Chereads / Self Healing Magic / Chapter 69 - Engkantasya MHS

Chapter 69 - Engkantasya MHS

"Uhm...pa-pa-papaano mo napatay ang marami sa kanila ng sabay sabay?" Kuryos na tanong ng babae habang nakatuwid pababa ang dalawang braso na nakahawak sa bitbit nitong karton bag. Makikita rin ang laman nitong tinapay at gulay na dumudungaw. Mukhang napadaan lang sila dito.

"Ah yun ba?...

Kinamot muna ni Yman ang ulo. Sa totoo lang ay hindi siya masaya sa resulta. Hindi naubos lahat ang sampung [Stone Crab] at liit pa ng damage.

...skill yun ng espada ko."

"S-skill ng espada? Ibig mo ba sabihin elemental skill?"

"Mhm!"

"Wow, first time ko makakita ng elemental skill ng sandata. So yun pala yun!" Sabi ng babaeng may tenga ng lobo.

"....."

Hindi alam ni Yman kung nagsasabi ba ito ng totoo. First time raw? Sabagay kung titingnang mabuti ay mukhang hindi ito fighting type na magician. May pagka-timid ito tingnan gaya ni Rea nung una niya itong makita. Pero bakit kaya ngayon parang unti unti nang nagbago ang pakikitungo ni Rea sa kanya? Minsan ay nagtatampo pa ito, minsan din ay sweet at maaalalahanin. Nagdududa na tuloy siya kung marunong ba siya tumingin sa nature ng tao. Sa bagay first impression lang naman niya yun. Natural lang na magkamali lalo na't mataas ang tiyansa na magbabago ang pakikitungo ng kahit sino man habang nagiging close sila sa isa't isa.

"Sir, earth element ba ang espada mo?" sabi naman ng lalaking kasama ng babaeng kalahating lobo. Ang lalaki ay isang kalahating tao rin. Isa siyang dwarf. Mayroon itong brown hair na medyo maiksi. Kulay green ang pupils ng kanyang mga mata. May tangkad itong 4"6. Kumikislap ang mga mata habang tinitingnan ang espadang hawak ni Yman.

"Uhm, hindi pa ako matanda at tingin ko magkasing edad lang tayo. At oo, earth element ang espada ko." Sabi niya sa dalawa sabay kamot sa ulo.

"Magkasing edad? Pa-pasinsya na. Kung ganun freshman ka rin ba? Isa kaba sa bisita ng naganap na pagdiriwang?" Sunod sunod na tanong ng lalaking dwarf.

"Oo freshman din ako at tama ka isa nga ako sa naging bisita sa pagdiriwang." Tapat na sagot naman ni Yman.

"Wow! Kung ganun taga saan kang akademya?" Tanong naman ng babae.

"Engkantasya."

"....."

"....."

Natahimik ang dalawa sa sagot niya. Sa isip nila ay nagbibiro ang lalaking kausap nila. Dahil kilala nila ang mga espisyal na estudyante sa engkantasya at hindi nila nakilala ang isang ito na nasa harap nila. Hindi lang yun, first time pa nila itong nakita. Biro lang ba yun? Napatanong nalang ang dalawa sa kanilang isipan.

Napansin ni Yman na parang natahimik ang dalawa at parang hindi naniwala sa kanyang sinabi. Ehem! Nilinis muna niya ang lalamunan bago nagsimulang ibuka ulit ang bibig.

"Uhm, sige maiwan ko muna kayo," sabi niya at dahan dahang humakbang papunta sa puno kung saan naroroon ang mga natirang crab. Sumisilip narin ang araw sa silangan at kailangan pa niyang maligo, magbihis at mag-almusal. Pero bago ang lahat pinatay niya muna ang natirang tatlong halimaw na nakatali sa ugat ng puno. Pagkatapos mapatay ang tatlong natirang halimaw ay itinigil narin niya ang epekto ng [Earth Bind]. Kasabay nito ay bumalik sa dati ang mga ugat at lumublob ulit sa ilalim ng lupa.

