"Mmmmmm…" Nagising ako sa alarm ng cellphone ko. Umaga na pala at tinatamad pa akong bumangon kaya nagtalukbong ako ng kumot sa katawan. Ah, smells so nice!
Wala naman akong pasok ngayon kaya okay lang at saka…
"Oh my!" I gasped as I sat up. I forgot that this is not my room! Gising na kaya si Damon? Magluto kaya ako ng breakfast? Will he like French toast? Scrambled eggs? Waffles? How does he like his coffee?
Agad akong tumayo mula sa kama at tahimik na lumabas ng kwarto. Pagkalabas palang ay sumalubong na sa pang-amoy ko ang aroma ng bacon and eggs na may halong butter na sigurado kong para sa garlic bread mula sa baba. So mas nauna pa pala siyang nagising kaysa sa akin? Hmm…
Agad akong bumalik sa kwarto at ginawa ang aking morning routine. Pagkatapos ay sinuklay ko agad ang buhok ko at naglagay ng konting liptint sa labi at pisngi.
Inayos ko ang oversized sweater ni Damon na suot ko sa harap ng salamin. Kita agad mula sa neckline ng damit na wala akong suot na bra dahil sanay naman akong matulog na ganun at wala pa ang mga gamit ko mula sa hotel maliban sa handbag na dala ko. Nang makuntento na ako sa morning look ko ay bumaba na ako at pumunta sa kusina.
Habang papunta sa kusina ay ginulo ko ang buhok ko para magmukhang kakagising lang na walang pake sa mundo. Agad ko siyang nakitang nakatalikod sa akin habang inaayos ang pagkain namin doon so I yawned to catch his attention which he gladly did! I acted sleepy as he watched me sit on the stool. Pinatong ko ang ulo ko sa countertop at pumikit saglit.
"Coffee?" He asked and I nodded lazily. Pagkatapos ng ilang minuto ay rinig ko ang tunog ng pagkababa ng tasa malapit sa ulo ko at ang mabangong amoy ng kape ay nagpadilat sa akin. Sa harap ko ay naroon ang plato na may bacon, eggs, at garlic bread. My coffee has creamer in it at nang higupin ko ito gamit ang kutsara ay medyo matamis. Not bad… but I like mine dark.
Umupo siya sa harapan ko kaya pinagmasdan ko ang kape niya. So he likes his coffee dark too, huh? Nag-umpisa na siyang kumain kaya ganoon na rin ang ginawa ko.
"Wala kang pasok ngayon, hindi ba?" He asked after he took a sip of his coffee. Nahalata ko ang pagtingin niya sa balikat ko kung saan medyo lumihis ang sweater niya kaya inayos ko ito. Tumango ako at inabot ang saging na nasa basket sa tabi namin.
"Tapos ko na rin naman ang mga projects ko so I have nothing else to do today." Binalatan ko ang saging pagkatapos kong kumain. Nakasanayan ko nang mga fruits ang dessert na kinakain ko simula noong tumira ako dito sa Pilipinas.
Tumango siya sa sinabi ko. "We'll travel after lunch. I have a business meeting in Montessori later and you have to rest for school."
"Okay…" I ate my banana absent-mindedly but Damon caught my attention when he cleared his throat. I saw his adam's apple move as he looked again at my shoulder. Napatingin ako kung saan siya tumitingin at nagulat ako ang mas lumihis pa kaysa kanina ang sweater na suot ko!
I felt my face heat in embarrassment as I hurriedly fixed my top while Damon immediately looked away and chugged his coffee like he was really thirsty.
Nabalot ng katahimikan ang lugar dahil sa nangyari. Damn it, Adora! Baka sabihin niyang inaakit mo siya. Ugh, as if!
"A-ako na ang maghuhugas ng pinggan…" Agad akong tumayo at nag-umpisa nang magligpit. Sumang-ayon siya at tinulungan na ako. Hindi ko maiwasang maamoy ang shower gel niya na may halong amoy ng kape nang kunin niya ang tasa sa tabi ko. Ah, he's too close!
Biglang tumunog ang cellphone niya kaya sinagot niya ang tawag. "Yes, Sheena…" Narinig kong sabi niya habang pinapanood ko siyang lumayo sa kusina.
I pouted as I took the sponge and squeezed dishwashing liquid on it. Laging si Sheena na lang ba ang katawagan niya?
Well, Sheena's sexy and has a nice tanned skin. However, she's a psychotic bitch! She loves seeing dead bodies and blood everywhere and the faces she make when she sees one scares the hell out of me!
But Damon is a powerful mafia boss… which means that he may be the same, but he's more tamed. If that's the case, then they perfectly match each other!
Wait… What if they ARE in a relationship?
Ramdam kong kumirot ang puso ko sa naisip ko. That's impossible! I've never heard him call her with any endearment!
He held my hand, took me to a fine dinner last night and brought me to his house…He even called me with that word back in that hotel room and that word is used as an endearment for people who are in a relationship! W-well… we're not in a relationship but…
Nanlaki ang mata ko sa naisip kong sagot.
Is that how he calls all his women?
Is he making me one of his bitches?
Is he cheating on Sheena?!
"Tsk!" Hindi ko namalayan na sinasabon ko na pala ng paulit-ulit ang platong hawak ko. Kanina pa pala ako tulala sa ginagawa ko. I didn't want to give him the impression that I don't know anything about household chores so I did it faster. Nang bumalik siya ay hindi ko na siya pinansin at agad-agad akong umakyat ng hagdan para bumalik sa kwarto at magkulong doon.
I'm not falling for you, Ainsworth. In your dreams!
