Chapter 2: Sherry
KAAGAD kong dinala sa pinakamalapit na ospital ang walang malay na babae. Sa emergency room, sinabihan ako ng nurse na kailangan daw ng pasyente na sumailalim sa iba't ibang tests, including CT scan.
As the results came out, tinawag ako ng doktor upang makausap. So far so good, walang abonormalities na nakita sa utak ng babae. But on the other hand, there's a bad news—she has retrograde amnesia. It's difficult to say when her memories will come back, pero malaking tulong daw ang suporta ng pamilya at kaibigan para sa unti-unting pagbalik ng kanyang alaala.
Makalipas ang dalawang araw na observation, ni-release din siya ng doktor. Ang problema nga lang nito, saan siya uuwi? I can't just leave her alone. Not now. She needs somewhere to stay. Baka mas lumala ang kondisyon niya kapag hinayaan ko siyang magpagala-gala sa daan.
"Are you sure you're okay?" paniniguro ko sa babaeng hanggang ngayon ay 'di ko alam ang pangalan. Tulak-tulak ko ang wheelchair niya at palabas na kami ng ospital.
"I'm fine," matipid nitong sagot. Sa dalawang araw na pagbabantay ko sa kanya, pansin kong napakatahimik niya. She only talks if necessary, so since we have nothing to discuss, madalas siyang hindi nagsasalita.
Just like Miss Asundi. Damn, why I can't stop thinking about her?
Huminto kami nang nasa exit na kami ng ospital. Hindi man lang ito nagtaka nang bigla kong i-preno ang wheelchair niya.
"Maybe you should stay in my place for a while until you regain your memory. What do you think??" suhestiyon ko tutal wala naman siyang ibang mapupuntahan.
Kagabi ko pa iniisip 'to. Actually, there's no problem if she stays with me, but would it be alright kung may kasama pa siyang iba sa bahay? Eh, parehong masungit ang dalawang 'yon, eh. Si Kuya, topakin at kalahati. Si Cherlyn naman, allergic sa babae, lalo na kung laging nakadikit kay Kuya Xander.
Well, since she's not the kind of girl who would do something bad, I guess it's okay.
Nilingon niya ako na nakatayo sa likuran niya. "Hindi ba nakakahiya?"
"Of course not. Look, in your condition, mas makabubuti na magpahinga ka. Don't be shy. Besides, I'm not gonna eat you. I'm a good man."
"I'm not scared," depensa nito.
I laughed. "Defensive." Binitawan ko ang handle ng wheelchair at nagsimulang maglakad palayo. "Wait me here. I'll get the car."
***
WHAT would I expect from a human metal case who can't remember anything about herself? Tahimik ang buong sampung minuto na biyahe namin mula Danes Hospital hanggang sa ancestral house ko—na mistulang boarding house sa dami ng nangungupahan—nang libre.
Xavier, jeez! Kailan pa naging marami ang dalawa? I haven't much sleep last night, perhaps it causes me to think like an idiot.
I parked my car inside the garage as soon as the gate was opened. Inalalayan ko ang babae na makalabas ng kotse. At last, I would never come back to the place which I considered as a hunted house. Wala lang akong choice kundi mag-isang pumunta roon para asikasuhin ang babaeng napulot ko sa daan.
Bata pa lang, takot na ako sa ospital. Seeing patients laying on bed or worst, crossing in the hallway where the ICU is located, bumabalik 'yong masasamang memories ko sa ospital na 'yon.
I was hospitalized at a very young age. I had a rare condition which my immune system stops from working. A simple cold is very dangerous to me. Ang nakikitang paraan lang ng doktor para mabuhay ako ay ang mag-undergo ng bone marrow transplant. Laking pasasalamat ko kay Kuya Xander dahil siya ang boluntaryong nag-donate ng bone marrow para sa 'kin. And I'm willing to do everything just to keep him safe. Utang ko sa kanya ang buhay ko.
Speaking of my brother, nasalubong namin si Kuya na papalabas ng bahay. He didn't even pay attention to our new guest, basta niya lang kaming dinaanan na parang hangin.
