Chereads / Three Jerks, One Chic, and Me / Chapter 50 - Mirriam's Brother

Chapter 50 - Mirriam's Brother

Chapter 50: Mirriam's Brother 

Haley's Point of View 

Two days after, nakauwi na kami sa Smith Mansion. Nag-ayos lang kami ng kaunti sa sala tapos pumunta na sa kanya-kanyang mga kwarto. Matapos ang date nila Kei at Harvey, nalaman namin na sila na. Hindi ko rin inaasahan dahil masyadong mabilis, pero matagal naman na kasi silang magkakilala kaya wala naman na sigurong problema. Kaso ang problema namin ni Reed, ano na lang ang magiging reaksyon ni Jasper kapag nalaman niya 'to? Ngayon pa mang alam din naman namin na gusto niya si Kei. Tsk, annoying chic.  

Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama at tumitig sa kisame, "The prettiest smiles hide the deepest secrets. It's Harvey. The prettiest eyes have cried the most tears. It's Kei. And the kindest hearts have felt the most pain. And that will be Jasper." kababasa ko lang ng quotes na 'yan sa isang libro at sila kaagad ang pumasok sa isip ko. Nag-aalala tuloy ako kung ano ang magiging resulta ng mga ito lalo na't sila pa naman ang nakikita kong mas close sa isa't isa-- Pero kasalanan ko 'to, 'di ba?! Dahil binigyan ko sila ng chance! Kaso hindi ko nga inaasahan na magiging sila kaagad!

 Wala talagang pinipiling oras ang pag-ibig.

Ipinatong ko ang likod ng palad ko sa aking noo, "What should I do?" nag-aalala ko pa ring tanong kahit na dapat ay matulog na lang ako dahil pagod na pagod ako!

Bumuntong-hininga ako't napatingin sa panyong na sa study table, "Kung nandito ka, ano kaya ang masasabi mo?" tanong ko. Bigla namang lumitaw ang litrato ni Reed sa utak ko kaya napaupo ako.

Siya nanaman 'yong lumitaw. 

I thought to myself and glance over my shoulder, I also remember his scar on the forehead. Nakakatawa mang isipin pero malapit ko nang isipin na siya ang nakilala ko noon. 

Napailing ako, "Pero paano namang magiging siya, hindi ba?" tanong ko't yumuko, "But how come that I forgot about this kid?" mahinang tanong sa sarili.

Maybe I should figure it out. Para tantanan na ako ng maingay kong mundo.  Ang random kong mag-isip. 

*** 

SINABI KO ngang aalamin ko 'yung batang 'yon pero bakit kailangan ko pang lumabas ng mansyon? Saan naman ako pupunta? Para namang may malalaman ako kapag lumabas ako!

Napahilamos ako ng mukha. Kulang lang talaga 'to sa tulog.

"Yoh," bati ng kung sino dahilan para lingunin ko siya. Ano namang ginagawa ng tukmol na 'to?

Humarap ako sa kapatid ni Mirriam. "Jin… Tama?" tukoy ko sa pangalan niya na tinanguan niya.

Lumapit siya sa akin para tanungin kung saan ako pupunta. Ano namang pakielam niya? Ako nga dapat ang magtanong niyan sa kanya. Ang layo layo kaya ng bahay niya mula rito

Bigla akong nasilaw sa pagtapat ng liwanag ng araw sa akin. Mabuti na lang at humarang doon si Jin. "Kararating lang din ng kapatid ko kani-kanina. Inaaya kong kumain pero tumanggi naman. Kaya baka gusto mong ikaw na lang sumama sa 'kin? Kain tayo."  

Kunot-noo ko siyang tiningnan. "Hindi pa 'ko kumakain at wala rin akong dalang pera." sagot ko na nginitian niya.

"Libre ko, papunta rin kasi ako sa sikat na ramen store malapit dito, eh." nguso niya sa bandang likuran ko na sinundan ko naman ng tingin. Mayro'n no'n dito? Bakit hindi ko alam 'yan?

Nilagpasan niya ako, "Tara. Para naman medyo tumaba-taba ka kahit papaano." at naglakad na siya. Sinundan ko naman siya ng tingin. Hindi naman ako gano'n kapayat, ah?

Pero ang friendly naman masyado ng kapatid ni Mirriam. Gwapo pa 'tapos mabait. Kung ipagpapatuloy niya 'to, maraming mafo-fall sa kanya. 

