Chereads / High School Zero / Chapter 30 - Chapter Thirty

Chapter 30 - Chapter Thirty

"Okay, class! Start na ng exam ninyo bukas! I hope may matandaan kayo sa mga itinuro ng mga teachers ninyo! Hwag kayong babagsak dahil hindi kayo makakapag-participate sa school festival kapag bumagsak kayo!" ang malakas na anunsyo ng babaeng instructor sa harap ng mga estudyante ng class 1-A. "Naiintindihinan ninyo ba?!"

"Yes, Ma'am!"

"Kung may hindi kayo naiintindihan, puntahan ninyo lang kami sa faculty at sasagutin namin ang mga tanong ninyo." Kinuha nito ang mga gamit at saka lumapit sa pinto. Bago ito tuluyang lumabas, may hinabol ito. "Tandaan ninyo, kailangan ninyong pumasa!"

Tumunog ang bell, hudyat na lunch break na.

"Waaaah! Siguradong babagsak na ako nito!" sabi ni Cami na idinikit ang kaliwang pisngi sa lamesa.

"Hindi tayo pwedeng bumagsak. Kapag bumagsak tayo hindi natin makikita si King Nino sa festival! Gusto ko siyang maka-date!" seryoso na sabi ni Lizel.

"Hey, Tammy! May time ka ba? Turuan mo naman ako sa lessons natin! Hindi ko maintindihan yung iba e," sabi ni Fatima.

"Okay."

"Kapag si Tammy ang nagturo sa atin, papasa tayo for sure!"

Kaagad na lumaki at humaba ang tenga ng mga lalaking kaklase nila. Napatingin ang mga ito sa grupo ng limang babae.

"KING TAMMY, AKO RIN!" taas kamay na sabi ng ilang kalalakihan.

Halos sabay sabay na nagsi-tayuan ang mga lalaki at lumapit sa grupo nina Tammy. Sinabi ng mga ito ang mga subjects kung saan nahihirapan silang intindihin.

Dahil sa pakiusap ng mga ito, minabuti ni Tammy na hatiin sa ilang bahagi ang kanyang paliwanag. Pinagsama sama niya ang mga magkakaparehong subjects at inilista ang mga parte na kanyang ipapaliwanag.

Sa loob ng Class 1-A, kasabay ng lunch break, pinanood ng buong klase ang pagtuturo ni Tammy habang nakatayo sa harapan. Ang white board sa likod nito ay may mga nakasulat na terms at maiksing paliwanag. Nakalista rin ang mga keywords na kailangan nilang tandaan upang maintindihan ng mabuti ang lecture. Sa kabilang side naman nakalagay ang ilang formulas na pina-iksi ni Tammy.

Mula sa labas ng classroom, ang mga napapadaan ay napapahinto nang makita ang nangyayari sa loob. Hindi nagtagal ay muling sumabog ang forum dahil sa picture ni Tammy na nagtuturo sa harap ng mga kaklase nito.

'KING TAMMY – BEAUTY AND BRAINS' Sa ilalim nito naka-post ang side view ni Tammy habang seryosong nagpapaliwanag ng lecture.

Ang mga nakakita nito sa forum ay hindi maiwasan na mainggit sa mga estudyante ng Class 1-A. Ang klase ni King Tammy ang pinaka-pinagpala sa lahat!

Umabot ang balita sa faculty. Dahil lunch break, malaya ang mga teachers na tanungin ang adviser ng class 1-A tungkol kay Tammy Pendleton. Hindi naiwasan na narinig ito ng vice principal at kaagad na ipinatawag ang guro sa opisina nito.

"Gaano kahusay si Tammy Pendleton sa klase mo, Ms Romualdez?" tanong ng Vice Principal sa babaeng guro. Nakaupo ito sa swivel chair at seryoso ang tingin sa nakatayong babae.

"Simula noong unang klase hanggang ngayon, lahat ng quizes at recitations niya ay perfect, Vice Principal. Bakit ninyo po naitanong?"

Tumango tango ang Vice Principal. May kinuha itong folder at iniabot sa guro. Kinuha ni Ms Romualdez ang folder at binuklat. Kaagad na nanlaki ang mga mata nito sa nabasa.

"Ito ang—!!!"

"Ano sa tingin mo?" tanong ng Vice Principal.

Ngumiti ang guro. "Kung si Tammy Pendleton ang pinag-uusapan natin dito, malaki ang pag-asa na siya ang manalo!"

