Chereads / Three Jerks, One Chic, and Me / Chapter 67 - Tiffany and Haley

Chapter 67 - Tiffany and Haley

Chapter 66: Tiffany and Haley  

Haley's Point of View 

Damn. I didn't expect this to happen. Even though this is not the first time since he took my first kiss, still this is just too embarrasing! 

"Kasama ba talaga sa scene 'yan?"nagtatakang tanong ng kung sino. Titig na titig si Reed sa mga mata kong nanlalaki habang bumibilog naman ang mga mata niya dahil sa biglaang pangyayari. 

Hindi ako makagalaw dahil sa sobrang pagkagulat. Para akong na-paralyzed na ewan. Hindi ko maintindihan lalo na itong puso ko na OA kung tumibok. Pinatay na ang ilaw at isinarado ang curtains. Itinulak ko s'ya't napaupo habang pulang-pula ang mukhang nakatingin sa kanya. 

"Jerk!" At iniuntog ko ang noo ko sa noo niya.

Reed's Point of View 

"Love knows no difference between life and death, the one who gives you a reason to live is also the one who takes your breath away. And this is the end of their tragic love story," pagtatapos ng narrator. 

And after that, isa-isa niyang tinawag ang totoong pangalan ng mga cast. "And last two! Reed Evans as Romeo Montague and Haley Miles Rouge as Juliet Capulet!"

Binigyan nila kami ng masigabong palakpak nang makalabas kami ni Haley. Rinig na rinig sa buong auditorium ang malalakas na hiyawan. Ibig sabihin niyan ay successful ang play. Nag-hawak kamay kaming lahat at nag-bow.

Palihim akong napatingin kay Haley habang bumababa ang curtain. Ganoon din ang ginawa niya kaya nung nagkatinginan kami ay mabilis pa sa The Flash ang pag-iwas namin ng tingin. Inalis din namin agad ang kamay naming magkahawak pagkababang-pagkababa ng curtain. This is pretty awkward.

Haley's Point of View

Pumunta na kaming lahat sa backstage matapos ang ilang introduction. Karamihan sa kaklase namin ay niyakap kami lalo na ang fellow but supportive president naming si Rose. Niyakap niya ako sa leeg. Kung ikukumpara ko ang yakap nila ni Kei, mas matindi s'ya kung makayakap. Buti nga, binitawan na niya kaagad ako. 

"This is beyond expectation. Successful ang play natin! I'm so proud of you! All of you! Nice work everyone!" sabi ni Rose.

Nag-closed fist silang sinuntok ang ere kasabay ng pag sigaw ng, "Yeah!" 

Napangiti ako dahil doon. Nawala lang ang ngiti ko noong may humila sa buhok ko. Hindi kaagad ako nakagalaw dahil sa gulat. Gusto kong tingnan kung sino ang nananabunot sa akin pero hindi ko magawa. Sobrang gigil na gigil talaga siya sa akin.

"Curse you, Haley! How dare you?! Malandi ka talaga! B*tch! Walang hiya ka!"

Hindi ako sumagot kasi inaawat na sila ng mga kasama ko. Napapapikit lang ako ng mariin dahil parang matatanggalan na ako ng buhok kahihila ni Tiffany. 

Napapatili s'ya dahil sa galit niya. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak niya para gawin ito sa akin. Hindi ko na nga sana s'ya papatulan kaso noong muli na naman niya akong sinugod kasabay pa no'ng pagsakit ng ulo ko ay mabilis ko s'yang sinikmuraan dahilan para mapabitaw s'ya sa pagkakahawak sa buhok ko.

Tumayo't kinuha ko ang kuwelyo ni Tiffany sa inis. "What the f*ck is your problem, you assh*le?!"

Hindi ko napigilan ang galit ko kaya nasapak ko ang mukha n'ya na talagang ikinagulat ng lahat. Medyo tumalsik s'ya sa ginawa kong iyon at dahil sa init ng ulo ko ay akmang lalapitan ko pa siya nang hawakan na ako ni Jasper at Harvey habang inalalayan naman ni Reed si Tiffany.Mas lalong kumulo ang dugo ko. 

"Haley, stop it," pang-aawat ni Harvey sa akin pero hindi ako nakinig at kumakawala pa rin ako sa hawak nila. Sa sobrang lakas nila ay medyo nasasaktan ako sa pagkakahawak nila pero mas pinapangunahan ako ng galit kaya wala akong nararamdaman.

"Ano ba'ng ginagawa mo?!" tanong naman ni Reed kay Tiffany habang hawak-hawak ito para hindi makalapit sa akin. 

Hindi rin naman nagpaawat si Tiffany dahil nanlilisik ang mata niya habang kumakawala. "Bitawan mo 'ko! Dahil sa kanya kaya ako nakulong sa kwarto!"

