Chereads / SnowFall in Her Eyes / Chapter 6 - Chapter 5

Chapter 6 - Chapter 5

•David Vielle's POV•

Kita ko ang pagkatumba ng kapatid ko. Hahawakan ko sana siya ng makita kong mabilis na hinawakan ni Brixx ang braso ng kapatid ko at isinandal sa katawan niya.

"Nasan ba kasi yung punyetang sasakyan nayan!?" Galit na ang mukha ni Grey dahil namumula na ito.

"Ako na pre" napansin kong kinukuha ni Art si Shienny kay Brixx. Mokong hindi nagpatinag at tinignan lang si Art sabay tingin sa ibang direksyon

"Akin na sabe di--" agad kong pinutol ang sasabihin ni Art dahil alam kong magsisimula nanaman siya ng away. Troublemaker talaga ang gagong yan.

"Hep! Chill ikaw magbitbit kay Shienny" naglakad papunta kay Brixx si Chill. Kukunin na sana niya si Shienny ng buhatin bigla ni Brixx si Shienny. Ha!? Walang paalam!? Ako yung kapatid diba!?

"Hoy! Ako yung kapatid diba!!" Binulyawan ko pa si Brixx na dere-deretso lang ang tingin at deretsong naglalakad papuntang kotse. He's really weird.

"Gago ampota" napatawa nalang ako ng bumulong si Art sa likod. Tss, di lang nabuhat si Shienny akala ikakamatay niya.

Nagsimula narin kaming maglakad papuntang sasakyan. Isang van lang ang gamit namin dahil hindi naman kami ganon karami.

Ewan ko ba kung sino yung magdadrive. X ata? Anong klaseng pangalan yun ambaduy. Isang letter lang.

Sa harap ako umupo dahil alam kong hindi ako makakapagpahinga kung duon ako sa likod. Magiingay lang sila at mang gugulo.

Nakita kong unang pumasok si Brixx kasama si Shienny na hanggang ngayon e wala pang malay. I pity my sister, hindi dapat siya nakakaranas ng ganito.

Pinaupo ni Brixx si Shienny sa tabi niya. Sa pinakadulo niya inilagay si Shienny dahil magugulo ang mahimbing niyang tulog sa likot ng mga kagroupo ko at kagroupo ni Brixx.

Nagsimula nang magdrive yung may baduy na pangalan. Ewan di ako sanay na sabihin kaya yun nalang. Anyway wala namang may pake.

Sinilip ko muna ang kapatid ko bago matulog. Nakasandal siya sa balikat ni Brixx habang mahimbing ang tulog. Kung kanina ay wala akong makitang kakaiba ngayon ay meron na

May nakalagay ng jacket sa hita ng kapatid ko at galing kay Brixx yun dahil may Xx sa dulo.

Nang macheck ang kapatid ko ay mahimbing narin akong natulog. Wala na akong pake sa iba pagod na pagod nako.

•Shienny Golden''s POV•

Naalimpungatan ako na masakit ang ulo at katawan ko. Hindi ako makagalaw dahil parang may hallow blocks na nakalagay sa ulo ko. Hindi ko nga rin maidilat ang mga mata ko dahil sa sobrang pagod.

Lumindol ba at natamaan ako ng hallow blocks at natabunan ang ulo ko ha? Idinilat ko ang mata ko at napansing nasa Van ako kasama ang lahat. Nakahinto ang van sa gilid dahil nakikita ko ang kalsada sa kanan. Si X na nasa driver's seat at mahimbing na natutulog, si Kuya na nasa harap din at natutulog. At lahat ng nasa van ay tulog at pagod maliban saakin na gising ang diwa.

Agad kong napansin ang sinasabi kong hallow blocks kanina ay ulo pala ni Brixx. Napatingin ako sa mukha niya, napakasarap ng tulog niya at halatang galing sa pagod dahil gulo gulo pa ang buhok niya at malalim ang paghinga.

Nangangawit na ang leeg ko kaya ginising ko na siya. Ang sakit kaya. Duh baka stiff neck ang abutin ko.

"Semento? Palit tayo" dumilat naman siya dahil niyuyugyog ko din ang katawan niya.

"Hmm" sa halip na lumipat ay tinanggal niya lang ang ulo niya sa balikat at natulog muli. Makakatulog ba siya ng maayos diyan?

Kung ako yan e hindi ako makatulog diyan.

Pansin kong pagod ang lahat dahil sa nangyari. Pero natuon ang pansin ko kay Art na katabi ni Brixx.

Kung sa iba ay puro sa bibig lang ang tama nila sa muka kay Art ay meron sa noo. Ang alam ko ay may band aid akong extra. Kinalkal ko ang bulsa ng damit ko at ayun sa wakas ay nakita ko din.

Inilagay ko sa noo ni Art ang band aid. Kahit ganyan yang mokong nayan ay Bestfriend ko padin yan. Magkakilala na kami since Grade 4 kaya alam ko ang ugali niya at mga kalokohang ginawa niya.

Kung hindi lang komplikado ang lahat ay pwede akong maging ordinaryong tao lang. Sana pwede. Mas maganda atang mabuhay ng kumakain lang ng tatlong beses sa isang araw pero masaya ang buhay. I really want those.

Yung walang koneksiyon sa gobyerno yung hindi ko kailangang isipin lahat ng sasabihin ng tao sakin, yung may kalayaan ako sa mga ginagawa ko.

Napapikit ako at napaisip na hindi ko nga pala yun magagawa. Just accept the fact self. Nang muli kong idilat ang mata ko ay parang pagod na pagod na ito at wala nang gana pang dumilat.

Sana laging walang problema sa buhay no, yung tipong hindi ka mangangamba kung bakit sobrang saya mo. Yung hindi ka matatakot na maging masaya. Yung kaya mo lahat kahit sabihan ka ng iba ng masasakit na salita.

I want being that, pero hindi ko kaya. I ended up listening to other's voices than mine. Im in the top but it feels like to be below.

I have my own life but I cant have my freedom. Pangit ba pakinggan. Well thats the truth. Im not happy either. Isa isa ko nanamang naaalala lahat. Detalyadong detalyadong pumapasok sa isipan ko lahat ng pangyayari noon

"I have my own family but it feels like I dont." Bigkas ko sa hangin at muling pumikit.

-------

vote for faster updates!