Chereads / Three Jerks, One Chic, and Me / Chapter 74 - Life without Fear of Pain

Chapter 74 - Life without Fear of Pain

Chapter 73: Life without Fear of Pain

Reed's Point of View 

Matapos ang insidente, dinala namin kaagad si Haley sa ospital. Sobrang laki ng ipinayat niya. Halata ring pinahirapan siya nito dahil ang dami niyang sugat at pasa sa buong katawan at mukha niya.

Nasa kulungan na ngayon 'yung taong nang-kidnapped sa kanya. 'Yon din ang pumatay sa mga magulang ko na mayroong rose tattoo sa braso. 

Flash Back:

Titig na titig ako sa lalaking nagngangalang William-- siya 'yung ama ni Tiffany at Shane Redecio na dumukot kay Haley.  

Nasa loob siya ng kulungan habang na sa labas naman ako't nakatayo lamang sa kanyang harapan. Nagpasya akong dalawin siya para tanungin 'yung mga bagay na gustong-gusto kong alamin. Gusto ko siyang upakan sa mga oras na 'to dahil sa ginawa niya sa pamilya ko. Dahil sa kanya kaya naghihirap ako ng ganito.

Naiwan akong mag-isa dahil sa walang hiyang taong 'to!

Nanggigigil ako pero ikinalma ko lang ang aking sarili. Huminga ako nang malalim bago magsalubong ang kilay na tiningnan siya ng diretsyo sa kanyang mata.

"May dahilan ka kung bakit mo ginawa ang mga 'yon, hindi ba?" tukoy ko sa pagpatay niya sa pamilya ko.

Ngumisi siya. "Huh? Ano'ng sinasabi mo--" mabilis at higpit kong hinablot ang kwelyo niya palapit sa akin dahilan para mapangiwi siya sa sakit dahil doon sa solid doors na bumabaon sa katawan niya.

Pumukaw iyon sa atensiyon ng mga tao habang mabilis naman akong hinawakan ng police para awatin. Hindi lang ako nagpatinag.

"What was your reason for killing my parents, you son of a b*tch?! What did they do?!"

"Sir, uminahon lang kayo." pagpapaawat ng police sa akin pero matigas kong hinawakan 'yung damit ni William para hindi ko siya mabitawan.

Nanginginig ang mga kamay ko sa galit na halos masakal din siya sa ginagawa ko. "Talk!" mariin at malakas kong udyok at hinila pa siya lalo.

Tinapunan na niya ako ng masamang titig. "Your parents was the reason that the company has gone bankrupt that I had to turn to your father for help! But they did not care!  Ninakaw nila 'yung mga ari-arian na dapat sa 'min! They stole everything!" umalingawngaw sa lugar 'yung boses niya dahil sa lakas niyon.

Mas humigpit na ang hawak ko kaysa kanina kaya napaungol siya.

"That's not true!" Pagdepensa ko.

"You don't know anything about life, kid. You have no idea how your parents gave me all of those sufferings."

Hindi ako nakapagsalita. Walang saysay kung gagawin ko pa iyon dahil kahit depensahan ko ang magulang ko ay hindi siya magpapatalo. Saka wala nga rin naman akong alam sa totoong nangyari but one thing's for sure. I know my parents had their good reasons. 

"Also that girl."

Kumunot ang noo ko. I don't know who he's referring to.

He smirked. "I have to used her to get you. Pinagbigyan ka na nga ng anak ko pero sinayang mo. 'Yan tuloy, kailangan pang maranasan ng babaeng 'yon 'yung nararapat sa kanya." sambit niya at gumawa ng mukha na nagpakulo sa dugo ko. "Buti nga sa 'yo." Pang-aasar niya kaya hindi ko na napigilan ang sarili kong sakalin siya.  

Lumapit na sa akin ang dalawang police para tantanan ako habang pilit ko pa siyang sinisipa. Binebelatan pa niya ako at inis ding na inayos ang kanyang damit bago bumalik sa pwesto niya. 

