Chereads / Embers of Ardor / Chapter 9 - Almost

Chapter 9 - Almost

"Queen to Alpha…Yes. It is I, the one and only. Take a bow, over." I joked as I walked out of the elevator and heard Donovan laugh from the other line. I walked like a supermodel in the hallway as heads turned at me.

Doon palang, marami nang media ang nakakilala sa akin kaya napilitan akong ngumiti sa camera. Alam kong ang ilan sa kanila ay nagpapanggap lang dahil nakikilala ko ang iba mula sa GA. Pagkarating sa lobby ay nakita ko agad si Asahi Nakamura na pinapaligiran ng mga bigating broadcasting networks habang nagsasalita ito kaya sinadya kong lumapit sa lugar niya.

Hinayaan ko lang ang mga media na kuhanan pa ako ng litrato habang ipinapakitang-gilas ang bagong bili kong Beaumont handbag at suot na LEFEBVRE clothing. This is also a way for me to advertise our brand!

"The funds raised from this auction will be donated to the victims of the past typhoon…" Nakamura's Japanese accent was evident with his English. Tumawa siya sa sinabi ng reporter at nagpatuloy sa pagsagot ng ibang mga tanong. Nakita ako ng iba sa kanila kaya agad silang nagtulakan para lumapit sa akin.

Oh, here we go!

"Fleur Adora Montecarlos, is it true that you're secretly married to Dan Montavius Ainsworth?" Nalaglag ang panga ko sa unang tanong nung babae.

May narinig akong tumawa mula sa kabilang linya ng suot kong earpiece pero tumikhim din agad ito. Naramdaman kong uminit ang katawan ko sa inis.

What the hell is this woman talking about?! Akala ko pa naman tatanungin nila ako tungkol sa mga magulang ko but hell, I was wrong! Mas interesado pa sila sa love life ko! To think that I rehearsed a few lines just for this and now, down it goes the trash bin! Should I rejoice?!

Calm thy self, Adora!

"We heard Mr. Ainsworth is the current director of Montecarlos Shipping Inc. after your father's death at nahuli kayong magkasama kahapon in an intimate manner! Is this true?" Hindi pa rin natigil ang mga katanungan nila habang naestatwa ako sa kinatatayuan ko. Nang marinig ito ng ibang reporter ay agad silang nagsilapitan at dumami na ang mga taong nakapalibot sa akin.

Damn it! Wala ito sa mga plano ko!

"Oh my! What have you gotten yourself into, Queen?" Sheena inquired sarcastically after laughing from the other line too. I did my best to stop myself from rolling my eyes in front of the cameras.

Queen to Dyosa… something more interesting than your life, over!

Tumikhim ako to regain my lost poise. Think!

"Let's just say, it's complicated…" I answered vaguely and winked at them as I walked out to welcome Henri Beaumont, who just arrived with his white Rolls-Royce Phantom. Napapaligiran siya ng mga body guards nang pumasok siya kaya hindi ito agad nalapitan ng mga reporter.

"Dyosa to Queen…We'll take those men out during the auction. Do your job, over."

"Queen to Dyosa… Roger that." I said like I was rehearsing a script as everyone was distracted with the new figure.

Malaki ang ngiting iginawad ni Beaumont sa media at hindi niya muna pinansin si Asahi Nakamura na abala sa pakikipag-usap sa ibang artistang naroon. Karamihan na tanong sa sikat na designer ay tungkol sa bagong handbag collection nito at pinaunlakan rin siya dahil sa kagustuhan niyang tumulong sa mga nasalanta ng bagyo. I shook my head because of it. If only these people knew.

"Oh, Monsieur Beaumont!" I waved my hand to get his attention, which I successfully did. He didn't seem surprised at my appearance, though. So totoo nga ang sinabi ni Ainsworth. Alam na ng kalaban ang dating plano.

"Mademoiselle Montecarlos! Ça fait longtemps, dis donc…" He beamed happily as he took off his fedora and gave me a kiss on both cheeks while making a kissing noise.

Cameras flashed at our actions as I saw Jacob watching at a distance. I eyed him as I understood his silent message.

"Oui, Oui… Comment allez-vous? I love your latest collection!" Nagsalita na ako ng Ingles para maintindihan ng mga nakikinig sa ear piece. I showed Henri my handbag, which made him clap excitedly pero agad din itong napalitan ng lungkot na tila ba may naalala siya.

"oh, Fleur Adora… I know you're trying your best to be happy …Your dad's in a happy place now but I just hope they find Margaux immediately!" He spoke in a French accent and I felt his sincere sadness with my situation. Ngumiti lang ako pero hindi ko maitago ang lungkot na naramdaman ko sa nangyayari.

I'm sorry, Henri… tonight, you're my enemy. You may have had a good relationship with my mother in the past but I have to do this.

