Chapter 71: Captivated
Reed's Point of View
Naghihintay kami ngayon sa sala ng mansion. Nakatakip ang mukha ko ng mga kamay ko't blanko pa rin ang utak. Iyong mga kaibigan ko ay nandito rin at naghihintay ng balita. Walang nagsasalita ni isa sa amin at pare-parehong mga walang imik.
Hindi namin ma-contact ang magulang ni Haley na ngayon ay nag out of town para sa meeting nila sa Pampanga. Mukhang naka airplane mode dahil busy.
Si Tito Lesley. Matapos niyang matawagan ang mga police ay bumalik din kaagad kung nasaan kami para maghintay sa balita pero hindi rin mapakali't paikot-ikot lamang dito sa sala.
Paano namin malalaman na okay nga lang si Haley kung wala pa kaming balita tungkol sa kanya?
Mga ilang minuto ang lumipas noong magpaalam muna si Tito Lesley na lumabas para hintayin na dumating ang mga police. Samantalang naghintay lang kaming lima rito sa sala't walang nag-akmang umalis.
May bandage na ang sugat sa siko ko dahil sa pagkakatalisod ko noong hinahabol ko ang van ganon din ang tuhod ko. Nararamdaman ko na ang hapdi nito habang tumatagal.
Nilingon ko si Jasper na hawak-hawak ang cold compress. Idinidikit-dikit niya 'yon sa pisngi niyang may pasa dahil sa kagagawan ko. Hindi ko magawang makapag-sorry sa kanya. Nahiya ako.
Naramdaman ko na tiningnan ako ni Jasper at nginitian. "P're, tiwala lang. Haley is a strong woman. I know she'll be fine."
Inangat ko ang tingin papunta sa kanya. Binigyan niya ako ng thumbs up kaya tipid akong napangiti. Salamat.
Haley's Point of View
Pagkamulat na pagkamulat ng mata ko, naramdaman ko kaagad ang sakit sa bandang paa at pulso ko dahil sa sobrang higpit ng pagkakagapos ng Manila Rope sa akin. May isa ring lalaki ang nakaupo sa upuan na nandoon sa harapan ko. Mukhang hinihintay niyang magising ako.
Medyo hindi ko pa siya nakikita ng maayos dahil sa nanlalabo ang aking mata. Ilang oras ba akong nakatulog? "Ang bilis mong magising, ah? Ayos 'yan," ani niya at tumayo kasabay ng paglinaw ng paningin ko. Masama na ang tingin niya sa akin, pero hindi 'yong tinging pinagnanasaan ka.
Sinubukan kong igalaw ng kaunti ang katawan ko kaso bigla itong sumakit. Sh*t, ano'ng ginawa niya sa akin?
Dahan-dahan akong tumingala at tiningnan siya. "Ano'ng... Gagawin mo?" nanghihina kong tanong. Wala akong alam na pwedeng mangyari ang mga ganito sa akin. Kung naging alerto lang ako, wala sana ako rito ngayon.
He wore a devilish smirk. "Anak ko ang magsasabi kung papahirapan na kita."
Kumunot ang noo ko. Pahirapan? Anong klaseng pagpapahirap? Bakit kailangan nilang gawin 'yon? Ano ba'ng nangyayari? Nananaginip lang ba ako o ano? Ano'ng ginawa ko sa kanila? Ano ang kailangan nila?
May nagbukas ng pinto. Laking gulat ko noong makita si Shane at Tiffany— ang mag kapatid. Hindi ko alam na p'wede nilang gawin ito sa akin.
Nasisiraan na ba sila ng ulo?
Isinara ni Tiffany ang pinto nila at humarap sa lalaki. "Papa, wala ka pa namang ibang ginagawa sa kanya 'di ba?" malambing na tanong nito sa ama.
Sh*t. This guy is their father?!
Pumukaw ang atensyon ko sa rose tattoo na nasa braso niya. Naalala ko ang naikwento ni Reed tungkol sa pumatay sa mga magulang niya.
Napatingin ako sa lalaking iyon. Don't tell me he's the killer?