"That guy's my big bro—Xander. Sorry for his attitude, medyo masungit pero mabait 'yan," I said to her, pointing my finger to that creep.
As usual, she didn't respond, as if I was talking to myself. I wonder kung ganyan talaga siya. Halos pareho sila ni Kuya, eh. Ang pinagkaiba lang nila, saksakan ng sungit ang isang 'yon. Ewan ko lang dito. Hindi ko pa naman lubusang kilala ang babaeng ito.
Umintrada na kami papasok. Naabutan namin si Cherlyn na nasa salas, nakaupo sa couch habang nagbabasa ng libro. 'Di lang 'yon—nang naka-on ang TV. Kinuha ko ang remote na nasa tabi niya at siya kong in-off ang TV.
"Learn how to turn off appliances when not using, big girl. What's that?" Hinila ko pataas ang librong hawak niya. Napasinghap siya at galit na itinuro ang pagkakapal-kapal na libro.
"Hey, I'm not yet finish with that! Take it back!" asik niya. Isinara ko ang libro para makita ko ang book cover n'on. Inipit ko ang isa kong daliri sa page kung saan siya nahintong magbasa.
"Kill Me by Bond Black," basa ko sa pamagat ng libro. "What could you possibly get by reading this book?"
She crossed her arms. "Why do you care? Iyan nga lang ang source of entertainment ko, tatangalin mo pa!"
Saka niya ako inirapan. Thank me for not having a sister. Baka ako na ang dumisiplina rito. Her age is same as my brother but she's behaving like a teenager—no, a brat actually.
"You never learned from your experience. Gusto mo bang maulit 'yon nang dahil sa pagbabasa mo ng mga kwento tungkol sa murder and syndicate?"
"This book has nothing to do if whatever happens to me. So please, hayaan mo na lang ako, okay—hey, who's that girl behind you?"
Umatras ako upang masilayan niyang mabuti ang bulto ng babae na sinundo ko sa ospital. Naupo ako sa kapirasong parte ng couch at sinenyasan ang babae na lumapit sa amin ni Cherlyn.
"Hey, I would like you to meet Cherlyn. Cher, this is..." What on fucking earth is her name? What should I call her?
"Sherry," ang sabi ng babae.
"Huh?" tanging nasabi ko lang. Si Cherlyn, natahimik, nanigas, na-estatwa. Ano bang nangyayari?
She raised her right hand, showing me her gold bracelet. I came closer in able to read it. Why didn't I see this before? It's clearly obvious! A name Sherry was written on it!
"You're name is Sherry, right?" She replied me in silence, shrugging her shoulders. "But I was wondering when did you wear your bracelet? Hindi kita nakitang suot mo 'yan sa ospital."
"Sakto pag-alis mo noong isang gabi, may pumasok na nurse sa kuwarto ko at ibinigay sa akin ito. Kinailangan daw kasing alisin ang bracelet ko bago ako isalang sa... CT Scan ba 'yon?" sagot ni Sherry na hindi sigurado sa huli niyang sinabi. "Tinago ko muna 'to sa ilalim ng unan ko at napag-pasyahang isuot paglabas ko ng ospital. Muntik ko na ngang makalimutan, eh."
"Oh, I see." I nodded twice. Kaya pala. "So... Mind if I call you that way?"
"Huh?"
"You know... Sherry. It fits you, doesn't it?"
Pilit itong napangiti. Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok niya na nakaharang sa mukha nito. Those hair strands, napakalambot na halatang alaga sa suklay at shampoo. Nakakagigil!
Wake up, Xavier and have a cup of coffee! Huwag mong panggigilan si Sherry just because she got your attention. Pinagmumukha mong bading ang sarili mo sa harap ng ibang tao!
"What's wrong with her?" Cherlyn asked.
"May amnesia siya. Haven't I told you that I met someone who was about to hit two days ago? That's her."
"Ah," she nodded. "So since may amnesia siya, possible na bumalik agad ang alaala niya. Malay lang natin, 'di ba? Who knows, matandaan niya rin kung ano talagang nag-ugat ng insidenteng 'yan sa kanya."
