Chereads / Embers of Ardor / Chapter 10 - Deny

Chapter 10 - Deny

Pinalis ni Ainsworth ang mga luha na lumandas sa mga pisngi ko pagkatapos akong patahanin. Pinaupo niya muna ako pagkatapos sa isang lounge. Mas maayos na ang pakiramdam ko ngayon pero nandoon pa rin ang takot sa puso ko kapag iiwan niya ako dito. I don't want to be left alone here after what happened!

"Adora's with me, Sheena… Yes, we're about to go down now… Make sure they dispose the bodies immediately while the guests are busy with the event…" dinig kong sabi ni Damon mula sa dining area sa katawagan niya habang pinapanood akong nilalaro ang sleeves ng coat niya na nakapatong sa likod ko.

His scent… really smells nice although I refuse to admit it.

Pagkababa niya sa tawag ay inabot niya sa akin ang isang baso ng tubig na tinanggap ko naman.

"H-how did you know I was there?" Nagdadalawang-isip kong tinanong sa kanya. I heard him sigh as I watched him unbutton the cuffs of his sleeves and folded it to his elbow, showing his forearms that flexed its muscles upon his actions.

"Your earpiece has a tracker. I watched where you were going and your location was out of the planned order… You actually dropped your earpiece in the elevator and it's a miracle that you were in this floor." He explained.

Nahiya akong tumango at nag-iwas ng tingin. Way to go, Adora! Pumalpak ka dahil sa katigasan ng ulo mo!

"I'm sorry… Naging padalos-dalos ako…and uh…" I trailed off as he went to the shoe cabinet and took out a pair of white slippers. Lumapit siya sa akin at lumuhod sa harapan ko. Naguluhan ako sa gusto niyang gawin kaya nang hahawakan niya na sana ang paa ko ay inatras ko ito.

"Namumula ang paa mo… You shouldn't be wearing things like these if it makes you uncomfortable." Nakita kong umigting ang panga niya habang mariing tinitingnan ang suot kong stilettos na para bang may atraso ang mga ito sa kanya. Napatingin ako doon dahil sa sinabi niya at totoo nga. Siguro sa labis kong pagkataranta kanina ay hindi ko na napansin ang pananakit ng mga paa ko.

"A-ako na…" Pangunguna ko at nag-umpisa nang tanggalin ang strap nung isa. "I've worn higher heels than these, Damon…Salamat nga pala…" Inangat ko ang ulo ko para tingnan siya pero nagulat ako sa lapit ng mukha namin sa isa't isa. Bigla akong napatuwid sa pagkakaupo dahil dito habang siya naman ay tumayo lang na parang walang nangyari.

Shit, why is my heart beating too fast?

At bakit parang normal lang sa kanya ang isang babae at isang lalaki na magkalapit sa isa't isa sa iisang hotel room? Ganyan rin ba siya sa Moriesette na yun o sa ibang babae niya?!

Ramdam kong uminit ang pisngi ko sa inis pero hinayaan ko lang iyon. Nang maisuot ko na ang tsinelas ay nakaramdam ako ng ginhawa. Sakto naman sa akin ang sukat nito at malambot pa sa paa. Nice!

"Nasaan nga pala si Donovan?" Tanong ko nang tumayo na akong buhat-buhat ang mga stilettos ko para malapitan siya at mapanood na nag-aayos ng baril. Natigilan siya sa ginagawa niya at nagsalubong ulit ang mga kilay niya na parang may masama sa tanong ko.

"With his girlfriend." Pansin kong may halong pagkairita ang tono niya.

"Oh..."Mas lalo pa akong lumapit sa kanya. "Since when?" dagdag ko para lang may mapag-usapan ulit. Parang madaldal ata ako ngayon?

He clicked his tongue and glared at me kaya napaatras ako sa takot. He really intimidates me when he does that!

"Sorry…" I spoke softly and pouted. Why is he so grumpy?

