Chapter 5
THE MELODY IN YOUR EYES
UNIVERSITY OF VINEYARD CAMPUS
Xavier Okiya's POV
I'VE BEEN looking for Sherry but I can't find her everywhere. Only one couple of singers left and it's our turn to heat up the stage. Parang gusto ko nang umatras at ipagpatuloy ang paghahanap ko kay Sherry. I can't believe this is happening, dalawang beses siyang nawala ngayong araw! Where is she?
The last time we see each other is before she went to the comfort room. Binigay ko sa kanya 'yong damit na dapat ay isusuot ni Therese sa intermission number namin. Nag-text siya kalaunan na sasama siya kay Cherlyn na bumili ng pagkain sa College of Business. Ang kaso, wala naman sila roon nang pumunta ako.
Sa halip, naabutan ko si Cherlyn malapit sa library at nagpapa-autograph sa isang model na nag-aaral dito. She told me that she never been hanging out with Sherry for the past few minutes. Not to mention, that stupid punk is not here as well. Huwag ko lang talaga malamang binitbit siya ni Bradley kung saan, ibibitin ko nang patiwarik ang gagong 'yon sa harap ng maraming tao!
Hindi ako mapakali, hangga't wala rito si Sherry, walang assurance na ligtas ang kalagayan niya. I need to find her.
I tapped Liam's shoulder before I've decided to turn back and run away. As I expected, he tried to stop me from leaving Performing Arts Room.
"Saan ka na naman pupunta, dude? Malapit nang matapos 'yong performers na nauna sa 'yo! You can't just leave at a time like this!"
"Idiot! What's the point of staying here if my partner is not around? I'm gonna find Sherry--"
"What a wonderful performance! Thank you, Sir Arnold Rueda and Ma'am Desiree Fugencio of College of Culinary and Tourism. Now, let's give a round of applause to the next performer from the College of Computer Studies - Mr. Xavier Okiya with Miss Sherry!"
My heart stops beating for about eight seconds as I heard our names. This is bad. What am I gonna do now? Liam is right, wala nang oras para umalis ng PAR. How can I explain na nawawala 'yong kasama ko? Siguradong mapapahiya ako sa kanilang lahat!
The background music began to play. Damn it, paano na 'to? I have no time to explain and my only hope now is for Sherry to come out. But how could that be? Dumagundong ang kaba sa dibdib ko nang itulak ako ng isa sa mga co-teachers ko at natagpuan ko na lang ang sarili kong nakatayo sa stage.
Kabila't kanan ang mga nagche-cheer, maski mga estudyanteng nananahimik kanina sa sulok ay napatakbo malapit sa entablado. If this is one of Bradley's scheme to embarrass me, I'll bring him here and give him a hand to hand combat!
Sa mga oras na ito, isang paraan lang nag naiisip ko. I have to run and save my ass. But before I take a step down the stage, I saw a figure of a woman in red dress coming up. She looks dazzling but something's off. She's panting and dripped in sweat like she ran a few miles away from where she was.
"Sherry..." nawala ang kunot ng noo ko at napalitan iyon ng tuwa. She's here!
I saw her coming closer to me. Pinilit niyang ngumiti sa kabila ng pagod na nararamdaman niya. Siya pa mismo ang naglahad ng kamay at kinuha ko naman iyon. Saktong-sakto ang pagdating niya dahil bago pa kumanta ang singer ay magkahawak na ang mga kamay namin.
I love it when you call me señorita
I wish I could pretend I didn't need ya
But every touch is ooh-la-la-la
It's true, la-la-la
Ooh, I should be runnin'
Ooh, you keep me coming for ya
"I'm so surprised, marunong ka palang sumayaw," I said in a low voice.
"A-ah... Y-yeah."
Yes, nagagawa niyang sabayan ang steps kahit hindi kami nag-practice. May bumubulong sa isip ko na baka isa siyang dance instructor o isang sikat na performer sa ibang bansa. Ngayon ko lang natitigan ang mukha niya nang ganito and she's so beautiful.
