Chereads / Three Jerks, One Chic, and Me / Chapter 71 - Disclosure

Chapter 71 - Disclosure

Chapter 70: Disclosure

Haley's Point of View 

Kinagabihan kung kailan ang arrival ng ama ni Kei, nanatili ako sa mansion para ipagluto rin ng hapunan ang ama niya para maiwasan ang gastos. Paraan ko na rin ng pagwe-welcome sa kanya kahit hindi ganoon kaganda ang impression ko sa kanya.

"Kailangan ko ba talagang sumama? Hindi ba pwedeng dito na lang din ako?" nag-aalinlangang tanong ni Mirriam na kumakamot sa pisngi niya. Nandito kami sa labas ng garahe habang hinihintay si Harvey na inilalabas ang kanyang sasakyan. 'Yung kanya kasi ang gagamitin.

Hinawakan naman ni Kei ang kamay ni Mirriam at tumango. "Please?" pagpa-puppy eyes niya na hindi na natanggihan ni Mirriam. Napatingin naman si Kei sa akin. "Hindi ka talaga sasama? P'wede naman tayong kumain sa labas," suhestiyon niya na ikinapamaywang ko.

Geez. Rich people really abuse their money, huh? "No, may mga araw naman para kumain sa labas. Mas maganda na rito muna siya kumain para pagkatapos kumain makakapagpahinga na siya sa kwarto."

Bumaba ang mga balikat niya. "That's true," parang nalulungkot na sagot niya. Siniko naman siya ni Jasper at nginisian ako.

"She's actually worried about you na wala kang makakasama rito sa bahay," pambubuking niya kay Kei dahilan para mamula ang huli.

Natawa naman ako. Wala namang dapat ikahiya, eh.

"Don't worry about her. Kasama naman n'ya ako," pagdating ni Reed sa tabi ko at walang gana akong tiningnan. "Right?" tanong niya na tinaasan ko lang ng kilay.

"Why do you have to? Go with them," nguso ko kina Mirriam. Patalon na dumating si Harvey at sinabing handa na ang sasakyan. Kaya tiningnan niya kami saka inilipat kay Reed ang tingin para tapikin ito sa balikat. "Uy, isama n'yo 'tong unggoy na 'to!" turo ko kay Reed pero naglakad na sila papunta sa sasakyan ni Harvey.

"Ako pa talaga ang sinasabihan mong unggoy? Gorilla!" ganti niya sa akin kaya humarap na ako sa kanya.

"Gorilla?" sambit ko at umismid. "Baka itong sinasabihan mong gorilla ay siya namang magpapa-in love sa 'yo."

Tumaas sandali ang dalawa niyang kilay. Natahimik siya sa sinabi ko kaya hindi ko naiwasan ang mapatikom ang bibig. Sa hindi malamang dahilan, tila parang may namuong magandang atmosphere sa paligid namin.

Sinira lang iyon ni Jasper sa pamamagitan ng malakas na pagsipol. "Whoo! Si Sam oh!" pagkabanggit pa lang niya sa aso niya ay bigla na lang akong napayakap kay Reed.

"Nasaan?!" gulat at takot na tanong ko dahilan para kantyawan nila kami habang papalabas ang kotse. Nakabukas kasi ang mga bintana ng mga ito.

"Yieeeeeh!" si Mirriam at Kei.

"Yuck, Reed! Tsansing!" pang-aasar ni Jasper dahilan para mapikon si Reed.

"Ako pa 'yung inaasar mo?!" hindi makapaniwalang tanong ni Reed kaya lumayo na ako sa kanya. Kinuyom ko ang kamao ko tapos kumuha ng bato para tangkang ibato iyon sa kanila.

Inilabas na ni Harvey ang ulo niya mula sa bintana. "Sige, batuhin mo! Baka gusto mo ulit maging katulong?!" sigaw niya. Inilabas din ni Jasper 'yung ulo niya para belatan ako't asarin. Naibato ko na lang ang bato sa kung saan saka bumalik sa loob ng mansion. "For Pete's sake! Geez!"