He sighed and closed his eyes as he hid the gun in his back pocket. "Are you attracted to him?" Diretsahan niyang tanong na nagpagulat sa akin. I mean, gwapo naman si Donovan pero… hmm…

"Well, naging crush ko siya nung freshman party last year at saka he asked me out on a date that night but I wasn't really interested." His scowl immediately changed as he heard my reply like what I said was the magic word for all evil to disappear from this shallow world.

"Good." I saw the corner of his lips curve into a satisfied smile as we walked to the door. "Men like him treat women like sex toys so be careful…" Umirap ako sa kawalan dahil sa sinabi niya.

Are you suggesting that I should also stay away from you, Damon?

Lumabas na kami ng kwarto at naunang siyang naglakad sa hallway. Napatigil ako sa kinatatayuan ko nang rumehistro sa akin ang hitsura ng lugar at ang alaala ko sa elevator na naroon. Nakaramdam ulit ako ng kaba kaya luminga-linga ako sa paligid para masigurong walang sumusunod sa amin.

"What's wrong?" Napalingon ako sa kanya na napatigil rin dahil sa ginawa ko.

"N-nothing! I was just making sure…" Sabi ko habang umiiling at ngumiti na para kumbinsihin siya pero pinanood niya lang ako.

Nagulat ako nang naglahad siya ng kamay sa akin. "I told you, I'm here now. You're safe with me…" He spoke in a comforting manner that made me feel calm again. Ilang sandali kong tiningnan ang kamay niyang nakalahad bago ko ito tinanggap.

"Your hands are cold… I'm sorry I wasn't there to protect you." I felt his warm large hand gently squeeze mine as we passed the hallway. I just hummed as a response because I was too busy denying the butterflies I felt in my stomach.

Nang makarating na kami sa garahe ay nakita ko ang mga tauhan namin na nakapalibot kay Asahi Nakamura.

Kung kanina lang ay maayos at propesyunal ang hitsura nito, ngayon naman ay hindi mo na makilala sa dami ng pasa sa mukha niya dahil sa sobrang bugbog na natamo. Nakatali ang mga kamay niya patalikod gamit ang lubid at may nakatutok na baril sa ulo niya. Masama ang tingin ng pintor sa lalaking katabi ko na parang hindi ito takot sa kanya.

Tanging tango lang ang iginawad ni Ainsworth sa mga tauhan niya at agad na gumalaw ang mga ito. One of the men strike Nakamura on the back of his head with the gun so hard, that he immediately went unconscious as his body fell to the cold pavement. Kinaladkad nila ang walang-malay na traydor patungo sa van at agad na umalis.

"Anong gagawin niyo sa kanya?" Inosente kong tanong na para bang nakalimutan ko na ang kapangyarihang taglay ni Ainsworth dahil sa posisyon niya.

"I won't tell you the details but it's just a little 'punishment.' " Makahulugan niyang sagot habang suot ang nakakalokong ngisi sa mukha niya.

"And by that you mean killing him?" I suggested bravely and I heard him chuckle. Iginiya niya na ako sa kanyang sasakyan at pinatunog ito. It was a classic black BMW i8 Roadster that stood out from the rest of the cars parked there. I stared in awe with its beautiful design before he opened the door for me.

"So, saan tayo pupunta ngayon? Are we not staying in the hotel?" Tanong ko habang inaayos ang seat belt ko at pinagmamasdan ang interior ng sasakyan. So pretty! I wonder why I didn't consider buying one of these before.

"Nah. I'm not letting you stay there after what happened to you." Giit niya habang nakasimangot na naman. Tumango na lang ako pero bigla kong naalala ang mga gamit ko."What about my things, though?"

"Someone will take it to my house." He said like it was nothing to him again. My eyes widened as numerous thoughts registered on my mind. Napahawak ako sa dibdib ko nang makaramdam ako ng kaba pero hindi ito dahil sa takot… kundi…

No, Adora! I-it's nothing like that, you perv!

Uminit na naman ang pisngi ko dahil sa mga kabaliwang naisip ko kaya pinaypayan ko ang sarili ko gamit aking kamay. Hindi ito epektibo kaya tinanggal ko na ang malaking coat niya na suot ko. Nakita ko ang tingin niyang nagtataka kaya pilit akong ngumiti.