My heart was jumping to its highest while looking in this creature of heaven. That eyebrows, her brown eyes, and those pair of kissable lips that made me crazy for about ten seconds way back when Liam asked me to prove our relationship. I'd like to claim her lips again for the second time.
Kusang sumabay ang katawan ko sa magandang tugtugin na kahit siya ay sumusunod na rin sa steps ko. Twist, turns, curves. Ah, nakaka-enjoy siyang kasama sa stage. As the song ends, we looked each other in the eye. I was about to kiss her but she just opened her mouth.
"Pasensiya na kung nagtagal ako sa CR, sumama kasi ang pakiramdam ko, eh," Sherry explained to me. Ah. That's how it is.
Halos nalibot ko na ang buong campus but I never attempt to enter the female's restroom. Kaya pala hindi ko siya mahanap kanina. That's why she's panting.
"Just forget about it. Abswelto ka na because you made my day special--no, extraordinary."
"Happy teacher's day," ani Sherry na lalo kong ikinatuwa. The next thing I knew, the whole Performing Arts Room exploded with applauses.
***
NAGKAYAYAAN kaming apat nina Araide, Cherlyn at Sherry sa food bazaar ng College of Culinary and Tourism (CCT) bago kami dumiretso sa gym for the art exhibit. Maganda ang mood ko ngayon dahil pansamantalang nalagay sa tahimik ang buhay namin. You're right, hindi kami binulabog ng pesteng gustong sumulot kay Sherry. Andoon siya sa College of CS building, tinutulungan 'yong mga IT students na magtayo ng tent para sa mini cafe na ila-launch nila today.
Isa rin sa dahilan kung bakit ako masaya ay dahil hindi ako binigo ni Sherry. Pinaramdam niya sa akin kung paano lumigaya ang isang lalaki sa piling ng babae. Bawing-bawi na 'yong pagka-badtrip ko kina Kuya at Bradley.
Sa unang tingin, hindi mo iisiping gym itong pinuntahan namin. Umuulan ng dekorasyon ang buong gymnasium sa dami ng makukulay na telang nakasabit sa kisame, mga lobong hugis puso, at sa gitna ay may malalaking letrang bumubuo sa tatlong salita - happy teacher's day.
Siyempre, hindi mawawala ang main highlights ng program - ang exhibit kung saan makikita ang iba't ibang klaseng artwork ng mga teachers ng University of Vineyard - to tell you frankly - historical artwork namin during our childhood days.
Obligado kaming mag-share ng kahit photocopy ng original work para ilagay rito. Bukod sa paintings and such other things na matatawag na art, we also have our picture slideshow. It shows some of our photos from infant to adult. Talagang required kaming ipahalandakan pati paggapang namin noong sanggol pa. Hindi ko na sinama 'yong pictures ko sa ospital, masyadong traumatic, eh.
"Wow! Ang gaganda ng paintings nong iba, oh!" ani Cherlyn na nasisiyahan sa paglilibot.
Inakbayan ako ni Liam at naglakad sa east-west direction. Dito nagsama-sama ang exhibition ng College of Computer Studies. Sa gitna namin ni Araide ay ang presentation of art ni Therese na sa kasamaang palad ay hindi nakarating. Sayang, mas masaya sana kung kasama namin siya rito. Sa murang edad ni Therese, nagawa niyang i-paint ang Eiffel Tower, kaso halatang nadumihan na at binalot lang sa plastic cover para hindi lalong dumumi.
On the other hand, pinamalas ni Araide ang kakaibang talento niya sa pagguhit. Dinrawing niya lang naman ang sarili sa 1/4 illustration board hawak ang isang toy gun at sa right side, may nakasulat na tatlong letra - CIA.
Huhulaan ko, bagsak 'to sa Arts noong elementary. Nakakahiya.
"Akalain mo 'yon, Liam. Pinangarap mo palang maging secret agent?" kantyaw ko kay Araide na halos harangin niya 'yong drawing huwag lang makita ng iba ang kahihiyang ginawa niya.
Ang labo nito, eh. Siya mismo ang naglagay niyan sa exhibit tapos aartehan kami nang ganyan.
