Chereads / Self Healing Magic / Chapter 73 - Itim na prinsipe at walang emosyon na dyosa.

Chapter 73 - Itim na prinsipe at walang emosyon na dyosa.

"MAGIC, dahil sa kakaibang cells at sa kakaibang metal na naglalabas ng negatibo at positibong enerhiya kung kaya, ang mga tao ay nabibigyan ng kakayanan na gumamit ng mga iba ibang kapangyarihan. Ito ay kaalaman na alam na ng karamihan..." tumigil muna sa pagsalita at nilingon ang mga mukha ng mga estudyante. Napansin ni Mr. Gopio na may mga bagong mukha. Pero hindi niya ito gaanong binigyang pansin dahil halos linggo-linggo naman maraming nadagdag na mga bagong mukha sa kanyang klase.

"Sino sa inyo ang maniniwala kung sasabihin kong ang hallow cell ay isang `living cell'?" Pagpatuloy ni Mr. Gopio.

"Living Cell?" Nanlaki ng bahagya ang mga mata ni Yman sa narinig at napabulong. Pero sa totoo lang ay alam na niya ang ukol dito. Dati na ito kinukwento sa kanya ng kanyang ina noong siya'y bata pa lamang. Bago matulog, imbes na kwentong kakatakutan or kwentong pambata ang ikukwento para patulugin siya ay mga kwentong tungkol sa mga hallow cells na binibigyang buhay ang pampatulog sa kanya.

Gaya nalang nung limang taon palang siya. Hindi alam ni Yman kung anong rason at iyak ng iyak siya ng gabing iyon. Para patahimikin siya ay kinuwentuhan siya ng kanyang ina tungkol sa isang itim na prinsipe na tinatawag na Prince Hollow. Ito ay kwento mula sa malayong planita na tinatawag na `Planet Cells'. Ukol sa kanyang ina, si Prince Hollow ay tinatawag na isang mananakop.

Bago pa siya nakarating sa planitang Cells ay masayang naninirahan ang mga nilalang sa planitang ito. Bawat isa ay abala sa kanilang ginagawa. Ngunit, isang araw ay isang dayuhan ang biglang lumitaw at pinagpapatay ang mga naninirahan sa planitang ito.

Sinubukan nila manlaban pero wala silang kakayanan. Ang dayuhan ay naglalabas ng mapaminsalang itim na usok sa kanyang katawan na dahilan kaya hindi rin makalapit ang mga nilalang na naninirahan sa planitang ito. Ito rin ang dahilan kaya unti unting nasisira ang planitang Cell. Ilang buwan ang lumipas ang planita ay nababalutan ng itim na usok. At dahil sa itim na usok na ito ay nagmistulang gabi ang bawat araw. Ni hindi na nga nila alam kung araw ba o gabi ang mga oras na iyun. At ang sino man na makalanghap sa itim na usok ay manghihina at unti-unting namamatay.

Walang magawa ang mga naninirahan sa planitang ito kundi tanggapin ang kanilang mapait na sasapitin.

Ngunit, sa panahon na ready na sana nilang tanggapin ang mapait na kapalaran, isang liwanag mula sa kalangitan ang nagpailaw sa madilim nilang karanasan.

Mula sa langit isang matinding ilaw ang nagliwanag at nilulusaw ang mga itim na usok. Sa totoo lang ay hindi nito nilulusaw ang itim na usok, kundi, nagblend ito sa liwanag!

Pagkatapos magblend ng itim na usok sa matinding liwanag ay naging kulay ginto ito at parang fireworks, sumabog sa kalangitan. Umulan ng gintong liwanag sa buong Planet Cell. Ang mga nanghihinang naninirahan rito ay biglang sumigla nang dumampi sa kanila ang mga patak ng liwanag.

Hidni lang nawala ang kanilang panghihina at mas lumakas pa sila kaysa sa dati.

Dahil dito ay nagtipon-tipon ang mga nilalang sa planita para lusubin ang kaharian ni Prince Hollow.