Ngayon ang day off ng mga kasambahay kaya kami lang ni Reed ngayon sa mansion. Tahimik tuloy sa lugar. Dumiretso ako sa kusina para magsimula ng magluto. Nakasunod naman si Reed sa likod habang nakapamulsa't nag-iwas ng tingin.

"Ano'ng lulutuin mo?" tanong niya pero mas naglakad ako ng mabilis.

"Stay away from me. Istorbo ka lang," pagtataray ko kaya naramdaman ko na ang paghinto niya.

"What the hell?" reaksiyon niya at pumunta kung nasaan ako.

Nandito na ako sa kusina at naghahanap ng pwedeng maluluto. Beef Stew kasi ang lulutuin ko dahil 'yon daw ang paborito ng ama ni Kei. Pareho sila ng taong iyon…

Binuksan ko ang kalan tapos tiningnan ang magiging temperature nito. 

"Alam mo ang arte mo. Ikaw na nga itong sinasamahan pero ganito ka pa.," mukhang naiinis na siya sa akin. Bahala siya riyan.

Kumuha ako ng carrots at pinaikot sa daliri ko ang kutsilyo. "Hindi ko naman kailangan ng kasama," sagot ko naman saka mabilis na hiniwa ang carrots. Narinig ko ang mabigat nitong pagbuntong-hininga.

"I can't take this anymore. Wala ka pa ring pinagbago mula noong araw na iyon," wika niya ng umiiling. Kumunot ang noo ko. Ano na naman kayang kawirduhan ang sinasabi nito?

"Haley, wala ka ba talagang natatandaan?" tanong niya habang nakatuon lang ang atensyon ko sa hinihiwa ko.

Wala lang akong sinabi at patuloy pa rin sa ginagawa ko. Nagulat ako nang mabigat niyang ipinatong ang mga kamay sa may edge ng counter top. Nanlaki ang mata ko't napatingin sa kanya.

Seryoso 'yong mata niya na nakatingin sa akin habang nakasimangot. "Look at me when I'm talking."

For some reason, I feel so weird! What am I blushing for?!

Lumayo ako sa kanya na magkasalubong ang mga kilay. "Wala naman kasi akong naiintindihan sa sinasabi mo, eh. Ang weird mo!" umalingawngaw ang boses ko dahil sa katahimikan ng lugar.

Pumikit siya't huminga ng malalim. "Kaya mo ba 'ko ginaganito kasi para sa 'yo, wala lang ako? Ba't mo 'ko kinalimutan?" sunod-sunod niyang tanong na mas nagpagulo sa akin.

"Huh?" tanging nasabi ko habang papalapit na naman siya sa akin.

"The person who made a promise to marry you," panimula niya na nagpaawang sa akin. How did he know about that?!

Bigla naman akong napahawak sa noo ko nang magpakita ang isang litrato sa utak ko. Ipinagtanggol ako ng batang iyon. Medyo hindi ko makita 'yong kataasan ng katawan pero nang lumingon ito sa akin … nakita ko ang mukha ni Reed.

"It's me. Your childhood friend."

You must be kidding me. 

Jasper's Point  of View 

"Harbe! Ikaw naman 'yung mag-drive! Pinagtitilian ako ng mga babae, oh?"

Nakakailang kaya. Nagda-drive ka tapos halos lahat ng mga nadadaanan mo, pinagtitinginan ka. Pati nga lalaki, napapatingin sa akin, eh. Bakit ba pinanganak akong pogi? Nakakapagod na kaya.

"Tanga! Isarado mo kasi 'yong bintana."

Natawa ako dahil sa sinabi ni Harvey. Kaso dahil doon mas tumili pa ang kababaihan. Ang pogi nga naman ni Jasper Kyle Villanueva! Whoo!

"Oo nga 'no? Tanga talaga, eh." Isinara ko na nga ang bintana. "Saan na pala tayo?" napasapo sa mukha si Mirriam habang nginitian lang ako ni Kei.