Nagpatuloy ang kwentuhan namin hanggang sa mag-umpisa na ang event. Pumasok na kami sa loob ng auction hall na elegante ang pagkakaayos. Some of the beautiful art pieces were already displayed around the area at kanya-kanyang punta ang ibang tao dito para tingnan.

Kaunting media na lang ang pinayagang makapasok at nandoon sila sa ikalawang palapag, nakadungaw at inaayos ang camera para kuhanan ang mga nangyayari sa unang palapag. Humiwalay muna ako kay Henri para kunin ang baril kay Jacob. My father taught me how to use one when I was younger. Now I know why.

"It's just for your safety… but rest assured that everything's falling into place." Bulong ni Jacob nang pasimple kong kinuha ang 9mm pistol at ipinasok ito agad sa handbag ko. Aalis na sana ako nang marinig kong malutong na magmura si Jacob.

"Kuya!" A petite teenage girl wearing a violet cocktail dress called out as she went to us. Nakasimangot ito habang tinititigan ako na para bang may atraso ako sa kanya.

"Psylocke! What the hell are you doing here?!" Pagalit na bulong ni Jacob at hinigit ang braso ng kapatid niya.

"Oww—Ilang araw ka nang wala sa bahay! Andito ka lang pala sa Baguio… nakikipag-date sa isang international model!" She eyed me from head to toe kaya tinaasan ko siya ng kilay. Akala niya siguro hindi ko naintindihan ang sinasabi niya. Napatampal sa noo si Jacob na para bang ang laki ng problema nito.

Nagpatuloy pa ang patagong pagbabangayan ng dalawang magkapatid nang marinig kong mag-announce mula sa speaker na magsisimula na ang auction. Nagpaalam agad si Jacob habang kinakaladkad niya ang maingay na kapatid palayo sa lugar na iyon.

Gosh, I can't imagine having a bratty sister like her when I am one myself! Mabuti na lang at mag-isa lang ako.

I sat at the table with other celebrities and socialites who talked about show business. Karamihan ng mga kasama ko ay mga babae kaya pinag-uusapan nila ang mga sikat na bachelors sa bansa. Hindi nakatakas sa tenga ko ang pangalan ng mga Ainsworth cousins kaya napilitan akong makihalubilo sa kanila at nagulat ako sa nalaman ko.

So may link pala si Donovan sa namatay na heiress ng rival shipping company namin na nalubog sa utang? Hmm…

Damon, on the other hand, seems to be the group's favorite topic. Usap-usapan rin sa kanila ang mga babaeng namataang kasama niya sa iba't ibang bansa. Nasa hot seat pa ang isa sa mga sikat na artistang kasama namin dahil nahuli silang magkasama ni Damon sa isang international event last year.

"How is Montavius in bed, Moriesette? Malaki ba?" Makahulugang tanong nung isang socialite na hindi ko naman kilalala. Nakaramdam ako ng inis habang naririnig ko ang mga asaran nila. Yung babaeng pinag-uusapan naman, namula pa ang pisngi na parang kinikilig ng sobra at umiling nang todo. In denial pa eh halata namang nasarapan!

Hah! Typical babaero ka pala, Ainsworth! Ang taas ng tingin sa sarili porket pinagpipilahan ng magagandang babae! Ang yabang!

Sa sobrang inis ko ay inilipat ko na lang ang atensyon ko sa tabing lamesa. Naroon sina Beaumont na abala sa kanyang phone at tila seryoso siyang nagtitipa dito na parang may kagalitan.

"As you know, the proceeds for this evening will go to the victims of the typhoon in the Philippines... My wife and I were saddened with the number of casualties from this calamity… Together, ladies and gentlemen, let us help this country stand on its feet again!" The guests applauded at Nakamura's speech as camera's flashed at him again. I noticed that some of our men were already carrying out the plan of taking out Beaumont's men while I was on standby. Malamang, dapat nang kabahan si Henri dahil mawawala na ang mga body guards niya.

As champagne was served to the guests, ibinigay na ng speaker ang entablado sa Auctioneer at nakipagbiruan pa ito bago magsimula.

"First painting is one of the famous pieces of Mr. Nakamura that set him apart from other artists in the industry and won him dozens of awards!…" The auctioneer introduced as two white-gloved handlers stood behind him while holding the famous artwork, "Lolita". It was a naked woman showing raw emotions of fear, depression, and anxiety through his splendid choice of colors, while many hands in different dominating gestures were all over her body. The compelling emotions and message it sent to my system made me want to buy it so badly that I had to control myself! I never knew this Nakamura guy was THAT good.

"Starting the bid at $35,000…" As expected, maraming nag-unahan sa bidding hanggang sa umabot pa ito ng $250,000 at sa huli ay naibenta sa halagang $320,000!

Nagpatuloy ang bidding ng iba pang artworks. Kita ko sa kabilang lamesa ang pagkataranta ni Henri sa mga kilos niya nang mapansin niyang nawawala ang mga kasama niyang dumating na nanonood lang sa gilid kanina. He tried to calm himself as the lady beside him held his shoulder and mouthed 'are you okay?' to him.

