Chapter 3: New talk of the campus
Xavier Okiya's POV
ISANG beses lang akong nakatulog nang maayos at heto, puyat na naman ako. Bilang teacher, hindi ko maiiwasang magpuyat sa pagpe-prepare ng lessons na ituturo ko for the next day. But it's not the reason why I only have five hours of sleep.
Unang-una diyan ay 'yong aircon sa kuwarto ko--nasira kaya sa salas ang bagsak ko. Pangalawa, nahirapan akong i-retrieve 'yong PowerPoint presentation na ginawa ko two days ago. May estudyante akong nanghingi ng kopya at hindi ko alam kung bakit biglang nawala sa flashdrive. It was my mistake that I didn't provide a backup.
Na-cut yata. Iyon pa naman ang pinaka-importanteng file na nakasalpak sa flashdrive ko - hindi lang 'yon, nilagyan pa ng virus. The fuck. It's too late for me to realize that I opened the drive.
Laking pasasalamat ko na nasa modern era na tayo kung saan hindi na mahirap ang communication. Nag-chat ako sa Messenger at nakiusap na i-attach niya ang file as soon as possible. Habang naghihintay ng reply, kinulit naman ako ni Therese.
Therese Sumiko
Active Now
You wouldn't believe this. Madadagdagan tayo ng teacher from Las Vegas! I talked to him in person, he's so cool! A Master teacher from US what can you say?
Tss.
Xavier Okiya
To: Therese Sumiko
What's impressing? Eh pareho lang naman kaming galing ng ibang bansa.
Therese is typing...
At habang nagta-type siya, nag-pop up naman ang isa pang message, coming from my very good student na suspek sa muntikang pagka-virus ng laptop ko. Jusko po, utang na loob. Maliban sa lesson plans at grades ng mga estudyante ko, maraming important files ang nakalagay doon.
I got the file and this time, I will make sure na may backup na ako nito.
Tumunog ang notification bell ng Messenger, dahilan upang i-check ko ang message ni Therese.
Therese Sumiko
'Yon na nga. Pero mas cool siya sa 'yo! He plays guitar at pinagmamalaki niya na masarap siyang magtimpla ng kape ala Starbucks! O ha, kaya mo 'yon?
This woman should be friends with Cherlyn - iba mag-isip.
Xavier Okiya
To: Therese Sumiko
You're comparing me to a coffee maker? Jeez! Alam mong higit pa sa meron siya ang specifications ko bilang tao. Unlike him, hindi ko kailangang matutong gumawa ng kape at kumuha ng master's degree para lang matawag na cool. I prefer to describe myself as a guy who's hot to touch.
Therese Sumiko
Ah, basta. Pumasok ka bukas nang maaga. You'll see kung sino sa inyong dalawa ang da best. Don't forget to bring Sherry. Irereto ko siya kay Mr. Cool. She don't deserve to be with a harmful man made of disguise.
Hindi ko alam kung maiinis ba ako sa teacher na sinasabi niya o sa fact na iba-bargain niya si Sherry sa coffee blender na 'yon. Gano'n ba ako ka-hopeless? Baka sa mga susunod na araw, iba na naman ang laman ng campus dahil sa pagdating ng bagong professor.
***
DUMATING na ang araw na 'di naman sa kinatatakutan ko. It's just that I'm wary of this coffee guy from Las Vegas. It keeps on bugging me since yesterday. I don't know. I'm sensing something bad about him.
Wala sana akong balak na isama si Sherry, kaso nagpumilit naman si Cherlyn na sumama. Alangan namang iwan ko si Sherry sa bahay nang mag-isa kaya napilitan akong bitbitin 'yong dalawa.
Habang tinatahak namin ang daan patungong faculty room, panay ang bulungan ng mga estudyante sa hallway ng building na nilalakaran naming tatlo. If I'm not mistaken, they were referring to that American coffee idiot who just arrived a while ago. Nakakapanibago ring hindi na ako ang center of attraction ng University of Vineyard. Iilan na lang ang nakikita kong naglalaway 'pag dumadaan ako.