***

May tatlong araw ang exam, at kada araw ay may tatlong subjects. Sa tuwing natatapos ang exam nila, nagtitipon ang mga estudyante sa library. Doon, tinutulungan sila ni Tammy na i-review ang mga subjects kung saan sila nahihirapan.

Nang ma-post ang picture ni Tammy sa forum, kaagad na pumunta ang mga taga-ibang sections sa classroom ni Tammy upang makinig sa lecture. Ngunit dahil sa dami ng mga estudyante ay hiniram nalang nila ang library.

Para sa librarian at assistant nito, isang milagro ang pagdating ng napakaraming estudyante sa library. Simula noong maitayo ang Pendleton High, ang library ang pinaka-iniiwasang lugar ng mga estudyante. Maliban nalang kung gusto nilang matulog. Popular lang ito tuwing gabi dahil sa ginagawang 'test of courage' ng ilang estudyante. Naniniwala ang iba na may multo rito.

Malawak ang library at may ilang bulto ng nagtataasang bookshelves na naglalaman ng hindi mabilang na mga libro. Ngunit kabaligtaran nito, walang estudyante ang pumapasok dito upang magbasa. Sa isang buong taon, hindi lumalagpas ng bente ang mga estudyante na nagpapagawa ng library's card.

Halos maiyak ang matandang librarian sa nasaksihang milagro. Mula noong nag-umpisa siyang magtrabaho rito, ngayon lang siya nakakita ng ganito karaming estudyante.

Lahat ng ito ay ipinagpapasalamat niya sa magandang estudyante na nagtuturo sa mga kaklase nito.

Nagpatuloy ang ganitong pattern hanggang sa matapos ang ikatlong araw ng exam. Nang lumabas ang resulta ng mga exams, nag-iyakan ang mga guro sa faculty room. Panay ang hagulgol nila dahil sa nangyari. Walang estudyante na bumagsak sa mga first years! Kahit na ang iba sa mga ito ay pasang-awa pero para sa kanila ay isa itong milagro!

Ito ang Pendleton High, lugar na naging tapunan ng mga pasaway na estudyante. Mga estudyante na sinukuan ng ibang paaralan. Mga estudyante na walang pag-asa. Ngunit ngayon, ang mga estudyanteng ito ay ibinigay ang lahat para pumasa sa exam.

Ang balitang ito ay yumanig sa buong paaralan. Dahil sa nangyari, tinaasan ng Chairman ang budget para sa gagawing school festival.

***

Kung gaano naman kasaya ang mga guro sa faculty, ganoon naman kadilim ang enerhiya na mararamdaman sa loob ng silid ng class 1-A. Pinag-uusapan nila ang gagawin para sa school festival. Hindi pa nila napag-desisyunan kung ano'ng klase ang booth na gagawin nila.

Lahat ng mga kalalakihan ay gustong mag-enjoy sa pag-aayos kasama ang King nila pero...

"Kaya sinasabi ko ngayon na hindi natin dapat pagurin si Tammy. Isipin nyo nalang ang pagod na ginawa niya para turuan tayong lahat," paliwanag ni Lizel sa mga kaklase.

"Tama. Kailangan natin pagpahingahin si Tammy! Hindi siya pwedeng kumilos," segunda ni Cami.

Kaninang umaga, nakita ulit nila na hindi maganda ang pakiramdam ni Tammy. Nalaman nila na dahil iyon sa 'bisita' nito ngayong buwan. Nagkataon na bukas na ang umpisa ng pag-aayos para sa school festival. Hindi maaaring gumalaw si Tammy.

"Walang problema, pero ito ba ang gusto ni Tammy?" tanong ni Sid sa mga babae.

Nag-tinginan sina Helga, Cami, Lizel at Fatima. Hindi nila basta pwedeng sabihin na 'meron' si Tammy. Kapag sinabi nila ito, siguradong makakaabot ito sa forum at baka kung ano ang mangyari. At ang isa pa, hindi naman talaga nila dapat na sinasabi sa mga lalaki ang tungkol doon.

"Sapat na tayong lahat para gawin ang booth natin para sa school festival. At alam na rin namin ang gagawin!" paliwanag ni Fatima.

"May plano na kayo kung ano'ng booth natin? Bakit hindi ninyo sinabi kaagad?"

"Oo nga, gusto ko sana mag-tinda tayo!"

"Siguradong marami ang bibili sa atin kung si Tammy ang nakapwesto sa harap."