Pagkatapos mapatay ang tatlo ay may nakuha siyang [stone crab meat].

"Stone crab meat?" Napatanong siya sa sarili.

"W-Wow! n-nakakuha ka ng stone crab meat?" Biglang sigaw ng babae habang dumungaw mula sa likod.

"Mhm, may alam ka tungkol dito?" Tanong ni Yman.

"Stone crab meat, isa ito sa rare meat na mahirap makuha. At nabibili sa mahal na presyo. Hindi lang yun, masarap pa ang karne at masustansya. Mas masarap at mas mahal pa ang presyo nito kaysa sa [evil bunny meat]." Biglang paliwanag nito.

"Mhm!" Sumang-ayon ang lalaki sa sinabi ng kasama niyang babae habang dahan dahang lumapit mula sa likod.

"Ganun ba? Mukhang may swerty pa palang natira sa akin. Kuku," biglang nasiyahan si Yman sa narinig. Hindi niya akalain makakuha ng rare drops sa mga alimango.

"Siya nga pala, ako si Ras Smith at siya naman si Aspe Lowe." Pagpapakilala ng dwarf sabay turo sa sarili at sa babaeng kasama na si Aspe.

"Ikinagagalak ko na makilala kayo. Tawagin niyo nalang akong Yman, Yman Talisman." Kaswal na sagot niya.

"Ikinagagalak ka rin naming makilala Y-Yman," medyo nahihiyang sabi ni Aspe.

"Kung ganun Yman. Wala ka bang napapansin sa espada mo?" Biglang sabi ni Ras.

"....."

Hindi sumagot si Yman at sinilip ang espada. Pero wala naman siyang nakitang kakaiba.

"Yaman, subukan mo tingnan ang details nito sa inventory." Sabi ni Ras.

Tumango siya at ibinalik sa inventory ang espada para makita ang details. Biglang kumunot ang noo niya nang mapansin ang isang bagay.

[Durability: 10%/100%]

"Eh? Anong ibig sabihin nito?" Bigla siyang napatanong.

"Ang mga sandata at baluti at kahit ano mang equipments ay may hangganan din. Kaya kailangan mo lagi ito i-maintenance para hindi masira ng tuluyan." Paliwanag ni Ras.

Hah! Nagpatakas ng hangin sa bibig si Aspe. Sa isip niya ay hito na naman tayo. Kitang kita na kilalang kilala ang dwarf na kasama.

"Kung ganun, may paraan ba para pataasin ulit ang durability nito?" Nababahalang tanong niya habang nagsalubong ng bahagya ang mga kilay.

"Kuku, huwag kang mag-alala Yman. Dahil pwede pa yang ibalik sa dati." Taas noong sabi ni Ras.

Nakahinga siya ng maluwag sa sinabi ni Ras. Buti nalang pwede pa pala maayos ito. Pero kailangan pa niya tanungin ito kung...

"Paano?" Tanong niya.

"Ho-ho, hindi mo ba alam na isang magaling na blacksmith ang kausap mo ngayon." Pagmamalaki ni Ras.

"Hah~ huwag mo siyang pansinin Yman nagyayabang lang siya. Pero sa totoo lang isang sikat na Blacksmith ang ama ni Ras dito sa Engkantasya." Sabi ni Aspe habang pinailing ang ulo ng bahagya.

Hindi inasahan ni Yman ang narinig mula kay Aspe. Kaya napakamot nalang siya ng pisngi. Sa isip niya ay kaya pala napansin agad ni Ras ang sira sa kanyang espada dahil siguro may talento ito sa pagiging blacksmith.

"A-Aspe!" Nakasimangot na tawag ni Ras sa kasama.

"Alam ko may kakayahan ka rin pero malayo ka pa kung ikompara kay uncle Sar."

Ang uncle Sar na tinutukoy ni Aspe sa tingin niya ay pangalan ng ama ni Ras na sinasabing sikat na blacksmith dito sa Engkantasya.

"Ehhhhh!"

Napangiti nalang siya dahil kitang kita na close na close ang dalawa batay sa kanilang pag-uusap.

