Chereads / Self Healing Magic / Chapter 68 - Aggro!

Chapter 68 - Aggro!

Kinabukasan 4pm pa lang ay gising na si Yman dahil kailangan niya makapag jogging. Masyadong malayo pa ang taglay niyang lakas kung ikompara sa mga special students. Lalo na't ang yayaman nila. Bihira lang ang mahirap sa kanila, karamihan ay mayayaman. At napakaganda ng kanilang mga full set na equipments.

Tumakbo siya ng sampung kilometro bago tumigil.

Pagkatapos, sinanay niya ang paggamit ng sword skills. Nahihirapan siya kontrolin ang Earth Spike. Dahil kailangan niyang i-concenrate ang kanyang isipan. Lalo na ang pag-kontrol nito habang itinuon sa kalaban. Siguro kung gagamit ng talent, madali lang ito sa kanya. Pero ang gusto niyang palakasin ay ang normal niyang katawan at hindi bilang si black magician. Dahil hindi lalakas ang kanyang talent kung hindi lalakas ang kanyang normal na katawan. Kasalukuyang nasa 50,400 ang kanyang exp.

Naisipan ni Yman na mag-grind muna sa may lawa ng siyudad habang sinasanay ang paggamit ng Earth Spike. May makikitang mga halimaw na tinatawag na Stone Crab sa may bandang ito ng lawa. Nasa pitong kilometro ang layo nito mula sa guild hall at madadaanan niya pagbalik. (Sakto lang siguro kalahating oras na grind sabay pagsasanay ng sword skill ko.)

Habang pabalik siya sa guild hall ay huminto muna siya sa may lawa kung saan matatagpuan ang mga halimaw. Nasa isang kilometro ang kabuuang lawak ng lawang ito. Napapalibutan ng puno sa bandang hilaga at may tulay na makikita sa may kanluran. Malawak na damuhan naman sa may silangan at mabuhanging lupa sa may timog kung saan naroroon si Yman.

Nasa tatlumpung metro siya mula sa lawa at dahan dahang humakbang. Sa kanyang kamay makikita ang isang metrong espada na Bonesword.

Naramdaman niya ang pagbaon ng bahagya ng kaniyang mga paa sa mabuhanging lupa. Tumigil muna sa paghakbang si Yman at lumingon-lingon sa paligid para makahanap ng matitigas na lupa. Ngunit wala siyang ibang nahanap kundi tanging ang nasa kanyang likuran na nasa dalawampung metro.

Ilang sandali ay napansin ni Yman ang apat na presensya ng [Stone Crab] sa unahan. Bago paman mapansin din ng mga halimaw ang kanyang presensya ay mabilis niya itong sinugod. Kailangan niyang i-lure at pagkumpul-kumpulin ang mga halimaw. Nasa rank D lang ang mga halimaw na ito. At hindi gaanong mabilis kung ikompara sa bilis ni Yman.

Kumuha siya ng mga nagkalat na bato sa paligid. Gamit ang malakas at mabilis niyang pagpitik sa mga daliri ay pinaulanan niya ang mga halimaw ng nagliparang mga bato.

Swoosh! Swoosh! Swoosh!...

Pak! Pak! Pak! Pak!

Kakaibang tunog nang tumama sa bato batong katawan ng halimaw ang mga bato niyang itinira. Bawat pagtama ay tila umuulan ng alikabok. Kahit na low ranking lang ang halimaw na ito ay may mataas naman silang depensa dahil sa balat na kasing tigas ng mga bato. Mataas din ang kanilang HP na nasa 700. Mas mataas ito kaysa karaniwang rank D na halimaw. Kaya pagtama ng mga bato ay bigla itong nagsidurog.

Bawat pagtama ng mga itinirang bato ay -50Hp sa kanilang buhay. Sakto lang isang bato kada target ang itinira niya dahil wala naman siyang balak na patayin agad ang mga ito. Gusto lang niya agawin ang kanilang atensyon at lumikom ng aggro o hate sa mga halimaw.