"Pwede rin tayong mag-costume bilang butlers! Pang attract sa mga chicks. Open naman ang school natin para sa iba, hindi ba?"

"Mas gusto ko gumawa ng costume para sa horror house."

"Jail booth nalang! Ikulong natin lahat ng magagandang chicks!"

"Maid cafe para mabenta!"

"Fools!" malakas na hinampas ni Helga ang lamesa. "Wala na ba kayong ibang ma-isip?! Saan ninyo kinuha ang mga 'yan?! Sa mga napanood ninyong hentai anime?!"

"H-Hentai...?"

"Sinabi ni Helga ang 'hentai'..."

"Oo nga, sinabi niya..."

"Ecchi lang hindi hentai..."

"Pre, hwag kang magmalinis. Hindi ba last week lang—"

"TAN**NA MO PRE! Ikaw 'yung nag-send ng link!"

"WAHAHAHA! Hentai pa more!"

"Helga, sabihin mo nga 'kimochi'!"

"BWAHAHAHAHAHAHA!!!"

"F*ck, may naalala ako bigla! Hahaha!"

"Shut up!!!" sigaw ni Helga. "Mga perverts! Mag-seryoso nga kayo!"

"Haay. Ganito kayo kapag wala si Tammy," sabi ni Cami.

"Kapag nandito siya, ang babait ninyo eh," sabi ni Fatima.

"Daig ninyo pa mga anghel e. Mga hindi kayo makabasag pinggan e. Galing," sabi ni Lizel.

"Pero seryoso, kailangan din natin manalo rito. Maganda yung prize!" seryosong paalala ni Sid sa mga kaklase.

"Shit, pre! Oo nga pala, yung prize!"

"Wala tayong assignments nang isang bwan!"

"Pwede rin tayong kumain sa loob ng classroom habang nagka-klase."

"May mga premiere movie tickets din silang ibibigay!"

"Hindi na rin natin kailangan bilisan ang pagtakbo sa canteen para umorder dahil pwede na tayong magpa-reserve!!! Shit! Hindi na ako mauubusan ng paborito kong ulam!"

"OHHHHHH!!!!! KAILANGAN NATIN MANALO!!!"

"Ano'ng booth natin?!"

"Sabihin mo na Helga!"

Ngumisi si Helga. "Ang booth natin ay..."

***

Isinubmit ni Sid ang papel na naglalaman ng concept ng kanilang booth. Nakalista rin doon ang mga gamit na kailangan nila. Ibinigay niya ito sa kanilang adviser at nakakuha ng go signal.

Pinag-usapan sa faculty ang mga o-orderin na mga gamit at ang pag-allocate ng budget sa bawat klase.

Pumasok sa classroom si Tammy matapos magpahinga saglit sa loob ng clinic. Pinanood niya ang kanyang mga kaklase na masaya at excited tungkol sa gagawin bukas.

Bigla siyang nakaramdam ng panghihinayang. Sa totoo lang, excited din si Tammy sa gagawin nilang entry para sa school festival. Gusto niyang mag-participate sa decision making hanggang sa pinaka-maliit na detalye. Gusto niyang ma-enjoy ang festival kasama ang mga kaklase niya. Pero nagkataon na sumama ang pakiramdam niya.

"Tammy, okay na ba ang pakiramdam mo?" tanong ni Cami.

Tumango siya. "Ano'ng nangyari habang wala ako?"

"Napag-desisyunan na namin ang gagawin na booth bukas!" sagot ni Lizel.

"Oh..."

"Hwag kang mag-alala Tammy, okay na ang lahat."

"Ano'ng oras, magkikita bukas?" tanong niya.

"Hwag mo nang intindihin 'yon, Tammy. Okay lang kahit hindi ka na pumunta bukas."

Nakaramdam ng panic si Tammy. Gusto niyang pumunta bukas para tumulong sa pag-aayos.

"Pero dapat tumulong lahat," sabi niya.

"Psh! Basta, hwag ka nang mag-alala."

"Oo nga, magpahinga ka nalang sa bahay ninyo bukas, Tammy. Kami na ang bahala sa lahat."

"Pumunta ka nalang sa Saturday," sabi ni Helga.

"Pero okay na ako. Hindi na masama ang pakiramdam ko."

"Tama sila, King!" singit ng isang lalaki. "Pumunta ka nalang sa sabado para makita ang ginawa namin."

"Umuwi ka na, Tammy," sabi ni Helga.

"P-Pero..."