I hate to say na 'yong bagay na kinaiinisan ko noon, nami-miss ko na ngayon.
"Nag-resign na si Sir Haneda kaya puwede mong gamitin ang table niya since magkatabi lang ang mesa namin," sabi ko kay Cherlyn nang malapit na kami sa faculty room.
"Yes, Sir!" masiglang sagot ni Cherlyn.
Huminto ang mga paa ko sa bungad ng pinto at pinihit ang doorknob. Pumikit ako at dahan-dahan 'yong binuksan. At pagdilat ko, nagulat ako sa aking naabutan.
What the hell is going on?
Isang 'di pamilyar na lalaki ang nakaupo sa table ko. Nasorpresa ako nang makitang wala na doon ang mga gamit ko. Where are my things for pete's sake?!
"Anong ibig sabihin nito?" naguguluhan kong tanong sa kanilang lahat. I look for Therese and I found her fixing the other table beside me. It was Mr. Haneda's table.
"Pasensya na, Pare. Nakiusap kasi sa 'min si Sir Natividad na ilipat ang mga gamit mo sa table ni Sir Haneda," paliwanag ni Sir Araide.
"For what?" seryoso kong tanong. "Puwede naman niyang gamitin ang table ni Sir Haneda. Nananahimik ang mga gamit ko tas pagdidiskitahan niyo 'yang mesa ko."
"Dude, ano kasi--"
"It's okay, Sir Araide. You don't have to explain," rinig kong sabi ng lalaki na ngayon ay prenting nakaupo sa table ko. Tumayo ito at nilapan ako. "Sorry to tell you this, bro, but I really like your spot. It's perfect for me. If you don't mind, let me use your table until I get satisfied." Ngumiti ito na tila nang-aasar pa.
Kaya pala masama ang kutob ko sa lalaking 'to, may katarantaduhan palang itinatago.
There are no traces of anger left on my face though deep inside, gusto ko nang iitsa ang lalaking 'to palabas ng campus. I remained calm as much as possible. Huwag lang niya sasagarin ang pasensya ko't baka makalimutan ko kung ano ako sa eskwelahang ito.
"Paano kung ayoko?" paghamon ko.
Lalong lumapad ang ngiti ng lalaki. "Is that how you welcome the new faculty member? I was expecting na madaling pakisamahan ang mga teachers sa department niyo. Mukhang nagkamali ako."
"Xavier, hayaan mo na siya," pabulong na wika ni Sherry. Nakahawak siya sa braso ko at 'di ko maipaliwanag ang enerhiyang sumanib sa katawan ko. She gave me enough strength to kick his ass off this building.
Ginantihan ko ng nakakalokong ngiti ang lalaking tinawag ni Sir Araide na si Mr. Natividad. "Expectation versus reality. Marami nang na-scam niyan. Mag-ingat ka."
Umiinit na ang tensyon sa pagitan namin ng nagha-hari-hairang prof from Vegas but I don't give a shit.
He grinned. "Just as I expected from a self-proclaimed heartthrob professor. But let me tell you this. Sometimes, reality loses over expectation. May mga taong biglang mawawala sa 'yo nang hindi mo inaasahan and that is reality."
"What do you mean?" Nakakunot-noo kong tanong. Huwag niyang sabihing...
"Hindi lang table mo ang gusto kong kunin sa iyo, Sir Okiya. I'd like to meet your girlfriend and steal her from you as well."
Bastard!
Naikuyom ko ang kamao ko nang wala sa oras. That was the time when Sherry tried to stop us. Pumagitna siya sa aming dalawa. Tahimik ang faculty room during that time. Walang umiimik. Walang gumagalaw malibang sa 'ming tatlo.
"Tumigil nga kayo! Daig niyo pa mga bata! Bakit 'di kayo huminahon? Hindi niyo ba kayang daanin 'to sa maayos na usapan? Hihintayin niyo pa bang may masaktan sa inyo? Umayos nga kayo!" ani Sherry.
