Chereads / Self Healing Magic / Chapter 74 - Kaibigan ko lang sila

Chapter 74 - Kaibigan ko lang sila

Saktong katatapos lang magbihis ni Maena nang dumating ang apat sa Blue Horizon Inn. Nagulat siya dahil may mga kasama si Yman. Tatawagin na sana niya itong `gayman' ngunit iniurong niya ang dila nang mapansin na may mga kasama pala ito.

"Y-Yman bro, girlfriend mo?" Bulong ni Ras kay Yman nang makita ang magandang blonde na dilag.

"Hindi-hindi imposible yun," sagot niya kay Ras.

"Ha? Bakit imposible?" Dudang tanong ni Ras.

"Hindi kami talo niyan," sabi ni Yman sabay nguso sa direksyon ni Maena.

"Ehhhh??!!" Hindi makapaniwala si Ras sa sinabi ni Yman. Sinundot niya ito at may binulong ulit siya. "T-T-Trap ba yang k-kaibigan mo?" Nauutal at hindi makapaniwalang tanong ni Ras. Dahil kahit saan tingnan ay babaeng babae ang nasa kanilang harapan at hindi pa bastang basta na babae, napakaganda pang babae!

"Pufffft!" Napangisi si Yman sa bulong na tanong ni Ras. Mukhang hindi agad na gets ni Ras ang sinabi niya. Imbes na tomboy, sa isip ni Ras ay bading ito. Kaya hindi mapigilan ni Yman ang sarili na mapahagikhik.

Nag devil mode ang mga mata ni Maena at lumapad ang tenga para mapakinggan ang kanilang pinag-uusapan. Feeling talaga niya ay pinag-uusapan siya ng dalawang lalaki. Lalo na ang Yman na ito. Sa isip niya ay lumalaban na sa kanya ang gayman.

Pagkatapos ipakilala si Maena sa mga kasama ay aalis na sana sila, ngunit,

"Teka lang," biglang dumating si Mina. Napansin ni Mina na may nagtatawanan sa labas. Nang dumungaw siya sa bintana ay nagulat nang makita si Yman. Kasama nito ang magandang engkantada. Nakita rin niya si Maen kausap nila. Kaya dali-dali siyang bumaba.

"Mina, bakit?" Tanong ni Yman. Ngunit namula ng bahagya ang kanyang mukha nang maalala na nakasayaw nga pala niya ito nung nakaraang gabi.

"Uh-eh...umm...p-pwe-p..." putol-putol ang salita at tila naiilang ang pagsagot ni Mina. Ang kanyang mga kamay ay nagpang-abot sa tapat ng dibdib.

Napansin ni Yman na parang may gustong sabihin ito. At mukhang nahihiya lang na banggitin. Siguro gusto itong sumama kay Maena? Hula ni Yman ay close ang dalawa. Humakbang ng kunti si Yman at..."Uhm, Mina...(gulp)pwede ba samahan mo kami...?" sabi niya. Dahil tingin ni Yman nahihiya si Mina na magsabing gusto niyang sumama, minabuti nalang niya na siya mismo ang mag-alok dito. Pero hindi pa nga tapos ang pagkasabi niya ay sumagot agad ito.

"Yes!" Nang marinig ang sinabi ni Yman ay biglang sumigla ang mga mata ni Mina at napasagot ng malakas. Nagsitinginan naman si Rea at Maena kay Yman. Sa totoo lang medyo naaalarma si Rea kay Mina. Ito yung babaeng nangyakap kay Yman.

Eh? Teka lang, ano bang iniisip ko? Hindi ko naman pag-aari si Yman! namumulang sabi ni Rea habang pina-iling ang ulo.

Si Maena naman ay nakakahalata na kay Mina. Bakit kaya pagnandito si Yman iba ang kinikilos ni Mina? Hmn, sabagay hindi ko pa naman siya gaanong kilala, kaya hindi ko rin alam ang tunay na ugali ni Mina. Duda ni Maena.

Nakatunganga naman si Ras at Aspe, hindi nila alam kung bakit ang gaganda ng mga kaibigang babae ni Yman. Hindi tuloy mapigilan ng dalawa na sulyap sulyapan ito.