Nakikita ko sila sa rear mirror.

"Kumusta kaya sina Haley do'n?" tanong ni Mirriam nang maibaba ang kamay.

Nakangiting naglabas ng hangin si Harvey. Nasa tabi ko lang naman kasi siya.

"They should just keep going 'till they start dating," dagdag pa ni Mirriam.

"That's so unnecessary. Kahit naman puro sila away ngayon, doon pa rin naman bagsak no'n," sagot ni Harvey na parang siguradung-sigurado sa mangyayari sa dalawa.

"Siya nga pala, curious lang ako, Kei," panimula ko tapos tiningnan siya mula sa rear mirror. Nakatingin na rin siya sa akin na parang hinihintay lang ang itatanong ko. "Kilala mo ba kung sino 'yong tinutukoy ng ama mo na kapatid mo? Nabanggit ba 'yung pangalan?" sunod-sunod kong tanong. Naikwento niya kasi kanina 'yung dahilan ng pag-uwi ni Tito Lesley-- ang daddy niya.

Parang hindi ko na naiwasang magtanong. Kung ako kasi ang nasa lugar niya, malamang maku-curious din naman ako kung ano ang mayroon sa isa ko pang kapatid para magka-gano'n ang ama ko. Mukha naman kasing nagkikita sila kaya naguguluhan ako kung bakit hindi pantay ang trato nito sa mga anak.

Kaso hindi natin alam. Marami namang dahilan ang tao na hindi magawang maipaliwanag sa iba, eh.

Umiling si Kei at tumingin sa labas ng bintana, "No, he didn't mention anything."

Wala na akong sinabi at itinuon na lamang ang tingin sa harapan.

Haley's Point of View 

"Haley," tawag ni Reed. "Galit ka ba?" tanong niya na nasa likod ko ngayon. Matapos kong maalala ang tungkol sa nakaraan, hindi ko na alam kung ano ang ikikilos sa harapan niya. Hiyang-hiya ako. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nalaman ko ngayon.

Kaya pala gano'n na lamang siya maka-react kapag nakikita 'yung panyo. 'Yon kasi 'yong binigay niya sa akin noong umiiyak ako bago kami maghiwalay. Ang ipinagtataka ko lang, how come at nakalimutan ko 'yong tao? Ano ba'ng nangyari after that day? Wala akong masyadong maalala.

Hininaan ko ang apoy noong kumukulo na ang sabaw. Tumayo ako ng maayos at pasimpleng bumuntong-hininga.

How am I supposed to talk to you, you idiot! 

"Kausapin mo naman ako, oh?" pagmamakaawa niya nang hindi umaalis sa likod ko. "Haley…"

Matagal mo na pala akong kilala pero hindi mo man lang sinabi sa akin?

"Hal—"

"Forget it," pangunguna ko bago pa man niya matawag ang pangalan ko. Pagkatapos ay humarap na ako sa kanya. "Wala namang magbabago kung nalaman ko nga. At saka, ginawa lang natin 'yang promise na 'yan noong bata pa tayo. So it's not a big deal." Nagpunas ako ng kamay. "And I'm sure na may babae na riyan sa puso mo."

Sh*t, now I said it.

Nakatitig lang siya sa akin nang mapayuko. Mukhang medyo nalungkot ito sa sinabi ko. "I'm..."

Please, not now... 

"Hey ebrebade! Reed! Nandito na kami.  Sorry nga pala, wala kaming load kaya hindi na nakapag-text." Boses ni Jasper iyon.

Okay. I think this is the first time na thankful ako sa kanya. Pero, hindi pa tapos 'tong niluluto ko! 

"N-nandiyan na sila? Hay naku... saglit lang!" Inalis ko ang apron na suot ko tapos mabilis na pumunta kung nasaan sila Harvey habang nakasunod naman sa akin si Reed.

Pagkarating ay huminto kaagad ako sa pagtakbo nang makita ng mga mata ko kung sino ang sinasabing ama ni Kei. Nagulat din ito noong makita niya ako. 