"Oh, you must be his girlfriend." Lumapit siya nang kaunti kay Sherry. Inilahad niya ang madumi niyang kamay sa babaeng kung magsalita ay akala mo walang amnesia. "I'm Bradley Natividad, but you can call me Brad. Nice to meet you."
I didn't waste time. Bago pa siya makipag-shake hands kay Sherry ay mabilis kong hinarang ang kamay ko sa pagitan nina Sherry at ng banyagang hambog. Narinig ko ang pagsinghap ni Sherry. Halatang nagulat siya sa ginawa kong 'yon.
"Don't touch her," matigas kong sabi. "Wala kang karapatang hawakan ni dulo ng daliri niya." Minulat ko ang isa kong mata, matalim na tingin ang itinapon ko sa kanya. "The only person in this world who's allowed to touch my girlfriend is me."

Kung patahimikan ang pag-uusapan, marahil kabilang na ang faculty room namin sa Guinness Book of World Records as the most quiet place in the world. Their faces... Hindi ko isa-isang tinignan ang mga mukha nila pero alam kong unti-unti silang pinapatay ng makamandag kong tingin. Ito ang unang beses na ginawa ko ito at 'di ko inakala na marami ang makakasaksi.
Walang gustong umawat sa 'min aside from Sherry, at sa lahat ng naririto, isang tao ang matapang na nakipagsukatan ng tingin sa akin - that jerk.
"You started to sound like my brother. He was so gentle pero napaka-overprotected niya pagdating sa mga taong mahal niya."
"Unlike your brother, there's a rough edge on my body that serves as a primary weapon against someone whose brain is made of nothing, nuisance." Muli kong isinara ang kaliwa kong mata na sa tantiya ko'y mga isang minuto ring nakabukas.
"X-Xavier..." anas ni Sherry, daig niya pa ang na-semento ng buhay dahil sa nasaksihang eksena.
I put my hand on his shoulder as I turned back into my usual self. "I suggest you ask Sir Araide to tour you around so that you know how to act like we do."
Nawalan ng kibo ang lalaki kaya naman sinamantala ko na ang oras na soplahin ang loko. Inilapit ko ang aking bibig sa kanyang tainga. "Be on your best behavior, Mr. Bradley Natividad. The next time you see those green eyes, it'll be your end," I whispered.
I started to remove his things on top of my table and transfer them on the table next to me. Halos mabingi ako dahil tanging ugong lang ng aircon ang naririnig ko. The show is over but they were like ice cubes - no one wants to move, as if they're gonna lose their lives.
Nang matagumpay kong mailipat ang gamit ni Mr. Natividad sa mesa ni Sir Haneda ay nagpasiya akong umupo sa sarili kong pwesto. "One more thing, nagawa mong tanggalin ang lahat ng gamit ko sa mesa ko, but you didn't even notice my name on it. How convenient."
Xavier Okiya
Pinipigilan ni Therese ang humagalpak ng tawa nang mabasa ang pangalan ko sa mesang pinakialaman ni Mr. Natividad. Ang lakas ng loob angkinin ang table ko, hindi man lang tinanggal 'yong pangalan.
***
SA KASAMAANG palad ay nauwi kami sa Chairperson's office pagkatapos naming magpalitan ng maaanghang na salita. Huling-huli kami sa akto ng department head. Nakasilip siya sa glass frame ng pinto and he was watching there the whole time.
Naging maayos din ang lahat at mabuti na lang ay hindi na umabot pa kung saan ang usapan. But I know hindi doon natatapos ang iringan namin ng lalaking 'yon. Once he put fire, the flame will just grow higher at hindi 'yon maaapula ng isang truck ng bumbero.
I think it would be best for Sherry to leave this place. Hindi ako natatakot kay Bradley, kundi sa puwede nitong gawin sa kanya. Bagama't isa lamang pagpapanggap ang namamagitan sa amin ni Sherry, nag-aalala pa rin ako na baka saktan siya nito.