End of Flash Back:  

The case of my sister is not yet solved. Kaya pabalik-balik din ang punta ko sa police station para makibalita. Nakakaasar! Kung hindi si William ang killer, sino?! Sino siya?! 

Bakit niya ginawa 'yon sa kapatid ko? 

Malakas na dumapo ang hangin sa aking balat kasabay ng pagkanta ng mga ibon na nasa puno. Nandito ako ngayon sa puntod ni Rain at binisita siya. 

Ilang araw na rin kasi akong hindi nakakadalaw dahil sa ang dami ko talagang inasikaso.

"Reed, ano'ng pipiliin mo? Buhay ka pero mahihirapan ka dahil makikita at mararamdaman mo ang pagkawala ng isang tao O mamamatay ka para hindi mo makikita ang pagkamatay ng mga mahahalaga sa 'yo?" tanong nung taong nasa tabi ko ngayon.

Ngumiti ako at humarap sa taong ito "70% na gusto kong mamatay pero 30% na ayokong mamatay," sagot ko sa kanya.

Dinala ang magkapatid na si Tiffany at Shane sa Psychiatrist para pagalingin. Hindi sila pinakulong dahil utak lang naman talaga ang may problema sa kanila. Nagkaroon ng debate no'ng kinuha sila ng mga police pero sa bandang huli, dinala na lamang sila sa ospital.

Iniisip ko nga rin, eh. Bakit imbes na ako ang nakakaranas ng mga paghihirap ng mga mahal ko, sila pa ang nakakaranas nito? Kung pwede kong ibalik ang nakaraan para maitama ang pagkakamali, malamang ginawa ko na noon pa lang.

Inilagay ng babaeng iyon ang kanyang dalawang kamay sa likod habang sumasabay sa hangin ang pagsayaw ng buhok niya. "Oh, maybe 100% na ayokong mamatay kung tatanungin mo 'ko."

Inangat ko pa lalo ang aking tingin para makita ang mukha ni Haley. The two of us are looking at the same scenery as the clouds go by. "Bakit naman?" tanong ko. Maririnig na ang tunog ng hangin dahil sa sobrang lakas nito.

Namumula na ang pisngi niya kumpara noon. "Darating sa point na mawawala ka rin sa mundo nang hindi mo inaasahan. Marami kang magagawa rito na hindi mo magagawa sa kabilang buhay. Sadness is just temporay. Mawawala ang sakit pero mananatiling nakatatak iyon sa puso mo.

Lahat naman ng mga taong nawawala ay makakasama mo rin balang araw. Hindi man ngayon, pero sa susunod," pagbibigay niya ng sariling sagot sa tanong kasabay ng pagharap niya sa akin. Bigla ring lumiwanag ang paligid noong ngumiti si Haley. "Pain makes us grow. It makes us stronger.. There is always a reason behind everything. Believe it. You'll overcome those struggles. Just live your life without fear of pain." 

Natawa siya nang kaunti kaya mas napatitig ako sa kanya. "It's just my opinion. Though, iba-iba naman tayo ng mga pananaw sa buhay."

Ngumiti na lang ako't napailing tapos tiningnan ulit 'yong pangalan ni Rain sa headstone.

Hindi pa rin alam ng mga police kung sino ang pumatay sa kapatid ko kaya ibig sabihin, hindi pa ako pwedeng tumahimik at walang gawin. "Hahanapin ko ang pumatay sa 'yo. Pangako," bulong ko bago kami umalis ni Haley sa sementeryo. 

"Reed, magkwento ka pa nga tungkol sa kapatid mo? 'Di ba may picture ka niya? P'wede kong makita?" hanap niya sa litrato ng kapatid ko.

Nang magising si Haley sa ospital matapos ang limang araw na tulog, nawala lahat ng kanyang alaala. Nagkaroon siya ng Amnesia.

