Nang hindi tumama ang stab na atake ni Nicholas ay lalo lang nagngitngit ito sa galit.
"Nicholas itigil mo yaaaan!!!" Isang sigaw ng mataas na bosses babae ang biglang narinig ng lahat. Kaso nga lang ay parang hindi ito narinig ni Nicholas. Nagpatuloy parin ito sa pag-atake.
Dahil hindi tumama ang kanyang mabilis at malakas na stab, ay sinundan niya ito ng mabilis na hampas papuntang kanan kung saan naroroon ang kanyang kalaban na si Yman.
Wooooossshhh!!
Hindi alam ni Yman kung bakit galit na galit ang mga ito sa kanya. Napakababaw ng kanilang ikinagagalit para atakihin siya basta basta. Gusto lang naman sana niya na kumbinsihin itong ipagpaliban nalang sa ibang araw ang kanilang galit na naramdaman dahil konting bagay lang ito kung ikompara sa masayang pagdiriwang ngayon. Pero bago pa matapos ang kanyang sasabihin ay sinigawan siya ng `Tahimik!'. Hindi niya alam kung magalit o matawa.
(Hindi ba nila inisip na nakakaabala ito sa ibang bisita na nagsasaya?) gusto sanang bulyawan ni Yman ang mga isip batang nagmamaktol. Ngunit isang napakalakas na paghampas ang mabilis na papunta sa kanya. Ayaw sana niyang lumaban pero mukhang wala siyang ibang choice huh!
Tiiing!!!
Isang mataas na tunog ang narinig ng lahat nang bumanga sa kakaibang sandata ang ipinalo na halberd ni Nicholas. Nagulat ang lahat nang may biglang lumitaw na magandang babae sa harap ng binatang naka-black suit. Nakasuot ng kakaibang armor na kulay itim. Nawala yung suot niyang fitted gown. Habang ang talim ng kakaibang sandata ay nakapulupot sa leeg ni Nicholas. Ang halberd ay bumangga sa mahabang hawakan ng kakaibang sandata. Ang sandatang ito ay walang iba kundi isang Reaper Scyth.
Biglang natigilan sa paghinga ang lahat dahil nakadama ang bawat isa ng kamatayan. Sa isip ng bawat isa ay, kung gagalaw pa ang lalaking may hawak na halberd siguradong lilipad ang kanyang ulo. Nagulat ang lahat sa biglang pagsulpot ng magandang babae. Para itong dyosa ng kamatayan. Mapang-akit na kagandahan at walang makikitang awa sa kanyang mga tingin. Napalunok nalang ang ibang estudyante sa paligid habang hinimas-himas ang kanikanilang leeg.
"Anong klaseng equipments yan?" Tanong ng isang estudyanteng bisita na nasa tabi at nanonood sa laban.
Nagulat pati ang lalaking kasama nila Nicholas na may malakas na enerhiya. Dahil napakaganda ng babaeng lumitaw at napakalamig ng mga tingin.
Pati si Yusan ay nagulat din. Ang kaninang kausap nila na parang anghel sa ganda. Ngayon ay parang anghel ng kamatayan. Ang maamo nitong mukha kanina ay walang makikitang awa ngayon. Hindi lang yun, nakikilala pa niya ang lalaking tinulungan ng magandang dyosa ng kamatayan. Ito yung lalaki kanina sa pamilihan.
"S-sino ka?" Tanong ni Jura habang nagsalubong ang kilay at naniningkit ang mga mata.
"B-Black Princess." Mahinang tawag ni Undying. Hindi niya akalain na bigla nitong sanggain ang atake ng lalaking may halberd. Sinulyapan niya ang lalaking nasa likod ni Mina. Nagulat siya nang makita ang mukha. Dahil ito yung lalaking niyakap ni Mina sa loob ng panahian kanina.
(Siya nanaman!!!) galit na bulalas ni Undying sa isipan.
