"Hello? Mark? napatawag ka?
"Tinawagan ako ni ate Len, kanina at ang sabi iyak ka daw ng iyak sabi daw ni Nanay Fe. Ano ba ang nangyayari sayo, big eye? (Big eye ang tawag ni Mark sa kanya nung kabataan pa nila, dahil malaki ang mga mata ni Xnne pero maganda ito sa kanyang maliit na mukha at medyo katangusan na ilong. mayron pang isang maliit na nunal sa gilid ng kanyang kaliwang mata na nagdagdag ganda sa kanya.
Napa nguso si Xnne pagkarinig ng big eye ni Mark, ayaw niya kasi tinatawag sya ng big eye. Pero dahil galing naman ito sa bestfriend niya tanggap naman niya ito.
"Ahh, wala yun kulot! wag kana mag alala dyan" kulot naman ang tawag niya kay Mark kasi kulot talaga ang buhok nito. Matangkad lang ito kunti sa kanya at maganda din ang pangangatawan, gwapo si Mark pero mahina sa babae. Napagkakamalan tuloy itong bakla.
"Uuwi pala ako sa tuesday, sundoin mo ako sa Airport, mga 9am ha!" sabi nito.
"Sa tuesday? ohh sige, etext mo lang ako pag dating mo". sabi ni Xnne. "Ohh sige, sa tuesday nalang, bye!" sabay baba ni Mark.
Opisina ni Dan:
"Ohh, Frans? napatawag ka?." tanong ni Dan na mayhawak na newspaper sa kabilang kamay.
"Babalik na ako sa Pilipinas sa tuesday, pwde mo ba ako masundo sa Airport? ehh wala kasi ang driver ko eh, may emergency daw sa province nila, at hindi niya din napaghandaan ang pag-uwi ko sa tuesday" sabi ni franz sa kabilang linya.
Nag-isip muna si Dan "mhh sandali, tatawagan kita pag gusto ko na sundoin kita". ngisi nito. "Sige bye!" sabay baba ni Dan sa cellphone.
Mag aalas tres na ng hapon, tiningnan ni Dan ang kanyang orasan. "Himala hindi pa tumatawag si Xnne " sa isip ni Dan.
2pm palang kasi tumatawag na ito pag break time ni Xnne sa trabaho. "Ayy, oo nga pala, hindi pa niya alam na nakabalik na ako". kinuha ni Dan ang cellphone na nakalagay sa kanyang table, at idinial ang number ni Xnne.
"Hello Hon? andito na ako sa opisina, tinawagan kita kanina pag dating ko sa Airport, hindi ko makontak number mo".
"Ahh ganon buh?" ang tanging nasambit ni Xnne, pero kabang kaba na sya, marinig niya lang ang boses ni Dan, di na mapakali ang puso niya. Tila bagang nalimutan niya ang nangyaring hindi pag communicate nito nung nasa China pa ito.
"Susundoin kita mamaya, Hon." ok? sige bye!"
Natulala si Xnne, hindi sya makagalaw sa kina uupoan niya. Tinapik siya ni Marty. "Hoy! ano nangyari sayo at di kana makagalaw dyan?!"
"Magkikita na kami ni Dan, Mart". na may kasamang pagakasabik at naluluha niyang nasabi.
"Ano? magkikita kayo? tapos para ka nang praning diyan! OA, mo ha!, diba, dapat galit ka sa kanya, diba nga ilang araw siya sa China na hindi man lang siya nangumusta sayo?".
"Hinda na importante yun Mart, ang ngayon ang importante magkikita na kami ulit." idinilat niya ang mga mata nito na excited na parang nakakita ng paboritong candy.
"Ayy! ewan ko sayo Xnne, niloloko mulang sarili mo. Sa huli iiyak ka nanaman! period!" Sabay alis sa harapan ni Xnne, bumalik na siya sa kanyang pwesto, at nagsisimula ng nagbibilang ng pera.
Makalipas ang ilang sandali, panay na ang pasulyap sulyap ni Xnne sa orasan na nasa harapan niya. Malapit na mag 7pm, makakalabas na rin sya sa kanilang opisina.
"Ohh 7pm na, ano pa antay mo dyan?". sabi ni Marty na natatawa sa itsura ng kaibigan niya. Dahil kanina pa ito sa salamin. Hindi alam kung ilulugay ba ang buhok o itatali.
Sabay silang lumabas ni Marty sa opisina nila.
"Xnne mauna na ako ha, regards mo nalang ako ky Dan". sabi ni Marty at umalis na ito. Naiwan sa harapan ng bank si Xnne, Wala pa si Dan.
Nag antay pa siya ng mga 20 minutes. At nakita na niya ang sasakyan ni Dan na papalapit na sa kanya.
inopen ni Dan ang bintana ng sasakyan at kinawayan si Xnne, "Halika na Hon? pasok na." ang sabi ni Dan.
Sumunod na man si Xnne, pagpasok niya sa kotse, hinalikan sya ni Dan sa pisngi "Namiss kita hon" na naka ngisi.