By the way, who is that guy? I never met him before. Ano bang motibo niya't ginagago niya ako? Ako ba talaga ang punterya niya o si Sherry? He wants to get her, remember?
Teka, posible kayang may koneksyon si Bradley sa nakaaraan ni Sherry? Damn it, sino ba siya sa buhay nito?
Nakasalampak ako sa mesa ko na kanina lang ay inagaw sa 'kin ni Bradley. Lumabas lang ang gago sandali at pinapatawag daw siya ng Dean kaya medyo kalmado ako 'di gaya kanina. Sina Sherry at Cherlyn, masayang nagme-meryenda sa canteen.
Hindi muna ako nagklase sa lahat ng blocks na hinawakan ko ngayong araw dahil na rin sa inis ko. Inutusan ko ang representatives ng bawat block na pumunta ngayon sa opisina at kunin ang questionnaires sa take home quiz na ibibigay ko.
Thirty minutes na ang nakalipas, dalawa palang ang pumupunta sa aking estudyante. I feel sleepy so I rested my head on my hands on the table. Bago ako pumikit, napukaw ang atensyon ko sa maliit na papel na nakakalat sa sahig malapit sa table ni Therese na nasa unahan ko. Mukhang kalat kung titignan mo sa malayo pero nang damputin ko ito ay nagkaroon ako ng interes na tignan kung anong nakasulat doon.
It's a special paper na kasing laki ng 1/4 sheet of yellow paper. Nakatupi ito sa apat at may malaking ekis sa ibabaw nito. Hindi sana ako mati-trigger na buklatin ang papel kung 'di dahil doon.
Kumirot ang ulo ko sa nabasa ko. My head feels like it's splitting! It is written in some kind of code.
If I recall what happened earlier, Sherry was standing on the exact place where the paper was found. Could this be belong to her? Kung tatanungin ko naman siya, tiyak wala siyang maisasagot. Or maybe someone just playing detective games. Students nowadays.
Anyway, I'll keep this just in case. There's a right place and time to crack the code.
***
IT'S BEEN a week since the so-called talk of the campus barged into our lives. Isang linggo na ring hindi nakikita nina Therese at Sir Araide si Sherry at sa nakalipas na pitong araw, wala siyang sinasanto dahil bugbog-sarado ako sa mga pang-aasar ng Bradley na 'yon. May kasama pang pambabanta.
He's getting into my nerves. Mukhang nakalimutan na niya ang araw na tinakot ko siya sa maaari kong gawin sa kanya. Habang tumatagal, lalong humahaba ang sungay ng tarantado. May pagkakataon pa ngang sinadya niya akong tapunan ng dala-dala niyang spaghetti sa gitna ng hallway. Tuwang-tuwa siyang panoorin ang expression ko na halos hilingin kong bumuka ang lupa at lamunin ako nang mga oras na iyon.
"My apologies but I need to attend an emergency meeting. For your assignment, create a C# program to generate Fibonacci triangle. For more questions, send me a message to our gc. Class dismissed."
Pagkasabi ko n'on ay naglabasan din ang mga estudyante. I supposed to attend one more class after this, but Therese gave me a ring to inform me na merong urgent meeting ang mga faculty members ng iba't ibang college and departments. A general meeting to be exact. Ang alam ko next week pa 'yon pero bakit naurong ngayong araw?
Mga sampung minuto kong nilakad ang pagkalayo-layong Performing Arts Room kung saan ang venue ng meeting. Marami nang teachers ang nasa loob and the chairs are divided into thirteen. Sama-sama sa iisang group ang lahat ng teachers ng bawat colleges kaya madali kong nahanap sina Therese at ang professor na walang ibang inatupag kundi mag-ML sa halip na magturo - si Sir Araide.
"Hey there," bati ni Therese. "Come on, take the load off." Marahan niyang tinapik ang bakanteng upuan sa tabi niya. Bago ako maupo ay sinaway ko si Araide na 'di mapuknat sa kaka-cellphone. Judging by the situation, I could say he's playing Mobile Legends for a hundred time.