"Uhm, pwede ba magbihis muna ako?" Naiilang na tanong ni Mina.

"Okay," sagot niya sabay lingon sa mga kasama para makita kung okay lang din ba sa kanila. Pero mukhang okay naman. Ang inaalala lang niya ay si Rea. Nang tiningnan niya ito ay ibinaling nito sa ibang direksyon ang kanyang tingin.

Dali dali na bumalik si Mina sa taas at nagbihis. Nagulat si Kesha sa bestfriend at tinanong niya ito kung saan pupunta.

Sumagot naman si Mina na sasama kina Maen. Pero napansin ni Kesha na naliligo ito ng pabango at nagpapaganda ng husto. Naghihinala tuloy siya kung may ka-date ba ang dalawa. Naisipan ni Kesha na sumama rin para makita kung sino ang ka-date ng dalawa.

Sabi ni Mina mabilis lang daw siya p-pero magkalahating oras na! Pagtataka ni Yman.

"T-Tomboy, m-matagal ba talaga makapagbihis ang kaibigan mo?" Tanong niya kay Maena.

"Hindi ako Tomboy! At kasalanan mo kung bakit matagal siya nakapagbihis!" Parang galit na pusang sagot ni Maena.

Hindi alam ni Yman kung anong pinagsasabi ni Maena na siya daw ang dahilan sa tagal nakapagbihis ni Mina. Pero parang na-gets ni Rea ang sinabi ni Maena dahil nang mapalingon si Yman dito ay bigla itong nag-pout.

Eh? Talaga bang okay lang sa kanila na sumama si Mina sa amin? Pagdududa ni Yman.

Mga kalahating oras ang lumipas,

Nagulat sila nang bumaba na si Mina dahil parang hindi pang laban ang attire nito. Parang nagpapaganda pa. Nakasuot siya ng white dress. At hindi lang yun, nagpapabango pa. Naalala tuloy ni Yman na hindi pala niya nasabihan si Mina na magha-hunting sila ng Mini Boss. Pero naalala niya rin na may fullset na high grade armor naman ito kaya okay lang siguro. Pero bakit kaya ang iksi ng dress na suot niya? At kita pa ang mapuputing hita. Atsaka ang bango pa. Swerty siguro ng magiging boyfriend ni Mina. Nabanggit ni Yman.

Nanliit naman ang mga mata ni Kesha nang makita ang lalaking laging naging rason ng kakaibang kinikilos ng bestfriend niya. "Kaya pala!" Napagtanto niya kung bakit ito nagpapaganda. Ngayon ay sigurado na siya na dahil sa lalaking ito kaya nagpapaganda ang bestfriend niya. Hinawakan nalang niya ang ulo na parang may headache. Mukhang inlove nga ang bestfriend niya sa lalaking nasa harap! Naisip din ni Kesha na tanging ang lalaking ito lang ang nakasayaw sa bestfriend niya sa nakaraang pagdiriwang. Walang duda na may gusto ang bestfriend niya rito.

Kung si Mina ay nakasuot ng white dress, si Maena naman ay nakasuot din ng dress. Kaso sinapawan ng kulay gintong chest plate, arm guard sa mga kamay at combat boots sa mga paa. Kitang kita na mahilig ito sa laban. Kaya nang maibaling ni Yman ang paningin sa kanya ay hindi nito maiwasan na mapabulong ng "tomboy talaga ng babaeng to," sabi niya sabay pakawala ng hangin sa bibig.

Nang makita si Mina at Kesha ay nagtaka si Ras at Aspe kung magaganda ba lahat ng mga estudyante sa dating akademya ni Yman.

Una silang pumunta sa paayusan ng sandata na pagmamay-ari ng ama ni Ras.

Napalingon si Sar Smith(ama ni Ras) nang biglang bumukas ang pinto ng kanyang workshop. Ngunit nang makitang pumasok ang kanyang anak ay agad na ibinalik nito ang kanyang tingin sa ginagawa.