Strange. Hindi ganyan 'yong Cherlyn Blakwell na nakilala namin ni Kuya for the past twelve months. Bakit sa tono ng pananalita niya parang concern siya rito? Magkakilala ba sila ni Sherry?
Instead of knowing what's going on, I just answer her question. "We can't say that," sabi ko. "Hey Cherlyn, I don't like the tone of your voice. It looks like you're hiding something. Do you know her?"
Mabilis siyang sumagot. "Stop asking nonsense, Xavier. Ngayon ko lang nakita ang babaeng 'yan. I have a strong feeling na magka-ugali sila ni Xander, that's all." Pinaningkitan ko siya ng mata. Tuloy, mukha na akong nakapikit. Singkit na nga, eh. Pinasingkit pa lalo. "Mabait ako sa mga taong katulad ng lalaking napupusuan ko—" She covered her mouth. "I mean, natitipuhan ng karamihan."
Eh, di lumabas din ang totoo. May gusto siya sa kapatid ko.
Medyo nabunutan ako ng tinik sa part na 'yon, but not all. May mali talaga, eh. I hope I can figure it out as soon as possible. Mahirap namang i-stressin ko ang sarili sa pag-iisip ng problema na wala namang clue.
"From now on, dito muna titira si Sherry. Let's just wait for her to come back in her usual self. Siguro naman, tutulungan mo ako," sabi ko kay Cherlyn.
Marahan itong tumango at tumayo. Inilahad niya ang isang kamay kay Sherry.
"Nice to meet you, Sherry," ani Cherlyn.
"N-Nice to meet you din." She's staring at Cherlyn, like she's trying to remember if she saw her face before. "C-Cherlyn. Cherlyn, tama?" The big girl agreed.
"Tutal mukhang magkakasundo naman kayo, Cherlyn, can you take her upstairs? Hayaan muna natin siyang magpahinga. Mayamaya, magluluto na 'ko ng tanghalian," utos ko na agad din nitong sinunod. Magkasama silang umakyat sa taas habang ako ay dumiretso sa kusina at hinanda ang mga ingredients na gagamitin ko sa pagluluto.
The rules in this house is simple—kapag wala akong trabaho at nasa bahay lang, ako ang sasalo sa gawaing bahay. Otherwise, si Cherlyn lahat. It was Kuya Xander's order.
Today is Sunday, anong aasahan niyo? Partida dahil teacher pa 'ko at ramdam ko na ang finals—busy na kumbaga—tapos ganito pa.
***
THE FOLLOWING day, I thought of bringing Sherry into school. I talked to her yesterday, gusto sanang sumama ni Cherlyn kaso ngayong araw ang delivery ng package na in-order niya online. Wanna know what it is? Pocketbooks na tungkol sa tragic events. That woman.
Sabay kaming naglakad papuntang faculty room. Pagdating doon, pinakilala ko siya sa mga co-teachers ko, including Therese. But in this situation, I made a slight alteration—instead of friend, I introduced Sherry as my girlfriend. From her cold presence, naging horrific ito. I should have tell her this before. Nakalimutan kong humingi ng pabor sa kanya na sakyan ang trip ko.
Si Therese, halata sa mukha ang pagdududa. Hindi ko siya masisisi dahil ilang beses ko rin siyang niloko at pinaasang may syota ako.
"Totoo na ba 'yan? 'Coz if not, I'll count this as your 21st prank," hindi kumbinsidong sabi ni Therese.
Nagtawanan ang ibang mga kasamahan namin. Napakamot tuloy ako sa batok saka napatingin kay Sherry na halos mapatay-patay ako sa paraan ng pagtitig niya sa akin.
"Let's test him," ani Sir Araide at siyang lumapit sa aming dalawa. "If you're saying is true then kiss the girl."
Ramdam ko ang pagtulo ng pawis sa mukha ko. 'Yong mga teachers, animo mga miyembro ng cheering squad sa tindi nilang mag-cheer. T-Teka, seryoso ba sila?!
