Chereads / Three Jerks, One Chic, and Me / Chapter 68 - Passionate

Chapter 68 - Passionate

Chapter 67: Passionate 

Reed's Point of View

Papasok pa lang ako ng infirmary para i-check si Haley nang malaman kong wala na s'ya ro'n. "Haley?" Lumingon-lingon ako sa paligid para hanapin s'ya. "Haley?" Naglakad ako at tiningnan ang labas. Saan nagpunta 'yon?

"Kung hinahanap mo si Haley, kanina pa s'ya nakaalis," lapit sa akin ng nurse. Humarap ako sa kanya pero ibinaba rin ang tingin.

Kanina pa? Naglagay ako ng sticky notes sa side table niya na huwag muna s'yang aalis, ah? Hindi ba niya nabasa 'yon o sadyang hindi lang talaga s'ya marunong makinig sa akin? 

"Sa pagkakatanda ko, may kasama s'yang lalaki."

Inangat ko ang tingin ko.  "Lalaki?" ulit ko sa binanggit niya. 

Hinawakan niya ang baba niya na parang nag-iisip. "Leader yata iyon ng Flash Drive kung hindi ako nagkakamali. Si... Jin Caleb Garcia ba 'yon?" hula niya.  

Kinuyom ko ang kamao ko. Siya nanaman!

Ibinaling ko ang tingin sa pwesto ni Haley kanina at agad na pumunta ro'n. Hinanap ko ang sticky notes na nakadikit sa table. Kaso katulad ni Haley ay wala rin ito. Hinanap ko ang note sa maliit na basurahan dahil may pakiramdam ako na nando'n 'yon.

At tama nga ako. Kinuha ko ang crumpled paper at binuksan iyon. Nang makumpirma ko ngang akin iyon ay inis kong itinapon ulit sa basurahan ang papel at patakbong umalis sa clinic. Tinawag ako ng nurse pero hindi ko na pinansin.

Bad trip. Itinapon ng lalaking iyon 'yong note ko para hindi mabasa ni Haley.

Tang*na! Cheater ka, Jin! Hindi ko alam kung paano kayo naging magkapatid ni Mirriam. 

Kinuha ko muna 'yong mga gamit ko sa classroom bago umalis sa campus. 

"Humanda ka talaga sa akin..." nanggigigil kong sabi sa sarili.

Haley's Point of View 

Nakauwi na kami sa mansion kaya bumaba na kami sa Jeep. Actually, medyo nanibago pa ako sa pagsakay dahil matagal na rin noong huli akong mag-commute. Madalas  ay nagba-bike lang ako at skateboard. 

Tumabi kami dahil nasa daan kami. "Salamat nga pala sa paghatid sa akin," pagpapasalamat ko nang makaharap ako sa kanya.

Nagpamulsa siya't tumagilid ng tayo. Ngunit hindi mawawala roon ang ngiti sa labi niya, "Kung gusto mo, araw-araw pa kitang ihatid para palagi akong may thank you at ngiti sa 'yo." Nakaramdam ako ng hiya nang dahil do'n. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na siya si Jude.

"Baliw. Oh, siya. Hintayin na kitang makasakay uli—"

"Hindi, ikaw ang hihintayin kong makapasok."

Hihintayin niya akong makapasok? Eh, paano kung mamaya pa ako pumasok? E di hanggang mamaya pa kami rito? Kaso alangan namang magpumilit pa ako? Masakit na nga 'yong ulo ko.

"Fine." Tumalikod na ako sa kanya para makapasok na nga sa loob. "Pasok na ako."  Binuksan ko ang gate. Naghahanda yata ng dinner sina manang kaya wala rito sa labas. 

"Haley!" tawag ni Jin sa akin kaya nilingon ko s'ya habang nakahawak sa gate. "Kung p'wede ..." Humarap ako sa kanya. "Labas sana tayo this Saturday. Just the two of us."

Two of us? Is he asking me for a date?

"Jin..." Should I say, no? I can't date him.

"Wala naman 'tong malisya. Friendly date lang. I know you're not yet ready to enter relationship,"nakangiti niyang pagkibit-balikat. 

HIndi ako umimik kaagad. Nag-isip pa ako nang kaunti bago ako mapabuntong-hinga at makapag desisyon. "If that is the case, then I'm in." Friendly date lang naman. Walang masama ro'n. Parang date ko lang din 'to kay Kei at Mirriam.  

"Really?!"

Tinaasan ko siya ng kilay. "Bakit tuwang-tuwa ka?" pagtataray ko pero nag-zipped lang siya ng bibig at mukhang tangang umiling.

"#?|~_{€•£" Hinampas ko ang likod n'ya.

"I can't understand you, idiot" natawa siya. 

"Sa wakas, masosolo rin kita!" pabulong na sabi ni Jin na hindi ko naman narinig ng maayos. 

Hindi ako sumagot at umiwas lamang ng tingin. Hindi ba siya nahihiya sa pinagsasasabi niya? 

"You know how to die?"

"I'm just kidding," he said then laughed. 

Pumasok ako sa loob para makapagpahinga na. May gagawin pa yata kami bukas sa school kaya kailangan ko pa ng tulog.

*** 

PUMASOK NA 'KO sa kwarto at pahagis na inilagay ang bag sa likod ng pinto. Bumungad sa akin ang malakas na hangin noong makapasok sa kwarto. 

Bukas pala ang bintana at mukhang uulan. I looked at the front, realizing that the window is widely open. "Bakit bukas 'yan?" I went there to close it, still confused how it was opened. May nakapasok ba?

May kumatok sa pinto na tiningnan ko lang mula sa peripheral eye view. "Pasok," Binuksan iyon ng kung sino. 

