppogryph." Marahan na pagsasabi ni Phoenix.

"Maraming salamat Your Lady," sabi naman ni Hyppo. Sa wakas may chance ang tauhan niya na i-redeem ang kanilang kahihiyan mula sa pagkabigo.

"Wala ba sa inyo ang tutol sa sinabi ko??" Tanong ni Phoenix sa mga kasama. Ngunit napansin niya na mukhang wala namang balak tumutol ang mga kasama, kaya nagpatuloy nalang siya, "kontakin mo na agad ang natitirang miyembro ni Scarce, Hyppo."

"Yes, Your Lady," marespetong sagot ni Hyppogryph.

Sa isang maespayong alley patungo sa pamilihan, limang kabataan ang inambangan ng mga hindi kikalang mga nilalang. Sa kanilang harapan ay may limang nakabalot ng tela. Sa magkanilang gusali naman ay may tig-dadalawang nakatago.

Tumaas na ang tensyon sa paligid habang sinusukat ng magkabilang grupo ang lakas ng bawat isa. Ngunit, napansin ng mga nakaitim na mga estudyante lamang ang kanilang mga kalaban. Habang sila ay mga ekspertong kriminal. Base sa kanilang naramdaman, ang mga kabataan na nasa kanilang harapan ay mas mababa ang Level kaysa sa kanila.

Hindi lang yun, may isa pa'ng Level 4? At mula ito sa nag-iisa nilang kasama na lalaki? Hahaha nagpapatawa ba ang binatang ito? Hindi mapigilan na mapatanong sa isip ang mga nakabalot ng tela ng may halong pangungutya.

Sa isip nila, ay paano ba nakasama sa grupo ng mga magagandang dilag ang ordinaryong binatang to? Hindi naman ito mukhang mayaman at hindi malakas. Bagkus sa kanilang lima, ito ang pinakamahina.

HAHAHAHAHAHAHA!

Napatawa nalang ang mga nakaitim habang nakatingin sa binatilyo.

"Boy, kung ayaw mong masaktan, tumakbo kana agad habang may tiyansa kapa," Sabi ng lalaking nasa pinakagitna, na may hawak ng manipis na espada.

"Ows, talaga? E-di kung ganun salamat," sabi naman ng binatilyong si Yman. Sabay lingon sa mga kasamang babae. "Tara, takbo daw!" Kalmadong sabi niya sa mga babaeng kasama at mabilis na lumingon sa likod para tumakbo papalayo habang bitbit sa braso si Rea. Kahit nalito ang tatlong babae sa pagtakbo ni Yman ay agad din nilang sinundan ito at tumakbo rin ng mabilis. Hindi alam ni Maena at Mina kung matawa sa ginawa ni Yman. Lalo na si Kesha, hindi niya alam kung anong iisipin sa lalaking to. Akala niya ay magmamatigas ito at magpapakahero sa harap ng magagandang babae. Gaya ng ginagawa ng mga Prince Charming sa fairytale, diba? Pero taliwas ang ginawa nito at tumakbo talaga? For real?! Bakit ba nagustuhan ng bestfriend ko ang lalaking toooooh! Sigaw sa isip ni Kesha habang tumakbo rin ng mabilis para sundan ang mga kasama. Ang duwag ng lalaking tooooooooh!!!

Bigla namang naglabasan ang mga question mark sa ibabaw ng ulo ng mga nilalang na nakabalot ng tela. Hindi nila akalain na makapal ang mukha ng binatilyong ito! Tumakbo nga talaga pero kasama rin ang mga babae at ang target nila?!

"Letse, habulin niyo!!" Galit na utos ng lalaking may hawak na espada. Agad namang nagsitalunan ng mataas sa ere ang kasama nito para habulin ang papalayong mga kabataan.

Related Books

Popular novel hashtag