Kahit si Kesha ay hindi makapaniwala sa biglang pagharang ni Mina. (Bakit kaya nandito ang lalaking ito? Pagkakaalam ko ay mula rin siya sa EMRMHS. May mahina raw itong enerhiya. Paano siya napunta rito sa bulwagan? Kaibigan lang ba talaga ang gusto ng bestfriend ko sa lalaking to?) napuno ng katanungan si Kesha sa pagbabago ng ugali ni Mina kapag nasangkot ang lalaking nasa likod ng bestfriend niya. Gaya nalang nung sa panahian, bigla itong niyakap ni Mina. At ngayon ay walang pagdadalawang isip na sumali sa laban para iligtas ang lalaki.
Hindi nakareact si Maen dahil huli siyang dumating. Nanlaki ang kanyang mata sa nakita. Kakaiba ang equipments ni Mina. Lalo pa siyang gumaganda sa kanyang armor na suot. Lumagpas na sa pagiging elegante at nagmistulang divine beauty. Pero lalo lang siyang nagulat sa lalaking nasa likod ni Mina. Dahil ang lalaki ay walang iba kundi ang kanyang childhood bestfriend. (Kung saan saan nalang sumusulpot ang Yman nato. Kuku!) Hindi mapigilan ni Maena na matawa nang mapagtanto na mukhang nasangkot sa gulo si Yman.
Pati si Yman ay nagulat sa biglang pagsulpot ng babaeng nasa harap niya. Pero sino ba ito? Hindi niya makilala dahil nakatalikod sa kanya. Isa pa ay nakasuot ito ng nakakapanindig balahibong seksing baluti na kulay itim. Hindi lang yun, nakakatakot pa ang hawak niyang sandata. Napalunok nalang ng mga nagbarang laway si Yman.
Nang makalapit na sila Mina ay nakita niya ang hitsura ng lalaking kanina pa nasa kanyang isipan. Nagulat siya sa nasaksihan. Hindi niya akalain na nandito rin pala si Yman. Pero paano siya napunta...? Bago paman matapos ang kanyang pagtatanong sa sarili ay pinailing niya ang ulo dahil ang importante ay nandito siya. Lalapitan na sana niya ang binata ngunit napansin ni Mina na mabilis patungo sa direksyon ni Yman ang halberd na inihampas ng lalaking may short spiky white hair.
Malas lang ng lalaking ito dahil nandito siya. Alam niya na mahina pa si Yman. Kaya kung tatamaan siya ng halberd ay siguradong hindi maganda ang kanyang sasapitin. As if hahayaan niya mangyari yun. Kaya mabilis niyang hinarangan ang atake ng lalaki gamit ang kanyang god rank na high grade weapon. Mas mataas pa ito sa legendary na high grade weapon. Regalo ang sandata mula sa kanyang ama nung siya ay nag 15 years old. Habang ang suot niyang armor ay mula sa kanyang ina na Rank S magician sa upperworld.
"Nicholas itigil mo yan!!" Medyo galit na bosses ng babae.
Nakalapit narin ang dalawang napag-utusan ng prinsesa, si Sally at...
"H-H-Hannah?" Napatanong nalang si Jura nang makita ang matagal na niyang gusto. Ang Council President ng Engkantasya Magic High School.
"P-President!?" Bulalas ni Nicholas.
"Anong ginagawa niyo? Bakit kayo nakipaglaban dito sa bulwagan? Gusto n'yo ba ipahiya ang kaharian? Ang mahal na hari at ang mahal na prinsesa? Huh!!!" Kumunot ang noo ng tatlo sa sinabi ni Hannah at hindi agad nakasagot.
Galit na nilingon ni Hannah si Jura nang mapansin ito. "Jura, anong ginagawa mo? Anak kapa naman ng ministro pero hinahayaan mo lang na mangyari ito."
(Kaya pala ang lakas ng loob ng mga ito na makipag-away dito mismo sa bulwagan. Dahil hindi basta basta ang background nila.) napagtanto ni Yman kung bakit parang mga spoiled brat ang pag-uugali ng tatlong umataki sa kanya.
Kinalaunan ay natigil ang naganap na kaguluhan. Napagkaalaman ng grupo nila Elvis na totoong bisita ang lalaking inakalang guwardiya mula sa pagpapaliwanag ni Sally. Dahil una na si Sally na nag-akala na ito'y guwardiya kanina.