"Tanda may kostumer ka," sabi ni Ras sa kanyang ama.

Nilingon ulit ito ni Sar ngunit nang biglang pumasok ang mga naggagandahang mga dilag ay biglang sumigla ang kanyang mukha. Sa wakas may mga bago nanaman siyang mga kostumer.

Ilang sandali,

"Kid, anong ginawa mo sa espada mo?" Sabi ni Sar. Kumunot ang kanyang noo nang makita ang durability nito. Halos kunting palo nalang ay direktang basag ito.

"Hindi ko rin alam Uncle Sar, kung hindi dahil kay Ras, siguradong nabasag na ito ng hindi ko alam." Sagot ni Yman.

"Mukhang hindi ko ito matatapos ayusin ngayon, okay lang ba kung balikan mo bukas kid?"

"Okay lang, Uncle Sar."

"Oh, siya nga pala, kung gusto mo, pwede rin itong e-refine para lalong tumaas ang atake ng espada mo. At mas titibay."

"Talaga?"

"Oo, pero kailangan pa ng espesyal na ore."

"Espesyal na ore?"

"Gaya ng mithril."

Napaisip si Yman. Hmm, ore? Pero pagkakaalam ko ay napakamahal ng mga ore na ito. Lalo na ang tinatawag na orichalcum.

Habang nag-uusap si Yman at Sar sa likod naman ni Yman ay may nagsusulyapang dalawang magandang babae. Isang normal na tao at isang engkantada. Sa kanilang mga mata ay may lumalabas na parang mga spark. Ang dalawang ito ay walang iba kundi si Mina at Rea.

Sa likod ni Mina nakahawak si Kesha habang pinagpawisan.

Hindi niya alam kung bakit, pero parang nag-aagawan ang kanyang bestfriend at iniidolo sa iisang lalaki. Tumutulo ang pawis sa kanyang noo habang tinitingnan ang dalawa. Sa isip ni Kesha, "ano bang meron sa lalaking ito? Wala namang espesyal sa kanya at mukhang ordinaryong binata lamang. Mas marami pa ngang mas gwapo sa kanya!"

Si Aspe naman ay nasa likod ni Rea. Hindi niya alam kung bakit parang hindi magkasundo ang dalawang babae. Kaya nakatunganga lang siya habang nagtatagisan ang mga spark sa mga tingin ni Mina at Rea.

Si Maena naman ay namimili ng mga tinitindang mga sandata at baluti. At parang walang paki sa mga nangyayari sa paligid. Abalang abala siya sa kanyang ginagawa. Ilang sandali ay nakapili siya ng bagong pares na armguard at combat boots. Hindi ito mga high-grade at common lamang. Pero maganda ang mga stats at medyo mataas. At isa pang dahilan ay maganda ang design.

Ang stats ng isang armguard ay pinapataas ang kanyang dexterity ng +25 pati narin ang kanyang agility ng +25, +25 sa accuracy at syempre +50 sa def/mdef. Maganda rin ang design nito, kulay ginto na may makikitang tatlong pulang crystal sa gitna. At dahil dalawang armguard ang kanyang binili ay 2x ang dagdag na stats sa kanya.

Ang stats naman ng bawat isang combat boots ay pinapataas ang kanyang speed ng +25, accuracy ng 25 at def/mdef ng 25. Bumagay ito sa dalawang armguard na kulay ginto at may design na red crystal.

"May alam akong lugar kung saan pwede ka makakakuha ng mga magagandang ore kid. Pero kailangan mo ng matibay na hatchet para dito." Nakangiting sabi ni Sar.

"Eh, talaga? Saan?" Kuryos na tanong ni Yman.

"Sa Sandstone Cave, makikita ito sa timog na bahagi ng desyerto." Sabi ni Sar habang may kakaibang ngiti sa kanyang bibig.

"Kuku, Uncle Sar legit ba yan?" Napansin niya na parang may ibang gusto ito.

"Oo, may mapa nga ako rito. At ako na rin bahala sa kagamitan na kailangan mo. Ano payag ka kid?"