Mga isang minuto na kaming nakatayo ni Sherry pero hindi ko pa rin magawang gumalaw. "Ano na? Time is running. Baka gusto mong palaka na ang ipahalik ko sa 'yo, Sir Oks?" naiinip na wika ni Therese.
"I don't think we can do that. It's confidential—"
"Confidential mo mukha mo, smart prank!" Scary. Nag-uusok na si Therese sa galit.
"Pagbigyan mo na kami. Tutal, maaga pa naman, walang ibang makakakita kundi kami-kami lang," pamimilit pa ni Sir Araide. Dapat sila ang magsama, eh.
"Paano kung may biglang pumasok na estudyante? Ano na lang ang iisipin nila? Paano kung mahuli kami ng ni Chairperson or worst, ni Dean?! Tapos ang trabaho ko!" pagdadahilan ko at sana makalusot.
I didn't come here just to make a scene!
Nagkamali ako sa pagpapakilala kay Sherry. If it's not because of my promise to Therese na magdadala ako ng syota-syotaan, hinding-hindi ko gagawin ang bagay na ito!
"Kaming bahala." Kumuha ng papel si Sir Araide at iniharang sa kapirasong transparent glass ng pinto. Ni-lock din niya ito upang matiyak na walang makakapasok. "Dali, bago may makahalata na may magaganap na kissing scene sa faculty room ng College of CS."
Napilitan akong pagbigyan ang kahilingan ng mga sira ulong faculty members na 'to. Hinagit ko ang clueless na si Sherry at agad kong dinampi ang labi ko sa kanyang mapupulang labi. We just kissed for less than ten seconds ngunit sandali akong nawala sa sarili. Para akong lumilipad sa langit at ang sarap n'on sa pakiramdam.
'Yong ayaw ko nang kumalas? I wanna stay like this forever... and I never felt like this before.
Things went so fast as Sherry and I were both stopped looking at each other. Gustuhin ko mang ulitin ang eksenang 'yon ngunit unti-unti rin akong nakakaramdam ng hiya dahil sa nangyari.
It was my first real kiss, though.
***
ISANG block lang ang klase ko ngayong hapon. Sa cafeteria na 'ko naglunch at nagpahatid lang ako ng isang tray ng pagkain sa faculty room para kay Sherry. Sinikap kong iwaksi ang eksena sa faculty room kaninang umaga. Luckily, I did. No one suspected that I kissed a strange woman.
Nai-spot-an ko si Sherry na maghapong nakaupo sa table ko at masayang nakikipag-usap kina Sir Araide at Therese. Mamaya pa ang klase ni Therese sa third year at si Araide, mukhang nagpa-take home exam na naman kaya hindi nagklase.
"You know girl, if I were you, layuan mo na 'yang si Xavier." Anong pinagsasabi ni Therese? I noticed that she keeps on knocking her fingers on her table. "He's difficult to deal with."
"Especially kung lambing ang pag-uusapan, I'm too difficult. Right, Miss Sumiko?" baling ko kay Therese na kusang napatango.
"Y-Yeah. Iyon ang ibig kong sabihin. Hehehe... I can't write a perfect definition of men because they're hard to explain."
"Huwag niyong ibaling sa aming mga lalaki ang issues niyong mga babae! Kayo kaya 'tong mahirap pakisamahan," sabi ni Sir Araide na expert sa multitasking. He can chitchat with us while playing Mobile Legends. Ang lupit ng teacher na 'to.
"Nagsalita ang binreak-an ng jowa dahil mas priority niya ang ML kaysa sa girlfriend niya. Anong tawag do'n, 'di ba?" banat ni Therese na nagpaganda ng mood ni Sherry.
She was laughing as if she knows them very well. Marunong naman pala siyang makisama. I thought she's anti-social. Tahimik pero may tinatagong communication skills.
"Nakakatuwa naman kayo. Masaya ako't nakilala ko kayong dalawa," sabi ni Sherry.
