Chapter 3
Nakatulala lang si Kleio habang nasa kalagitnaan ng paghihintay ng sundo niya. Uwian na at para sa kanya. Ito ang pinaka masayang nagawa ng pag-ring ng bell sa school nila twing hapon. Bakit kase ngayon niya lang narealize? Bakit hindi niya manlang naisip dati.
Ngayon, siya tuloy ang nasasaktan. At mukhang nagulat ang mga classmate niya sa pag-walk out niya kanina. Pagkatapos kase nitong magbigay ng clue na isang malaking revelation naman sa kanya ay hindi niya na napigilan ang sarili. Ayaw niyang umiyak sa harap ng mga ito. Para ano? Pagusapan siya? Kung bakit siya nag-walk out? No Way?! At alam niya sa sarili niyang hindi niya na kayang marinig ang boses ng sir Felipe niya. Masyadong masakit.
Ano ba yan Kleio. Bakit ka na-fall?! Sa T.V lang nangyayari ang ganito. So mag-aartista ka na? Ha? HAAAAA?
Pagmamaktol ng utak niya. Ang isang Kleio Therese Castro?! Impossible!!!
Hindi niya na napigilang panggigilan ang waiting shed. Sinipa sipa niya ang bakal sa gilid niya. Naiinis siya, inis na inis siya sa sarili niya.
ARRGGHHHHHH! Nakakainis ka Kleio. Youre so Pathetic. From all the people? Why did you pick him? patuloy parin siya sa pagsipa at pagsuntok sa bakal. Hanggang sa nauntog na siya. Napahawak nalang siya sa ulo niya. Umupo at nanahimik.
"Nakakapagod naman magwala, Hay nako. Asan na ba si kuya.Nagugutom na ako."
Tawa ng tawa si Desmont sa eksenang naabutan niya sa labas ng school. Pauwi na sana siya ng mapadaan sa isang waiting shed. He cant help it but to stop. Kanina- nina lang ay Tinititigan niya ang dalagang nakaupo sa waiting shed. Hanggang sa bigla nitong awayin ang bakal sa waiting shed. Hanggang hindi niya na napigilang matawa dahil sa pagkauntog nito. Mukhang badtrip na badtrip ito sa mundo pero hindi parin naaalis dito ang magandang mukha nito.
Curly hair ito at may one side bangs. Maputi, at ang tangkad ay mga nasa 52, Kissable lips, Medyo singkit ito at merong Chestnut brown na mga mata. And by the uniform she wears, isa itong estudyante sa unibersidad na pagtuturuan niya.
Hindi siguro nito napansin ang paghinto niya sa tapat mismo ng waiting shed. Nakatulala na naman kase ito.
Ano ba naman to hindi manlang magreact sa paghinto ko sa harap niya. Baka kung kidnapper lang ako nakidnap ko na ito.
Napatitig nalang ulit siya dito. This time nakatitig ito sa salamin ng kotse niya. He become conscious of her eye gaze. As if his windows are not tinted. Tumatagos kase ang titig nito sa kanya. Na parang siya ang tinititigan nito. Na parang walang nakapagitan sa kanilang bintana. He began to appreciate her angelic looks when someone starts honking in his car.
What now Desmont! For petesake shes just a student. Malay mo maging estudyante mo yan. Bigla siyang napaisip. Maging estudyante kaya niya ito?
Scratch it, Why do I care anyway.
Then he start his car. He never look back, not much.
"Kleio? What are you doing? Stop eating too much chocolates!" Pagalit na kinuha ng kuya Laurence niya ang bar ng chocolate na kinakain niya. Siguro masyado na itong naiinis na makita siyang simutin ang mga chocolates na laman ng ref. Kinain naman ng kuya niya ang inagaw nitong chocolate sa kanya.