"Ahaha, uhm... Ras anong mangyari kung mag-zero ang durability?" Kuryos na tanong ni Yman.

"Hehe, isa lang kahahantungan. Ito ay... syempre mabasag na parang salamin!" Sagot ni Ras habang naka chin-up. Siguro para i-encourage narin ang kausap na huwag mag-alala dahil kaya itong ayusin.

Pero naningkit ang mga mata ni Yman dahil hindi niya inasahan ang sagot nito. Kung hindi siya nakita ng dalawang ito ngayon ay posibleng nabasag ang kanyang espada ng wala manlang siyang kamalay malay. Buti nalang pala pumunta siya ngayon dito.

Pagkatapos makapag exchange ng ID ang tatlo ay dumiretso na agad si Yman umuwi sa lodging niya sa Guild Hall para makapagligo at makapagbihis.

Saktong pagkatapos niya mag-almusal dumating si Rea. Nakasuot ito ng uniporme ng Engkantasya magic high school. Lihim siyang namangha sa ganda nito. Sa isip niya ay kahit siguro anong damit ang ipasuot kay Rea siguradong babagay sa kanya.

Katulad ni Rea, nakasuot rin siya ng unipormeng pang Engkantasya MHS. Isang long dress na kulay puti at berde. Ito ang bago niyang uniporme.

Sumakay sila ng kalesa papunta sa Akademya. Laking gulat ni Yman nang masilayan ang bago niyang papasukan. Mas malaki ito kaysa EMRMHS. Pero nasa tatlumpung palapag lang ang building. Kaya lang, napakalawak ng espaso nito. Nakahanay ang mga classroom ng pormang `U' kung titingnan mula sa taas pagpasok sa malaking gate.

Sa gitnang espasyo ng pormang `U' ay may parang malaking doma na makikita. Gaya ng ibang gusali mayroon itong tatlong palapag. Sabi ni Rea, dito raw makikita ang cafeteria, training room at principals office. Hindi lang yun, makikita rin daw ang gym ng akademya sa building na ito. May walong daan na nagkokonekta sa parang doma na building. Ang mga daan na ito ay papunta sa iba't ibang parte ng akademya. Kung titingnang mabuti mula sa taas ay para itong walong sinag ng araw. Sabagay katulad ito ng logo na makikita sa kaliwang dibdib ng unipormeng suot ni Yman at Rea. Isang mundo sa ilalim ng mundo. Para itong tatlong layer na circle. Sa pinakagitna ay ang underworld, ang pangalawang layer ay ang upperworld at pangatlong layer naman ay ang araw kung saan may makikita na walong sinag.

Kakaiba rin ang klase ng sistema meron sila rito. Dahil hindi gaya sa EMRMHS na nahahati sa maraming section ang bawat estudyante. Dito ay kailangan mo lang mamili ng instructor na gusto mong pasukan para sa mga major subjects. Pero para sa mga minor subjects gaya ng Math, Language, History at iba pa ay nakatalaga na sa mga adviser.

Dahil dito ay halo halo ang mga estudyante basta major subject na ang pag-uusapan. Ang mga major subjects ay para sa mga may kaugnayan sa pakikipaglaban at mahika. Ang mga nagtuturo sa major subjects ay mga instructor at adviser naman para sa minor subjects.

Habang naglalakad ang dalawa ay may mga kuryos na tingin sa kanilang paligid. Siguro dahil unang beses palang nilang nakita ang dalawa. Kahit hindi exchange students si Rea ay parati naman itong absent. Isa pang dahilan ng mga kuryos nilang tingin ay siguro dahil sa ganda ni Rea.

Ang classroom ni Yman ay nasa unang palapag parin. Hindi sila magkapareho ng adviser ni Rea. Pero halos lahat ng major ay magkapareho ang kanilang piniling instructor.

Dahil isa siyang exchange estudents ay kailangan pa niyang magpakilala ulit. Ngayon ay nasa labas siya ng pinto at naghihintay na papasukin ng adviser para magpapakilala sa lahat na magiging bagong kaklase.