"Kami rin and I hope payagan ka nitong si Xavier na dalhin ka rito lagi. Baka sa sobrang pagmamahal niya sa 'yo, ipagkait ka na niya sa amin."
"Of course, I won't do that, Therese. You know me." Isinilid ko sa bag ang ilan kong mga gamit. Inalis ko rin 'yong mga papel na nakatambak sa table at itinago sa ilalim ng mesa. "I'm sorry for disturbing your precious moments but we have to go. Come on, Sherry," aya ko at saka ko siya pinasunod.
"Tsk. What is that? Sherry lang? Walang endearment?" Reklamo pa ni Therese.
I sighed. "Alright. Let's go, babe." Kinuha ko ang kamay ni Sherry at sabay na kaming lumabas ng faculty room.
Sherry never let a single word since we left the campus. Binitawan ko na rin ang kamay niya at nakabuntot na siya sa aking likuran. Saka lang siya nagsalita nang makasakay kami sa kotse.
"Anong rason para ipakilala mo ako sa kanila bilang girlfriend mo? Sa tatlong araw na magkasama tayo sa iisang bubong, wala akong matandaan na naging tayo," aniya na bakas ang dismaya sa boses nito.
"I'm sorry, Sherry. Naipit lang ako sa sitwasyon. Nakapangako ako kay Therese na ihaharap ko ang girlfriend ko sa susunod na pagpasok ko sa school. I didn't mean to harm you, I swear. The reason why I brought you here is for you to relax. Iyon lang."
"Tatanggapin ko ang sorry mo pero 'di nangangahulugang habang buhay mo akong gagamitin para sa sarili mong kagustuhan. Huwag mong samantalahin ang kondisyon ko dahil baka isang araw, magulat ka na lang sa matutuklasan mo."
Hindi ko ma-gets ang punto ni Sherry ngunit hinayaan ko na lang. Inihinto ko ang sasakyan sa gilid at tumingin sa kanyang mga mata.
"Look. I'm not using you. Na-trap lang ako. Don't worry, this won't take long. I'll tell them the truth once I find the solution to my problems. Okay?" Tikom lang ang kanyang bibig. "And I'm sorry for the kiss."
"'Di mo na maibabalik pa ang halik na ninakaw mo," cold nitong sabi.
"You're my first kiss kaya huwag mong solohin ang problema." I chuckled. Hinawakan ko na ang manebela at nagpatuloy sa pagda-drive.
***
Third person's POV
LIHIM na nagmamasid ang isang lalaki sa gusali ng CCS sa University of Vineyard nang maramdaman niya ang vibration mula sa breast pocket nito. Isa pala 'yong tawag mula sa kinatatakutang boss ng Black Bullets. Pero para sa kanya, isa lamang itong ordinaryong tao.
Pinindot ng lalaki ang answer button sa kanyang telepono at sinagot ang tawag.
"What?" pagalit na tanong nito sa kausap niya. Natural lang ang reaksyon niyang iyon.
"Have you found the target?"
"Not yet, masyadong mailap ang taong 'yon. Sa liit ng information na nakuha ko, mahihirapan akong kumpirmahin kung saan siya itinago ng mga taong nagligtas sa kanya," gigil nitong tugon.
"Bilis-bilisan mo't baka ikaw na ang ipatumba ko. Wala akong pakialam kahit ikaw pa ang anak ng maimpluwensyang drug lord sa abroad. Nga pala, tapusin mo na rin siya," dagdag pa nito bagay na ipagtaka ng misteryosong lalaki.
Tumingin siya sa kaliwa at sa kanan—sinisiguro niyang walang makakarinig na kausap niya sa telepono ang leader ng napakalaking sindikato.
"Who?"
"That traitor. Pumalpak sina Velvet at Ross kaya eliminated na sila. I assigned them to kill that ho pero hinayaan nila itong makatakas."
Mukhang alam na niya kung sino ang tinutukoy nito. Napangiti siya habang iniisip ang hitsura ng taong nais ipapatay ng kanyang boss. "Yes. I'll definitely kill them both."
"Don't disappoint me, Rei."