Libo-libo ang sabay-sabay na lumusob sa kaharian at nagtagumpay nga sila na dakpin ang dayuhang prinsipe. Mabilis nilang nadakip ang prinsipe dahil hindi ito nanlaban. Ngunit kahit nadakip nila ang prinsipe ay wala manlang makikitang galit, takot o lungkot sa mukha ng prinsipe.

Nagulat silang lahat nang masilayan ang mukha ng prinsipe. Dahil kasiyahan ang rumehistro sa kanyang mukha. Nagsisigaw din ito ng..."Yes, nawala na ang sumpa! Haha," hindi alam ng mga nilalang sa planita kung nababaliw naba ang prinsipe. Pero masayang masaya ito.

Sa totoo lang ay hindi talaga gusto ng prinsipe na manakit ng iba. Gusto lang niyang makipagkaibigan. Gusto niyang makisalamuha at nilalapitan. Ngunit dahil sa itim na usok na lumalabas sa kanyang katawan ay nilalayuan siya at kinatatakutan. Bago pa siya napunta sa planitang ito ay kung saan saan siya napadpad. At bawat planita na kanyang napuntahan ay lagi nalang itong nawawasak sa bandang huli. Kahit na gustuhin niyang mawala ay hindi naman siya namamatay. Hindi niya alam kung anong dahilan. Pero sa tingin niya ay dahil ito sa itim na usok.

Kinalaunan, napagdesisyunan na pugutan ng ulo ang prinsipe. Nagtipon sa malawak na espasyo sa isang pampublikong parke ang mga nilalang na naninirahan sa Planet Cell. Sa pinaka gitna nakaupo habang nakatali ang mga kamay na nasa kanyang likod ang prinsipe.

Nakaipit hanggang leeg ang kanyang ulo. At sa bandang itaas may isang matalim na bagay na anumang oras kapag ito ay bababa siguradong putol ang ulo ng prinsipe. Isa itong guillotine, ginagamit pangpugot ng ulo para sa mga makasalanang nilalang.

Kahit na alam ng prinsipe na pupugutan na siya ng ulo ay walang takot o pagkamuhi ang kanyang nararamdaman. Bagkus, masaya pa siya.

Nang umpisahan na sana ang pagpugot sa ulo ng prinsipe ay bigla ulit nagliwanag ang kalangitan. Napaluhod ang mga nilalang na naninirahan sa Planet Cell. Dahil para sa kanila ang liwanag na ito ang nagligtas sa kanila.

Dahan-dahan na bumaba mula sa kalangitan ang isang napakagandang babae. O pwede rin sabihing isang dyosa. Lumapag ito sa harap ng itim na prinsipe.

Napakaganda ng dyosa at mapang-akit ang kanyang hitsura. Ngunit walang makikitang emosyon sa kanyang mga mata. Wala ring bumabakas sa kanyang hitsura. Para itong isang robot na walang emosyon.

Sa utos ng dyosa ay pinakawalan ang itim na prinsipe. Nang makita ng prinsipe ang magandang dyosa ay nabighani siya. Hindi alam ng prinsipe kung bakit siya nito niligtas ngunit kahit tanungin niya ang dyosa ay isa lang ang sagot nito sa kanya. Na pinadala siya rito para iligtas ang prinsipe.

Naging kabiyak ng itim na prinsipe ang walang emosyon na dyosa. Nung una ay napakasaya ng prinsipe. Halos siya na ang pinakamasaya sa buong universe. Ngunit nang tumagal ay napansin niya na parang may kulang. Kulang ang kasiyahan na kanyang naramdaman. Sa totoo lang ay masayang masaya siya na naging kabiyak niya ang dyosa. Pero napagtanto ng prinsipe na kulang ang kasiyahan niya dahil walang emosyon na makikita mula sa dyosa. Para sa kanya ay parang ilusyon lang ang lahat ng ito. Iba parin ang feeling kung makikita niya na masaya rin ang dyosa sa kanya.

Isang gabi, lumitaw sa harapan ng prinsipe ang isang bilog na liwanag. Sa una ay nagulat siya. Sinubukan niyang abutin ngunit hindi naman niya ito mahawakan. Nagtaka ang prinsipe kung ano ang bagay na nasa kanyang harapan. Ilang sandali ay bigla itong nagtanong sa kanya.

