Chereads / Three Jerks, One Chic, and Me / Chapter 73 - Haley Miles Rouge

Chapter 73 - Haley Miles Rouge

Chapter 72: Haley Miles Rouge 

Reed's Point of View

Nakatayo ako sa tabi ng puno malapit sa swing. Nandito ako sa Green Park kung saan kami magkikita ni Tiffany. Nasabi niyang huwag akong magdadala ng police kahit na wala naman iyon talaga sa plano ko. 

Hinihintay ko lang na dumating siya. Mga ilang minuto pa ang nakalipas at sa wakas, nakita ko na rin si Tiffany sa hindi kalayuan. Papalapit siya sa akin habang kumakaway. Mukha siyang tanga na ang saya-saya na para bang wala lang sa kanya 'yung mga nangyayari.

Wala akong tulog nang dahil sa kanya kaya madaling kumulo ang dugo ko sa kanya na anytime, p'wede ko na siyang mapatay sa galit.

Nang makalapit siya sa akin ay hinawakan niya kaagad ang kamay ko. Hinimas-himas ang mga palad ko habang hinahayaan ko lang siya sa ginagawa niya. "Reed…" paungol na tawag niya sa akin at niyakap ako. Idinikit din niya ang mga labi niya sa leeg ko't hinalik-halikan iyon.

Huminga lang ako ng malalim at pinipigilan ang sarili. Mayamaya lang nang lumayo siya ng kaunti sa akin, tinangka niyang halikan ako sa labi nang mabilis kong inilagay ang kamay niya sa likod niya, kaya ngayon ay namimilipit siya sa sakit. 

"Where is she?" mahinahon at mahina kong tanong.

Kailangan ko s'yang dalhin sa mansion. Alam kong hahanapin din ng kapatid niyang si Shane itong si Tiffany. Kapag nagawa ko iyon, iuutos kong ilabas nila si Haley. 

"Ouch, Reed! Let go of me. It hurts," pagmamakaawa niya. Noong nagmakaawa ba si Haley, tumigil ba kayo?!

"Tell me! Where is she?!" sigaw ko sa kanya. 

May lumapit na dalawang lalaki.

"Hey dude, ano'ng ginagawa mo sa babae?" tanong ng isang lalaki sa akin.

"Let go of her," udyok pa nung kasama kaya tinaliman ko ang mga ito ng tingin.  

"Shut the f*ck off! Stay out of this because you don't know anything!"

Nagsalubong ang kilay nila at mabilis akong sinuntok sa sikmura dahilan para mabitawan ko si Tiffany at tumakbo papalayo. Sh*t.

Sinipa ako ng dalawa sa kung saan-saan. "Gag* ka, ano'ng karapatan mong saktan 'yong babae, huh?!"

Hindi ako makapagsalita kasi tuluy-tuloy sila sa kasisipa sa akin. Tumigil lang sila nang sinuntok sila ng dalawa kong kaibigan. Sinundan nila ako rito?

"Reed!" nag-aalalang tawag ni Kei sa akin at napaluhod. 

Si Jasper at Harvey ay humarap sa dalawang lalaki at pinatunog ang mga daliri.

"Ano'ng nangyari?!" tanong ni Mirriam at lumingon-lingon. "Wala pa si Tiffany?" dagdag pa niya. Inangat ko ng dahan-dahan ang kalahati kong katawan.

"N-nakatakas si Tiffany..." nanghihina kong sagot habang hawak ang tiyan. Tiningnan ko ang dalawang lalaking iyon. "Kriminal 'yong pinatakas niyo! P*tang*na n'yo!" Duro-duro ko sa dalawa habang galit na sinigaw 'yon.

"K-Kriminal?" gulat na reaksiyon ng isa sa kanila. "P-pasensya na, bro! Hindi ko ala—"

"F*ck you! Gag*! Lumayas kayo ritong mga p*tang*na n'yo!"

Dali-dali silang umalis palayo sa lugar na 'to. Buti na lang at walang tao ngayon kaya walang halos nakakita sa eksena.

Inalalayan ako ni Kei tumayo. "Nakakainis!"

Nando'n na pero naging bato pa! Ngayon, hindi ko na masasabi kung ano ang magiging kalagayan ni Haley pagkatapos nito.

Nag-ring ang phone ko na nanggaling sa bulsa kaya agad kong kinuha iyon at tiningnan kung sino ang tumawag.  Ito ang number ni Haley kaya agad kong sinagot iyon. 

"Tang*na mong hayop ka! Wala ka talagang awa. Ibalik mo siya!" bungad ko pagkasagot ko pa lang sa tawag.