"Sabi ko na nga ba, at ano naman kaya ang gusto mong kapalit?" Sabi sabay silip gamit ang isang mata sa reaksyon ni Sar.

"Kuku, mukhang mabilis ang utak mo kid. Sa totoo lang ay hindi naman ganun ka hirap kunin ang nais kong ipakuha na item."

"Hmn, anong item tinutukoy mo?"

"Isang uri ng coal."

"Anong coal ito? Atsaka marami namang coal na tinitinda sa paligid."

"Kuku, hindi mo naiintindihan kid. Ang coal na ito ay tumatagal ng isang dekada. Hindi lang yun, kaya pa nito magprodyus ng init na kayang tunawin ang ginto ng walang kahirap hirap."

"Eh! Anong klaseng coal yan?!" Gulat si Yman sa narinig. Anong klaseng coal ba ito na tumatagal ng ganun katagal? At kayang tunawin ang ginto ng walang kahiraphirap?! Hindi mapigilan niyang magtaka.

"Haha, ang tawag sa coal na ito ay Millennium Coal."

"Millennium—Coal? Eh bakit millennium? Kala ko ba nagtatagal lang ito ng isang dekada?" Nakakunot na kilay na tanong ni Yman.

"Kuku, kaya ito tinatawag na Millenium Coal ay dahil sa halos mahigit isang libong taon na itong nakabaon sa ilalim ng nag-aapoy sa init na lupa."

"Hmn, ganun ba?"

"Oo! Pano kid, payag ka? Kung papayag ka ay libre na ang pagpapa-ayos mo rito sa shop ko habang akoy nabubuhay."

"Heeh, base sa sinabi mo mukhang hindi rin basta basta ang presyo nito."

"Syempre naman, este! Ibig ko sabihin sakto lang, hehe."

"Hah~ kahit paano tingnan nakakaduda ang tawa mo."

"Hindi hindi, mukha lang itong mahal ang presyo, yun ay dahil walang naglalakas loob na kumuha nito."

"Eh, bakit?"

"Dahil binabantayan ito ng malakas na Mini Boss."

Biglang kuminang ang mga mata ni Yman nang marinig ang salitang Mini Boss.

"Talaga? Anong klaseng Mini Boss naman kaya ito?" Seryoso niyang tanong.

"Isang rank A+ na Mini Boss. Sabi nila masyado daw itong malakas. Kaya natatakot ang iba at ayaw sumugal."

"Hmn, ganun ba? Kaya naman pala." Nag-isip muna si Yman ng ilang sandali at... "sige payag na ako."

Nagulat si Sar sa pagpayag nito. Dahil karamihan sa mga gusto niyang utusan ay tumatanggi kapag marinig na ang tungkol sa Mini Boss. Pero ang binata sa kanyang harapan ay parang nae-excite ito. At pumayag lang ito nang marinig ang tungkol rito? Nanliit ang nga mata ni Sar at sinuri ng maayos si Yman. Pero sa tingin niya ay parang hindi naman ito malakas.

"Pero kid sasabihin ko lang sayo na delikado ang Mini Boss na iyon. Kaya kung hindi posibleng makakuha ay tumakbo ka nalang at hayaan mo na kung wala kang makuha. Mas importante parin na buhay ka. Lalo na't may apat kang naggagandahang girlfriend." Sabi ni Sar kay Yman sabay sulyap sa apat na dilag.

"Eh, apat na girlfriend?!" Nabigla si Yman at sumulyap sa likod.

Nang maramdaman ni Mina at Rea ang paglingon ni Yman ay biglang nag peace talk ang dalawa na para bang napaka-close nila sa isa't isa. Nag-ngingitian pa ang mga ito. Habang namuti naman ang mga mata ni Kesha at Aspe sa biglang pag-amo ng dalawa.

Lumingon ulit si Yman kay Sar at sinabing, "mga kaibigan ko lang sila."

Nang ibinaling ni Yman ang tingin ay bumalik ulit ang tagisan ng mga spark sa mga mata ni Mina at Rea. Biglang may lumabas na "!!!" sa ibabaw ng ulo sa dalawang babae na nasa kanilang likod.