Ano'ng ibig sabihin nito? 

"Oy, Haley! Naaamoy ko na 'yong luto mo, ah? Tapos na ba?" sabik na tanong ni Jasper na tumatalon-talon pa. Hindi ko pinansin si Jasper at nakatingin pa rin ako do'n sa lalaking katabi ni Kei. 

Nagsisimula nang manginig ang katawan ko. Hindi ko rin magawang makapagsalita. Hinding-hindi ko pwedeng makalimutan ang mukhang ito kahit ilang taon na ang nakalipas. Lumunok muna ako bago siya tinawag.

"Papa," tawag ko sa kanya dahilan para mapatingin sa akin ang mga kaibigan ko. Halatang nagulat sila sa narinig nila mula sa bibig ko. 

Nanginginig ang mga mata niyang nakatingin sa akin. "Lara—No... Haley."

Kinuyom ko ang kamao ko habang nanlilisik ang mata dahil sa galit. Dahil nanunumbalik na naman 'yong mga alaala na hindi naman na dapat pang maalala.

"You..." mahina kong sabi na mahahalata pa rin sa boses ang panggigigil. 

Maraming nagbago simula nang mawala siya. Kung hindi siya umalis hindi rin sana magkakaroon ng gano'ng kalalang sakit si Lara. Hindi sana ako mahihirapan nang ganito ngayong nakikita ko siya. Bakit nagpakita pa siya? At saka, ano na naman ba 'to?

"I won't forgive you..." nanggigigil ko pa ring wika at mas diniinan pa ang pagsarado ng kamao. 

"Ah, 'yang batang 'yan? Iniwan sila ng tatay nila na kung hindi ako nagkakamali ay nagmamay-ari ng isang malaking kumpanya."

"Kawawa naman pala, ano? Bakit kaya?"

"Ang pagkakarinig ko, hindi raw talaga makasundo ni Mr. Lesley ang mag-ina. Kaya siguro iniwanan sila." 

Naalala ko pa rin 'yang mga sinasabi ng tao sa akin kapag lalabas ako ng bahay na iyon. Ang pag-alis din ni Papa ang dahilan kung bakit nag-iba ang trato ng mga kaibigan ko sa akin.  

"Iyong ama mo lang naman ang naging dahilan kaya kayo yumaman, 'di ba?"

"We're no longer your friend. We're only strangers." 

"You're no longer a part of us."

Sa ilang taon na nahusgahan ako at naging mapag-isa, tiniis ko lahat iyon nang hindi pinag-aalala sina Mama. I keep that to myself.

Tapos ngayon? Makikita kita rito? Ano'ng kalokohan ba ito?

Humakbang siya ng isa. "Haley, please let's talk. I will explain every—" Lalapit pa sana siya sa akin nang umatras ako't mapapikit ng mariin.

"Don't come near me!" Hindi ko na napigilan ang mapasigaw. Naninilim ang paningin ko dahil sa galit. Gusto kong manakit pero pinipigilan ko lang ang sarili ko.

Nawala lang ang kaunting galit ko noong marinig ko ang boses ni Kei. 

Tinawag niya ang pangalan ko. "Haley..."

Dahan-dahan ko siyang nilingon. Muntik ko ng makalimutan ang tungkol sa kanya. Tumulo ang luha nito kaya nakaramdam ako ng kakaibang lungkot at pag-aalala.

Ako pala itong may dahilan kung bakit ganito 'tong ama ni Kei? Ako ang dahilan ng pagkalungkot niya imbes na ako pa ang isa sa paraan para maging masaya siya. Ako ang may kasalanan kaya nagiging ganito ang pamilya nila.

Kusang yumuko ang ulo ko. "I'm sorry..." nasabi ko na lang bago ako tumakbo paalis ng mansion. 

Narinig ko ang pagtawag nila sa pangalan ko ngunit hindi ko lang pinansin at tuloy-tuloy lang ako sa pagtakbo.