Someone tsked twice. "Pagkatapos mong saktan ang anak ko, ibabalik ko pa 'tong babaeng 'to sa'yo?" Nagtaka ako kung sino 'tong kausap ko ngayon.

"Sino 'to? Bakit ikaw ang may gamit ng phone?" nagtataka kong sabi. Lalaki ang tumawag .

"Hay naku, Evans. Bakit hindi mo na lang alalahanin ang taong ipinagpalit mo sa anak ko?"

Narinig ko ang malakas na pagsigaw ni Haley kaya nanlaki ang mata ko at halos mangiyak-ngiyak dahil sa sunud-sunod na pagsigaw niya. Pinapahirapan nila 'yong babaeng matagal ko ng gustong ingatan.

Wala akong magawa kundi ang pabagsak na lumuhod habang naririnig ang masasakit na sigaw niya sa kabilang linya. Nahihirapan akong huminga, ang sikip sa dibdib.

"Reed!" malakas na tawag nila.

Huh? Nakahiga na pala ako.

Hawak-hawak ko ang dibdib ko. Nagha-hyperventilate ako. "Sh*t, Reed! Calm down!" pagpapakalma nila habang buhat ni Jasper ang balikat ko. Sinabi nila iyan nang nawalan na ako ng malay.

Please, God. Don't take her away from me…

Haley's Point of View 

Napadilat ang mga mata ko't napasigaw nang biglang sipain ng kung sino ang sikmura ko. Pagkatapos noon ay malakas niya akong sinuntok sa mukha. Tino-torture na ako ng tao rito. Hindi na kaya ng katawan ko 'yong sakit. Gusto ko na lang magpahinga.

Naririnig ko ang sigaw ng mga kaibigan ko mula sa telepono, halatang mga nag-aalala na sa akin. Pero ano ba'ng magagawa ko? Nanghihina na ako kaya hindi na rin ako makapagsalita. 

Humalakhak ang lalaking ito bilang pang-aasar. "I won't let her back!" sabay hagis ng phone sa semento at inapakan ito para masira. Wala na lang akong nagawa kundi ang umiyak.

Bakit nangyayari 'to sa akin? Bakit kailangan ko pang mahirapan at maranasan 'to? Makasalanan ba akong tao? Bakit? Bakit? God, please answer me. Are you still there?

Tiningnan ako ng lalaki tapos nginisihan ako. "Mabulok ka riyan!" sigaw niya at lumabas na ng kwarto. 

Tumitig muna ako sa kawalan bago ibuhos ang sakit na nararamdaman ko. 'Yung lungkot at hirap na naroon sa dibdib ko.Nilalamig at nahihirapan na talaga ako. Feeling ko ay p'wede na akong makatulog at hindi na magising pa. Tumingin ako sa labas ng bintana. Hindi ako makasigaw o makahingi ng saklolo dahil sound proof din 'tong kwartong 'to, kaya useless kung sisigaw pa ako ngayon. 

Hahayaan ko na nga lang na mabulok ako rito. Natawa ako bago ipikit ang aking mata. "Lara..." 

Reed's Point of View 

Kinagabihan noong makauwi kami sa mansiyon ng Smith. Nakauwi na ang mga magulang ni Harvey at Haley. Nakaupo si Tita Rachelle sa pahabang sofa at humahagulgol habang hinahagod lamang siya ni Tito Joseph sa likuran. 

Kausap ni Tito Alexander ang ilan sa mga police samantalang nilapitan kaagad ako ni Tita Cory.

Nakatungo lamang ako nang hawakan niya ang pisnge ko't iangat iyon. Wala siyang sinasabi pero bigla na lang niya akong niyakap.

Nasa likuran ng ulo ko ang isa niyang kamay. "Hinahanap na siya ng police. Please, don't ever lose hope. We'll find her." walang buhay lang akong tumango pero bumagsak ang luha sa kaliwa ng aking mata. 

Haley's Point of View 

Maraming araw ang lumipas at hanggang ngayon ay nandito pa rin ako sa kwartong 'to.  Hindi ako makalabas at palagi lang akong nakatingin sa bintana.

Kumakain lang ako ng kaunting kanin sa isang araw kaya sobrang hinang-hina na talaga ang katawan ko. Kung tutuusin, nagtataka talaga ako kung bakit ako nandito. Napapaisip na lang ako kung ano'ng ginagawa ko sa lugar na ito.

Pumikit ako dahil naramdaman kong kailangan ko ng magpahinga. Pero may narinig akong boses sa utak ko. 

"Haley!" tawag ng isang lalaki kaya napamulat ulit ako.

Sino ka? tanong ko sa aking isip at umupo sa pagkakahiga. Sino ang tinatawag nila? Wala na akong maalala.