"Quit playing games, Liam. Do you really wanna kick from this school or what?" sermon ko sabay inagaw ko mula sa kanya ang cellphone niya.
"Hoy, akin na 'yan!" Pilit nitong inaabot ang telepono though it's too late because I already place it in my pocket.
"No. In every wrong move, there is always a consequence. Those who caught playing video games inside the campus will be deducted by 20% of monthly salary, plus no 13th month bonus. Gano'n din kapag nasa general meeting. Pasalamat ka't may kaibigan kang konsintidor. Baka sa labas ka na ng school pulutin pag nagkataon," I threatened. Ewan ko sa lalaking 'to kung naaalarma siya sa bagong policy ng school para sa mga teachers.
Marami kasing guro ang nahuhumaling sa mobile games kaya instead na magturo, kung anu-anong assignment na walang kabuluhan ang binibigay nila sa estudyante, kagaya nga ng isang 'to. That's why the university president implemented this rule. Iilan na rin ang na-sampolan nito.
"Oo na, Brad, talo na 'ko, panalo ka na. Basta ibalik mo na 'yong phone ko - tapos ang usapan," hiling ni Liam na pinagbigyan ko rin sa huli. Nanahimik na kami at makaraan ang limang minuto ay nagsalita na ang isa sa mga guro na naka-assign sa opening. Nagsimula rin ang talakayan tungkol sa upcoming teacher's day.
Nakapukol ang buong atensyon ko sa harap, pero agad ding nabulabog ang pananahimik ko nang maramdaman ko ang vibration ng cellphone ko. Dinukot ko ang phone sa bulsa at chineck kung sino ang tumatawag - an unknown number. Who could this be?
To end my curiosity, I choose to answer the call. Luckily, I have my earpiece on so I don't bother if someone caught me talking over the phone.
"Hey, Mr. Okiya, or better I call you - hotthrob professor."
Rinig na rinig ko ang boses ng caller at hindi ako puwedeng magkamali. The voice came from behind and I know who it is. Why is he calling, by the way?
"Oh, it's you - the imported product from Las Vegas. Mr. Coffee maker, am I right? Nabanggit sa 'kin ni Therese na specialty mo ang kape. I wonder kung magaling ka ring mang-agaw ng babaeng pag-aari na ng iba," mahinang sabi ko pero ando'n 'yong diin.
"Huwag mong ipagdamot ang hindi sa 'yo. One of these days, baka magulat ka na lang na 'yong taong mahal mo, kinamumuhian ka na dahil makasarili ka," Bradley teased. Paniguradong naka-smirk ang gago habang sinasabi niya 'yon.
He was talking about Sherry. I knew it. Bakit ba sa lahat ng pagkakataon, palaging ume-epal ang Bradley'ng ito? Isang maling galaw ko lang, puwede akong patalsikin sa trabaho. Nananadya ba 'to o ano? Gusto ba niya akong mawala nang tuluyan sa landas nila ni Sherry?
"At huwag kang maghabol sa taong wala namang pakialam sa 'yo. Hindi bangko si Sherry na kapag diniposituhan mo ng kalandian, may interes kang makukuha. She can't afford by any bank in this world coz she's priceless. Iyan ang isaksak mo sa kukote mong walang laman," binanatan ko siya nang matindi-tindi. Sana ma-realize niya kung gaano siya katanga sa ginagawa niya.
"Hindi na kita papatulan, bro, but I have few words for you: you can't keep her forever. Kahit saan mo pa isiksik si Sherry, mahahanap ko rin siya dahil kusa siyang lalabas sa lunggang pinagtataguan niya. I can't wait to see her again, and I will take advantage of that moment to get her without you even realizing."
"Really?" I laughed evilly. "Aasahan ko 'yan. Ang ayoko sa lahat 'yong puro drawing lang. Just don't blab it, prove it."
I ended the call with a mischievous smile on my face. Make sure you won't let your guard down, Bradley Natividad. You don't know who you're messing with.
Codename? The Iron wall of 91W.