Now, I also don't know how to face her. All of them...

Nanlalabo na ang mata ko dahil sa halo-halong negative feelings sa dibdib ko. I don't know what to do. Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero patuloy lang ako sa pagtakbo.

Dahil masyado akong pre-occupied sa nangyari, hindi ko kaagad napansin 'yong lalaki roon sa may van. Bigla niyang hinawakan ng mahigpit ang pulso ko kaya kahit na anong palag ko ay hindi ko magawang makatakas. Isama mo pa na bigla niyang tinakpan ang ilong ko ng panyo na may kasamang pampatulog kaya ngayon ay unti-unting nanghina ang katawan ko.

Pinipilit kong hindi makatulog pero hindi ko na nagawa. Unti-unting nagsara ang aking mga mata.

"Haley!!"

Reed?

"Haley!!" Muli pa niyang tawag. Hindi na ako nakapagsalita at tumulo lamang ang aking mga luha na siyang kasabay sa pagpasok sa akin sa loob ng sasakyan.  

Kei's Point of View 

Mabilis na sinundan ng mga kaibigan ko si Haley noong tumakbo siya palabas ng bahay. Lumingon naman ako kay Dad at seryosong tiningnan ito.

"What is the meaning of this?" tanong ko sa napakalalim na boses. Hindi ko alam na mapupunta kami sa puntong magkakagulo kami lalo na't kauuwi lang ni Dad dito. 

"Kei, listen to me—"

"Listen? Kayo ba nakinig sa akin nang sabihin ko 'yan sa inyo?" tanong ko't napailing. "Why are you doing this? What are you thinking?"

Naalala ko na naman 'yong time na tinanong ko si Haley tungkol sa totoo niyang ama.

Nginitian lang niya ako at iniba ang usapan. Halatang ayaw niyang pag-usapan ang ganoong bagay. 

"Haley is suffering because of you. Even if she didn't tell me about it, alam ko iyon," pagpapatuloy ko sa sinasabi ko. "You left her, Dad... You left them!"

Hinawakan ni Harvey ang balikat ko. Siya lang ang nanatili rito.

"Kei, stop."

Hindi ko siya pinakinggan at tuloy-tuloy lang sa sinasabi ko. "Hindi mo 'ko nabibigyan ng atensyon dahil kay Haley. Iniisip mo siya pero wala ka sa tabi niya at nandito ka sa amin pero wala 'yang presensiya mo. Ano ba tingin mo sa mga anak mo? Walang pakiramdam?"

Yumuko siya at humingi na tawad. Pero mas uminit pa ang ulo ko dahil sa ginawa niyang ekspresyon. 

"Sorry? Kung kailan magulo saka ka magso-sorry?!" Hindi ko na napigilang hindi mapasigaw dahil sa sobrang galit. "Dad naman, eh!" Gusto kong maluha sa inis. Harvey held my hands, trying to comfort and stop me from being furious.

"Kei, calm down—"

Galit na galit akong napatingin sa kanya dahilan para mapahinto s'ya sa pagsasalita niya.

"Calm down? Are you telling me to calm down?!" I exclaimed. "It's easy for you to say that because you're not in my position!" His eyes suddenly widen and looked so shocked of what I just said. "So, stop acting like you do! You're annoying!"

"Kei!" he called me as he shouted. His hands are also on my shoulders.

Saglit namuo ang katahimikan. I can't believe this. Si Haley? Si Haley talaga 'yong kino-compare sa akin?!

Mga ilang minuto pa kaming nagkatitigan ni Dad. Mukhang naiiyak si Dad habang masama lang ang tingin ko sa kanya. "I hate you!"

Nakita ko ang paglunok niya. Medyo nangingilid na rin ang luha niya pero pinipigilan lang niya. Lalapit sana sa akin si Papa nang sumigaw ang pawis na pawis na si Mirriam at Jasper.

"Si... Si..." hinihingal na paninumula ni Mirriam.

"Si Haley!" namumutla namang sigaw ni Jasper. 