"Kuya! That s mine." Pagwawala niya dito. Alam kase ng mga kuya niya na sa twing nauubos ang chocolates sa ref ay nagdedeklara siya ng stress eating. Kapag ganito siya ay wala talagang nakakapigil sa kaniya. Kahit anong awat ng mga ito sa kanya, ang mga ito rin ang unang sumusuko.
"Saan ka na naman ba stress? I told you kapag stress ka magyoga ka. Dahil hindi tatalab sayo ang magic ng chocolates at ang sinasabi nilang gamot ang chocolates sa mga stress na tao."
Saad nito habang subo subo ang chocolate at naglalaro ng video games.
"Salamat kuya, Natulungan mo nga ako." Bakas ang pangiinis sa boses niya. Hindi na ito sumagot pa at tumutok nalang sa nilalaro nito. Nakaramdam siya bigla ng boredom. Kaya nakisali nalang siya dito maglaro. Ito ang pass time nilang magkakapatid ang maglaro ng kung ano anong video games at board games.
"Kuya, Nasaan sina mama at papa?" Tanong niya rito habang naglalaro sila ng Tekken.
"Nasa Office pa. Mamaya pa daw sila makakauwi. Pinapasabi nga pala sayo na next Friday pupunta tayo sa Tagaytay." Saad nito.
Okay. Simpleng sagot lang niya rito.
"Kuya.... nainlove ka na ba?" Walang buhay niyang tanong dito. Halatang halata sa mukha nito ang pagkagulat. Sa reaksyon palang nito ay hindi na siya magtataka. His sister is not young anymore, She thought.
Never in her Entire life she ask something about love. But now she just want to know. She want to know if its right to feel that way.
"WHAT? WHY? ARE YOU PREGNANT?" nanlaki ang mata nito. At halos mapatawa siya sa reaksyon nito. Minsan lang niya itong makitang magreact ng ganoon. And she know and feel that her brothers love her so much when they react that way.
"Nope, kuya are you serious? Im just 18. And for your information Id rather die as a nun." Tinitigan lang siya nito. Alam niyang hindi niya ito makukumbinsi. And she knows that shes doomed.
"KUYA JONAS! KUYA ZACH! You need to hear this," pagtawag nito sa mga kapatid na nasa kusina naman at kumakain. Mabilis na nagsipuntahan ang dalawa. Hawak hawak pa ang plato at kutsara. Iba talaga ang pakiramdam na bunso ka. At puro lalaki ang mga kapatid mo. Sa isip isip niya.
"Kuya Zach, Shes in love!" Deklara nang kuya Laurence niya sa panganay na kapatid.
Para namang sasabak sa gyera ang mukha ng kuya Zach at kuya Jonas niya. Seryoso ang mga ito na parang nanguusig. Kahit patuloy ang mga ito sa pagsubo ng mga kinakain ng mga ito. Siya naman ay parang natuod dahil sa sobrang pagtitig ng mga ito sa kanya.
"Nagtatanong lang ako. Im not in love for pete sake. Its because of Zenia. Shes in love" Tinitigan lang siya ng mga ito.
Narinig niya ang pagdating ng kotse ng magulang nila. Akmang tatayo na siya ng biglang tumakbo ang mga kapatid niya sa dereksyon ng magulang nila. Sumunod na rin siya ng takbo.
"Mama! Papa!" sigaw ng mga ito. Ganito talaga silang apat. Para silang mga sira pag magkakasama. Lagi nga siya ang dehado sa mga ito. Pero dahil Daddys girl siya minsan ay napapagalitan ang mga ito pag iniinis siya.
"Mama, papa Kleio is in love!" Her brothers announce in unison. Kahit anong gawin niyang pagpapractice ng pagtakbo mas magaling talaga ang mga ito. Nang marinig ito ng mga magulang nila ay bakas din sa mukha ng mga ito ang pagkabigla. Her Dads jaw drops. While her mom looks so excited for her.
Does anyone wants to hear my side?
Okay! Im really doomed.