Biglang nag "!!!!" at napalinga-linga ang mga [Stone Crab] sa paligid nila. At ang dating nakatago na parang antena nilang mga mata ay nagsitaas.

Nang mai-spot-an ang taong nangbubulabog ay mabilis na pinaikot ang kanikanilang mga mabibigat na katawan. Nakita nila na nasa hindi kalayuan ang kinaroroonan ng tao sa kanila.

Sumugod ng walang halong pag-iingat ang mga [Stone Crab] sa kaaway. Makikita ang mga parang vice grip nilang mga kamay na nakataas sa ere. Kitang kita ang kanilang panggigigil sa kaaway na pasaway. Gusto nilang piitin ito hanggang maputol at mahati sa dalawa ang malambot na katawan ng tao.

Hu~ssh! Hu~ssh! Hu~ssh!

Kakaiba ang mga tunog ng pagbaon ng kanilang mga matutulis na mga paa sa mabuhanging lupa.

Dahan dahan humakbang paatras si Yman. Habang palapit ng palapit naman ang mga halimaw sa kanya.

Ngayon ay nasa labing limang metro nalang ang mga ito sa kanya. Sa paligid naman ay makikita ang mga iilang puno.

Napansin ni Yman na marami pang [Stone Crab] ang umahon mula sa lawa at ngayo'y nagsigapang para sundan ang iba nilang kakampi na sumugod sa pasaway na kalaban.

Nang nasa limang metro nalang ang mga [Stone Crab] na unang sumugod ay ibinuka nila ang mga kamay na parang vice grip habang nakatuon sa kaaway.

Lalo pa nilang binilisan ang kanilang pagsugod nang ramdam na nila sa kanilang sarili na ilang sandali ay maiipit na sa kanilang matigas na kamay ang kaaway.

Klang! klang! Klang!

Tunog ng pauli-ulit na banggaan ng mga vice grip nilang kamay habang isinarado at ibinuka nila ng paulit-ulit.

Wooosh! Whooosh!

Dalawang [Stone Crab] ang sabay na inabot si Yman gamit ang kanilang mapang-ipit na mga kamay. Bago tumama ay tumalon siya sa matigas na likod ng isang [Stone Crab] na nasa kanyang kaliwa.

Thump!

Biglang nag "???" ang mga halimaw nang hindi tumama ang kanilang duo attack. Habang nasa likod pinatungang [Stone Crab] ay nagtambling si Yman papunta sa pangatlong crab na akmang tatalunan siya para pilit na abutin ang kanyang mga paa.

Napansin mi Yman na nagsitalsikan ang mga mabuhanging lupa sa paligid habang mabilis na isinipa ng mga [Stone Crab] ang kanilang mga paa.

Anim pa na crab ang matulin na rumesponde sa kanilang kasama para pagtulungang patayin ang pangahas na tao.

Plok! Plok! Plok!

Mula sa kanilang bibig ay nagsilabasan ang mga bula na itinira sa direksyon ni Yman. Ngumisi siya nang mapansin ito. Dahil mukhang hindi lang pala vice grip ang kaya nilang pang-atake. May kakaiba rin silang mga skills.

Isa itong [Bubble Shots] na skills. May ibang magician na kayang umatake ng mas malakas pa kumpara sa [Bubble Shots] ng halimaw na'to.

Sunod sunod na bula ang mabilis na papunta kay Yman. Pero bago ito tumama ay tumalon siya sa likod ng ibang [Stone Crab] na nasa kanyang kanan.

Woosh! Woosh! Woosh!

Bang! Bang! Bang!

Parang mga fireworks nang hindi ito tumama sa kanya ay sumabog ang mga bula. Naglabas ito ng kakaibang pressure.

Sinubukan na saluhin ni Yman ang isang maliit na bula na nagawi sa kanyang kinaroroonan. Nang dumampi ito sa kanyang balat ay *Boom!* sumabog at nagkasugat-sugat ang kanyang balat. Hindi gaano kalakas ang pagsabog pero -550 sa kanyang HP.