"Gusto mo bang magkaroon ng emosyon ang pinakamamahal mo?" Tanong nito sa kanya. Ngunit bago pa siya makasagot ay..."Kaya mo ba isakripesyo ang iyong buhay para sa pinakamamahal mo?" Dugtong ng maliwanag na hugis bola. Nang marinig ng prinsipe ang sinabi ng maliwanag na bola ay biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso. "Hindi ka pwede magduda at hindi pwede magtaka. Ang kailangan mo lang gawin ay sumagot ng bukal sa iyong puso at kagustuhan." Dugtong ulit ng liwanag.

"Kaya ko at gusto kong tulungan siya!" Walang pagdadalwang isip na sagot ng prinsipe.

"Kung ganun humanda kana dahil hindi kana ulit magigising pa." Sabi ng liwanag.

"Teka lang, may gusto lang sana akong itanong bago ako mawala," kahit may pagdududa sa mga sinabi ng liwanag ay hindi na ito binigyang pansin pa ng prinsipe at sinubukang itago sa likod ng kanyang isipan ang pagdududa. Pero kung totoo nga na hindi na siya magigising pa ay may isang bagay lang sana siyang gustong malaman.

"Hindi ka pwede magtanong at wala nang oras. Ngayon ay paalam na itim na prinsipe."

"Teka lang anong pangalan ng mahal na dyosaa...!!?" Hindi na niya natapos pa ang sasabihin dahil pinalibutan na siya ng liwanag at mula noon ay hindi na nagising pa.

Paggising ng dyosa ay pumatak ang malalaking butil ng luha mula sa kanyang mga mata. Hindi niya tiyak kung bakit pero nakadama siya ng matinding kalungkutan. Na para bang may isang mahalaga sa kanya ang nawala. Umiyak siya ng umiyak.

Nagulat ang mga nilalang na naninirahan sa planitang ito. Dahil ang dating walang emosyon na dyosa ay bigla nalang umiyak. Sa isang silid ng kaharian makikita ang anyo ng itim na prinsipe na nababalutan ng matinding liwanag. Humihinga ito ngunit hindi ito kailanman nagigising. Sa kanyang tabi ay ang magandang dyosa. Malungkot ang mga mata nito habang nakatitig sa prinsipe. Hindi alam ng dyosa kung bakit habang pinagmamasdan ang lalaki na nakahiga ay lalo lang siyang nalulungkot.

"Anong pangalan mo?" Mahinang tanong ng dyosa sa parang natutulog na prinsipe.

Hindi lang ang emosyon ang nadagdag sa dyosa, nagdadalwang tao rin siya. Ang batang kanyang dinadala ay anak nila ng prinsipe.

Nang isinilang ang bata ay napagkaalaman ng dyosa na wala itong emosyon. Gaya nang prinsipe ay isinakripisyo din ng dyosa ang kanyang buhay para sa kanilang anak.

Kinalaunan,

Pinangalanang Sistema ang kanilang anak. At habang lumalaki ay nagkakaroon ito ng katauhan at emosyon.

Magkatabi namang natutulog ang walang malay na prinsipe at dyosa habang magkahawak ang mga kamay. Hindi alam ng dalawa kung ano ang pangalan ng bawat isa. Pero ramdam nila na mahal nila ang isa't isa. Pero kung kailanman sila magigising ay walang nakakaalam.

Mula noon hanggang ngayon si Sistema na ang kinilalang dyosa ng planitang ito.

Sa isip ni Yman ay isa lang itong gawagawang kwento. Pero habang hinimas-himas ng kanyang ina ang kanyang ulo ay sinabi nitong isang living cell ang hallow cell.

"Okay class, may ikukwento ako sa inyo tungkol sa itim na prinsipe at walang emosyon na dyosa mula sa isang planita na tinawag na Planet Cell." Sabi ni Mr. Gopio.

Nagulat si Yman dahil kakalitaw lang ng kwentong ito sa kanyang isipan.

"Paano kaya na alam din ni Mr. Gopio ang tungkol dito? Sikat ba ang story na'to?" Pagtataka niya.

Pagkatapos ng klase ay dumiretso si Yman sa Blue Horizon Inn para sunduin si Maena.