Chapter 68: I won't go back
Jin's Point of View
Inaayos ko ang buhok ko habang nandito ako sa harapan ng salamin. Nagpagupit ako dahil may date kami bukas ni Haley. Hindi ko tuloy maiwasang 'di kiligin ngayon. Naghanda pa ako ng pupuntahan namin bukas para hindi palpak ang first date namin.
Sinabi kong friendly date lang iyon pero para kasi sa akin, parang romantic date na 'yon, eh. Siyempre gusto ko 'yung tao kaya hindi lang siya isang normal na gala lang ng magkakaibigan. Score!
Binuksan ng kung sino ang pinto. "Hoy, kuya. Gabing-gabi na nag-aayos ka pa rin ng buhok diyan. Bukas pa ang labas niyong dalawa, 'di ba?"
Si Mirriam pala ito. Tumayo ako ng maayos at humarap sa kanya na may ngiti sa aking labi.
"Hindi ko na 'to palalagpasin 'no. I will make her fall in love with me," turo ko sa sarili ko dahilan para bigyan ako ng disgusting look nitong kapatid ko.
Umiling siya tapos pumunta na sa kama niya. Magkakasama lang naman kami sa iisang kwarto kasama ang dalawa ko pang kapatid na si Airiam at Jean. Pero may mga harang naman kaya may privacy pa rin kami.
Muling nagbukas ang pinto. "Kuya Jin! May tumatawag sa phone mo." Binigay ni Airiam ang cellphone ko. Pinahiram ko kasi sa kanya dahil wala raw siyang load.
Kinuha ko iyon tapos tiningnan ang screen. Nang makita kong si Haley pala ang caller ay agad kong sinagot iyon.
"Haley!" masiglang tawag ko.
"Geez, you don't have to be so loud," naiiritang wika ni Haley mula sa kabilang linya.
Hahh… Ang ganda talaga ng boses niya. Parang mala-Liza Soberano lang.
"Uhm… Regarding doon sa labas natin tomorrow, 'di kasi tayo matutuloy."
Bigla naman akong nalungkot sa binalita niya. Gusto kong malaman kung bakit pero baka mamaya mainis pa siya sa akin kaya hindi ko na inimikan.
"Maybe next time if there's a chance," dagdag niya kaya tumango ako kahit hindi niya nakikita.
"Okay lang. Marami namang ibang pagkakataon, eh." Sinabi ko iyan pero nasasayangan talaga ako! Nagpapogi pa naman ako para sa kanya.
"Sige," tipid niyang sagot at in-end ang call.
Ibinaba ko ang kamay ko at naglabas ng hininga. Tinukso tuloy ako ng dalawa kong kapatid.
"Oh, ano? Masyado kasing excited kaya ngayon, disappointed," pang-aasar ni Mirriam.
"It's fine, kuya. Kami na lang ang i-date mo," sabay hampas ni Airiam sa likod ko.
Muli akong bumuntong-hininga at pumunta sa kama ko para ibagsak doon ang katawan ko.
Gimme a break.
Haley's POV:
Weekend afternoon. Nagpasya akong lumabas mag-isa para mamili ng kung anu-ano sa mall. Kasama ko sana si Kei ngayon pero dahil may date sila ni Harvey, hindi ko tuloy siya maaya. Inaya ko rin si Mirriam pero mayroon daw siyang duty sa business nila kaya yeah, ako lang mag-isa.
Well si Jasper, willing sumama sa akin pero dahil sa maingay siya hindi ako pumayag. Saka alangan namang ayain ko si Reed na kaming dalawa lang? No! Nakakahiya! Eh di parang magde-date na rin kami 'pag nagkataon?
Pumasok ako sa sa isang bookstore na nadaanan ko. Tumingin-tingin ako hanggang sa mapahinto ako sa area na nagpapukaw ng atensyon ko. Kinuha ko ang libro tapos binuklat.
"Mahilig ka pala talagang magbasa, ano?"
Halos tumaas lahat ng buhok sa katawan ko nang marinig ko ang boses na iyon.
Lumayo ako kasabay ng paglingon sa kanya. "J-Jin… H'wag mo naman akong gulatin ng gano'n." Ang lakas pa rin ng tibok ng puso ko.
Ngumiti siya at inilapit ang mukha sa akin. Umurong ako at kumurap-kurap..
"Nandito ka rin pala? What a coincidence," kibit-balikat niyang wika.
Binigyan ko siya ng nakakahinalang tingin. "Hindi mo naman ako sinundan dito, 'di ba?"
Natawa siya. "Hindi. Kagagaling ko lang din sa practice, eh. Dumiretso lang ako rito para bilhan 'yung kapatid ko ng librong pinapabili niya." Tiningnan ko ang damit niya. Oo nga, naka-sports attire siya. Nagpalit lang ng pang-itaas. "Nandito ka na rin naman, gusto mong magsama na lang tayong dalawa? Bawi na rin sa naudlot nating date noong nakaraan."
Hoy, ang weird ng pagkakasabi mo sa magsama, ha?
"Hindi'yon date, okay?" Dumikit siya ng kaunti sa akin.
"Okay, okay. Pero ano? Gala tayo." pangungulit niya't nag-puppy face pa.
Napa-bored look ako. "You know, 'di iyan eepekto sa akin," walang gana kong sabi kaya kumamot siya sa ulo niya.
"Ay, hindi ba?" parang nahihiya niyang sambit kaya ako naman ang walang nagawa at napabuntong-hininga.
Pumayag ako sa gusto niya. Tutal wala naman akong gagawin maliban sa tumingin-tingin para malibang.
Inaya niya akong kumain matapos naming mabili ang gusto namin sa bookstore. Sakto nga't hindi pa pala siya kumakain. Dinala niya ako sa resto sa second floor na hindi naman ganoon kamahalan pero sapat lang para mabusog kami. May mga natutunan ako tungkol sa kanya habang nagkukwentuhan kami. Hindi niya hinahayaan na ma-bored 'yung taong kasama niya at palagi siyang gumagawa ng paraan para mapasaya 'yung tao.
Masaya siyang kasama pero the fact na may gusto siya sa akin is a bit kind of awkward. Kaya hangga't maaari ay hindi ko iyon tinutukoy o bini-bring up. Kaso matapos naming kumain at pumunta sa pinakataas na palapag kung saan p'wedeng tumambay ay bigla niyang tinanong ang salita na talagang iniiwasan ko.
"Hahayaan mo ba 'kong ligawan ka kung may pagkakataon?" tanong niya dahilan para mapahinto ako't mapatingin sa kanya. Nakaharap sa view ang tingin niya nang ibaling niya iyon sa akin.
Hindi siya nakangiti at seryoso lang siyang nakatingin sa akin. Again, it leave me no choice but to be in silence. Binasag lang niya iyon sa pamamagitan ng pagtawa niya.
"Don't rush. Wala pa naman akong balak ngayon dahil gusto muna kitang maging kaibigan bago ako tumuntong sa stage na iyon," sabi niya't naglakad papunta sa harapan ko. "I am willing to wait, Haley. I promise, but..."
I let my guard down. Mabilis niyang inilapat ang mga labi niya sa labi ko dahilan para manlaki ang aking mata't bumilis ang tibok ng aking puso. What?
Dahan-dahan niyang inalis ang labi niya sa akin ganoon din ang unti-unti nitong pagmulat ng kanyang mata. Ngumiti siya na siyang nagpapatig sa akin. "I won't go back anymore."