Humalukipkip ako't napangisi, "Mabuti na lang pala at hindi ako marupok." wika ko at sumunod na nga lang sa kanya. Bawal tanggihan ang biyaya, saka gusto ko ring matikman 'yong tinutukoy niyang ramen. Bihira lang 'yan sa lugar na 'to.  

Nakarating na nga kami sa tinutukoy niya at namangha sa itsura ng lugar dahil ang style ng store na ito ay gaya ng nakikita ko sa mga Japanese Drama. Nganga kong inilibot ang tingin sa paligid. Amazing... 

Naghanap kami ng mauupuan. "Irasshaimase! [Come on in!]"

Doon kami umupo sa bandang dulo. Magkaharap kami kaya nakikita ko ang mukha niya. Medyo nahiya ako bigla dahil nga sa sumama ako sa taong hindi ko pa kalubos na kilala.

Aba, ngayon ka pa nahiya.

"Don't you think this is a good chance to know each other?" tanong niya na tipid ko lang nginitian. Not interested. 

Kibit-balikat akong sumandal saka ipinagkrus ang mga hita, "Beats me, sumama lang naman ako sa 'yo dahil libre mo kamo, eh." wika ko na nagpatawa sa kanya. Nag-order na siya ng ramen, may iba-ibang klase kasi no'n kaya mayro'n din silang inihandang menu sa bawat lamesa. Namili lang kami ng gusto namin saka umalis ang waiter.

Muli kong inilibot ang tingin sa paligid, medyo mainit dito pero maaamoy mo kaagad ang mabangong amoy ng noodles nila. Marami ring tao ngayon, ah?

Kaso ano ba 'tong nakikita ko? Karamihan sa kumakain dito ngayon ay 'yung mga kagagaling lang din sa work o kaya 'yung mga katatapos lang sa pag-gym.

Kakaibang feeling. 

May lumapit sa amin, "Uy, Jin! Kumusta? Sino 'yang kasama mo? Girlfriend mo?" tanong ng lalaki na literal na nakadikit ang kilay.

Walang gana ko siyang tiningnan. "Huh?" reaksiyon ko habang pilit na ikinakalma ang sarili na

Magkasama lang kami, hoy? Girlfriend kaagad? Mga tao talaga sa Pinas. Kahit saang lupalop ka pumunta, gagawan ka talaga ng issue.

Ya'people should know that hanging out with an opposite sex doesn't mean you're dating.  

"P're naman, hindi. Kaibigan ko lang." sagot ni Jin na medyo nahihiya pa. Tiningnan ko naman siya, namumula 'yong tainga niya.  

Umakbay sa kanya 'yong lalaking iyon at tinuro si Jin nang tingnan ako, "Miss, ayaw mo bang magpaligaw rito? Mabait naman siya, matalino at higit sa lahat, gwapo pa. Basketball player din siya sa E.U."

Tumaas ang dalawa kong kilay. Basketball player? Ba't hindi ko yata siya nakikitang mag practice kapag naglalaro sila Reed?

Tiningnan ko ang kaliwang kamay na nakapatong sa lamesa't iniipit ang hibla ng buhok sa aking tainga, "No, thank you. Hindi ako interesado sa face value." sagot ko at umiwas ng tingin.

Nakita ko naman ang pagpaltok ni Jin sa lalaking iyon, "Kung anu-ano sinasabi mong gag* ka!" narinig kong pag-uusap nilang dalawa na hinayaan ko lang. Hinintay ko na lang 'yong in-order naming ramen. 

Reed's Point of View 

Tinatabi ko na 'yong mga gamit kong hindi ko nagamit noong outreach habang hinihintay na mag hapunan, wala raw si Haley at lumabas daw sabi ni manang. Hindi pa nga siya nakakapagpahinga pero kung saan-saan na nagpupupunta. Saan kaya nagsususuot 'yon lalo na't palubog na ang araw?  

Pahagis ko munang inilagay ang nakatuping damit sa kama at lumabas ng kwarto. Hindi lang ako mapakali kaya hanapin ko muna, p'wede ko naman siyang I-text pero siya 'yung klase ng babae na hindi mahilig mag-reply. Kung magre-reply naman, sobrang late na.  

Kinakailangan mo pa siyang hanapin para lang masagot 'yung mga katanungan mo, kaya nga minsan naiinis ako sa babaeng 'yon, eh.

Bumaba ako ng hagdanan at nakasalubong si Kei noong papalabas na ako ng pintuan. "Sa'n ka pumunta?" tanong ko. Why is she wearing a dress? Isa pa 'to, nagpahinga ba siya? Ako lang yata 'yong naiwan sa kwarto, eh.