Nakahawak sila sa mga tuhod nila dahil sa sobrang pagkahingal kaya hindi rin nila maituloy ang sasabihin nila. Nakaramdam ako ng biglaang kaba. Masama ang kutob ko sa sasabihin nila. 

"Si Haley! Someone took her!" nagpa-panic na sabi ni Mirriam.

"What?!" hindi makapaniwalang reaksyon naming tatlo.

Lumabas ako sa mansion gano'n din sina Harvey. "Tumawag kayo ng police, dad!" nagpa-panic na sabi ko. Agad naman siyang sumunod. 

Tumingin ako kay Jasper. "Nasaan si Reed?" tanong ko sa kanya. 

"Sinundan 'yong van."

Napaawing ang bibig ko. Mahahalata sa akin ang hindi makapaniwalang ekspresiyon.

"Paano niya mahahabol 'yon? Eh, wala naman siyang dalang sasakyan!" galit namang wika ni Harvey. Namumula na rin ang mukha niya dahil siguro sa pressure.

Napaupo ako sa semento. "Bakit nangyayari 'to?" wala sa sarili kong tanong habang nakatakip ang bibig gamit ang dalawa kong kamay. 

Umupo si Mirriam sa tabi ko. "No, everything will be alright." Sinabi niya iyan pero noong akbayan niya ako para himas-himasin ang braso ko, nanginginig din siya.

"Reed!" 

Tawag ni Jasper kay Reed. Napatingin kami sa hingal na hingal na si Reed.

Nakababa ang tingin niya at animo'y nai-stress ang mukha. "H-hindi ko na siya naabutan. Hanapin natin siya. Hanapin natin si Haley!" nawawala sa sarili niyang sabi pagkaangat niya ng kanyang tingin. 

Nanlaki ang mata ko nang makita ko na naman ang ganitong klase niyang mukha. Sa magulang niya ang una, kay Rain ang pangalawa, at ito ang pangatlo. Ganito ang naging itsura niya noong nawala ang mga taong malapit sa kanya.

By now, iniisip na siguro niya na baka pati si Haley, mawala sa kanya. No, this is bad. If this continues, his heart will break again.

Lumapit si Jasper at Harvey kay Reed. "Tumawag na si tito Lesley ng police kaya kumalma ka lang. Mahahanap natin s'ya," seryosong sabi ni Jasper. 

Pero nagulat kami nang bigla siyang sapakin ni Reed. At dahil sa sobrang lakas ng kamaong tumama sa pisngi niya ay bumagsak siya sa semento.

Tumayo kaming dalawa ni Mirriam at mabilis na hinawakan ang mga braso ni Reed. Pero dahil sa sobrang galit niya ay itinulak niya rin kami dahilan para mapaupo kaming dalawa sa semento. 

Ngayon si Harvey naman ang umaawat kay Reed. Kaso pinagsisisiko niya ito kaya nakawala rin siya't sumugod kaagad kay Jasper.

Kinuha niya ang kwelyo ni Jasper para iangat siya at sinuntok ito sa kaliwa't kanan. "Paano kung may nangyaring masama kay Haley? Huh?! Sasabihin mo pa ring kumalma?!" sinuntok niyang muli si Jasper, "Sinabi mong tatawag ng police? Eh, hindi naman sila nakakatulong! Hindi pa nga nila nakikita 'yong taong pumatay sa kapatid ko. Kaya paano pa si Haley na nawawala?!" Hinawakan siyang muli ni Harvey.

Tinulungan naman namin ni Mirriam si Jasper na makatayo. Hindi rin magawang gumanti ni Jasper dahil naiintindihan niya. Sa sitwasyon kasi ni Reed ngayon, nagiging ganyan siya dahil malamang, inaatake na naman siya ng takot niya. Takot na may mawala na namang importanteng tao sa buhay niya. Alam ko iyon.