"Sssh! Oo na! Ang sagwa ko nang mag-drawing! Masisisi mo ba ako eh, grade 3 lang ako nung dinrawing ko 'to!" What's with his face? Parang sinampal ng dalawang plantsa sa magkabilang pisngi.
"Teka, namumula ka?" Silence means yes. "Hiyang-hiya ka, 'no?" Hindi ko mapigilang matawa nang husto. Grabeng lalaki 'to! "Ayaw mo palang pagtawanan ka. Eh 'di sana, pumili ka ng work of art na katanggap-tanggap!"
"Wow, pare! Kamusta naman 'yong sa 'yo?" Galit niyang itinuro ang exhibition ko ngunit agad ding naglaho ang inis sa mukha niya nang masilayan nitong mabuti ang mga nakalgay doon. "H-Hoy, hoy, 'di nga? Ikaw 'to?"
"Ang cute mo naman." Hindi ako puwedeng magkamali ng dinig. I heard it from Sherry's mouth. Ang cute ko raw!
"Ang pogi mo noong elementary, grabe! Artistahin, pang hollywood childstar ang datingan ni Koya!" si Cherlyn talaga.
"Hmmm..." I turned to Sherry, she's holding her elbow na tila nag-iisip nang malalim.
"What's wrong?" I asked.
"Your eyes... They're wide open. Now that I've see this picture, may isang bagay akong hindi maintindihan. Bakit..." she answered while staring at my picture. Ilang sandali lang ay sumaling siya habang naniningkit ang mga mata. "Ba't lagi kang nakapikit? 'Yong totoo, may nakikita ka ba?"
Napapa-poker face kaming tatlo. "Huh?"
"Ah, e-eh, you see, half-Japanese ako, so medyo singkit ang mga mata ko. Those are my childhood pictures. M-My parents forced me to open them as wide as possible."
Huwag naman sana akong multihin nina Mom and Dad dahil sa pagsisinungaling ko.
"Hindi mo sinagot ang tanong ko."
"Y-Yes, of course, I can see everything!"
"Gano'n ba?" Mukhang kumbinsido na siya. Binalik niya ang atensyon sa pagsa-sightseeing. Hinawakan niya ang nag-iisang drawing na pinili ko for exhibition. Nagulat siya at agad napatingin sa akin. "B-bakit magkamukha kami?"
Napako ang mga mata namin sa sketch ng isang batang babae. A cute little girl holding a piece of cookie. She looks exactly like Sherry. Actually, I draw this when I was in fifth grade. I have no single clue who is this girl and I didn't think that she might exist. Ang alam ko lang no'n, habang ginuguhit ko ito, malakas ang tibok ng puso ko and I have a weird feeling inside me - a tickling sensation as I'm doing her facial sketch, dreaming that someday, I'll be marrying a girl as cute as her.

And that girl is standing in front of us. The accident in Baker Avenue is not a coincidence at paraan yata ito ng tadhana para paglapitin kami.
"Isa lang ang ibig sabihin nito," Cherlyn said as she suddenly put her arms on our shoulders. "May lahing stalker si Xavier!" Sabay kaming tumagilid ni Sherry. Ano bang pinagsasabi ng isang 'to? Imposible 'yon! I haven't met her before!
"What?"
"Malay ba natin kung nagkita na kayo noon tapos inii-stalk-stalk mo siya. Tas noong di na nagpakita, na-miss mo siya kaya mo dinrawing!"
Pigilan niyo 'ko, hangga't maaari ayokong pumatol sa babae.
"You're crazy," I mumbled with a weird look in my eyes. Sabay na tumawa sina Sherry at Araide kaya pati ako, nadamay din kalaunan.
Destiny, what did I do to you? Sana tinodo mo na at pinakilala mo na sa 'kin si Sherry noon pa.
Pero sabi nga nila, mas mabuti pang masurpresa sa regalong ipinagkaloob sa 'yo sa taktang panahon kaysa ibigay nga sa 'yo nang mas maaga pero babawiin din naman.