Flash Back:

Nagbabasa ako ng libro nang makita ko sa peripheral eye view ko ang paggalaw ng mga daliri ni Haley, kaya mabilis akong napatayo at sinilip ang mukha niya. "Haley?" tawag ko sa kanya kaya iminulat na niya ang mga mata niya.

Laking tuwa ko naman nang magising siya. Agad kong tinawag ang doctor. "Doc! Gising na 'yong pasiyente!" sigaw ko sa labas at pinuntahan ulit si Haley. "Buti naman at gising ka na!" tuwang-tuwa kong wika habang tinutulungan s'yang makaupo mula sa pagkakahiga. 

Inilibot niya ang tingin habang umupo naman ako at lumapit sa kanya. 

"Grabe naman! Ilang araw mo ba kami paghihintayin na magising ka? Ang tagal, ah!"

Tumingin siya sa labas ng bintana. 

"Tss, wala ka pa ring pagbabago, snobber! Tumingin ka kaya sa akin kapag kinakausap kita? Hindi mo ba alam na hindi ako um-attend ng Ozine Fest nang dahil sa'yo? Kaya pasalamat ka binantayan kit—"

"Hey, where am I?" biglang tanong niya nang lingunin ako. Walang makikitang kahit na anong ekspresiyon sa mukha niya. Nawawala siya... "And… Who are you?"

Bigla akong nanlamig. May kung ano ring tumusok sa dibdib ko noong marinig ko ang salitang iyon. Seryoso ba siya? Hindi ba 'to nagbibiro?

Pilit akong natawa. "Hoy, Haley! Minsan ka na nga lang mag-joke, hindi pa nakakatawa. Umayos ka nga!"

Hindi siya sumagot at nakatingin lang sa akin. Mukhang hindi siya nagbibiro sa sinabi niya kanina kaya nagsisimulang manginig ang mga mata ko. "P-pero paano?" nanghihina kong tanong, hindi makapaniwala sa nangyayari. 

May pumasok namang doctor at chineck siya. Tinanong niya rin si Haley ng kung anu-ano tapos tiningnan at nilingon ako. "Sir, ano po ang una niyang sinabi nang magising siya?" tanong nito sa akin. 

Yumuko ako. Hindi ko nasagot ang doctor dahil parang may nakabara do'n sa lalamunan ko.  Ang sakit-sakit ng dibdib ko... 

Tumango na lamang ito tapos tiningnan ang nurse niya. May nilagay ito sa documents niyang dala. "Sir, this isn't the first time that she lost her memories. Before this, she had the MDD or also known as Major Depressive Disorder. It is actually characterized by low moods, a pain without clear cause that made her forget all of her problems including her other memories from childhood—"

Pinatigil ko ang sinasabi ng doctor at tinanong kung ano ang sinasabi niya. Wala kasi akong naiintindihan, eh. Ano ba talaga ang point niya? Ano kamong mayro'n kay Haley?  

"Sir, I want you to know that Haley Miles Rouge has Amnesia." Nanlaki ang mata ko dahil sa balita niya sa akin. "Usually, head injuries don't cause severe amnesia, but because of emotional shock and trauma, she may lose her personal memories and auto-graphical information."

Nanlalabo na ang paningin ko at ramdam ko na anytime, pwede nang tumulo ang aking luha kung pipikit pa ako. 

"Ito ang tinatawag nating Dissociative (Psychogenic) Amnesia," dagdag pa ng doctor kaya naluha na ako. "Ipagdasal na lang natin na hindi 'yan permanent amnesia," dagdag niya sabay tapik sa balikat ko at umalis na ng kwarto.

"Hey..." tawag ni Haley sa akin. Kadalasan talaga ay "hey" ang tawag niya pero hindi ko maintindihan kung bakit ako nasasaktan nang ganito ngayon. Ang sakit talaga sa dibdib. Hindi ako makahinga. 