Umismid ang lalaki. "S'yempre wala pa. Hindi naman ako gagawa ng kilos kung hindi pa sinasabi ng boss ko 'di ba?" ngisi niyang tugon.
Anong klaseng ama ka?! Imbes na turuan mo ng maganda ang mga anak mo, ikaw pa 'yung... The f*ck. I don't get this at all!
"Ikaw!" Nilingon ako ng dalawa niyang anak. "Ikaw ba ang may gawa ng pagputol ng wire sa break ng sasakyan ng Evans?" matapang na tanong ko.
Matagal siyang hindi umimik hanggang sa lingunin niya ako at nginisian.Mas lalong nanlaki ang mata ko.
"Bakit mo ginawa ang mga 'yon?!" hindi ko makapaniwalang tanong.
Nakakaasar! Sumasakit iyong ulo ko sa nangyayari. Sinong mag-aakala na ang tatay ng Redecio siblings ang responsable sa pagkamatay ng magulang ni Reed?
"Bakit ba nangingialam ka?" tanong nito sa akin habang papalapit. Niluhod niya ang kanan niyang tuhod, "Wala ka namang alam kaya manahimik ka na lang!" Pinagsampal niya sa akin ang likod ng palad niya kaya nakatikim pa ako ng sarili kong dugo mula sa labi.
"Ah! You already did it," walang ganang wika ni Tiffany na parang medyo nang-aasar pa. Mukhang natuwa pa sa ginawa ng ama niya.
"Whatever!" kibit-balikat namang sabi ni Shane. "Bahala ka na riyan."
At dahil doon, sinipa ako sa sikmura ng ama niya at medyo tumalsik pa ako dahil sa lakas ng sipa nito. Umubo ako ng dugo at nagpagulong ng dahan-dahan dahil sa sakit at kirot.
Umubo-ubo muna ako bago magsalita. "Why are you doing this?" nanghihina kong tanong habang umuupo sa pagkakahiga. "Tell me, what did I do?" dagdag ko pa.
"Ano'ng ginawa mo? Nakalimutan mo na? You stole him from me," parang manika ang mukha ni Shane nang magsalita siya.
Kung hindi ako nagkakamali, si Reed ang kanyang tinutukoy. Lumapit siya sa akin, niluhod ang isa niyang tuhod at hinawakan ang pisngi ko habang parang bumabaon ang mga matutulis niyang kuko roon. "I sacrificed my love for my sister, what did you do? Inagaw mo!" malakas niya akong sinampal, pero wala lang sa akin ito dahil mas mahapdi pa 'yong kanina.
Tumawa ako na ikinagalit nila. Pagkatapos ay tumingala ako kasabay ng pagngiti sa kanila ng nakakaloko. "Are you sure that I stole him?" nagsalubong ang kilay ng mga ito habang binigyan ko naman ng isang mapait na tawa si Shane. "Bullsh*t! Huwag mong ipagsiksikan 'yang sarili mo kung hindi ka kasya sa puso ng tao at hindi ka naman gusto. Stupid."
Kumuyom na ang kamao niya at nanginginig na rin siya sa galit.
"I was your friend at kahit papaano, may alam ako tungkol sa'yo. But I didn't expect you to be like this! You're the worse!" sigaw ko.
"Worse? Sino ang mas worse rito na ipautos sa sariling kakambal niya na ikulong ang kapatid ko sa abandoned room? Kung hindi ko pa siya nakita, hindi siya makakaalis do'n!" singhal niya. Wait, what? Is she talking about Lara?
"Who the f*ck are you talking about?! She's already dead! You crazy b*tch!"
Lumukot ang mukha ni Shane at handa na sana akong sugurin nang pigilan siya ng ama niya, "Ako na ang bahala," nakangiting udyok nito at pinaalis ang mga anak niya.