*****
"""Kasama ni Miss Ella???!!!""" Bulalas ng tatlo sa nalaman.
Sino ba si Miss Ella? Siya lang naman ang sikat na vlogger? Hindi mali, ang totoo si Miss Ella ay pinsang buo ng prinsesa. Dahil hindi stable ang kanyang mahika ay naisipan nitong mag-absent ng matagal sa akademya at pumunta sa tiyahin niya na Head ng adventurers guild para matulungan ito. Nakakabatang kapated ng hari ang ina ni Rea. Habang kapated naman ni Laura ang ama niya. Ngunit iilan lang ang nakakaalam nito.
Umalis ang tatlo ng hindi nakapagsorry. Pero hindi na niya ito binigyang pansin pa. Ang importante sa kanya ay natapos ng maayos ang gulo at buti nalang hindi siya pinagbayad mula sa nabasag na baso. Sa kanyang kamay nakaipit ang mga bubog ng basag na baso. Nung bata pa si Yman ay madalas siyang naglalaro ng holen. At ni minsan hindi pa siya natatalo sa paglalaro nito. Magaling siyang tumira at ito lang ang natatangi niyang kakayahan na pwede niyang ipagmalaki nung kabataan niya. Pero sinong mag-aakala na maaari rin pala itong magamit sa laban. Lalo na ngayon na naging magician na siya. Kaya lang, nagagamit lang ito pang-distruct sa kalaban. Sabagay okay na rin keysa wala.
Nang maresolba ang gulo ay ipinagpatuloy ang naudlot na kasiyahan. Isang napakasweet na musika ang pinatugtog ng mga musikero. Makikita na maraming kapares ang nagsasayawan sa gitna.
Sa iba ibang parte naman ng bulwagang ito ay mistulang nagliliwanag ang mga mata at napupuno ng determination ang bawat isa sa mga malalakas na estudyanteng magician. Bawat isa sa kanila ay excited para sa parating na kompetisyon. Alam ng bawat isa na ang kanilang nasilayan kanina ay hindi pa ang totoong lakas na tinataglay. Dahil awat isa sa kanila ay mga special students at nagtataglay ng rank S na magic. Pero nagulat parin sila sa full gear ng babaeng may kakaibang sandata. Wala manlang nakapansin kay Yman. Para sa kanila ay para lang siyang clown. Hindi manlang kapansin pansin ang taglay nitong napakahina na enerhiya.
Hindi agad nakapagsalita si Yman nang malaman na si Mina pala ang babaeng tumulong sa kanya. Hindi tuloy niya mapigilan na bumuntong hininga. Lumagpas sa inakala niya ang taglay na lakas ng mga special students. Pero syempre balewala ito sa kanya. Kaso nakakaselos parin ang mga gear na suot nila.
Ang pinoproblema niya ay maraming killing intent ang kanyang naramdaman. Lalo na ang isang babae na Council President daw ng Engkantasya MHS. Kilala niya ang babaeng ito. Dahil ito yung babae na nakita niya sa pamilihan. Para itong galit na pusa na ready mangalmot kapag tinitingnan ni Yman. Wala nalang siyang magawa kundi kamutin ang pisngi habang ibinaling sa ibang direksyon ang kanyang tingin.
Gusto sana gantihan ni Hannah ang lalaking bastos sa pamilihan. Pero kailangan niya magtiis tiis muna para hindi masira ang magandang atmospera ng pagdiriwang. Sino ba naman mag-aakala na makikita niya rito ang lalaking ito. Hindi tuloy siya nakapag ready ng mga pang counter kung sakaling bubullyhin ulit siya nito. Kaya nung sinulypan siya ng bad na lalaki ay isang malakas na *Humph!* nalang ang kanyang ibinigay sabay walk out papunta kay princess Liya. Pero sa isip niya ay (magkikita pa tayo! Kaya hintayin mo lang ang aking paghihiganti, hmph!) May naglalabas namang question mark sa ulo ni Sally habang dahan dahan na sinundan si Hannah.
Sa meeting naman ng mga importanteng tao sa VIP room ay pinag-usapan ang iba't ibang topic. At huli nilang napag-usapan ay tungkol sa seguridad ng gaganaping kompetisyon. Lalo na't maraming masamang organisasyon ang nagsilabasan nitong huli.
