•Shienny Golden's POV•
Naalimpungatan ako sa pagkakatulog. Magiinat sana ako ng maramdamang nakaupo ako sa silya, at nakatali ang kamay at paa ko.
Hindi muna ako dumilat at nakiramdam sa paligid.
"Bakit ba ang tagal niyang magising!? Ha!?" Nagpanggap muna akong tulog para marinig ang paguusap nila.
"Pre, hintayin mo si boss. Bawal yang galawin" napahinto ako sa pagiisip at nanigas ang katawan ko sa narinig.
"Takam na takam na ako. Sobrang kinis niya." Isang nakakakilabot na panget ang nagsalita. Pakiramdam ko ay sa mga salitaan niyang basura ay basura din ang mukha niya.
Ilang minuto din akong nagpanggap na tulog bago ulit makarinig ng salita. Alam kong leader na nila ang kausap nila.
Napahiyaw ako ng maramdamang may bumuhos na tubig saakin. Omygosh! This is horrible! What the hell!
"WHAT THE HELL IS YOUR SUPER DUPER ULTRA MEGA PROBLEM AIR HEADS!!" Umikot ang mata ko. Nakakabadtrip ang pagmumukha nila. Parang mga pinaghalong majinbu at kokay.
"HAHAHAHAHA! Air head ka daw!" Nagtawanan silang lahat sa sinabi ng leader nila? Whats funny idiots!?
"Ano ba yung air head boss?" Isa isa namang lumapit yung mga kasamahan niya papunta sakanya.
"Ewan ko" akala ko ay masasabi niya ang tamang sagot. Tss..idiot. Umikot ulit ang mata ko. Tss.
" Hintayin nating dumating si David at Brixx" napalingon agad ako ng banggitin niya ang pangalan ng dalawa. Walang sinabi sakin si kuya tungkol dito.
"Pag hindi sila dumating. Saamin ka." Nangilabot ang buong katawan ko ng marinig yun. Pag may nangyaring masama sa kapatid ko, kulungan ang bagsak ninyo.
"Fuck you dude." Napalingon sakin lahat ang mga tao sa loob ng abandonadong kwarto. I may not know martial arts but I know how to fight when it comes to my brother.
"Wait!? Nabingi lang ba ako? O talagang sinabi mo ang salitang fuck you? Ang tapang mo, ilabas natin yang tapang mo mamaya. Okay?" Pumiglas ako ng pumiglas sa upuan pero napakatalino naman ng nagtali sakin at hindi ko matanggal. Ang bobo, taena.
Isa isa na silang umalis hanggang sa wala nang natira sa kwarto. This sucks, ambaho ng amay, may mga alikabok, at ang gulo ng buong kwarto. Ni hindi nga ako makakita ng pantanggal sa tali.
Napabuntong hininga nalang ako ng walang maisip na paraan. Sana hindi ka pumunta kuya. Kailangan ka nila. Hindi mo ko dapat protektahan?
Ilang minuto ang naging pag iisip ko bago marinig ang malalim na boses ng isang lalake na mula sa labas ng kwarto. Tahimik akong nakinig sa usapan nila. I bet its all about my brother.
"Boss, nandiyan na sila." Agad akong nanlumo sa narinig ko. Isang malaking problema ang pinasok mo kuya. Masiyadong komplikado ang lahat na kahit ako ay walang maintindihan.
Hindi ko alam kung bakit kilala nila ang kuya ko, hindi ko alam kung bakit kilala din nila si Brixx. Hindi ko alam at wala akong maintindihan.
Maya maya lang ay nakita ko nang bumukas ang pinto. Kita ko ang mga lalaki na naunang pumasok kesa sa leader nila. I shouln't be afraid pero hindi ko maiwasang matakot lalo na kung madadamay ang kapatid ko.
" Ibigay mo siya samin" napalingon ako sa taong huling pumasok. Nagulata ako ng makita si Brixx at ang mga kagrupo niya. Kitang kita ko rin si kuya kasama sila Grey, Chill, Weever, Stray, Art at si Wart.
"Ohh, easy. Siyampre may kondisyon yan. Ibigay mo samin ang pwesto niyong dalawa at ibibigay namin siya sainyo"
"Gago kaba? Tanga? Bobo?" Napahinto ang lahat ng magsalita si Brixx. Dahil kahit anong sabihib niya ay maypagka bossy ang boses niya. And damn it. I hate it.
