Chereads / This thing called 'feelings' / Chapter 2 - Chapter 1

Chapter 2 - Chapter 1

3 years later...

Hindi na mapakali si Kleio sa kanyang kinauupuan, 30 minutes nalang kase at mag-eexam na sila pero ngayon palang siya nagrereview.

Ito ang tinatawag na manalig tayo sa Stock Knowledge?! FIGHT KLEIO kaya mo yan. Pagpapalakas niya sa sarili niya.

"Hoy! Anong ginagawa mo? Konti nalang kamukha mo na yang papel" Saad ng bestfriend niyang si Zenia.

"Gumagawa ng Last will." Pabirong sabi niya habang nakatutok parin ang mga mata sa reviewer na hiniram niya sa katabi niya.

"Anong balak mong gawin sa buhay mo Kleio? Last minute talaga magreview? Si Harry Potter nga hindi kaya yan ikaw pa kaya!"Pang-aalaska nito sa kanya. Kahit kailan talaga, napaka negatibo nito sa mga bagay na ginagawa niya. Sabagay, sino nga namang tao ang magrereview palang 30 minutes bago ang Exam. Edi siya! yun kase siya. Sabi nga ng iba yun daw ang birth mark niya. Isa daw siyang kakaibang babae . Literal nga lang.

"Salamat ha! Pinalakas mo ang loob ko" may pangiinis na sabi niya.

Isa siyang Architecture student, nasa ika-apat na taon na siya. Isang taon nalang at gagraduate na siya pero heto lang ang ginagawa niya sa buhay niya. Pa-easy easy lang. Hindi naman daw, sabi nga niya sa bestfriend niya.

Sa totoo M.W.F at T.TH.S ang estado niya sa pag-aaral. Seryoso, Hindi, Seryoso, Hindi....

At nasa estado siya ngayon ng Hindi.

Hindi naman siya mahina sa pagaaral nasa average naman daw sabi ng mga professor niya mas nananaig lang kase sa kanya ang katamaran. Pero si Zenia bata palang sila ay genius na ito. Hindi na niya kailangan magdala ng Dictionary dahil ito na ang dictionary niya. Bukod pa kase sa Genius ito ay isa ito sa hinahangaan ng mga lalaki sa campus nila. Samantalang siya mas lalaki pa sa lalaki. In other words sounds like tomboy lang daw. Puro lalaki kase ang kapatid niya at sa kasamaang palad siya ang bunso. Kaya namana niya ang pagkatigasin ng mga ito. Pero kung aalisin ang parteng ito sa kanya. Mas maganda pa siya sa kaibigan nitong si Zenia.

Nakakabente minuto palang siya sa pagrereview ay dumating na ang kanilang professor.

"Asan ang hustisya sa 30 minutes? May 10 minutes pa ko eh!" Pagwawala ng kanyang utak.

"Best..." sabay tapik sa kanya ni Zenia na nasa likuran niya nakaupo.

Alam na niya ang ibig sabihin nito. Alam na niyang condolence sa grades ang drama niya pagkatapos ng exam. Napahawak nalang si Kleio sa kanyang ulo.

"Sa susunod nga 1 hour before the exam na ako magrereview para kahit mawala yung 10 minutes may 30 minutes pa kong extra and the rest is borlog bwahahaha"

Hindi niya alam kung saan siya nakkakuha ng lakas ng loob para magpa-easy easy lang sa grades. Ang Motto niya kase sa course niya ay "Numbers are just numbers, wag hayaang diktahan ng mga ito ang buhay mo,"

Siguro nga medyo malakas ang loob niya at hindi niya naisip na numbers ang pinakamahalaga sa kurso na kinuha niya.

--------------

"You're hired Mr. Andrada, We're looking forward for your long stay here in our university."

"Thank you Ma'am. I'll do my best for your students." Tugon ni Desmont sa magandang balita ng President ng University ng pinag-applyan niya.

Hindi niya inakalang matatanggap siya ng oras din na yon. Sa pagkakaalam niya kase it take months bago makuha ang mga nagaapply dito at hindi pa natatapos sa ganoon lang dahil sa loob ng isang buwan, dadaan pa sa training at titignan ang social skills ng mga nagnanais magturo sa Prestihiyosong Universidad na ito.

Pero dahil nagtapos siya sa UP sa edad lamang na dise-otso. At siya ang may pinakamataas na karangalan. Kumuha din siya ng Masteral Degree sa HarvardUniversity. Nagpapatakbo ng ilan sa mga pinakamauunlad na Firm sa Pilipinas. At sa edad lamang na 24 ay masasabing isa na siyang Propesyonal sa napiling larangan. Siya na ngayon si Architect Desmont Andrada. Maaga mang naulila sa ina at wala man siyang gaanong kaibigan napatunayan niyang kaya niyang buhayin ang sarili. Bago kase mamatay ang ina niya ay iniwan na sila ng ama na noon pala ay may tunay na pamilya. Marami na siyang napatunayan sa buhay niya.

At ngayon nga ay gusto niyang magturo sa paaaralang yon. Gagawin niya itong Past time, kung ang iba ang past time ay mamasyal at gumastos ng malaki, siya mas piniling magturo dahil hindi niya kayang nasa loob lamang ng isang araw ay wala siyang ginagawa. Siya ang depinisyon ng Workaholic ika nga ng malapit na kaibigang si Bernard. Ito ang VP ng kanyang kompanya at kaibigan simula noong kolehiyo.