"Nilinis ko ang kwarto mo kaya pasensya na kung itinabi ko ang mga nandiyan sa table mo." Tiningnan ko ang study table ko tapos humarap kay Manang, ang isa naming kasambahay dito na may katandaan na rin.

Nakakahiya naman. S'ya pa ang naglinis ng mga kalat ko— Teka! Hindi naman niya siguro nakita 'yong panty kong butas 'di ba? 

Nagpasalamat ako kay Manang bago ibinaling ang aking tingin sa bintana. "Pero bukas po ba talaga 'yong bintana ko?" tanong ko nang tingnan ko ulit ang bintana.

"Ah, pasensya na, hija. Nakalimutan kong isarado nang buksan ko 'yan kanina. D'yan ko kasi pinagpagan 'yong basahan, eh." Akala ko naman napasok na kami. 

Ipinagdikit ko ang labi ko't napatango. "Sige, Manang."

"Halika muna. Kumain tayo sa baba at meron akong nai-bake na cupcake."

Damn! Naghahanap talaga ako ng matamis ngayon, kaya sakto.

"Sige po—"

Napahawak ako sa ulo ko nang maglalakad na sana ako. Ah... I almost forgot that I have headache.

"Bakit hija?" Inalalayan ako ni Manang pero tumayo na lang ako ng maayos para hindi s'ya mag-alala. Ang ayoko kasi talaga 'yung nag-aalala ang ibang tao sa akin. Pero ako yata itong gumagawa ng dahilan para mag-alala sila sa akin.

"It's nothing, Manang" sabi ko na lang at sumunod kay Manang palabas ng kwarto. Bago ko pa man maisara ang pinto. Sumulyap ako sa picture frame na nakataob. Ayun ang litrato namin ni Lara.

Tumingin ako sa kaliwang bahagi at sinara na nga ang pinto. 

Reed's Point of View  

Matapos kong bumili ng gamot sa Neptune Drug ay dumiretsyo kaagad ako sa Smith Mansion. Bumili rin ako ng Mami para kay Haley dahil alam kong kakailanganin niya rin iyon. Sana hindi pa siya kumakain para hindi siya ganoon kabusog. 

Dahan-dahan akong umakyat dahil baka matapon ang dala-dala ko.  

Noong marating ko ang harapang kwarto ni Haley ay hindi na ako kumatok at pumasok na lamang. Hindi naman kasi naka-locked.  

"Haley?" Tawag ko pero naabutan ko siyang tulog. 

Naglakad ako papasok sa kwarto niya at binuksan ang lamp shade. Para kahit papaano  ay may ilaw.  Inilapag ko ang Mami at ang gamot niya para sa sakit ng ulo pagkatapos ay sumulyap kay Haley na mahimbing na natutulog. 

Naglabas ako ng hangin. Napagod yata talaga siya kaya hindi magising kaagad. 

Tumingin naman ako sa cellphone na nakalagay lamang doon sa study desk niya. Sandali pa akong tumitig doon bago pumunta sa aking kwarto para kunin ang bagay na iyon.  

Haley's Point of View  

Nasa kalagitnaan ako ng magandang panaginip noong may taong yumugyog sa akin. 

Pumailanlang ang pag-ungol ko habang napapadilat para makita kung sino itong isturbong nanggising sa akin. "It's you." balewala kong tugon kay Reed na malapit sa mukha ko. Ano'ng ginagawa ng lalaking ito at nandito?

"What? Sino ba sa tingin mo? Si Jin?" Bigla akong nainis sa sinabi kaya tinulak ko ang kanyang mukha palayo sa akin. Umupo ako mula sa pagkakahiga 'tapos tiningnan ang labas ng bintana bago ang wall clock ko. 7 o'clock pa lang ng gabi! 

Tinaasan ko ng kilay si Reed. "Ba't nandito ka? Ano kailangan mo?" pagtataray ko. Magla-locked na talaga ako ng pinto. Nakalimtuan ko lang kasi kanina dahil nga masakit 'yung ulo ko.  

Naglakad siya palapit sa study desk ko 'tapos may inilabas mula sa supot. Naamoy ko 'yung mabangong Mami. Humarap siya sa akin habang hawak-hawak ang Mami na iyon. "Kain. Uminum ka rin ng gamot mo." Pag-abot niya niyon. 

Tumaas ang kilay ko at nagkaroon ng kakaibang pakiramdam ang puso ko-- Happiness. 

I feel special and loved. He's here in front of me with his awkward smile. 

Umiwas siya ng tingin at humagikhik. "Sabayan kita. Kawawa ka naman, eh." Hindi ako umimik kaagad at ngiti na lamang na napailing bago siya lapitan. Nung makarating ako sa harapan niya ay nginitian ko siya kasabay ang pagkuha ko ro'n sa Mami at gamot na binili pa niya para sa akin. 

"Ang sweet mo naman. Sana palagi ka na lang ganito para naman may pakinabang ka." pang-aasar ko dahil hindi ko kayang sabihin ng diretsahan ang totoo kong nararamdaman. 

Tiningnan niya ako mula sa peripheral eye view bago mapahawak sa kanyang batok. "Bahala ka sa buhay mo." nasabi na lang niya ng hindi ako inaasar. 

Ang ganda lang sa pakiramdam na ganito siya palagi. Nabibigyan niya ako ng atensiyon at nakikita kong may care siya sa akin. Paanong hindi ako mafo-fall sa kanya, 'di ba? Kahit pa na sabihin nating palagi kaming nag-aaway ng lalaking ito. 

I still don't know how higher my love I have for him. But, 

The only thing I know is, I love him. 

Related Books

Popular novel hashtag