"M-mainit…" Tumango siya at binaba ang bintana nang kaunti. Tumikhim ako habang pinagsasalikop ang buhok ko at nilagay ito sa kanang balikat ko, showing my exposed shoulders. Mula sa gilid ng mata ko ay nakita ko ang pasimple niyang panonood sa ginagawa ko pero hinayaan ko lang ito.

I just sat pretty beside him and hummed my favorite song as we passed under a flyover. While looking outside the window, I suddenly stopped when I saw the familiar Rolls-Royce of Henri Beaumont driving fast ahead of us. Maraming bumubusina sa kanya pero mukhang wala siyang pakialam sa mga ito. Nag-aalala akong tumingin kay Ainsworth dahil dito pero wala siyang reaksyon.

"Damon, that's Henri's car! Nakatakas siya!" I tapped his arm to get his attention but he just smirked again. What?

"For now, yes…" Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"What do you mean?"

"You'll see later." Aniya at nilagpasan na ang sasakyan ni Henri. Sinundan ko pa ito ng tingin hanggang sa nawala na ito sa paningin ko.

Kumain muna kami sa malapit na fine dining restaurant bago pumunta sa bahay niya. He was in such a good mood while his target is on the run out there! I don't understand!

Nang makarating kami sa masyon ay nauna na akong pumasok dahil may katawagan siya sa telepono. Agad kong nilagay ang stilettos ko sa shoe cabinet. Umupo ako nang tuwid sa kulay itim na sofa sa sala at nilagay sa aking tabi ang designer handbag ko.

Nakaramdam na naman ako ng nerbiyos nang rumehistro na naman sa utak ko ang mga kabaliwang naisip ko kanina. Walang ibang tao dito! He's alone here and he brought me to his house! Not everyone does this to just anyone…

Right! I'm sure he takes his women here too and I'm not an exception! I mean, I'm almost 20 years old but I don't have experience—

Napatakip ako ng mukha sa labis na kahihiyan. Hindi naman ito ang first time kong makapunta sa bahay ng lalaki, eh. I mean, back when we were together with Lancelot in France, madalas ako sa bahay niya. Even with my other exes and flings, but I've never felt this way! So why now?!

Kinuha ko ang remote sa lamesa at nanood sa TV to distract myself from malicious thoughts. I randomly channeled it to a TV station that was airing a cliché telenovela. Sakto namang pumasok sa loob si Damon habang hinuhubad ang relo niya. Hindi ko siya nilingon as I tried to focus on what I was watching.

"W-wha—" Nagulat ako sa sumunod na eksena sa pinapanood ko. It showed a bed scene with the main characters passionately sharing a kiss in bed while sensual music played in the background! They have no shame!

Nag-init ang katawan ko as I heard his footsteps behind me so I quickly changed the channel to a news station instead. There! Kung may bed scene pang lalabas dito, ewan ko na lang!

"Saan ako matutulog?" I asked as if nothing happened but his sly smile told me otherwise.

"You'll be sleeping in my guest room. You can borrow my clothes for a while… I placed them on the bed."

"Oh…" Napatampal ako sa bibig ko nang mapagtanto kong parang bigo ang tono ko. Mas lalong lumaki ang ngiti niya, showing his perfect white teeth as he combed his hair back coolly.

"Hmm? Why do you sound dissapoi—"

"Oh my!" Pagpapalit ko ng usapan at nagkunwaring nakinig sa balita.

However, I gasped as I saw the familiar White Rolls-Royce Phantom completely destroyed from an accident. Nakataob ito at sobrang nawasak ang harap na bahagi ng sasakyan. The news confirmed that it was Henri's car!

Dagdag pa nila, nawalan daw ito ng preno at bumunggo sa mga batuhan sa isang highway palabas ng Baguio. Wala namang ibang nasaktan sa nangyari pero agad na natagpuang patay si Henri.

I looked back at Damon whose expression changed upon hearing the news. He was now smiling darkly at his target's tragedy.

"y-you damaged his car and made it look like an accident!"