Inalis ko na ang saksakan ng phone kong kakatapos lang mag-charge. Shoot! I missed a few calls from my grandma! Agad ko siyang tinawagan dahil dito.
"Adora, kagabi pa kita tinatawag! Wala ka daw sa mansyon and you didn't tell the maids and guards where you were going!" Agad na sumalubong sa akin ang nagpapanic na tono ng lola ko sa kabilang linya.
"I—"
"You're in Baguio, right? I saw your pictures with Henri Beaumont from an art auction last night on the news… I can't believe he passed away! It's horrible!"
"Grandma, … I just… wanted to take a break…" Pagsisinungaling ko. I feel bad for lying but the stakes of losing her is high if she found out about everything happening here!
"Hija… I know Axel and Margaux raised you to be independent but please, inform us next time! You got me worried when they told me you weren't home for about 2 days already!"
"I will, grandma… I'm sorry… I'll visit you on our school break." Iyon na lang ang sinabi ko bilang pambawi. I threw myself on the bed and played with the sheets. I heard her sigh from the other line.
"I know you want to spend time with your boyfriend, Adora… That's nice since he keeps you company—"
"WHAT?! I-I don't have a boyfriend, grandma!" Napa-upo ako sa gulat at tinapon ang maliit na unan sa tabi ko dahil sa inis.
"You don't have to lie to me, Adora. I know when you're lying and when you're not. It's okay, you're almost 20… I heard that you confirmed your relationship with an Ainsworth. That's good—"
"We're just friends! You know the media twists the truth!" agap ko pero ramdam kong nanikip ang dibdib ko dahil sa sinabi ko. Humiga ulit ako habang sinisipa-sipa ang ere at tinatakpan ang mukha ko gamit ang kumot.
Right! We're just friends. F-R-I-E-N-D-S!
Ugh! I hate this so much!
I heard her laugh. "As you say so, hija… It's complicated, huh?" Inulit niya ang response ko sa media at ramdam ko ang pag-init ng mukha ko.
"Stop teasing me!" I groaned.
Dumating na ang maliit kong luggage kaya sinadya kong bagalan ang pagligo ko. I wore a black sweetheart tube top and high waist ripped jeans paired with block heels. Simple lang ang make-up look ko kumpara kagabi. Nilugay ko lang ang mahaba kong buhok at nagsuot na ng pearl earrings.
Saka lang ako bumaba noong alas dose na. I walked down the stairs with grace and I met his gaze. Sinarado niya agad ang laptop na gamit niya at kinuha ang mga gamit ko. I watched him with a blank expression as we went to his garage.
This time, isang Aston Martin naman ang pinatunog niya. Bago pa niya ako pagbuksan, inunahan ko na siya at agad akong nag-ayos ng seatbelt nang maka-upo ako. Medyo napalakas nang kaunti pag pagsara ko sa pinto. Maging ako ay nagulat sa ginawa ko.
Kumunot ang noo niya dahil doon. I ignored him and decided to scroll on my newsfeed while he walked to the trunk of his car. Maraming nag-share ng post tungkol sa nangyari kay Henri. Other than that, ay ang news tungkol sa amin ni Ainsworth! I clicked my tongue and turned my phone off.
Rinig kong sinara na ni Damon ang trunk at pumasok na siya sa kotse. I looked straight ahead and pretended that he wasn't there at all. Ramdam ko ang panonood niya sa akin habang pinapaandar ang kotse.
"You hungry? Kakain muna tayo sa labas bago ang byahe."
" 'kay." Tipid kong sagot at hindi pa rin siya tinitignan. Nabalot ng katahimikan ang loob ng sasakyan nang magmaneho siya. Paminsan-minsan siyang sumusulyap sa akin kaya bumaling ako sa ibang direksyon para hindi ko makita ang ginagawa niya. Humalukipkip ako at pinagmasadan ang mga gusali sa daan.
"What's with the sour mood?" Nahimigan ko ang tuwa sa tono niya. Excuse me?!
"What do you mean? I'm in a perfectly good mood." Humarap ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay.
"Nah. Your face tells me otherwise." His lips formed into an amused smile. "What's putting you off, Adora? Tell me."
UGH! Why is he like this?! 'wag kang magpatalo sa kanya, Adora. Play his mind games and beat him!
"Hmmm…." I twirled the ends of my hair at kunwaring nag-isip. "I… just miss someone… I haven't heard from Donovan for a while now. Namiss ko nang gumimik kasama siya…" This time, it was my turn to smile as I saw his hand grip harder on the steering wheel, his forearms flexing those toned muscles again. Umigting ang panga niya at nagsalubong muli ang mga kilay niya habang tumitingin nang diretso sa kalsada na parang may atraso ito sa kanya.
Hah! Hindi lang ikaw ang may karapatang magpaselos sa akin, Ainsworth!
"He's busy with his girlfriend." Seryoso niyang tugon.
"I don't mind! She can come with us while I hunt for my man!" I sounded enthusiastic while his expression grew darker.
"Men who go to clubs are not ready for commitment, Adora." He argued.
"Oh, so you're not ready for commitment?" I countered. Nagkatitigan kami ng ilang sandali at nabalot muli ng katahimikan ang sasakyan. Nauna akong nag-iwas ng tingin at kinagat ang pang-ibabang labi ko. Pinikit ko ang mga mata ko at nagkunwaring matutulog saglit.
See, he's speechless so it must be true!
I heard him sigh heavily after a while. Kumalabog ang puso ko dahil sa sakit dahil sa napagtanto ko.
You can't have a crush on him, Adora. Everything is temporary. After solving your father's case, you'll never see him again… Remember that.