Bigla namang nagliliwanag ng kulay berde bahagya ang kanyang katawan at unti unting bumabalik ang HP at naghihilom ang mga sugat. (Haha) napatawa nalang si Yman. Nang mapansin na nagkumpulan na ang mga [Stone Crab] ay mabilis siyang tumalon na may halong ikot ng katawan sa puno na nasa sampung metro sa kanyang likod.

Wooooooosssshhh!

Mahaba mahaba niyang pagtalon habang nag 180 degrees turn ang katawan.

Thump! Ziiing!

Pagkaapak ng mga paa sa katawan ng puno ay mabilis niyang sinaksak sa katawan ng puno ang dulo ng Bonesword.

Thump! Thump! Thump!

Pak! Pak! Pak! Pak! Pak!

Nagbanggaan ang mga bato batong katawan ng mga [Stone Crab] habang nagpapaunahan na siya ay abutin.

Clam! Clam! Clam!

Kitang-kita rin ang gigil na mga mala-vice grip nilang mga kamay.

(Hehe)

Sampung mga [Stone Crab] ang pinaikutan ang puno kung saan nakalambitin si Yman.

Earth Bind!

Bulong niya, na sinundan ng mga nagsilabasang mga malalaking ugat ng punong pinatungan. Bigla ay mabilis na gumapang sa mga paa at katawan ng mga [Stone Crab] ang mga parang ahas na ugat ng puno. Isa ito sa skill ng kanyang espadang may earth element.

"Hehe"

Napangisi lang siya habang pinagmamasdan ang mga nakakatawang hitsura ng mga [Stone Crab]. Yung iba ay napabaliktad habang pinipilit na makawala sa pagkagapos.

Mabilis nilang ikinampay kampay ang mga paa. Pero kahit gaano silang magpupumilit sa pagpupumiglas ay wala silang magawa.

Woooooosssshh!

Tumalon ulit si Yman sa bandang kaliwa na nasa dalawampung metro mula sa punong pinatungan. Mabilis niyang itinusok ang dulo ng Bonesword sa lupa at gumamit ng Earth Spike na skill.

Thump! Thump! Thump!

Kakaibang tunog ng banggaan ng lupang matutulis sa bato batong katawan ng mga [Stone Crab]. Agad naging itim na usok at nagbibigay ng 100 exp kay Yman ang mga napaslang at naglaglag ng [stone crab leg], [stone crab hard skin] at [stone crab eye]. Ngunit sumimangot ang mukha niya nang mapansin na may natirang tatlong buhay, mukhang hindi tinamaan ang iba. At nakita rin niya na nasa 700 lang ang damage ng bawat tumamang spike. Kahit may penetrating force ito ay mukhang kulang pa sa lakas si Yman. Ang totoong damage nito ay 3,000 kada spike.

"Hah! Mukhang kailangan ko pa ng pagsasanay," bulong niya sa sarili habang pinunasan ang pawisan na noo gamit ang kanyang braso.

""Eh?!""

Nagulat si Yman nang biglang may nag "Eh" sa kanyang likuran. Nilingon niya ito at nakita niya na may dalawang kabataan na kasing edad niya. Lalaki at babae na nakasuot ng kulay puti at green na long dress. Ito ang uniporme ng Engkantasya MHS.

"....."

Hindi siya nakasagot sa kanilang `eh' at naningkit lang ng bahagya ang mga mata ni Yman. Dahil hindi niya kilala ang mga ito.

"Pa-pa..." putol na sabi ng babae na may cute na hitsura, tenga ng lobo at may salamin pa sa kanyang mga mata. Meron itong 4"9 na tangkad at medyo timid looking nature. May hanggang leeg na buhok na kulay brown at medyo curly. Kulay dilaw ang pupil ng kanyang mga mata. At mukhang may buntot din ng lobo sa likod.

"Papa?" hindi alam ni Yman kung matawa. Hindi pa naman siya ganun katanda siguro para tawaging `papa'. At isa pa ay wala pa nga siyang girlfriend paano siya magkakaanak. Nagpalabas nalang siya ng hangin sa bibig.