Sumunod naman sila ngunit bago pa man makaalis sa kwartong ito, binigyan nila ako ng masamang tingin. Ibinaling ko na ang tingin ko sa lalaking na sa harapan. Maangas siyang nakatingin sa akin, handa ng gumawa ng masama kahit na anumang oras. Ang ipinagtataka ko lang, bakit nananatili pa rin akong kalmado kahit na sinaktan na nila ako? Hindi ko magawang matakot. Hindi ko alam kung sa'n ko napulot 'tong tapang na nasa dibdib ko. May nakakalimutan ba akong parte sa buhay ko?
"Ang tapang mo ring babae ka, ah? Alam mo na ngang nasa kamay ka na namin, dakdak ka pa rin nang dakdak."
Ngumisi ako. "I'm not a hero pero mas okay na ang mamatay ka nang lumalaban kaysa mamatay na may takot kang nararamdaman," ani ko. "I'm not a coward like you, assh*le!" sabi ko pa sabay dura sa mukha niya.
Alam kong mamamatay ako ng maaga sa ginagawa ko. Pero wala, eh. Nandito na ako. Hindi ko naman p'wedeng hayaan sila na ganituhin ako. Kahit pa na sabihin nating magmakaawa ako, hindi na nila ako papakawalan dito.
Sinampal na naman niya ako. And this time, malakas na. Halos mapangiwi na nga ako dahil sa sakit. "Pasalamat ka, 'yan lang ang ginagawa ko sa'yo dahil mahal ko pa rin ang asawa ko."
Nakayuko lang ako nang muli akong natawa. Eh, di ibig sabihin kung hindi niya mahal ang asawa niya ay may gagawin siyang hindi maganda sa akin? Kalokohan.
"Ano'ng tinatawa-tawa mo?" galit na wika sabay kuha ng damit ko at buhat sa akin. "Ano'ng nakakatawa sa sinasabi ko?!" Hindi pa rin ako tumigil sa katatawa kahit na nasasakal na ako.
"Because you're the most stupid man I've ever known."
Nagsalubong ang kilay nito at malakas na sinuntok ang sikmura ko dahilan para mawalan ako ng malay.
Harvey's Point of View
Alas-sais na ng umaga pero hanggang ngayon ay wala pa ring balita tungkol kay Haley. Nandito pa rin si Mirriam at hindi pa umuuwi. Ang paalam kasi talaga niya ay magse-sleep over kami.
"Bakit wala pa ring balita?!" frustrated na sigaw ni Reed kasabay ng pagtayo at paghilamos sa mukha niya.
"Mahahanap din nila si Haley."
Nilingon niya ako't binigyan ng masamang tingin.
"Mahahanap? Kailan? Bukas? Mamaya? Sa isang linggo? Isang taon? Isang buwan? Tang*na naman 'yan! Ano'ng magagawa natin sa paghihintay?! Tingnan mo nga, oh?! Hanggang ngayon, wala pa rin!"
Ano ba'ng gagawin ko sa taong 'to? Kahit naman gusto ko ring hanapin si Haley kung alam ko namang hindi ko siya mahahanap, wala rin. Damn it. This is getting on my nerves.
May biglang nag-ring kaya napatingin kami doon. Cellphone iyon ni Reed pero si Kei na ang sumagot.
"Hello?" rinig kong sagot ni Kei at tumingin sa akin.
Tinanong ko kung sino iyon pero umiling lang ito bilang pagsagot na hindi niya alam.
Naglabas tuloy ako ng hangin sa ilong at hinipan ang bangs na humarang sa noo ko.
"Nasaan ka ba kasing babae ka?" tukoy ko kay Haley.
Kei's Point's of View
"Hello?" pagsagot ko ng patanong at hinintay ang sasabihin ng taong nasa kabila ng linya. Unknown Number ang tumawag kaya hindi ko alam kung sino ito. Tiningnan ko si Harvey noong hindi pa sumasagot 'yong nasa kabilang linya. Tinanong n'ya kung sino ito pero umiling ako bilang pagsagot.
Huminga ng malalim 'yong nasa kabilang linya. "K-Kei... I-Ikaw ba 'yan?"
Lumakas ang pagtibok ng puso ko nang marinig ko ang boses na iyon. Napatayo ako habang nanlalaki ang mata.
