Ngumiti, kinilig at namula si Rea sa ginawa ni Yman pero, nang luminga siya sa direksyon nito ay biglang natunganga ng ilang sigundo at binawi niya agad ang braso. Hindi niya akalain na marami palang nakatingin sa kanila.
"Ang lakas naman ng loob ng taong to na hawakan ang kamay ng prinsesa." Nanginginig ang kilay na bulong sa isip ni Elvis.
"Pangahas ang isang ito ah!" Galit na bulong sa isip ni Jura.
Nag-aapoy naman ang mga mata ni Nicholas sa galit habang nakatingin sa kamay ni Yman na nakahawak sa braso ni Rea.
Si Rea ay pamangkin ng hari, kaya maituturing siyang prinsesa sa kaharian. Kaya lang, bihira lang nakakaalam sa pagkataong ito ni Rea. Tanging mga pamilyang may kaugnayan lang sa palasyo.
Ngunit kahit sinubukang bawiin ni Rea ang braso ay hindi nito nagawang matanggal ang malakas na kamay na nakakapit sa kanya. At isa pa ay nag-alinlangan siya na bawiin ang braso.
Hindi rin napansin ni Yman ang ginawa ni Rea dahil nakatutok ang isipan niya sa posibleng gawin ng mga lalaki na nakatayo sa tabi. Para sa kanya ay kailangan maging handa sa anumang pwede maganap. Sa ganda ba naman ni Rea sigurado siya na maraming magnanasa ditong angkinin ito.
Ilang sigundo ay nakadama siya ng mahinang pagsundot sa kanyang kaliwang balikat. Lumingon siya at nakita niya ang namumulang pisngi ng engkantada.
Nang lumingon si Yman ay suminyas si Rea gamit ang kanyang kaliwang hintuturo. Tinuro niya ang braso na hawak nito.
Sinundan niya ng tingin ang itinuro ni Rea. Ngunit nang makita ang sariling mga kamay na nakakapit ng mahigpit sa maputing braso ng engkantada ay biglang...
"Eeh! Pa-Papasinsya na!" Mabilis na paghingi niya ng tawad habang naka-pormang handchop ang mga kamay na nakataas sa ere, at nakakrus sa isa't isa katapat ng kanyang mukha. Namumula naman ang mukha ni Yman habang namuti ang mata sa hiyang dulot ng kanyang ginawa. Hindi niya alam kung paano kumapit ang kanyang kamay ng lingid sa kanyang kaalaman. Inisip pa naman niya na protektahan ang dalaga sa mga nagnanasa rito. Pero mukhang isa siya sa mga salarin. Nagbalik tuloy sa kanyang isipan nung naisip niya itong yakapin sa loob ng kanyang kwarto sa lodging ng Guild Hall.
"O-okay lang," nahihiyang sabi Rea. Sa totoo lang ay hindi niya alam kung bakit ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib. Naguluhan din siya sa sarili dahil parang gusto niya ang paghawak ni Yman sa kanya. Ano ba itong naramdaman niya?
"Hoy, pangahas hinahamon kita sa isang duel!" Galit na hamon ni Nicholas. Gusto talaga niya parusahan ang pangahas na ito. Ang kapal ng mukha na hawakan ang kamay ng prinsesa. Gusto ata makabingwet ng taga royal family ang gagong to ah! Ngunit hindi ito narinig ni Yman.
"""Eh?!"""
Nagulat ang mga kasama ni Yman sa biglang panghahamon ni Nicholas sa kanya. Pero hindi nila napansin ang paghawak ni Yman sa braso ni Rea.
"Y-Yman, magkakilala ba kayo?" Takot na tanong ni Ras. Syempre mga anak kaya ng mahahalagang pamilya sa kaharian ang mga estudyanteng ito. Habang normal na mamamayan lang sa kaharian ang pamilya nila Ras. Kaya hindi magandang masangkot sa mga taong to.
"Eh? S-Sino?" Hindi agad napansin ni Yman ang paghahamon ni Nicholas dahil nahiya siya sa kanyang ginawang paghawak sa braso ni Rea. Baka isipin ni Rea na sinasamantala niya ang kabaitan nito sa kanya.
Kaya naguguluhan siya sa biglang tanong ni Ras sa kanya. Hindi sumagot si Ras at suminyas lang sa direksyon nila Nicholas na nakatindig sa tabi sa kanang bahagi ni Yman.
Ngumisi naman ang mga kasamahan ni Nicholas sa paghahamon niya. Sa totoo lang ay gusto rin nilang hamunin ang pangahas na binatang ito ng duel.
"A-Anong ibig sabihin nito Nicholas?" Biglang tanong ni Rea.
"!!"
Napansin ni Nicholas ang inis sa tanong ni Rea kaya medyo napaatras siya ng konti.
"Ka-katuwaan lang princ...I-I mean Miss Ella." Napabaluktot ang dilang sagot ni Nicholas.
"B-Bakit?" May lumabas namang question mark sa ibabaw ng ulo ni Yman. Hindi niya narinig ang paghahamon ni Nicholas. Pero napansin niya na kinausap ito ni Rea habang may inis sa kanyang mga mata. Naisip niya na kilala siguro ni Rea ang mga lalaking ito.
Sabagay sino ba namang hindi makakakilala kung sikat na mga estudyante ang mga ito dito sa akademya nila.
"Hinahamon ka namin ng dwelo," si Jura ang sumagot kay Yman. Mukhang balak din nito na sumali sa dwelo.
Kinamot niya ang pisngi sa sinabing dwelo. Bumuka ang bibig niya pero bago pa siya makasagot ay,
Creak!
Bumukas ulit ang pinto ng silid. Nagsitinginan ang lahat sa pinto pati ang grupo nila Elvis. Lumingon din sila Yman.
Isang may edad na lalaking may mahabang puting balbas ang pumasok. May bitbit itong makapal na libro. Nakasuot siya ng mahabang damit. Makikita rin ang salamin na bilog sa kanyang mga mata. Diretso itong naglakad papunta sa harap.
"Yung mga nakatayo magsi-upo na kayo." Mahinahong boses na sabi ng lalaking may edad.
Tsk! Inis na pinitik ni Nicholas ang kanyang dila sa pagitan ng kanyang mga ngipin. Pero bago umalis ay lumingon muna sila kay Rea.
"Uh Miss Ella, siguro mas mainam kung sa amin ka sumama." Sabi ni Elvis.
Ngunit isang inis na sulyap lang ang ganti dito ni Rea. Bilis na umalis ang grupo nila Elvis nang makita ang inis sa mga tingin ni Rea. Hindi alam ni Rea kung bakit galit ang mga ito kay Yman. Pero hindi niya gusto na inaaway ito ng iba.
Ang matandang may edad na pumasok ay walang iba kundi ang kanilang instructor, si Mr. Gopio.
Binuka nito ang hawak na makapal na libro tapos nagsulat sa blackboard ng salitang `Magic Comprehension'.
Nang makita ni Yman ang salitang nakasulat sa blackbord ay naagaw nito ang kanyang atensyon.
Matapos maisulat ang mga salita sa pisara ay lumapit sa mikropono at inilipag ang libro sa harap. Dinilaan muna niya ang tuyong bibig bago dahan dahang ibinuka ni Mr. Gopio ang kanyang bibig.
"Ngayon pag-uusapan natin kung gaano kalawak ang inyong kaalaman sa mahika." Umubo ng mahina si Mr. Gopio para linisin ang mga nagbara sa kanyang lalamunan bago nagpatuloy.