Kinuha nina Fatima at Cami ang bag ni Tammy at inihatid siya nito sa labas ng building. Natulala si Tammy sa nangyari. Gusto niyang bumalik at sumali sa pag-uusap ng mga kaklase niya. Gusto niyang tumulong sa pagbuo ng booth nila bukas. Pero mukhang hindi na siya kailangan ng mga ito.

Walang nagawa si Tammy kung hindi ang umuwi. Bagsak ang mga balikat niya at sa unang pagkakataon matapos ang matagal na panahon, pakiramdam niya ay natalo siya.

Hindi kalayuan, nakatingin si Nix habang tumatawa sa papaalis na babae. Dahil kilala nito si Tammy mula pagka-bata, alam nito ang iniisip ng dalaga.

"Tammy, ang awkward mo talaga," sabi ni Nix habang hindi maalis ang ngiti sa bibig.

***

Sa bahay, napansin ni Timmy na malungkot ang ate niya. Nakahiga lang ito sa sofa sa livingroom at nakatingin sa kisame. Nanatili ito sa ganoong posisyon nang matagal. Tila ba may malalim itong iniisip.

"Ate, nag-away ba kayo ni Pillow?"

"Hindi..."

"May masakit ba sa'yo?"

"Wala..."

"Ano'ng problema?" Umupo si Timmy sa sahig sa tabi ng ate niya. Lumapit sa kanya ang pusang si Cosine at hinimas niya ang ulo nito.

"Gusto kong sumama bukas pero ayaw nila..."

"Sumama saan?"

"Sa pag-gawa ng booth. Timmy, ayaw nila akong isali."

"Sinabi mo ba na gusto mo?"

"...ang sabi nila sa sabado nalang daw ako pumunta. Pero gusto ko rin gumawa ng booth."

"..."

"Hindi rin nila sinabi kung ano'ng booth ang gagawin nila."

"..."

"Gusto kong magpukpok ng martilyo. Gusto kong magpintura. Gusto kong mag-drawing."

"Pero ate kapag pumunta ka, baka wala na silang gawin..."

"..."

"..."

"Gusto ko ng pictures..."

Alam ni Timmy na may itinatagong scrapbook ang ate niya kaya naman naiintindihan niya ito. Madalas ay si Nix ang kumukuha ng mga larawan para rito.

"Pwede ka naman pumunta nang palihim, ate."

"Talaga?" Napatingin sa kapatid si Tammy.

"Kapag pumunta ka, wala na silang magagawa kundi ang isama ka."

"Timmy." Bumangon si Tammy. "Ang talino mo talaga."

Napabuntong hininga si Timmy. Ang mga bagay na pinoproblema ng kanyang ate ay... mga simpleng bagay katulad nito.

***

Blackridge Hill

"Boss, mukhang hindi tayo aabot sa quota," ang sabi ni Djanggo habang inilalagay sa lamesa ang mga pera.

Sa lamesa, ilang piraso ng itim na plastic na naglalaman ng ilang libo ang nakapatong. Tinignan itong mabuti ng mga lalaki na nakaupo sa sofa.

"Malaki ang nawala sa atin dahil nawala si Bombi," sabi ni Riggo.

"Gavin, nasabi mo na ba sa landlord ang nangyari?" usisa ni Samuel.

"Not yet." Nanatiling nakatayo si Gavin sa tabi ng bintana. Bukas sindi ang silver na lighter na hawak nito sa kamay.

"Kailan mo balak na sabihin?" tanong ni Elliot.

Hindi sumagot si Gavin. Nasa proteksyon ng landlord ang mga leaders sa bawat kwarto ng mansion sa Blackridge Hill. Ito ang dahilan kung bakit malaya silang nagagawa ang mga bagay bagay sa lugar na ito.

Ngunit sa isang iglap, nabuwag ang grupo ni Bombi. At ang dahilan ay walang iba kundi si Tammy Pendleton.

Walang balak si Gavin na ipaalam sa landlord nila kung ano ang totoong nangyari. Ngunti kailangan niyang magbigay ng matibay na dahilan sa pagkawala ni Bombi.

"Tammy Pendleton..." bulong niya habang nakatingin sa bintana.

Kung malalaman ng taong iyon ang tungkol sa dalaga, tiyak na babalik ito ng bansa. At iyon ang iniiwasan na mangyari ni Gavin. Sa ngayon, kailangan niyang gumawa ng paraan para bilisan ang paglikom ng pera.