Nabitawan na ako ng dalawa noong maramdaman nilang kumalma ako.

Kunot-noo ko siyang tiningnan. "Nakulong?! Paano ko naging kasalanan 'yon?!" 

Dumating na ang adviser namin at tinanong kung ano ang nangyayari. Hindi lang namin siya pinagtuunan ng pansin. 

Dinuro-duro niya ako. "Sinama mo pa 'yang Lara na 'yan para lang ma-solo si Reed!" Pagkarinig na pagkarinig ko pa lang sa pangalan na binanggit niya ay automatic na nandilim ang paningin ko. "At bakit pati pangalan ng kapatid ko, dinadamay mo?" paanas at nanggigil na tanong ko sa kanya. Kinuyom ko ang kamao ko habang nanginginig na huwag iyon tumama ulit sa mukha niya. "She's already dead but you're bringing this up to me?!" 

Mukha namang narinig ang pagsigaw kong iyon sa labas ng backstage kaya nakarinig kami ng kanya-kanyang reaksiyon.

Pumunta na sa akin si Miss Kim para pakalmahin ako. May sinasabi siya sa akin pero hindi ko siya naririnig. Parang wala ako sa mundong kinagagalawan nila.

"Bakit hindi ba totoo?!" Sigaw ni Tiffany pabalik sa akin kaya mas hinila pa siya ni Reed. Gusto kong magwala sa galit. Gusto kong umiyak pero hindi ko magawa.

"Stop it, you two! Ano ba 'yang pinag-aawayan ninyong dalawa? At anong nakulong ang sinasabi mo, Tiffan—"

Sumabat ulit si Tiffany kaya hindi naituloy ng adviser namin ang kanyang sasabihin. "Mang-aagaw ka na nga, malandi ka pa! Hindi lang si Mirriam at ang Trinity4 ang kinuha mo! Pati si Reed, kinuha mo sa 'ki—"

Mabilis ko s'yang sinampal nang mapunta ako sa harapan niya. Napatigil siya pero agad akong ginantihan ng isa pang malakas na pagsabunot. Kaya ang sunod na nangyari ay ang walang katapusang sabunutan. Inaawat na kami ng mga kaklase't school mate namin ganoon din si Miss Kim pero hindi nila kami maawat dahil sa sobrang higpit ng pagkakahawak namin sa buhok ng isa't isa. 

Ngunit nang dahil sa nakaramdam na ako ng hilo matapos ang ilang minuto at dahil na rin sa tindi ng paghila niya sa buhok ko, nabitawan ko na ang buhok niya. Iuuntog pa nga sana niya ang noo ko sa sahig pero mabuti na lang at kaagad na nailayo ni John si Tiffany sa akin. 

Wala naman akong nagawa kundi ang ibagsak ang katawan ko at mapapikit. Nahihilo talaga ako.

"Haley!" tawag ni Reed sa akin at binuhat ang balikat ko. "Oy, Haley!" muli pa niyang tawag at mahinang tinapik ang pisngi ko.  

"Haley!" tawag sa akin ni Kei.

"Let go. She's messing with my twin sister." nanghihina kong sabi na mukhang nagpagulat kay Kei at Jasper. Mabilis lang akong binuhat ni Reed at dinala sa clinic. 

"H'wag ka munang matutulog naiintindihan mo? Malapit lang 'yong clinic kaya maghintay ka!"

Bakit kailangan idamay ni Tiffany 'yung taong wala na rito? F*ck. Matutulog na muna ako. 

Nagsimula na ngang dumilim ang paningin ko hanggang sa hindi ko na lang namalayan na nawalan na nga ako ng malay.

 ***

NAGISING AKO at nalamang na sa loob na ako ng clinic. Hindi ako madalas dito pero alam kong nasa clinic ako dahil na rin sa rami ng clinic bed. Dahan-dahan akong napaupo sa kama at napahawak sa ulo ko. Ang bigat pa rin nito at ramdam ko pa rin 'yong panghihila ni Tiffany sa buhok ko. The hell...

"Hey."

Tiningnan ko sa peripheral eye view ang tumawag sa akin. "Jud--Jin!" matinis na tawag ko sa pangalan niya.  

Isinara niya ang librong binabasa niya at inilapit ang gamit na upuan papunta sa akin. "Kumusta? Masakit pa ba 'yan?" nguso niya sa ulo ko. 

Tumango ako at ibinaba na ang kamay ko. "Mukhang kanina mo pa ako binabantayan," hula ko.

"Hindi naman kita hahayaan na magpahinga ritong mag-isa. Baka balikan ka pa ng babaeng umaway sa'yo," umiiling-iling na sabi nito. Nakita kaya niya ang nangyari kanina?