"Haley?!" Napatingin ang lahat at dali daling pumunta palapit sa akin. "Haley?! Nasaan k—"
Inagaw ni Reed ang phone niya sa akin at mabilis na kinausap si Haley.
"Haley? Nasaan ka?! Sabihin mo nasa'n ka?!" nagpa-panic na tanong ni Reed.
"I-loud speak mo," ani ni Jasper na sinunod naman ni Reed.
"Reed... H-hindi ko alam... Nakahiga ako. Hindi ako makatayo para... para makita 'yung labas ng bintana."
Halata sa kanya ang panghihina kaya napatakip ako sa ilong dahil ramdam ko na maiiyak na ako. Ano'ng ginawa nila kay Haley at ganyan siya?
"Haley! Hindi mo ba kayang tumayo kahit saglit lang? Para mapuntahan ka na kaagad namin. Please, Haley!" pagmamakaawa ni Reed.
"It's not that easy. Nakatali ang mga paa't kamay ko—" Bigla siyang hindi nagsalita kaya nagtaka kami. Anong nangyari?
"Hello, Trinity Group." Napasinghap kami noong may sumagot na iba. Teka— 'Yung boses na 'yon? Parang kilala ko 'to, ah? Familiar. "Miss me?" dugtong niya. Nakilala ko na siya sa pangalawang pagkakataon.
"Tiffany."
Nagulat sila nang banggitin iyon ni Jasper habang napaseryoso naman ang mukha ko. Ayoko mang maniwala na siya ang may gawa ng mga 'to, pero ito ang reyalidad. Tipong akala mo, normal lang ang lahat pero magigising ka na lang dahil ito pala talaga ang katotohanan.
"Tiffany?" Naguguluhang tanong ni Harvey at nagsalubong ang kilay na napailing. "Ano'ng ginawa mo sa kanya?!" galit na galit na tanong ni Harvey.
May tumawa naman. Sino naman ito? "Chill, wala naman kaming balak na patayin siya, eh,"
Nanlaki ang mata ni Mirriam.
"S-si Shane ito," banggit niya dahilan para mas magulat kami. Oo nga pala, bakit nakalimutan kong magkapatid nga pala sila?!
"Please, stop this. Sa'n kayo nagtatago? Ibalik n'yo si Haley!" sigaw ko.
"Wow! At sino namang tanga ang magsasabi kung nasaan kami?" mapang-asar na tanong ni Shane.
Seryoso ba siya? Hindi ba niya alam na gumagawa na siya ng masama? Krimen na 'yang ginagawa niya!
"Kung ayaw n'yong malaman kung nasa'n kayo, bakit hinayaan ninyong malaman kung sino kayo?" Hindi na napigilan ni Mirriam na mapatanong sa magkapatid.
Natawa ang dalawa sa kabilang linya. "Eh, malay ba naming makikilala n'yo pa kami sa lagay na ito? Akala ko nga hindi ninyo kami pinagtutuunan ng pansin. But thank you, may mga halaga pa rin pala kami sa inyo," sarkastiko nitong pagkakasabi.
"Shane... Tiffany... Ano ba'ng dapat naming gawin para ibalik n'yo siya sa amin?" mainahon na tanong ni Jasper sa dalawa.
"Humph, simple lang naman." si Tiffany ang sumagot. "Kung ibibigay n'yo sa 'kin si Reed, walang problema. Pero babantayan namin ang bawat isa sa inyo para iwas sumbong."
Napahilamos ng mukha si Harvey habang nagtakip naman ng bibig si Jasper. What is the meaning of this? Anong plano niya? Ito ba dahilan niya para ipadakip si Haley? Masyado namang mababaw 'to!
"This is insane!" hindi ko makapaniwalang sabi.
"Kung hindi n'yo gagawin ang gusto ko…" Narinig namin ang pagsigaw ni Haley sa sakit kaya nagulat kami. "Sorry.. I won't give her back."
Sumasakit na ang lalamunan ko. Kahit ilang pilit kong pigilan ang pagluha, hindi ko na nagawa.