"So its final. Amin ang babae sainyo ang pwesto niyo" marahan akong napapikit ng haplusin ng mukhang kokay na majinbu ang buhok ko.
"Just leave kuya. I'm fine" Hindi na sana ako magsasalita pero nakita ko ang galit sa mata ng kapatid ko.
"Shienny!? Tanga kaba? Nagpunta ako dito para kunin ka hindi para ipamigay!" Muli akong napapikit sa bulyaw ng kapatid ko sakin. I know it will happen. Pagkamulat ay nakita kong kinakausap ni Art si kuya at pinapakalma.
Kalmado lang si Brixx na nakatayo at nakapamulsa sa harap. May nakasalpak pang sigarilyo sa bibig niya at bumubuga siya ng napakadaming usok. Ugh. I hate him! Masama yan!
"Beat us, if you can then fine she's all yours. But if you can't I'll beat you" mabilis na tinanggal ni Brixx yung sigarilyo sa bibig niya at tinapon nalang sa ere ang natira.
"Game" kita ko ang mataba na naglabas ng baseball bat galing sa gilid. Agad akong napatingin kila kuya peto kalmado lang sila at matalim ang tingin sa kalaban.
"There's no rules I guessed." Pagkasabi ng isang gunggong na kalaban sa gilid ay agad ding nagsimula ang laban. Maya maya lang ay may nagtanggal ng tali sa kamay ko.
Magtthank you sana ako ng makitang kamukha ni Hawk ang katawan niya.
"Sumama ka sakin" nakaitim itong jacket at napakalaki ng katawan. Punyeta para siyang bouncer sa bar!
"Kuya, alam kong alam mo din na maganda ako at halata namang magaling at makembot akong sumayaw pero ayoko pong magtrabaho sa bar" napasigaw ako ng bigla niya akong itulak ng napakalakas na mismong ulo ko ang tumama sa semento.
"AHHH!" Napahiyaw ako sa sakit ng maramdaman ang tumulong dugo sa ulo ko. Kung hindi lang mukhang hawk ang katawan niya ay natadyakan kona siya. Kung kasize ka lang ba naman ng pokemon edi sana nakatakas nako.
"KUYAAAAA!!!!" Sumigaw ako ng napakalas para marinig ako ni kuya. Ako yung pokemon at siya si Hawk, hindi ko siya kaya.
Bumilis ang tibok ng puso ko ng may humila na naman sa kamay ko. Akala ko ay si Taguro na ang lalabas, at alam ko din na si Maxpein Zin Del Valle Moon ang pumasok sa isip niyo pero hindi! Si taguro talaga na malaki ang katawan.
Napatingin ako kay Brixx na inilalagay ako sa likod niya at hinaharang ang kamay niya. Aaminin ko, natatakot ako na kapag may nangyaring masama sakila ay magbabayad ako, duh wala na nga akong pero dahil na kay kuya lahat ng credit card ko.
"Just stay at my back. Okay?" Tumango ako sakanya pero nalalaki talaga ang mata ko ng maglabas siya ng baril at paputukan ang lalaki. Magtatakit sana ako ng tenga pero napansin kong wala namang tunog ang baril.
Nilingon ko si kuya na abala parin sa pakikipaglaban. Tatakbo na sana ako ng hilahin ni Brixx ang kamay ko at hilahin ako palabas ng kwarto.
"Babalik ako!" Aalis na sana ako kaso hindi niya binibitawan ang kamay ko na para bang ayaw niya akong umalis.
"No, stay here." Sa inis ko sakanya ay tinuhod ko ang tiyan niya para mabitawan niya ng kamay ko pero mali ata ang naging desisyon ko dahil ako ang napahamak.
Namalayan ko nalang na nasa likod ko siya at nakaambang sasakalin ako gamit ang isang kamay.
Damn it. Naalala ko nanaman. Bakit kailangang ngayon? Bumigat ang pakiramdam ko at feeling ko ay tatrangkasuhin ako. Pansin ko ang pagpatak ng mga likido sa mata ko. Hanggang sa tuloy tuloy na ito at ayaw ng tumigil.
Binitawan naman na ako ni Brixx at pinagmasdan ang masalimoot na pagiyak ko.
Parang tumigil ang mundo ko at bumagal ng hilahin niya ang isang kamay ko at yakapin ako.
Pakiramdam ko ay ligtas na ligtas ako sa yakap niya.