"So Mr. Andrada ikaw ang papalit sa isa naming professor na aalis. He teaches Calculus then. Congratulations again" isang matamis na ngiti ang ibinigay niya rito bago kunin ang folder na hawak nito. Ito siguro ang schedule at detalye ng mga estudyante niya.

"So let's get this work started."

Nakasubsob ang mukhang nanggagalaiti si Kleio. Mas matindi ang inis na nararamdaman niya kesa sa nakuha niyang score sa midterm exam. Nalaman kase niyang hindi na magtuturo ang paborito niyang professor sa school nila. Pakiramdam niya tuloy ay ayaw na niyang pumasok sa university nila. Masyado kase silang close ng Prof niyang iyon, ito kase ang totoong nakakaintindi sa kaniya, ito ang kuya niya sa school. Ito ang dumadamay sa kanya kapag lagi siyang inaaway ng mga kuya niya, kapag pinapagalitan siya ng parents niya at ang nagpapakalma sa kanya pag nadedepress siya sa kursong kinuha niya.

Sa dinami-rami ng mga aalis bakit si Sir Felipe pa?Grabe naman. Giit ng kanyang utak.

"Stop that Kleio! Ang dami nang nakatitig satin. Nasa canteen tayo." Sabi ng bestfriend niyang si Zenia na halos magtakip na ng mukha sa hiya dahil sa dami ng nakatitig sa kanila.

Ang totoo nalimutan niyang nasa canteen pala sila. Agad siyang umaayos sa pagkakaupo at halos isang sipsipang inubos ang chuckie sa kanan niyang kamay.

"Ay, oo nga pala sorry nalimutan ko." Halos walang gana niyang tugon kay Zenia. Kung hindi niya lang kaibigan ito baka iniwan na siya nito, pero masuwerte siya at para itong glue sa kanya. Halos buong buhay kase nila magkasama na sila. Daig pa nila ang magkapatid.

"Mamaya kausapin natin si Sir Fel." Nakabusangot na sambit nito. Nagulat siya sa mga biglang nagbulungan sa likuran nila.

"Pre, nakita mo ba yun? Grabe sobrang ganda niya parin kahit ..."Bulong ng lalaking parang nakuryente ang buhok sa katabi nito.

Ah, sa isip isip niya. Ito ang ilan sa mga lalaking nagkakandarapa sa bestfriend niya. Bigla siyang nakaisip ng kapilyahan sa utak. Siguro naman matutuwa si Zenia kapag tinulungan niya itong mapalayo ang ilan sa mga stalkers nito.

Tinitigan niya muna ang walang kamalay malay na kaibigan at...

Prrrrrrrrt.

"Zenia, did you just fart?" Panggigipit niya sa kaibigang halos gulat na gulat din sa kanyang ginawa.

Tinignan niya rin ang mga lalaking kanina'y pinaguusapan ang kaibigan pero pati ang mga ito ay gulat na gulat sa nangyare.

"KLEIO THERESE CASTROOOO?" Namumulang tili ng kaibigan niya. Alam na niya ang gagawin nito. Kilala kase ito bilang isang "maria clara" kaya wala talagang maniniwalang kaya nitong gawin iyon.

Sinimulan na niyang tumakbo. Alam niya kung paano magalit ang kaibigan. Kaya tumakbo siya papunta sa building nila. Malapit kase ang canteen doon kaya mas madali siyang makakapagtago. Papasok na sana siya sa isa sa mga classroom ng biglang makita niya si Sir Felipe na pabalik naman sa office nito na may dala-dalang isang malaking kahon, Marahil siguro ay naghahakot na ito ng gamit. Tumakbo siya papunta sa office nito. At nakita niyang nag-aayos na nga ito ng gamit.

Nakaupo si Desmont sa waiting area ng kanyang magiging opisina. Bagamat nandoon pa ang papalitan niyang guro ay pinapasok narin siya nito doon upang makita ang loob ng kwarto. Kaidaran lamang niya ito, alam narin niya ang dahilan kung bakit ito aalis. Medyo mabigat ang dahilan ng pag-alis nito at base sa pagkekwento nito ay mahal nito ang pagtuturo.

"Salamat sa paghihintay pare," bungad nito habang may dalang kahon. Ilalapag na sana nito ang kahon sa table ng biglang pumasok ang isang babae, siguro isa ito sa mga estudyante nito. Pagalit na binuksan nito ang pintuan na naging dahilan ng pagyuko niya. Buti nalang at may bookshelf na nagsilbing harang sa waiting area at main table. Pakiramdam niya ay para siyang tanga doon na nakayuko pero there is something urging him to do it.

"SIR FEL?!" Sigaw ng dalaga kay Felipe. Nagulat siya sa ginawa nito sa prof nito.

Tumawa lang ito sa estudyante niya, habang ito naman ay nakasimangot na at para gusto nang magtantrums.

"Sir wag mo kaming iwan."Halos padabog na giit nito habang ang guro ay nagaayos parin ng gamit.

"You'll understand it someday Kleio," pag-aalo nito sabay ngiti sa dalaga.