Umiwas siya ng tingin at yumuko, "Ah, sa--" tumabi kaming dalawa noong magbukas ang pinto. Pumasok do'n si Harvey na magkasalubong ang kilay. Nakaayos din siya ngayon at mukhang magkasama sila ni Kei. 

Binigyan ko siya ng nakakairitang tingin. "P're, naiintinidihan kita na natutuwa ka na naging kayo pero…" inakbayan ko si Kei at inilapit sa akin, "Huwag mo namang iuwi ng ganitong oras 'yung best friend ko." saway ko pero inirapan lang niya ako kasabay ang paglabas niya ng hininga.

"Bakit ako pinapagalitan mo? Eh, 'yang babaeng 'yan ang nagmatigas na lumabas kami at huwag munang umu--" tinusok ni Kei ng daliri niya ang pisnge ni Harvey dahilan para may tumulo nanamang dugo sa ilong niya.  

Ngumisi ako kaya tinaliman ako ng tingin ni Harvey na nagpupunas na ng dugo sa ilong. Inalis ko na nga ang pagkakaakbay kay Kei at kibit-balikat na hinayaan 'tong dalawa para hanapin si Haley. Bahala na muna sila diyan, papauwiin ko muna si Haley rito dahil isa pa iyon. 

Alam ba no'n iyong oras ng curfew niya? 

Pagkabukas ko pa lang ng pinto ay sumalubong na siya sa akin. Nabangga pa nga niya ako dahil masyado rin akong madikit sa pinto. As usual ay magkasalubong pa rin ang kilay niya, inangat niya ang tingin at tinulak ako, "Move." udyok niya pero siya na ang gumawa. Mataray itong nagmartsa pabalik sa kwarto niya habang nakasunod lang kami ng tingin.

"Ano'ng nangyari ro'n?" tanong ni Harvey na hindi ko lang inimikan.  

Haley's Point of View

Padabog kong binuksan ang pintuan na inis ko ring isinara, "What the hell is wrong with him?!" inis na inis kong tanong sa sarili at isinalampak ang sarili sa kama. Naalala ko 'yung ginawa ni Jin kanina sa harapan ng mga tao! How dare him?!  

Flashback 

Sa kalagitnaan ng pagkain naming dalawa ni Jin, may mga babae ang nagtititiliang pumasok sa Ramen store para pumunta sa harapan namin, laking gulat ko na nga lang din nang batuhin ako ng masasamang tingin ng mga iyon na nagpaurong sa akin.

"Sino itong kasama mo, Jin?!"

"Is she your girlfriend?!"

Kumurap kurap si Jin at napahawak sa batok, "P-paano kayo napunta rit--" dinuro ako ng babae na hindi ko kilala dahilan para uminit ang ulo ko. She's insulting me.

"Jin, lolokohin ka lang din ng babaeng 'yan!"

"Itsura pa lang, oh?!"

Napatingin naman ako sa mga nagsabi no'n na mahahalata sa mukha ko ang sobrang inis. Nanggagalaiti rin ang bagang ko dahil sa mga demonyong 'to. Now, I wish I was an octopus so I could slap eight people at once.  

Saka ako? Mukhang manloloko? 

Tumayo ako kaya tumahimik sila, magsasalita sana nang hilahin ako ni Jin at hawakan ang magkabilaan kong mukha. Nasa pagitan pa rin namin 'yung lamesa. "This person isn't like what you think, she's the girl who fell from the heaven, an angel who will make my heart skip a beat and love her." napanganga ako sa sinabi niya habang nanlumo naman ang mga babaeng nandito.

Pumalakpak ang mga customer sa store habang napasipol naman 'yong kaibigan ni Jin na nandoon lang pala sa likuran namin.

End of Flashback 

  Ginulo ko ang buhok ko at nagpagulong gulong sa kama, "Peste! Bakit nangyayari 'yong mga gano'n sa akin?!" nababaliw kong wika't tumigil sa kagugulong. Dumapa ako't tinakpan ang mukha.

Kailan nga ba 'to nagsimula? Ah, oo nga pala. Nangyayari rin itong mga ito dahil din sa Trinity4-- Teka, bakit parang sinisise ko sila?!

Ibinato ko ang unan at napasigaw. Siguro dahil sa frustrations or something?

Bumukas ang pinto kung saan lumuwa roon si Jasper, "Hale! You miss meh? May dala akong pasalubo--" binato ko sa mukha niya ang unan.

"Get out!"

Related Books

Popular novel hashtag