"Snake to Alpha… we've successfully taken out Beaumont's men outside, over." Patago kong inayos ang earpiece ko para marinig ito nang mabuti dahil sa maingay na auction hall.

"Alpha to snake… carry on plan C without me. I have official business I have to attend to, over." Rinig ko ang ingay mula sa kalsada nang magsalita si Donovan. Sigurado akong nasa motor niya ito.

"Snake to Alpha… Roger—"

"What the hell do you mean?! Saan ka pupunta?" Galit na tanong ni Sheena mula sa kabilang linya pero hindi na sumagot ang tinatanong niya. Natanaw kong tumayo na si Henri sa pagkakaupo niya at hindi na mahagilap si Nakamura sa lugar kaya inaasahan kong ngayon na gaganapin ang transaksyon ng droga.

Nagpaalam na ako sa table ko at pasimpleng sinundan ang sikat na designer. Nagmamadali siyang dumaan sa lobby at lumiko sa hallway kung nasaan ang elevator. Nasabihan kami na sa garahe gaganapin ang transaksyon kaya pinauna ko muna itong bumaba para hindi niya ako mahalata.

"Finally! Maraming dumating na tauhan ni Rockefeller! Everybody, get ready for some action!" naalala ko ang malademonyong ngiti ni Sheena sa Final Rights nang sabihin niya ito sa earpiece.

It begins.

Nang masiguro kong walang nanonood ay papasok na sana ako sa elevator. Naestatwa ako nang makita kong may tao dito na medyo namumukhaan ko. Huli na ang lahat nang mapagtanto kong isa ito sa mga kasama ni Henri kanina dahil mabilisan niyang hinila ang palapulsuhan ko at ikinulong ang aking leeg sa kanyang braso. Tinakpan niya ang bibig ko kaya walang nakarinig sa sigaw ko habang unti-unting sumarado ang pinto.

"Dyosa-- Q—u--n… where ar--…---n st--… put---, over!" Hindi ko marinig nang mabuti ang sinasabi ni Sheena sa earpiece dahil medyo natatanggal na ito sa labis kong pagpupumiglas. I have to get out! Fuck!

Mas lalong hinigpitan ng lalaki ang pagkulong sa leeg ko dahil dito kaya hindi na ako masyadong makahinga. Damn, he's too strong!

Tumingin ako sa taas para mahanap ang cctv sa loob pero sira na ito at may balang nakasiksik dito. I suddenly remembered that I had a gun in my handbag. Dahil kita ang reflection namin sa pintuan ng elevator, I had to distract him by moving around more kahit na nasasakal na ako kaya nakaharap na kami ngayon sa side na walang salamin. I quickly grabbed my gun as fast as I can and shot his leg as he winced in pain. Akmang hihilahin niya na dapat ang buhok ko but I felt a sudden adrenaline rush in my system as I shot his face and body until I had no more bullets left. His lifeless body fell to the ground as I heard the bell ring.

Bumukas ang pintuan ng elevator. Mabigat ang paghinga ko at mabilis ang pagtibok ng puso ko nang lumabas ako dito. Wala ako sa garahe pero patuloy pa rin ang paglakad ko sa hindi pamilyar na hallway kung nasaan ang ibang units ng hotel. Tulala lang ako habang naglalakad dahil sa takot. Ngayon ko lang napansin ang pangangatog ng mga tuhod ko kaya napatigil muna ako sa tapat ng isang pintuan.

Napatili ako sa gulat nang may humila na naman sa akin sa madilim na kwartong iyon. Wala nang saysay ang baril ko dahil wala na itong bala kaya nilakasan ko ang pagpupumiglas ko ulit.

Not again!

"Let me fucking go!" I shouted on top of my lungs as I felt the person's hand around my wrist. Hindi ko alam kung saan kami pupunta dahil madilim sa loob. Dahil sa sobrang takot ko ay ramdam ko ang unti-unting pagbuo ng luha sa mga mata ko.

"Shh… it's okay…" That voice!

"D-Damon?!" His warm hand cupped my cheek as he turned the lights on. Bumuhos ang luha ko sa sobrang saya at napayakap ako sa kanya ng sobrang higpit. Tinanggap niya ito habang hinihimas ang likod ko kaya mas lalong bumuhos ang mga luha ko.

"I knew I shouldn't have let you go." Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso niya dahil sa pagkakayakap ko. He was cursing to no end but his voice calmed me instead.

"I-I thought… I thought I was going to—to die, Damon…I--" Humihikbi na ako habang tinitingnan ang mga mapupungay niyang mata na pinapanood ang pagpapanic ko ulit. Pinatahan niya ako habang hinahaplos ang buhok ko para lang pakalmahin ako ulit.

"shh… Baby, I'm here now…Don't worry."