Laking tuwa naman ang naramdaman ni Mina nang magpasalamat sa kanya si Yman at binigyan pa siya ng ngiti. Kitang kita rin sa mukha ni Yman ang pagkabigla nang makilanlan na siya pala ang babaeng tumulong. Hindi lang yun nakasayaw pa niya ito. Ito na ang pinakahindi malilimutang gabi para kay Mina.
Habang si Maena naman ay nakaupo lang at kitang kita na bored na bored ito. Lalo lang tuloy naisip ni Yman na tomboy nga ang babaeng ito. Pagkatapos sumayaw ni Yman at Mina ay pinagkatuwaan ni Maena ang dalawa at tinutukso. Dahil dito, buong katawan na ang pamumula ni Mina.
Bigla naman nakaramdaman ng maraming killing intent si Yman sa kanyang paligid. Siguro kung wala si Mina sa kanyang tabi kanina pa siya pinagtutulungan. Kamot sa pisngi sabay buntong hininga nalang ang kanyang ginawa. Pero sa totoo lang ay first time niya makasayaw na may kapares. Hindi lang yun, isang magandang dalaga pa ang nakapartner niya. Kaya kahit papaano ay masaya narin siya. Pero siguradong mapapatay siya ng mga estudyante sa EMRMHS kung nakita siya na kasayawan ang kanilang prinsesa. Marami din siyang naririnig na `tsk' sound sa paligid.
Dahil busy si Rea sa pakipag-usap kay Princess Liya ay hindi nito nasaksihan ang pangyayari sa bulwagan.
Nang lumalim na ang gabi ay natapos na ang pagdiriwang, kahit may pagdalawang isip ay unang umuwi sila Mina at Maena. Pero dahil kailangan pa hintayin ni Yman si Rea na hindi pa tapos makipag-usap sa prinsesa ay naiwan siya habang nakaupo sa upuan na nakapalibot sa fountain. Hindi niya alam kung bakit ang tagal natapos ng kanilang pag-uusap. Gusto sana magreklamo ni Yman sa sinabi ni Laura. Na baka mag-isa lang raw na nakatayo ang kanyang pamangkin. Kung tutuusin ay siya ang mag-isang nakatayo kanina. Nasangkot tuloy siya sa gulo.
Habang nakasandal sa sandalan ng upuan at nakatingala sa madilim na kalangitan ay may narinig siyang dahan dahan na paghakbang. Hindi maipaliwanag ni Yman pero kilala niya ang klase ng paghakbang nito.
"Rea?"
"Mhm! P-Pasinsya na kung natagalan akong makabalik." sabi ni Rea habang dahan dahang lumapit kay Yman.
"O-okay lang, huwag muna isipin yun."
"Nasangkot kaba sa gulo?"
"Ahaha h-hindi."
"Hmm..."
"Hah! N-napagkamalan ulit na guwardiya. Haha(mahinang tawa)."
"S-sorry."
"Uh...sorry saan?"
"Kung hindi ka naiwang mag-isa ay hindi ka sana masangkot sa gulo."
"Ahaha, huwag muna isipin yun."
"Hmm... hindi pwede, erm... uhm, b-bilang sorry ay bibigyan kita ng tiyansa na i-isayaw a-ako." Nahihiyang sabi ni Rea.
Gusto sana mag-react ni Yman dahil tapos na ang pagdiriwang at wala nang musika. Pero nang makita ang seryoso na parang nahihiyang hitsura ni Rea ay hindi nalang siya nagsalita pa. Sa totoo lang ay gusto rin niya itong makasayaw. Sino ba naman ang tatanggi kung ganito kagandang engkantada ang bibigyan ka ng tiyansang makasayaw siya.
Wala nang musika at malamig na ang gabi, pero maraming insekto ang nagbibigay ng masarap sa tengang mga huni. Kaya kahit madilim na ay kitang kita ang masayang ngiti sa kanilang mga labi.
Sa ilalim ng madilim na kalangitan, sa tabi ng fountain na napapalibutan ng upuan, dalawang anino ang masaya at dahan dahang nagsayawan.