Bagsak kong iniluhod ang mga tuhod kasabay ng pagpatong ng mukha ko sa kama niya. Doon ako nagsimulang umiyak nang umiyak.

End of Flash Back: 

"What are you thinking?" nakangiting tanong ni Haley at sinilip ako. Ngumiti lang muli ako at pinitik 'yung ilong niya.

"Wala. Tss…"

Wala lang siyang sinabi at hinawakan lang ang ilong niya. Bumaba na kami sa kotse at pumasok na sa loob ng mansion.

"Ang tagal niyo namang makabalik dito!" bungad ni Kei na nakasuot ng floral dress. "Ano ba'ng ginawa niyo? Hindi naman kayo palihim na nag-date 'no?" dugtong niya dahilan para pareho kaming mamula ni Haley.

"A-anong sinasabi mo?!" sabi ko. Nakakahiya naman! Sinabi pa sa harap ni Haley!

"H-hindi kami nag-date. Dinala niya lang ako sa kapatid niya," sagot ni Haley.

Binigyan naman ako ng kakaibang tingin ng mga kaibigan ko. Bakit? Hindi ba sila naniniwala kay Haley?

"P-pasensya ka na, Reed. Dahil sa akin iba pa 'yung naging interpretation nila," pahinging paumanhin ni Haley.

"Hindi, hindi. Okay lang," sabi ko habang pilit na nakangiti sa kanya. 

Simula rin nang magka-amnesia siya at magkakilala ulit kami sa pangatlong pagkakataon, nag-iba siya. 'Yong gestures niya, 'yong galaw at pananalita niya, at lalo na ang ugali n'ya. Hindi na siya ang taong nakilala kong amazona, iyong babaeng bubulyawan ka kapag may sinabi kang ikahihiya niya.

"Joke lang naman 'yon, Haley," biro ni Kei na may pagkamot pa sa batok. Mahinhin lamang na tumawa si Haley.

Kumamot naman si Harvey sa ulo. "Hindi pa rin ako sanay sa 'yo. Hindi kita gusto," masungit namang sabi nito pero halata namang pabiro iyon.

Nagulat naman si Haley dahil sa sinabi nung mokong na iyon. "E-eh?" mangiyak-ngiyak na reaksiyon nito.

"Huwag mo ngang ginaganyan Bestfriend ko!" sabay yakap ni Jasper kay Haley. 

Binatukan ito ni Mirriam at inialis ang pagkakayakap nito kay Haley. "Huwag mo s'yang yakapin, tsansing!" At si Mirriam naman ang yumakap kay Haley na kumukurap-kurap na ngayon.

Hindi ako nakisali at inangat na lamang ang tingin sa kalangitan.

If all of those memories only brings nothing but pain. I have no choice but to help her turn them into dust.

"Ay groupie muna tayo sa may garden!" Anyaya ni Kei

"Na naman?" Taas-kilay na sabi ni Harvey

"Tara na!" Yaya pa ni Jasper. 

Nilingon ko ang mga kasama ko noong tawagin nila ako. "Dalian mo kaya 'no? Iwanan ka namin diyan," taas-kilay na wika ni Mirriam at iniwan na nga nila ako.

Napabuntong-hininga ako at sumunod na lang sa kanila.

*** 

NAG-SET si Jasper ng timer sa DSLR ni Kei habang naghihintay lang kaming makapag-shoot. "25 Seconds! Handa na! Handa na!" At mabilis siyang pumunta sa tabi ni Mirriam. Nag-aaway pa sila pero tumigil din agad.

Napatingin naman ako kay Haley na ngayon ay nakangiting nakatingin do'n sa camera. "Miles, I love you." Lumingon siya sa akin.

"What did you say?"

*Click*

You're a different person but my feelings for you won't ever change, I'll wait for you. If there will be a chance. Hihintayin kong bumalik ang alaala mo. Hihintayin kong bumalik ka… Haley Miles Rouge.