"Haley!" Kumpara kanina, maraming tao na ang tumawag sa pangalan na 'yon, mga lima. 

"Haley!" boses na naman ng unang lalaki ang narinig ko. 

Why do I feel that I have to get out of here?

Reed's Point of View   

Kasama ko si Jasper at 'yung magulang ni Haley. Nanatili akong nakatayo sa may bandang reception desk malapit sa interview room habang hinihintay ang ilan sa police na sasamang pumunta sa lokasyon kung nasaan nagtatago sina Tiffany.

We already got their track. Ayun iyong chip na inilagay ko sa cellphone ni Haley nung araw na masakit ang ulo niya dahil sa pag-aaway nila ni Tiffany last School Festival. Ngunit hindi lang siya. Nilagyan ko rin talaga lahat ng tracking device ang mga kaibigan ko para incase na hindi pa sila nakakauwi. Pwede ko na lang tingnan sa system ko. Ginawa ko ang program last two months ago.  

Saka ko na lang din naalala 'yong importanteng bagay na iyon makalipas ang isang buwan. F*ck! Gusto kong iumpog ang sarili ko sa pader! How can I be so idiot?! 

Lumingon ako kay Jasper na tumabi sa akin. "Are you sure that you're going with us?" paninigurado ko.

Tiningnan niya ako mula sa peripheral eye view at ngumisi. "Haley is like my girl best friend. Hindi pwedeng hindi ako sumama." tugon niya na hindi ko inimikan.

Inilipat ko lang ang tingin ko sa police na nagbibigay na ng senyales sa kasamahan tapos tumingin sa akin para sabihing handa na ang lahat.

Tumango ako kaya naglakad na kami palabas. Nasa kabilang sasakyan sina Tita Rachelle at Tito Joseph samantalang nasa hulihang sasakyan kami sasakay.

Haley is all alone right now and merely wander through the absence of light.

I've prayed all this time for her to stay alive. Stay alive.

Haley's Point of View 

Wala pa rin akong kilos na ginawa at nakatingin lamang sa kisame. Pero nakarinig ako mayamaya ng ilang ingay sa labas. Sa kagustuhan kong makita ang nangyayari ay dahan-dahan akong umupo sa pagkakahiga.

Umiikot ang paningin ko pero pinilit kong makatayo. Kahit pagewang gewang ay luminga-linga ako hanggang sa huminto ang atensiyon ko sa isang bagay na nakapatong sa table. Dahan-dahang kong nilapitan iyon.

May naiwan ding kutsilyo kaya tumalikod ako para makuha ito, nang makuha ko ay unti-unti kong hinihiwa ang pagkakatali ng Manila Rope sa pulso ko, tapos nung makawala at bumaba ang mga lubid, agad akong pumunta sa pinto.

Ginamit ko ang kutsilyo para magbukas ang pinto. Naiwan lang nung babae ang kutsilyo kanina nung naghihiwa siya ng mansanas at nakalimutan na lang niya itong kunin pagkaalis niya.

Sinubukan kong buksan ang pinto. Sumilip muna ako para ma-check kung may tao ba o wala.  Nang wala naman akong nakita ay naglakad na ako.

Madilim sa dinadaanan ko.  Ang tanging liwanag lang na mayroon ay 'yong nagpapatay sinding ilaw. 

"Haley!" Muli na namang may tumawag sa pangalan na iyon. Kung tutuusin, hindi ko alam kung sino ang tumatawag at sino ang tinatawag nila, pero familiar ang pangalan na 'yon.

Patuloy lang ako sa paglalakad. Kahit hindi ko alam kung saan ako pupunta, naglalakad pa rin ako.

Ngunit sa paglalakad ko, may malakas na sumabog sa aking kanan dahilan para tumalsik ako ng kaunti. Nauntog ng malakas ang ulo at likod ko sa pader kaya biglang nagdilim ang paningin ko nang bumagsak na ako semento. 

Pagod na ako... Gusto ko na talagang magpahinga...

Dahan-dahan kong isinasara ang aking mga mata. Ngunit bago pa man din ako makatulog ay may lumapit na sa akin. Tinatawag niya 'yung pangalan na iyon. "Haley! Haley!" paulit-ulit niyang tawag.

Who is he calling?

"Haley!" unti-unti ko na siyang hindi naririnig habang napapapikit naman ang mga mata ko.  

Naramdaman ko na lang din ang pagtulo ng dugo mula sa ulo ko at ang pumapatak na likido sa pisngi ko na nanggaling sa lalaking buhat-buhat ang balikat ko.

Bago ako mapapikit nang tuluyan, may binanggit akong pangalan. "Reed..." Isang pangalang hindi ko malaman kung kanino galing.