"You don't usually lose your cool, just what happened."

Bigla namang sumagi sa isipan ko 'yung sinabi ni Tiffany sa akin kanina. Ano ba'ng ibig niyang sabihin sa parte na pati si Lara sinama ko para ma-solo si Reed? Wala tuloy akong ideya kung sinasabi lang ba niya iyon para asarin ako. Pero hindi naman niya ako sasaktan ng ganoon kung walang nangyari sa kanya nung nawala siya. 

Umiling ako. No. She's just imagining it. "You don't need to know."

Tumayo na siya na may ngiti sa labi niya. "I understand." Wika niya at tumingin sa labas ng bintana. Papalubog na rin ang araw. "Ihahatid na kita sa inyo." 

Hindi na ako nagdalawang-isip at pumayag na ako. Ayoko namang pilitin 'yong sarili kong umuwi na ganito ang nararamdaman ko. Ayoko rin namang istorbohin mga kaibigan ko dahil binigyan ko na rin sila ng sakit sa ulo.

Sa pagtayo ko ay biglang dumilim ang paningin ko kaya muntik pa akong bumagsak. Mabilis naman akong nasalo ni Jin kaya tumama lang ang ang noo ko sa dibdib niya. "Careful."

I hate this…

"I'm sorry..." paghinging paumanhin ko at tumingala para tingnan s'ya. "Nahilo ako big—" Nanlaki ang mata ko dahil sa sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa. He's worried. 

Lumayo ako sa kanya at inilayo ang aking tingin. "M-maghihilamos lang ako," sabi ko.  

At para namang nawala 'yong sakit ng ulo ko dahil do'n. Inaatake ako ng adrenaline ko. Augh, sana makauwi na kaagad ako para makapagpahinga ulit. Binuksan ko ang gripo at binasa ng tubig ang mukha ko.

Mirriam's Point of View 

Tumatakbo ako ngayon papunta sa Diamondbucks. Makikipagkita kasi ako sa taong iyon dahil kailangan ko rin talaga siyang kausapin pagkatapos nung nangyari kanina. Binuksan ko ang glass door at lumilingon-lingon sa paligid para hagilapin s'ya. Ine-expect ko na hindi siya magpapakita pero nang mapatingin ako sa kaliwa ay nakita ko na s'ya. Nando'n s'ya sa may dulo. 

Sumeryoso ang tingin ko bago siya lapitan. Inilagay ko ang bag ko sa dulo ng upuan at umupo. 

"Oh, nandito ka na pala," walang gana niyang sabi at maarteng ininom ang frappe niya. "So? What do you want to talk about?" taas kilay na tanong niya.

"Tiffany," tawag ko sa pangalan niya. "Nakipagkita ako sa'yo ngayon dahil gusto kong—"

"Tigilan si Haley?" pangunguna niya sa dapat kong sasabihin.

Umurong ang ulo ko dahil sa sagot n'ya. Mukhang nababasa niya ang na sa isip ko.

Ibinaba niya ang frappe niya at pinaglaruan ang laman nito gamit ang straw. "Don't tell me hindi ka naniniwala sa sinasabi ko kanina? I really saw her siste--" I cut her off.

"I don't know anything about that story. Totoo man o hindi, 'di mo pa rin dapat ginawa 'yon." Suway ko sa kanya na nagsalubong sa mga kilay niya.

"What are you trying to say? Kasalanan ko?" tanong niya na may paghawak sa kanyang dibdib. "Kung hindi lang naman dahil sa ginawa nilang magkapatid, hindi ako magkakaganito, eh. Kinulong nila ako, Mirriam. Kinulong ako." mariin na pagkakasabi niya ngunit kalmado ang paraan niya ng pagsagot. Wala talaga akong maintindihan sa sinasabi ngayon ni Tiffany. Wala namang kinukwento sa amin si Haley na mayroon siyang kapatid.

Umirap siya at nagbuga ng hininga. "Whatever. Screw all of you.."

Tumayo na s'ya at kinuha ang shoulder bag n'ya. May bandage ang mukha niya dahil sa ginawa ni Haley sa kanyang pagsapak.

 Aalis na sana dapat siya pero base sa nakikita ko sa mukha niya. Tila parang may isa pa siyang sasabihin. "Ito tatandaan mo Mirriam. Hindi ito 'yung araw na pahihirapan ko 'yang kaibigan mo." tukoy niya kay Haley. Nagdikit na ang kilay niya at parang nandidilim ang paningin. "Hintayin niya." lumakad na nga siya paalis ng DiamondBucks ng hindi man lang ako dinaanan ng tingin.

Samantalang pabagsak ko lamang isinandal ang likod ko sa lean seat at nagbuga ng hininga. Humawak ako sa noo't napahilamos ng mukha.