"Argh! Bitawan mo 'ko!" sigaw niya na nagwawala na naman. Lumapit na sa kanya si Jasper kaya napatingin kami dito. Pipigilan pa nga sana ito ni Mirriam nang iharang ko ang mga kamay ko.

Napatingin si Mirriam sa akin habang nakatuon lang ang atensyon ko kina Reed.

"Bitawan mo ak—"

Sinuntok siya ni Jasper sa sikmura kaya natahimik siya.

"Reed!" sabi ni Jasper sabay hawak sa magkabilaang balikat ni Reed nang bitawan ito ni Harvey. "Get a grip of yourself! I know you're worried but we can't do anything for now. Hahanapin mo nga siya pero alam mo ba kung nasaan siya?" tanong niya.

Ngayon ko lang nakita ang ganitong side ni Jasper.

"Huwag ka namang mag-isip na may mangyayari kay Haley. Natatakot din kami pero kung hindi tayo magtitiwala na maliligtas siya, hindi ko makakayanan…" Nagulat kami noong may tumulo ng luha kay Jasper.  

Sa ilang taon naming magkakaibigan, hindi ko pa talaga siya nakikitang umiyak ni isang beses.

Tumungo si Jasper. "I understand what you feel but…" Inangat na niya ang ulo niya, "Haley is also important to us. Hindi lang ikaw ang nakakaramdam no'n. Huwag mo namang ipakita na ikaw lang ang nag-aalala, na ikaw lang ang nagbibigay halaga sa tao. Masakit, okay? Ayoko ng may mawala. Masakit na 'yong kay Rain, eh. She was one of my closest ally. Ayoko rin na may mangyari kay Haley kaya magtiwala ka sa kanya."

Hirap na hirap siyang sabihin iyon. Sa mga ganitong sitwasyon, mahirap magpaka-positive pero ginawa iyon ni Jasper para rin sa amin.

Tama, hindi nga kami dapat mag-isip na may mangyaring hindi maganda kay Haley. Nawala na ang buhay sa mata ni Reed kaya unti-unti na siyang binibitawan ni Jasper. Umupo siya sa sahig na para bang nawawalan na ng enerhiya sa katawan. Pagod na pagod siya kaya kaagad ko siyang pinuntahan at niyakap.

Ayoko na siyang makitang umiyak. Kahit na ako pa mismo, nagsisimula nang umiyak.

Reed's Point of View 

Mabilis na tumakbo si Haley na hindi ko na naabutan dahil sa sobrang tulin. Halos madapa-dapa na rin ako kahahabol. "Haley!" sigaw ko sa pangalan niya pero mukhang hindi niya naririnig. 

Tinatawag din siya ni Mirriam at Jasper pero hindi niya kami pinapansin. Takbo kami nang takbo hanggang sa magulat kami noong may lalaking lumabas sa van at hinawakan ang kamay ni Haley. Tinakpan nito ang ilong niya. Namuo ang malakas na kaba sa dibdib ko. Sh*t! Sh*t! Sh*t!

"Haley!!" tawag ko sa kanya at bago pa siya makatulog ay dahan-dahan niya akong tiningnan, "Haley..." nanghihina kong tawag nang isakay na siya sa van. 

Sa hindi malamang dahilan, naalala ko bigla ang mga magulang ko pati ang kapatid ko. Kaya bumagsak ang mga luha ko't mas binilisan pa ang pagtakbo para makahabol sa van na 'yon. 

"Stop!" Tuloy-tuloy pa rin 'yong van kahit na anong sigaw ang gawin ko. "Siya na lang ang natitira sa akin... Huwag niyo siyang kunin..." Unti-unti ng napapagod ang mga paa ko sa katatakbo. "Parang awa niyo na..." Hindi ko nakita ang bato sa semento kaya natalisod ako ro'n.

Lumalayo na ang van habang hirap naman akong iangat ang ulo ko. Parang ang tigas tigas nito. "Haley..." tawag ko hanggang sa hindi na makita ng mga mata ko ang sasakyan. "Haley!!!" 

Related Books

Popular novel hashtag