Sis...
Jasper's Point of View
Hindi ako makapaniwalang tiningnan ang hindi kalayuan. Hindi ko alam ang iniisip ng magkapatid kaya nila ginawa ang mga ganitong bagay pero iisa lang sigurado ako. Nasisiraan na sila ng ulo.
"Reed! Hindi na normal 'yong pag-iisip ng mga 't—"
"Ahhh!" Narinig na naman namin ang pagsigaw ni Haley.
"Tigilan niyo 'yan!" pilit kong pagpapatigil kahit na napaka-imposible.
Hindi ako mapakali. Hindi maganda 'tong nararamdaman ko. Parang anytime mababaliw ako sa kakaisip. Sinasaktan nila 'yong kaibigan ko!
Tumawa ang nasa kabilang linyang si Tiffany. "Aww. Ang dumi na no'ng sahig, oh? Puno na ng pulang tubig."
May kirot akong naramdaman sa dibdib ko. Nai-imagine ko kung paano nasasaktan si Haley ngayon. Kinuyom ko ang kamao ko. Hindi talaga 'to normal. May nabasa ako isang beses sa isang libro namin sa Psychology tungkol sa mga ganitong klaseng tao.
Schizophrenia, a mental disorder characterized by abnormal behavior, strange speech, and a decreased ability to understand reality. Other symptoms include false beliefs, unclear or confused thinking, hearing voices that do not exist.
People like them interpret reality abnormally. It results in some combination of delusions and extremely disordered thinking.
"T-Tiffany," tawag ni Reed kasabay ang pagbaba ng adam's apple niya. Mukhang hindi nakakayanan ang ginagawa ni Tiffany. "P-please... huwag mong sasaktan si Haley," nanghihinang pagmamakaawa ni Reed.
"Be mine first," sabi ni Tiffany. Kita ko ang galit sa mata ni Reed habang nakakuyom ang mga kamao nito.
"Ay? Nakatulog na naman siya?" sambit naman ng kapatid ni Tiffany na parang wala lang sa kanya 'yong ginagawa nila.
"Gag* kang babae ka! Sira ulo! Hindi papayag si Reed sa gusto ng kapatid m—"
Hindi ko naipagpatuloy ang sasabihin ko nang biglang sumagot si Reed. "Papayag ako, pero ibabalik niyo si Haley."
Nagulat kami sa sinabi niya.
Tumili si Tiffany sa saya. "Kaya mahal na mahal kita eh. Hihintayin kita mamaya sa Green Park, 10:00 AM Sharp! See you!" kinikilig na sabi niya sabay end ng call.
Napayuko si Reed at dahan-dahang binaba ang phone.
"Hoy, Reed, alam mo ba 'yong sinasabi mo? Masyado 'yang risky! Pa'no kung patibong lang 'yan?! Ano'ng gagawin mo, huh?" galit na galit na tanong ni Harvey nang hawakan nito ang kwelyo niya.
Inalis ito ni Reed at seryoso siyang tiningnan.
"Leave me alone," matigas na wika ni Reed bago umalis sa harapan namin.
Bumalik siya sa kwarto niya para siguro maghanda. Anong oras na rin kasi. Pabagsak na lamang akong umupo sa sofa at napahilamos.
"Ano'ng gagawin natin?" nag-aalalang tanong ni Kei habang tahimik lang sina Mirriam at Harvey. Ipinatong ko ang dalawang siko ko sa aking tuhod kasabay ang pag intertwine ng mga daliri ko. Hindi naman siguro siya sasagot ng gano'n si Reed kung wala siyang plano.
Dumating si Tito Lesley. "Nasa'n si Reed? Hinahanap siya ng mga police."
Tumingin lang kami sa isa't isa nila Kei bago pumunta ang isa sa amin para sundan si Reed. Ako na ang nag volunteer.
Umakyat ako ng hagdan at binuksan ang pinto niya. Nagtaka ako nung hindi ko makita si Reed. Luminga-linga ako. "Reed?"