Chereads / This thing called 'feelings' / Chapter 1 - Prologue

This thing called 'feelings'

Hitela
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 11.5k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Prologue

Masayang sinalubong ni Desmont ang kasintahan sa tapat ng isang Fastfood chain sa isang mall sa Ortigas, kakalabas lang niya sa klase ng magtext ito sa kanya na magkita daw sila sa nasabing lugar. Isa siyang Graduating BS Civil Engineering student sa UP Diliman. Pagpasok pa lamang niya sa lugar ay naaninag na niya ang dalaga. Sa dulong table ito nakaupo habang malayo ang tingin, napansin niyang may kakaiba dito ngunit ipinagsawalang bahala na lamang niya ang napansin sa aura nito.

"Hi babe, so what's the problem?" aniya sa girlfriend habang siya ay humalik sa pisngi nito, inilayo ng dalaga ang pisngi nito sa kanya.

Tinitigan lamang siya nito, kaya lalo siyang nagkakahinala sa mga nangyayari. They've been together for five years at sa loob ng limang taon na iyon ay subok na sila, ilang beses narin kase silang nagbreak at nagkabalikan din naman sa dulo, at sa twing nagbebreak sila siya na ang unang nanunuyo dito kahit na alam niyang minsan ay wala naman siyang ginawang mali kung bakit ito nagagalit. Ganun nga siguro ang pagmamahal sabi niya sa kanyang sarili. Ngunit ngayon hindi niya mahulaan ang iniisip nito.

"Tell me please, Ano nanaman ba ang problema natin ngayon?"- panunuyo niya kay Mia habang pilit na hinahawakan ang mga kamay nito.

"Desmont... Ayoko na"- Mapaklang tugon nito sa kanya.

Tumingin muna siya sa paligid. Nagiisip nang pwedeng sabihin sa kasintahan. Maaring noon ay nagkakaroon sila ng mga ganitong pagkakataon pero ito ang pinakamalala sa lahat.

"Why Mia? Anong problema?" maririnig ang panginginig ng boses sa binata, naiiyak na siya. Mahal na mahal niya ang dalaga, kung maaring siya ulit ang manuyo at kung kailngan gumawa ulit ng paraan para mapasaya ito ay gagawin niya wag lang siya iwan nito.

"Didn't you hear me? Ayoko na nga. Hindi na kita mahal and for petesake Desmont let me go this time." Pasigaw na sabi nito sa kanya. Nakatitig na sa kanila ang mga tao sa Fastfood na iyon maging ang mga crew ay nais na silang lapitan.

"No..."

mariin niyang sabi sa dalaga. Mahal na mahal niya ito, mga bata palang sila ay may natatanging pagibig na siya rito. Hindi niya kakayanin kung mawawala ito sa kanya.

".... Please Mia ayusin natin to. Kaya lang naman tayo nagkakaganito dahil hindi tayo nagkakaroon ng maayos na usapan at lagi tayong nag-aaway." Tinitigan niya ang dalaga ngunit bakas sa mukha nito ang matinding galit sa pagmamakaawa niya. Siguro ganon magmahal, nagiging martyr ka na para sa isang tao.

"No, With or without your permission. Break na tayo, matagal na kong walang nararamdaman para sayo, and the only reason why I'm stuck with you is because of our friendship, may mahal na kong iba Desmont actually 6 months na kami. Let me go."

Galit na paninisi ng dalaga, sabay alis. Iniwan siyang magisa nito sa harap ng maraming tao. Gusto niyang umiiyak nang mga oras na iyon ngunit walang lumalabas na luha sa kaniyang mga mata.

Ilang bote ng alak ang kanyang naubos ng gabing iyon. Hinihintay niya ang paguwi ng dalaga sa bahay nito. Habang siya naman ay nasa loob ng kanyang kotse habang nasa tapat ng bahay nito. Pipilitin niyang makipagbalikan sa kanya si Mia. Pagkatapos ng paguusap nila kanina ay hindi na niya napigilang uminom. Sabagay, gusto rin naman niya iyon dahil mas nakakapagsalita siya ng maayos paglasing siya.

Ilang minuto rin ang nakalipas ay naaninag niya ang paparating na kotse. Hindi naman ito ang itsura ng kotse ni Mia sa isip isip niya. Tumigil ito sa tapat ng bahay ng dalaga. Nagtataka siya kung bakit ito tumigil doon, Siguro'y kotse ito ng pinsan niyang si Alex kumbinsi niya sa sarili. Ngunit laking gulat niya ng may lumabas na lalaki sa driver's seat at ng buksan ang passenger seat nito ay lumabas ang dalaga. Sa sobrang tindi ng galit niya ay nabasag ang bote ng beer na hawak niya. Naramdaman niya ang mga piraso ng bubog na humihiwa sa kanyang kamay ngunit mas nararamdaman niya ang sakit na ginawa ng dalaga sa kanya.

Kanina palang sila nagbreak ay kasama na agad nito ang lalaki nito. Naalala niya ang sinabi kanina ng dalaga na anim na buwan na sila nito. All this time pala habang sila ay may iba na ito. It all made sense sabi ng kanyang isip.

Walang alinlangan siyang lumabas sa kanyang kotse, hindi na niya napigilang umiiyak habang papalapit sa dalawa. Naguusap ang dalawa, nakatalikod ang lalaki sa dereksyon niya, Gusto niyang makita ang mukha ng lalaking ipinalit nito sa kanya. Naramdaman siguro ng mga ito ang kanyang presensya. Biglang lumingon ang mga ito sa kanya.

Hindi niya inaasahan ang kanyang nakita.

"Kuya Andy?" pabulong na sabi niya. Sa lahat ng joke na pwedeng mangyari sa buhay niya ito ang pinaka masamang biro.

Ang lalaking ipinalit ni Mia sa kanya ay ang sarili niya pang kapatid.

Blangkong tingin lamang ang ibinigay ng kuya niya sa kanya, habang si Mia ay pagalit na lumapit sa kanya.

"What the hell is your problem? Ano sa salitang break na tayo ang hindi mo maintindihan? Go home Desmont." Sabay hawak nito sa kamay ng kanyang kuya.

"Tell me that this is a joke kuya, For petesake bakit? " pasigaw niyang sabi habang hawak ang kwelyo ng sleeves ng kapatid.

"I love her, At wag mo ko tawaging kuya. Dahil hindi kita kapatid at hindi kita ituturing na kapatid.Anong pakiramdam na ikaw ang mawalan? Masarap ba? Ikaw ang dahilan kung bakit sira ang pamilya namin. At lagi mong tatandaan na Anak ka lang sa labas hindi na magbabago yun." Sabay tulak sa kanya nito.

Hindi na siya nakapagpigil at sinuntok na niya ito.

Nandilim ang paningin niya. Niloko siya ng babaeng pinakamamahal niya at ngayon pati ang tinuturing niyang kapatid. Sa umpisa palang pala hindi siya tinuring na kapatid nito at ginawa lang nitong isang palabas ang pakikitungo nito sa kanya. Binigyan niya ng isang malakas na suntok ang kapatid na naging dahilan ng paghiga nito sa lupa. Agad naman itong nilapitan ng dalaga.

"Umalis ka na dito. Wala kang kwenta. How dare you to do this to him." Sabay sigaw nito sa mga katulong nito sa loob ng bahay.

Lumakad siya pabalik sa kanyang kotse. Unti- unti niyang naramdaman ang likido sa kanyang mga mata. Hindi siya makapaniwala. Mabilis niyang pinatakbo ang kanyang sasakyan.

"Wala ng makakagawa sakin ng ganito. Wala!"